Si Eric Schrody, Dating Katoliko, USA (bahagi 1 ng 2)

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Isang panayam sa dating tanyag na rapper na si EverLast at ang kanyang paglalakbay sa Islam. Bahagi 1.

  • Ni Adisa Banjoko (interviewer)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 31 Jul 2006
  • Nag-print: 3
  • Tumingin: 5,812 (araw-araw na pamantayan: 4)
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Ang musikang Rap ay nakakita ng higit sa bahagi ng impluwensya mula sa relihiyong Islam. Sa mga pangkat tulad ng Public Enemy na nagra-rap tungkol sa kanilang paggalang sa Nasyon ng Islam, sa mga taong tulad ni Q-Tip mula sa a Tribe Called Quest na yumakap sa pananampalatayang Islam, ang relihiyon ay tila isang paulit-ulit na tema sa dyanra, kapwa nakakaapekto sa mga liriko at buhay. Ang isang musikero na kamakailan lamang ay higit na naantig sa Islam ay si Eric Schrody, mas kilala sa mga lupon ng musika bilang si Everlast.

Noong sinimulan ni Everlast ang kanyang karera sa musika bilang isang rapper, kamakailan lamang ipinakita niya ang kanyang sarili na mayroong mas malalim na kaibuturan at pagiging kakaiba. Ang kanyang kasalukuyang album, Whitey Ford Sings the Blues (kasalukuyang nasa ranggong #49 sa billboard charts matapos tumaas sa #9) ay itinatanghal ito sa mapanimdim at medyo pilosopikal na tono nito, na nagpapakita ng mga sulyap sa impluwensya ng Islam sa kanyang buhay.

Ang sumusunod ay isang panayam kung saan tinalakay ni Everlast ang kanyang paglalakbay sa Islam at ang mga hamong kinakaharap niya bilang isang bagong Muslim.

AB: Sabihin mo sa akin ang tungkol sa unang pagkakataong nalaman mo ang tungkol sa Islam?

E: Ito ay marahil sa bandang huli ng 80’s. Ako ay lumabas kasama si Divine Styler (isang tanyag na rapper sa Los Angeles). Siya ay marahil nasa pagtatapos na ng kanyang 5% na kapanahunan (tinutukoy ang bansag-Islamiko “Nasyon ng mga Diyos at ng mga Daigdig" na sekta). Nagsisimula siyang lumapit sa Islam. Nakatira siya kasama ang pamilya Bashir. Si Abdullah Bashir ay parang isang guro na niya; at ganun din sa akin kinalaunan. Habang ginagawa niya ang paglipat mula sa 5% patungo sa Islam, Ako ay nasa paligid lamang at nakikinig sa mga bagay.

Sinusubukan kong isipin ang unang pagkakataong nakilala ko ito bilang Islam. Sa palagay ko ito ay noong nag Shahadah (ang pagpapahayag ng pananampalataya ng Muslim) ang isa sa mga kaibigan ni Divine at ako ay naroroon. Narinig ko siyang nagsabi, “Ako ay sumasaksi na walang Diyos maliban sa Diyos, at si Muhammad ay alipin at sugo.” At naaalala ko na ako ay parang, “Ano ito? Ako ay Maputi. Maaari ba ako dito?” Ito ay dahil sa kamangmangan, alam mo naman? ‘Dahil dito sa Amerika, ang Islam ay itinuturing na isang “Maitim na bagay.” At hanggang sa may nakapag sabi sa akin, “Wala kang alam kung gaano karaming mga puting Muslim ang nasa mundo.” Ako ay nakapagsabi na, “Talaga,” at may nagpaliwanag dito. Sabi ko, “Ang galing naman. wala akong alam.”

AB: Nakakaramdam ka ba ng anumang labis na panggigipit sa pagiging isang puting Muslim sa Amerika?

E: Hindi ko iniisip ito sa pangkalahatan. Para sa akin, ang Islam ay akin. Ang Allah ay Diyos ng lahat ng daigdig, at lahat ng sangkatauhan at lahat ng Aalameen (mundo/sansinukob). Ang Islam ay ang aking personal na kaugnayan sa Diyos. Kaya't walang sinuman ang maaaring maglagay ng higit pang panggigipit sa aking sarili kaysa sa magagawa ko sa aking sarili. Ngunit kung tungkol sa moskeng kung saan ako nagdarasal, Ako ay hindi kailanman nakaramdam ng pakiramdam na parang nasa bahay o higit na tinatanggap. At hindi lamang ito sa akin. Ang ilang mga moskeng napuntahan ko sa buong bansa, hindi pa ako kailanman nakaramdam ng parang hindi komportable. Tulad ng sa New York, Ang mga moske ay malalaki at may napakaraming tao na walang sinuman ang titingin upang mapansin ka. Mayroong mga Tsino, Koreano, Espanyol - lahat, kung saan isang magandang bagay para sa akin dahil sa aking moske ako lamang ang puting lalaki, [bagaman] mayroong ilang mga puting babae.

