Si Kenneth L. Jenkins, Ministro at Nakatatanda sa Simbahang Pentekostal, Estados Unidos (bahagi 1 ng 3)
Paglalarawanˇ: Ang minsang naligaw sa landas na batang lalaki ay natagpuan ang kanyang kaligtasan sa pamamagitan ng Simbahang Pentekostal at naging ministro sa edad na 20, hindi naglaon siya ay naging isang Muslim. Bahagi 1.
- Ni Kenneth L. Jenkins
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 31 Jul 2006
- Nag-print: 4
- Tumingin: 5,941
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Paunang Salita
Bilang dating ministro at nakatatanda sa Kristiyanong simbahan, ito ay naging katungkulan sa akin upang maliwanagan ang mga patuloy na lumalakad sa dilim. Matapos kong yakapin ang Islam, naramdaman ko ang malaking pangangailangan na tulungan ang mga hindi pa nabiyayaan na maranasan ang ilaw ng Islam.
Nagpapasalamat ako sa Makapangyarihang Diyos, sa pagkakaroon ng habag sa akin, na naging dahilan upang makilala ko ang kagandahan ng Islam na itinuro ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayaan at pagpapala) at ng kanyang mga tamang tagasunod. Sa pamamagitan lamang ng awa ng Diyos na matatanggap natin ang tunay na patnubay at ang kakayahang sundin ang tuwid na landas, na magbibigay tagumpay sa buhay na ito at sa Kabilang Buhay.
Ang lahat ng papuri ay sa Diyos sa kagandahang ipinakita sa akin ni Sheikh 'Abdullah bin Abdulaziz bin Baz sa aking pagyakap sa Islam. Minahal ko at ipapasa ang kaalamang natamo mula sa bawat pakikipag-usap sa kanya. Marami pang iba na tumulong sa akin sa pamamagitan ng panghihikayat at kaalaman, ngunit sa takot na makaligtaan ilan, pipigilan kong subukang pangalanan sila.Sapat na sabihin na nagpapasalamat ako sa Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat, para sa bawat isang kapatid na pinahintulutan Niya na magkaroon ng papel sa aking paglago at pag-unlad (sa kaalaman) bilang isang Muslim.
Dalangin ko na ang maliit na gawaing ito ay mapakingabangan ng lahat. Hinahangad ko na malaman ng mga Kristiyano na mayroon pa ring pag-asa para sa ligaw na pamamaraan na higit na talamak sa Sangkakristiyanuhan. Ang mga sagot sa mga problema ng mga Kristiyano ay hindi matatagpuan sa mga Kristiyano mismo, sapagkat sila, sa karamihan ng mga pagkakataon, ang ugat ng kanilang sariling mga problema. Sa halip, ang Islam ay ang solusyon sa mga problema na nag-aapoy sa mundo ng Kristiyanismo, pati na rin ang mga problema na kinakaharap sa kabuuan sa mundo ng relihiyon. Nawa'y gabayan tayo ng Diyos at gantimpalaan tayo ayon sa pinakamaganda sa ating mga gawain at hangarin.
Abdullah Muhammad al-Faruque at-Ta’if, Kaharian ng Saudi Arabia.
Ang Simula
Bilang isang bata, ako ay pinalaki na may matinding takot sa Diyos. Ang pagkakaroon ng bahagyang pagpapalaki ng lola ko na isang pundamentalista sa Pentekostal, ang simbahan ay naging isang mahalagang bahagi ng aking buhay sa murang edad.Nang panahon na ako ay umabot ng edad na anim, alam ko na ang lahat ng mga benepisyo na naghihintay sa akin sa Langit para sa pagiging mabuting batang lalaki at parusa na naghihintay sa Impiyerno para sa mga makukulit na batang lalaki. Tinuruan ako ng aking lola na ang lahat ng mga sinungaling ay tinakda na mapunta sa Impyerno, kung saan susunugin sila magpa-kailanman.
