Si Eric Schrody, Dating Katoliko, USA (bahagi 2 ng 2)
Paglalarawanˇ: Isang panayam sa dating tanyag na rapper na si EverLast at ang kanyang paglalakbay sa Islam. Bahagi 2.
- Ni Adisa Banjoko (interviewer)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 31 Jul 2006
- Nag-print: 3
- Tumingin: 5,167 (araw-araw na pamantayan: 3)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
AB: Sinubukan din ng aking pamilya. Hindi ko lamang maintindihan iyon. Ngunit alam mo kung ano? Iyon ay isang pagsubok. Kahit na binago ko na ang aking pangalan parang 8 taon na ngayon, nagagawa parin nila akong tawagin sa pangalan ko sa kapanganakan. Pagkatapos nito ay, “Oh nakalimutan ko na ikaw pala ay Muslim.” Pagkatapos ang mga biro nito tungkol sa baboy. Hindi ito kailanman nahinto.
E: Isa ito sa mga bagay na kung saan pinagtatawanan ng mga tao kung ano ang hindi nila naiintindihan. O natatakot sila sa hindi nila nauunawaan. Ang punto ay walang sinuman ang maaaring magpanggap na hindi nila ito naiintindihan. Dahil hindi ako kailanman nakatagpo ng anumang mas simpleng bagay sa aking buhay .
Tulad ng naaalala ko na noong umupo ako at nagtanong, “Edi, ano ang pinaniniwalaan ng isang Muslim,” at binigyan nila ako ng listahan ng paliwanag. Ako ay parang, “Huwag kayong maglagay ng harang sa pagitan ng Kristiyanismo at Judaismo.” Sila ay parang, “hindi, pare-pareho lamang yan ng kwento.”
Kapag ikaw ay nagsimula na sa pagbabasa ng Quran, ng Bibliya at ng Torah, na kung saan ay halos tulad lamang ng Lumang Tipan, matutuklasan mo na ang Quran ay isang pagpapatunay lamang sa kung ano ang tama at hindi tama sa loob ng mga librong iyon (ang Bibliya at ang Torah). At pagkatapos ay sasabihin mo sa iyong sarili, “Paano nangyari, samantalang ang mga taong ito ay nagmula sa iba't ibang panig ng mundo?” Ngunit lahat sila ay nagpapatunay sa istorya ng bawat isa.
Nagbabasa ako ng isang libro ngayon na tinawag na Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala): Ang buhay ng Propeta, ni Karen Armstrong. Isinulat ito ng isang hindi Muslim. Sa ngayon, Ako ay halos nasa ikaapat na bahagi pa lamang ng pagbabasa; ngunit nagsisimula ito sa pagsasabi sa iyo kung paano nila sinimulang gawin si Muhammad na magmukhang pinakamasamang tao sa mundo; na itinatag niya ang Islam sa pamamagitan ng espada. Ngunit pagkatapos ay malalaman mo na si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay nakipaglaban lamang kung kinakailangan. Si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay nakipaglaban lamang upang ipagtanggol ang Islam. Ito ay napakagandang libro tungkol sa isang tao. Ito ay nagbibigay-daan lamang upang malaman mo na ang lalaking ito ay isang tao. Hindi namin sinusubukang sabihin sa inyo na siya ay kung anupaman maliban sa isang tao. Sinasabi namin sa inyo bilang mga Muslim na siya ang pinaka perpektong halimbawa ng isang tao na lumakad sa mundo hanggang sa ngayon. At mula sa aking nabasa siya na ang huling darating sa uri niya (propeta).
Kapag ikaw ay magkaroon ng lampas pa ng pagkatakot kay Farrakhan at sa kung ano ang sinasabi niya -- at dito bilang isang puting tao ako ay magsasabi -- Kapag ikaw ay lumampas sa kamangmangan sa paniniwala na ang Islam ay may kinalaman sa mga taong nagpapasabog lamang ng kung ano-ano na walang kinalaman sa Islam. Maaari nilang gawin ito sa pangalan ng Islam. Ngunit wala itong kinalaman sa Islam. Hindi ka maaaring mangatwiran dito.
Kapag ipinaliwanag ko si Hesus sa isang Kristiyano, Siya ay hindi makapangatwiran sa akin. At hindi ko ibig sabihing mangatwiran, sa pagsasabing, “Si Hesus ay hindi Diyos!” Ibig kong sabihin, kung gaano kalaki ang diwang naibibigay nito sa kanyang pagiging isang tao? Kung ako ay isang Kristiyano, kung saan para sa akin nangangahulugang maging tulad ni Kristo, at ako ay tatanungin ng Diyos, “Hoy bakit hindi ka higit na katulad ni Hesus?” Sasabihin ko, hindi ako higit na katulad ni Hesus dahil ginawa mo siyang kalahating Diyos [at] ako ay isang tao lamang?” Ito ay walang anumang kabuluhan.
Ayaw ng Diyos sa mga bagay na mahirap para sa atin. Gusto ng Diyos hangga't maaari na maging madali ang lahat ng bagay. Gagawin ito ng Diyos hangga't maaari na maging madali. Kapag ikaw ay hihiling at ikaw ay taos puso, ibibigay ito ng Diyos sa iyo. Maaaring magtapon Siya ng ilang mga bato sa iyong landas, upang ikaw ay matalisod at madapa. Ngunit darating ito sa iyo.