Sa umpisa naisip ko, naisip ko ang tungkol dito nang higit pa sa kahit sino sa unang mga beses na pumunta ako sa Jumma (ang Biyernes na pagtitipon para sa pagdarasal). Sa unang pagpunta ko sa Jumma, Ako ay dinala ng isa kong kaibigan sa New York. Ito ay sa Brooklyn sa Bed-Stuy (Bedford Stuyvestant). Kinakabahan ako sa kapaligiran na aking pinasok, hindi sa moske. Ngunit parang ako ay nasa kaluwagan sa sandaling naroroon ako. Ako ay parang, “Ito ay kahanga-hanga.” Wala akong naramdamang pagkakaiba kaysa sa mga taong nasa moske.

AB: Paano tinanggap ng iyong pamilya ang pagbabalik mo sa Islam? Dahil ikaw ay pinalaking Katoliko, di ba?

E: Mabuti, alam mo ang aking ina ay napaka-bukas-isip, napaka-progresibo. Ang aking ina ay nakatira sa akin. At ako ay pinalaki sa buong buhay ko nang walang paniniwala sa Diyos, ngunit sa kaalaman na siya ay umiiral. Tinuruan ako [na] kung [may dapat akong malamang] anumang bagay sa mundo, [Dapat kong] malaman na mayroong Diyos. At ang aking ina, kahit na siya ay Katoliko, siya ang unang taong nagpalabas ng pagkukunwari sa simbahan. Ang aking ina ay tunay na matagal na panahon ng hindi na nakapagsimba. Ngunit kung tungkol sa akin, ang aking ina ay masaya na may Diyos ako sa aking buhay.

Nakikita niya akong nagsasagawa ng pagdarasal. At si Divine ay isa sa kanyang mga paboritong tao sa buong mundo. Alam niya kung gaano kami kaiba kaysa noong una niya kaming kilala bilang mga bata. Nang ako at si Divine ay unang magsama, kami ay marahas. Nasa labas kami nakikisalamuha, nakikipag-away, ginagawa kung ano ang dapat naming gawin. Naisip namin, “Oo, ito ang pagiging tunay na lalake. Makakalabas tayo rito at magiging mga astig.”

[Ngunit] nakita niya kung gaano nito binago ako at siya; at kung gaano karaming kapayapaan ang dala nito sa akin sapagka't ako ay nag-umpisa ng tunay na may maisasakatuparang bagay dito. Tunay na nagkaroon ako ng mahabang pakikipag-usap sa aking ina noong isang araw at kami ay nasa paksa ng relihiyon. Tunay kaming nag-uusap tungkol sa buhay at kamatayan, at ang hinaharap at kung kailan siya maaaring umalis (mamatay, pumanaw). Na hindi mangyayari sa mahabang panahon, inshallah (kung Naisin ng Diyos). Ngunit hiniling ko sa kanya na pagbigyan niya ako sa isang bagay. Sabi ko, “Nay, kapag ikaw ay pumanaw na maaaring may ilang mga anghel ang magtatanong sa iyo, at gusto kong sagutin mo ito; at hindi ako sigurado kung paano ito mangyayari, ‘dahil hindi pa ako namatay. Tandaan mo na may iisang Diyos lamang, at hindi siya kailanman naging tao.”

Sinabi niya, “Alam ko na kung ano ang sinusubukan mong sabihin sa akin.” [At] Sinabi ko, “Si Hesus ay hindi Diyos, Nay.”

Ang ilan sa mga alam ko ay talagang ipinakita ko sa aking ina. Siya ay hindi Muslim, ngunit alam niyang may iisang Diyos lamang. At ito ay nagpapasaya sa akin. May kilala akong mga taong nagbalik-loob sa Islam at itinaboy sila ng kanilang mga pamilya (i.e. hindi sila tinanggap).

Mahina Pinakamagaling

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Tingnan ng sama-sama ang lahat ng mga bahagi

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Ibang mga artikulo sa Parehong mga Kategorya

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Minimize chat