Ang aking ina ay nagtatrabaho sa dalawang full-time na trabaho at patuloy akong pinapaalalahanan sa mga aral na ibinigay sa akin ng kanyang ina. Ang aking nakababatang kapatid na lalaki at nakatatandang kapatid na babae ay tila hindi sineseryoso ang mga babala ng aming lola sa Kabilang Buhay tulad ko. Naaalala ko kapag nakikita ko ang buwan kung saan ito ay may mapula-pula na kulay, ako'y iiyak dahil itinuro sa akin na ang isa sa mga palatandaan ng katapusan ng mundo ay ang buwan ay magiging pula tulad ng dugo. Bilang isang walong taong gulang na bata nagkaroon na ako ng ganoong pagkatakot sa mga palatandaan sa kalangitan at ng daigdig ng sa Araw ng Pagkagunaw sa puntong nagkakaroon ako ng mga bangungot kung ano ang mangyayari sa Araw ng Paghuhukom. Ang aming bahay ay malapit sa hanay ng mga ng riles, at ang mga tren ay dumadaan nang madalas. Natatandaan kong nagising ako sa pagtulog dahil sa malakas na kakila-kilabot na tunog ng busina at iniisip na namatay na ako at nabuhay muli matapos marinig ang tunog ng trumpeta. Ang mga turong ito ay nanatili sa aking isipan sa pamamagitan ng kumbinasyon ng mga turong oral at ang pagbabasa ng mga libro na pang bata na kilala bilang mga Kwento ng Bibliya.
Tuwing Linggo ay pupunta kami sa simbahan na nakasuot ng magara. Ang aking lolo ay ang nagdadala sa amin. Ang Simbahan ay tila tumatagal ng ilang oras para saakin. Makakarating kami sa bandang alas-onse sa umaga at hindi kami aalis hanggang kung minsan alas tres ng hapon. Naalala kong nakakatulog ako sa kandungan ng lola ko sa maraming okasyon.Minsan, pinayagan ako at ang aking kapatid na umalis sa simbahan sa sa gitna ng Pag-aaral sa Linggo at simba sa umaga upang umupo kasama ang aming lolo upang manood ng mga dumadaan na tren.Hindi siya palasimba, ngunit sinisigurado niya na ginagawa ito ng aking pamilya tuwing Linggo. Kalaunan, inatake siya ng stroke at siya ay bahagyang naging paralisado, at ang resulta, hindi na kami regular na makapagsimba.Ang panahong ito ay naging isang pinakamahirap na yugto ng aking buhay.
Muling Paghahandog
Nalulugod ako, sa isang banda, na hindi na ako dadalo sa simbahan, ngunit nararamdaman ko sa aking sarili ang udyok na dumalo paminsan-minsan. Sa taong labing-anim na gulang, dumalo ako sa simbahan ng isa kong kaibigan na ang ama ay ang pastor. Ito ay isang maliit na gusali sa harap ng tindahan na kasama ang pamilya lamang ng aking kaibigan, ako, at isa pang kaklase bilang mga miyembro. Nagpatuloy ito sa loob lamang ng ilang buwan bago isinara ang simbahan. Pagkatapos ko ng high school at makapasok sa unibersidad, natuklasan ko muli ang aking sarili sa relihiyon at lubusang nahumaling sa mga turo ng Pentekostal. Nabinyagan ako at "napuno ng Espiritu Santo," tulad ng tawag sa karanasan na ito. Bilang isang mag-aaral sa kolehiyo, ipinagmamalaki ako ng simbahan.Ang bawat tao'y may mataas na pagtingin sa akin, at masaya ako na ako'y muling "nasa daan patungo sa kaligtasan".
