Si Jermaine Jackson, Estados Unidos (bahagi 1 ng 2)
Paglalarawanˇ: Ang kapatid ng kilalang tao (sa larangan ng musika) sa buong mundo na si Michael Jackson ay nagsalaysay kung paano niya yumakap sa Islam. Bahagi 1.
- Ni Jermaine Jackson (edited by www.IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 25 Oct 2014
- Nag-print: 3
- Tumingin: 5,146 (araw-araw na pamantayan: 3)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Kailan at Paano mo sinimulan ang iyong paglalakbay patungo sa Islam?
Ito ay noong 1989 nang ako, kasama ang aking kapatid na babae, ay nagsagawa ng paglilibot sa ilang mga bansa sa Gitnang Silangan Sa aming pamamalagi sa Bahrain, binigyan kami ng maligayang pagdating. Nagkataon na nakilala ko ang ilang mga bata doon at nakakuwentuhan sila. Nagbigay ako ng ilang mga katanungan sa kanila at sinuklian nila ako ng kanilang mga inosenteng tanong. Sa panahon ng pakikipag-ugnayang ito, nagtanong sila tungkol sa aking relihiyon. Sinabi ko sa kanila, "Ako ay isang Kristiyano." Tinanong ko sila, kung ano ang kanilang relihiyon. Isang alon ng katahimikan ang sumakop sa kanila. Tumugon sila sa iisang tinig: Islam. Ang kanilang masigasig na sagot ay nakapanginig mula sa aking loob. Pagkatapos ay sinabi nila sa akin ang tungkol sa Islam. Binigyan nila ako ng impormasyon, marami para sa kanilang edad. Isinasaad sa tinis ng kanilang boses na kanilang lubos na ipinagmamalaki ang Islam. Dito nagsimula ang aking paglalakbay patungo sa Islam.
Ang isang napaka-ikling pakikipag-ugnayan sa isang pangkat ng mga bata ang nag-akay sa akin na magkaroon ng mahabang diskurso tungkol sa Islam sa mga iskolar na Muslim. Sobrang napukaw nito ang aking kamalayan. Sinubukan kong pakalmahin ang aking sarili na walang nangyari ngunit hindi ko na maitago ang katotohanang ito mula sa aking sarili na sa aking puso ay nagbalik-loob ako sa Islam. Ito ay una kong inihayag sa aking kaibigang pamilya, si Qunber Ali. Ang parehong Qunber Ali na gumawa ng paraan para dalhin ako sa Riyadh, kapital ng Saudi Arabia. Hanggang sa oras na iyon, hindi ko alam ang karamihan tungkol sa Islam. Mula roon, sa pagsama ko sa isang pamilyang Taga-saudi, nagpatuloy ako sa Mecca para sa pagsasagawa ng "Umrah" [Ang isang mas maliit na uri ng paglalakbay na isinasagawa sa Mecca]. Doon ko ipinahayag sa publiko ang kauna-unahang pagkakataon na naging Muslim ako.
Ano ang iyong naramdaman pagkatapos mong ipahayag na ikaw ay isa ng Muslim?
Sa pagyakap ko sa Islam, naramdaman kong muli akong ipinanganak. Natagpuan ko sa Islam ang mga sagot sa mga tanong na hindi ko nasumpungan sa Kristiyanismo. Lalo na, ang Islam lamang ang nagbigay ng kasiya-siyang sagot sa tanong na may kaugnayan sa pagsilang ni Kristo. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakumbinsi ako sa relihiyon mismo. Ipinagdarasal ko na sana ikatuwa ng aking pamilya ang mga katotohanang ito. Ang aking pamilya ay tagasunod ng kulto ng Kristiyanismo na kilala bilang AVENDANCE of JEHOVA (Jehovah’s Witness). Ayon sa mga paniniwala nito, 144,000 na tao lamang ang makakapasok sa paraiso. Paano? Ito ay palaging nananatiling isang nakakabagabag na paniniwala para sa akin. Nagulat ako nang malaman na ang Bibliya ay itinala ng napakaraming kalalakihan, lalo na tungkol sa isang edisyon na isinulat ni King James. Nagtataka ako kung ang isang tao ay nag-iipon ng isang direktoryo at pagkatapos ay iniuugnay ito sa Diyos, ngunit hindi siya ganap na sumunod sa mga direksyon na ito. Sa aking pananatili sa Saudi Arabia, nagkaroon ako ng pagkakataon na bumili ng isang cassette na inilabas ng British pop-singer at ang kasalukuyang pastor ng Muslim na si Yusuf Islam (dating Cat Stevens).Marami rin akong natutunan mula rito.
Ano ang nangyari nang bumalik ka sa US matapos yakapin ang Islam?