AB: Sabihin mo sa akin ang tungkol sa una at pangalawang beses na binigkas mo ang iyong Shahadah (pagpapahayag ng pananampalataya).
E: Katunayan sa unang pagkakataon, Ito ay noong matapos kong marinig ang isang tape mula kay Warith Deen Muhammad (anak ng nagtatag ng Nation of Islam, na si Elijah Muhammad, yaong nagdala ng karamihan ng Nation of Islam patungo sa pangunahing Islam). Na siyang sumira lamang sa buong bagay tungkol kay Hesus. Ipinaliwanag niya na kami (mga Muslim) ay gumagawa sa mga Kristiyano ng isang malaking pabor sa pamamagitan ng pagdala pababa kay Hesus sa antas ng isang tao. Bakit gagawa ang Diyos ng isang taong may kalahating Diyos at ikukumpara tayo sa kanya? At nagdala lamang ito ng init sa aking ulo. Kaya't Nagshahadah ako. At ang paunang pagiging aktibo ay nawala.
Para na akong katulad ng isang Kristiyano na nagsasabing tinanggap nila si Hesus. Pagkatapos ay sasabihan nila, “Kahit na anong gawin ko ngayon ako ay nailigtas na.” ‘Sanhi ng ako ay pinalaki sa gayong kaisipan. Tulad ng, “OK, tinatanggap ko ang katotohanan kaya't hayaan mo na lamang akong pumunta doon at gumawa ng kasalanan at ako naman ay nailigtas na.”
Hindi ko talaga inangkin na ako ay isang Muslim kahit na sa oras na iyon. Pinulot ko at pinili kung ano ang gusto kong paniwalaan. Binigyan ako ng Diyos ng sobra pa sa isang pagkakataon. Ngunit kalaunan ay panahon na upang alisin o putulin ang linya. Dumating ako sa puntong hindi na ako nasisiyahan sa emosyonal, at espirituwal. Mayroon akong pera sa banko at isang $100,000 na sasakyan, kaliwa't kanang mga kababaihan -- lahat ng inaakala mong gusto ko. At pagkatapos ay nakaupo lamang dito na parang, “Bakit hindi ako nasisiyahan?” Sa wakas yaong boses na nagsasalita -- hindi ang bulong (ni Satanas) -- ang boses ay nagsabi, “Katunayan, talagang hindi ka nasisiyahan dahil nabubuhay ka sa kasamaan at hindi ka nagsisikap na gumawa ng anupaman tungkol dito.”
Ang katigasan ng ulo ko sa panahong iyon ay pumipigil sa akin na pag-usapan ang tungkol dito sa oras na iyon. Dumarating ka sa punto o estado ng pag-iisip kung saan ikaw ay parang, “Maaari kong malutas ito sa pamamagitan lamang ng aking sarili.”
Sa wakas naging mapagpakumbaba ako upang makipag-usap kina Divine at Abdullah tungkol dito. Tinanong nila ako, “Anong pakiramdam mo? Ano iyon sa palagay mo?” Kaya't sa wakas naupo ako't nagpapahayag na naman ng Shahadah. Mula sa puntong iyon ay gumawa ako ng isang pangako kung saan pagsisikapan ko sa abot ng aking makakaya. Pagsisikapan ko ang aking mga pagdarasal sa abot ng aking makakaya, doon tayo magsimula. Huwag nating purihin ang ating sarili dahil lumabas tayo kagabi at nnakipag-inuman. Itayo natin ang ating mga pagdarasal at manalangin para sa lakas upang matigil sa paggawa ng isang bagay paunti-unti. Ito pa rin ang aking sinusubukang gawin.
Alam mo, sa sandaling malampasan mo na ang malalaking bagay, ito ay nagiging di kapansin-pansin. Ito ay maaaring maging kasing banayad ng pagtingin sa isang tao, at walang kahit na anumang sabihing masama tungkol sa kanya, ngunit sinisiraan mo siya ng puri sa iyong isipan. Ang mga madaling talunin -- bagaman hindi ko dapat sabihing madali -- ang mga malalaking bagay ay madaling mapansin. Ito ay ang di halatang sikolohikal na mga bagay na nakakatulong sa iyo sa pagiging tunay na kung sino ka. Kailangan mong harapin ang katotohanan kung sino ka. Kung hindi mo kayang harapin ang katotohanan sa kung sino ka, babagsak ka, pare.
Tinatanong ako ng mga tao at magsasabing, “Ikaw ba ay Muslim?” At ako ay parang, “Oo ako ay Muslim, ngunit ako rin ay propesyonal na makasalanan.” Sinusubukan kong lampasan ito, sinusubukang magretiro. Hindi ako haharap at sasabihing ako ay mas mainam kaysa sa iyo. Naniniwala lamang ako na naipakita sa akin ang katotohanan at nawa'y ito ang makakapagligtas sa akin.”
Si Adisa Banjoko ay isang freelance na manunulat sa San Francisco Bay Area.
paksa
Magdagdag ng komento