Nagsisimba ako sa tuwing magbubukas ang mga pintuan nito. Inaaral ko ang Bibliya araw-araw at linggo ng salitan. Dumalo ako sa mga panayam na ibinigay ng mga Kristiyanong iskolar sa panahon na iyon, at tinanggap ko ang panawagan ng pagiging ministro sa edad na 20. Nagsimula akong magturo at mabilis akong nakilala. masyado akong maka doktrina at naniniwala na walang makakatanggap ng kaligtasan maliban kung sila ay kabilang sa aking pangkat ng simbahan. Hinatulan ko ang bawat isa na hindi nakikilala ang Diyos sa paraang nakilala ko Siya. Tinuruan ako na si Hesukristo (nawa ang awa at pagpapala ng Diyos ay sumakanya) at ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat ay iisa at pareho. Tinuruan ako na ang aming simbahan ay hindi naniniwala sa Trinidad, ngunit si Hesus (nawa ang awa at pagpapala ng Diyos ay sumakanya) ay ang Ama, Anak at Espiritu Santo. Sinubukan kong unawain iyon kahit na alam ko aking sarili na talagang hindi ko ito lubos na naiintindihan.Sa pag kakaalam ko, ito lamang ang doktrinang may kabuluhan sa akin. Hinahangaan ko ang banal na pananamit ng mga kababaihan at marangal na pag-uugali ng mga kalalakihan.Nasisiyahan akong magsabuhay ng isang doktrina kung saan ang mga kababaihan ay kinakailangang magbihis ng mga kasuotan na natatakpan ang kanilang sarili nang lubusan, hindi kailangang maglagay ng kolorete sa mukha, at dinadala ang kanilang sarili bilang tunay na mga ambasador ni Kristo. Kumbinsido ako sa kabila ng isang pag-aalinlangan na sa wakas ay natagpuan ko ang tunay na landas tungo sa walang hanggang kaligayahan. Makikipagtalo ako sa sinumang mula sa ibang simbahan na may iba't ibang paniniwala at lubos na napapatahimik sila sa aking kaalaman sa Bibliya. Nasaulo ko ang daan-daang mga bersikulo ng Bibliya, at naging tatak ito ng aking pangangaral. Gayunpaman, kahit na tiyak kong nasa tamang landas ako, may isang bahagi pa rin sa akin na naghahanap. Pakiramdam ko ay mayroong mas mataas na katotohanan na dapat kong makamit.
Si Kenneth L. Jenkins, Ministro at Nakatatanda sa Simbahang Pentekostal, Estados Unidos (bahagi 2 ng 3)
Paglalarawanˇ: Ang minsang nawala sa landas na batang lalaki ay natagpuan ang kanyang pagkaligtas mula sa Simbahanag Pentekostal at sinagot ang kanyang tawag na maging ministro sa edad na 20, hindi naglaon ay naging isang Muslim. Bahagi 2: “Hindi lahat ng nagniningning ay ginto.”
- Ni Kenneth L. Jenkins
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 02 Feb 2006
- Nag-print: 4
- Tumingin: 5,377
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Magmumuni-muni ako habang nag-iisa at nananalangin sa Diyos na akayin ako sa tamang relihiyon at patawarin ako kung mali ang aking ginagawa. Hindi ako nagkaroon ng anumang pakikipag-ugnayan sa mga Muslim. Ang tanging mga tao na alam ko na inaangkin ang Islam bilang kanilang relihiyon ay ang mga tagasunod ni Elijah Muhammad, na tinukoy ng marami bilang "Mga Itim na Muslim" o "Nawala at Natagpuan na Nasyon."Ito ay sa panahon ng huling bahagi ng 70's na si Ministro Louis Farrakhan ay maayos na muling itinayo ang tinatawag na "The Nation Of Islam." Nagpunta ako upang pakinggan si Ministro Farrakhan na nagsalita dahil sa paanyaya ng isang katrabaho at natagpuan ko ito na isang karanasan na magbabago nang husto sa aking buhay.Hindi ko pa naririnig sa aking buhay ang ibang itim na tao na nagsalita sa paraan ng kanyang pananalita. Ninais kong magkaroon agad ng isang pagpupulong kasama siya upang subukang palitan ang kaniya sa aking relihiyon. Nasisiyahan ako sa pag-e-ebanghelyo, umaasa na makahanap ng mga nawawalang kaluluwa upang mailigtas mula sa Impiyerno - kahit na sino pa sila.