Nang bumalik ako sa USA, ang media ng Amerika ay nag-orkestra ng napakasamang propaganda laban sa Islam at sa mga Muslim. Ang mga tsismis ay umabot sa akin at talagang gumugulo sa aking kapayapaan sa pag-iisip. Ang Hollywood ay pursigidong siraan ng puri ang mga Muslim. Sila ay pinapakita bilang mga terorista. Maraming mga bagay na kung saan nagkakasundo ang Kristiyanismo at Islam, at ang Quran ay itinuturing ang Banal na Kristo bilang isang banal na Propeta. Kaya, nagtataka ako, bakit binabanggit ng mga Kristiyano sa Amerika ang walang basehan na mga paratang laban sa mga Muslim?
Ginawa ako nitong mapanglaw. Nagdesisyon ako na gagawin ko ang aking makakaya upang maalis ang maling imahe sa mga Muslim, na inilalarawan ng midya ng Amerika. Wala akong ideya ni kaunti na ang midya ng Amerika ay hindi tatanggapin ang balita ng aking pagtanggap ng Islam at gagawa ng malaking kaguluhan. Ito ay halos pagkilos laban sa lahat ng mataas at napapublikong mga paghahabol tungkol sa kalayaan ng pagpapahayag at kalayaan ng budhi.Kaya't ang pagkukunwari ng lipunang Amerikano ay lumitaw at nakalatag sa aking harapan.Tinanggal ng Islam ang buhol ng maraming komplikasyon para sa akin. Sa katunayan, naisip ko ang aking sarili bilang isang kumpletong tao, sa literal na kahulugan ng salita.Matapos akong maging Muslim, nakaramdam ako ng malaking pagbabago sa akin. Itinapon ko ang lahat ng bagay na ipinagbabawal sa Islam.Ito rin ay nagdulot ng pagpapahirap sa aking pamilya. Sa madaling salita, ang pamilyang Jackson ay nadapa nang sama-sama. Ang mga nagbabantang liham na nagsisidatingan, na lalong nagpatindi sa pag-aalala ng aking pamilya.
Anong uri ng mga banta?
Sasabihin nila sa akin na pinalaki ko ang poot ng lipunan at kultura ng Amerika, sa pamamagitan ng pagpasok sa Islam, tinanggal mo ang iyong sarili sa karapatang mamuhay kasama ang iba. Gagawin NAMIN na napakahirap ang buhay mo sa Amerika at iba pa. Ngunit ipagtatapat ko na ang pag-iisip ng aking pamilya ay malawak. Pinahahalagahan namin ang lahat ng mga relihiyon. Ang aming mga magulang ay sinanay at inayos kami ng ganoong paraan. Samakatuwid, maaari kong sabihin na ang pamilyang Jackson ay nasisiyahan sa mahusay na kaugnayan sa mga taong kabilang sa halos lahat ng mga relihiyon. Ito ang resulta ng pagsasanay na iyon na ako ay pinahihintulutan nila hanggang ngayon.
Ano ang reaksyon ng kapatid mong si Michael Jackson?
Pagbalik ko sa Amerika, nagdala ako ng maraming mga libro mula sa Saudi Arabia. Hiningi ni Michael Jackson sa akin ang ilan sa mga librong ito para sa pag-aaral. Bago ito, ang kanyang opinyon ay naiimpluwensyahan ng propaganda ng midya ng Amerika laban sa Islam at ng mga Muslim. Hindi siya labag sa Islam, ngunit hindi rin siya pabor sa mga Muslim. Ngunit matapos basahin ang mga librong ito, siya ay walang-imik at hindi nagsasalita laban sa mga Muslim. Sa palagay ko marahil ito ang epekto ng kanyang pag-aaral ng Islam na inilihis niya ang kanyang mga interes sa negosyo sa mga negosyanteng Muslim. Ngayon, siya ay may pantay na mga bahagi sa bilyonaryong prinsipe ng Saudi Al-Waleed ibn Talal sa kanyang multi-nasyonal na kumpanya.
Nasabi noon na si Michael Jackson ay laban sa mga Muslim, pagkatapos ay may mga alingawngaw na siya ay naging Muslim. Ano ang totoong kwento?
Pinapatunayan ko ang katotohanang ito, kahit papaano ay wala sa aking kaalaman na si Michael Jackson ay nagsabi ng anumang masama laban sa mga Muslim. Ang kanyang mga kanta, ay nagbibigay din ng mensahe ng pag-ibig para sa iba. Natutunan namin mula sa aming mga magulang na mahalin ang iba. Tanging ang mga may sariling interes lamang nagpukol ng mga paratang na ito sa kanya.Kung may isang masamang pag-aalsa laban sa akin noong ako ay naging Muslim, bakit hindi din laban kay Michael Jackson. pero, sa ngayon, hindi pa siya isinasailalim ng midya sa masamang pagpuna, bagama't siya ay pinagbantaan sa kanyang paglapit sa Islam.Ngunit sino ang nakakaalam kung ano ang mangyayari kapag niyakap na ni Michael Jackson ang Islam.
Magdagdag ng komento