Nang makapagtapos ng kolehiyo nagsimula akong magtrabaho nang buong oras ang batayan. Habang nararating ko ang pinakatuktok ng aking ministeryo, ang mga tagasunod ni Elijah Muhammad ay naging mas kapansin-pansin, at hinangaan ko ang kanilang mga pagsisikap sa pagtatangka na mapuksa sa itim na komunidad ang mga kasamaan na sumisira dito. Nagsimula akong suportahan sila, sa pamamagitan ng pagbili ng kanilang panitikan at pati na rin sa nakikipagpulong sa kanila para sa diyalogo. Dumalo ako sa kanilang mga lupon sa pag-aaral upang malaman kung ano mismo ang kanilang pinaniniwalaan. Taos-puso man ang alam kong karamihan sa kanila, hindi ko matanggap ang ideya na ang Diyos ay isang itim na nilalang. Hindi ako sang-ayon sa kanilang paggamit ng Bibliya upang suportahan ang kanilang posisyon sa ilang mga isyu. Ito ay isang libro na kilala kong mabuti, at labis na nababalisa sa aking itinuturing na kanilang maling kahulugan ng mga ito. Dumalo ako sa suportado ng lokal na mga paaralan ng Bibliya at medyo sapat ang aking kaalaman sa iba't ibang larangan ng pag-aaral sa Bibliya.
Pagkaraan ng halos anim na taon, lumipat ako sa Texas at naging kaakibat ko ang dalawang simbahan. Ang unang simbahan ay pinamunuan ng isang batang pastor na walang karanasan at hindi masyadong maalam. Ang aking kaalaman sa mga banal na kasulatan ng kristiyano sa mga oras na ito ay naging isang bagay na hindi normal. Nahuhumaling ako sa mga turo sa Bibliya. Sinimulan kong tumingin nang mas malalim sa mga banal na kasulatan at natanto na mas maalam ako kaysa sa kasalukuyang lider. Bilang pagpapakita ng paggalang, umalis ako at sumali sa ibang simbahan sa ibang lungsod kung saan nadama kong mas marami akong matututunan. Ang pastor ng partikular na simbahan ay napakagaling na parang isang iskolar. Siya ay isang mahusay na guro ngunit may ilang mga ideya na hindi pamantayan sa samahan ng aming simbahan. Pinanghahawakan niya ang medyo liberal na pananaw, ngunit nasisiyahan pa rin ako sa kanyang pagtuturo ng doktrina. Hindi lumaon ay natutunan ko ang pinakamahalagang aral ng aking buhay Kristiyano, na "hindi lahat ng mga nagniningning ay ginto." Sa kabila ng panlabas na hitsura nito, may mga kasamaan na nagaganap na hindi ko inisip na posible sa Simbahan. Ang mga kasamaan na ito ay naging dahilan upang mapagnilay-nilayan ko, at sinimulan kong tanungin ang turo na kung saan ako ay lubos na nakatuon.
Maligayang Pagdating sa Totoong Mundo ng Simbahan
Di-nagtagal ay natuklasan ko na mayroong isang malaking pagseselosan na laganap sa pamunuan ng simbahan. Ang mga bagay ay nagbago mula sa aking kasanayan. Ang mga kababaihan ay nagsusuot ng damit na sa palagay ko ay nakakahiya. Ang mga tao ay nakabihis upang umakit ng pansin, karaniwan mula sa kabilang kasarian. Natuklasan ko kung gaano kalaking parte ang ginagampanan ng pera at pagkagahaman sa operasyon ng mga aktibidad ng simbahan. Maraming mga maliliit na simbahan ang nagpupumilit, at tumatawag sa amin na magdaos ng mga pulong upang makatulong na makalikom ng pera para sa kanila.Sinabihan ako na kung ang isang simbahan ay walang tiyak na bilang ng mga miyembro, hindi ko dapat sayangin ang aking oras sa pangangaral doon dahil hindi ako makakatanggap ng maraming salapi bilang kabayaran. Ipinaliwanag ko noon na hindi pera ang habol ko at mangangaral ako kahit na mayroong isang miyembro lang... at gagawin ko ito ng libre! Nagdulot ito ng kaguluhan. Sinimulan kong tanungin ang mga naisip kong may karunungan, upang malaman lamang na lahat ng iyon ay isang palabas lamang. Nalaman ko na ang pera, kapangyarihan at posisyon ay mas mahalaga kaysa sa pagtuturo ng katotohanan tungkol sa Bibliya. Bilang isang mag-aaral sa Bibliya, alam kong lubos na mayroong mga pagkakamali, mga pagkakasalungatan at mga katha.Naisip ko na ang mga tao ay dapat na mailantad sa katotohanan tungkol sa Bibliya. Ang ideya ng paglalantad sa mga tao sa mga nasabing aspeto ng Bibliya ay isang kaisipang kaugnay kay Satanas. Ngunit sinimulan kong itanong sa publiko ang aking mga katanungan sa mga klase sa Bibliya, na wala sa kanila ang makasagot. Wala ni isa sa kanila ang maaaring makapagpaliwanag kung paanong si Hesus ay naging diyos, at kung paano, sa parehong oras, siya ay parang Ama, Anak at Espiritu Santo na nakabalot sa isa ngunit gayon pa man ay hindi bahagi ng Trinidad. Maraming mga mangangaral sa wakas ay umamin na hindi nila ito naiintindihan ngunit kinakailangan lamang nating paniwalaan ito.
Ang mga kaso ng pangangalunya at pakikiapid ay hindi naparusahan. Ang ilang mga mangangaral ay nasangkot sa droga at sinira ang kanilang buhay at ang buhay ng kanilang mga pamilya. Ang mga namumuno sa ilang mga simbahan ay natagpuan na mga nagkagusto sa parehong kasarian. May mga pastor din na nagkasala na nakikipagtalik sa mga batang anak na babae ng ibang mga miyembro ng simbahan. Ang lahat ng ito kasama ang isang pagkabigo upang makatanggap ng mga sagot sa naisip kong mga wastong katanungan ay sapat na upang ako ay maghanap ng pagbabago. Dumating ang pagbabagong iyon nang tanggapin ko ang isang trabaho sa Kaharian ng Saudi Arabia.
Si Kenneth L. Jenkins, Ministro at Nakatatanda sa Simbahang Pentekostal, Estados Unidos (bahagi 3 ng 3)
Paglalarawanˇ: Ang minsang nawala sa landas na batang lalaki ay natagpuan ang kanyang pagkakaligtas mula sa Simbahang Pentekostal at sinagot ang kanyang tawag na maging ministro sa gulang na 20, hindi lumaon ay naging Muslim. Bahagi 3: “Ang pagkasilang mula sa kadiliman patungo sa liwanag.”
- Ni Kenneth L. Jenkins
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 12 Nov 2013
- Nag-print: 4
- Tumingin: 5,528
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang Bagong Simula
Hindi nagtagal matapos kong dumating sa Saudi Arabia ay nakita ko ang isang kagyat na pagkakaiba sa pamumuhay ng mga Muslim. Naiiba sila sa mga tagasunod nina Elijah Muhammad at Ministro Louis Farrakhan sila ay mula sa lahat ng nasyonalidad, kulay at wika. Agad akong nagpahayag ng pagnanais na matuto nang higit pa tungkol sa kakaibang uri ng relihiyon. Namangha ako sa buhay ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) at nais kong malaman ang higit pa. Humiling ako ng mga libro mula sa isa sa mga kapatid na aktibo sa pag-aanyaya sa mga tao sa Islam. Ipinagkaloob sa akin ang lahat ng mga libro na maaaring gusto ko. Binasa ko ang bawat isa sa mga ito. Pagkatapos ay binigyan ako ng Banal na Quran at binasa ko ito nang maraming beses sa loob ng apat na buwan. Nagtanong ako ng nagtanong at nakatanggap ng nakalulugod na sagot. Ang nakakatuwa para sa akin ay ang mga kapatid ay hindi masigasig na nagpapabilib sa akin ng kanilang kaalaman. Kung ang isang kapatid ay hindi alam kung paano sasagutin ang isang katanungan, sasabihin niya sa akin na hindi niya alam at kailangang itanong sa isang taong mas nakakaalam. Kinabukasan ay saka niya ako sasagutin. Napansin ko kung paano ginampanan ng pagpapakumbaba ang malaking papel sa buhay ng mga misteryosong taong ito sa Gitnang Silangan.
Namangha ako nang makita ang mga babaeng nagtatakip ng kanilang sarili mula mukha hanggang paa. Wala akong makitang pamumuno ng simbahan ng relihiyon. Walang sinumang nakikipagkumpitensya para sa anumang posisyon sa relihiyon. Lahat ng ito ay kahanga-hanga, ngunit paano ko iisiping iwanan ang isang turo na sumunod sa akin mula pagkabata?Paano naman ang Bibliya? Alam ko na may ilang katotohanan dito kahit na ito ay binago ng binago ng maraming beses. Pagkatapos ay binigyan ako ng isang video cassette ng isang debate sa pagitan ni Sheikh Ahmed Deedat at Reverend Jimmy Swaggart. Pagkatapos kong makita ang debate ay agad akong naging Muslim.
Dinala ako sa tanggapan ni Sheikh Abdullah bin Abdulaziz bin Baz upang opisyal na maipahayag ang aking pagtanggap sa Islam. Doon ako nabigyan ng maayos na payo tungkol sa kung paano ihanda ang aking sarili sa mahabang paglalakbay sa hinaharap. Ito ay tunay na pagsilang mula sa kadiliman patungo sa liwanag. Inisip ko kung ano ang iisipin ng aking mga kasamahan mula sa Simbahan nang marinig nila na niyakap ko ang Islam. Hindi nagtagal bago ko nalaman.Bumalik ako sa Estados Unidos para magbakasyon at malubhang pinuna para sa aking "kawalan ng pananampalataya." Ako ay naselyohan ng maraming mga katawagan - mula sa taksil hanggang sa makasalanan.Ang mga tao ay sinabihan ng tinaguriang mga pinuno ng simbahan na huwag akong isali sa panalangin. Ang kakaiba rito, hindi ako naaapektuhan kahit papaano. Natutuwa ako na ang Makapangyarihang Diyos, ay piniling gabayan ako nang maayos na wala nang iba pang mas mahalaga.
Ngayon nais ko lang na maging isang dedikadong Muslim katulad nang ako ay isang Kristiyano. Siyempre, ang ibig sabihin nito ay mag-aral. Napagtanto ko na ang isang tao ay maaaring lumago hangga't gusto nila sa Islam. Walang monopolyo ng kaalaman - libre ito sa lahat na nagnanais na magamit ang kanilang mga pagkakataong matuto. Binigyan ako ng isang hanay ng Saheeh Muslim bilang isang regalo mula sa aking guro sa Quran. Noon ko napagtanto ang pangangailangan na malaman ang tungkol sa buhay, mga kasabihan at gawi ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala). Nabasa ko at pinag-aralan ang bilang ng mga koleksyon ng hadeeth na nakasalin sa Ingles hangga't maaari. Napagtanto ko na ang aking kaalaman sa Bibliya ay isang bagay na mahalaga na ngayon ay kapaki-pakinabang sa pakikitungo sa mga may Kristiyanong karanasan. Ang buhay para sa akin ay nagkaroon ng buong bagong kahulugan. Ang isa sa mga malalalim na pagbabago ng saloobin ay isang resulta ng pag-alam na ang buhay na ito ay dapat na talagang gugulin sa paghahanda para sa Kabilang Buhay.Ito rin ay isang bagong karanasan na malaman na tayo ay gagantimpalaan kahit para sa ating hangarin. Kung balak mong gumawa ng mabuti, gagantimpalaan ka. Ibang-iba ito sa Simbahan.Ang saloobin ay "ang landas sa Impiyerno ay gawa ng mabuting hangarin." Walang paraan upang manalo. Kung nagkasala ka, kailangan mong ikumpisal sa pastor, lalo na kung ito ay isang malaking kasalanan, tulad ng pangangalunya. Mahigpit kang huhusgahan sa iyong mga gawain.
Ang Kasalukuyan at Hinaharap
Matapos ang isang pakikipanayam ng pahayagan ng Al-Madinah tinanong ako tungkol sa aking mga kasalukuyang aktibidad at plano para sa hinaharap. Sa kasalukuyan, ang hangarin ko ay matuto ng Arabe at magpatuloy sa pag-aaral upang makakuha ng higit na kaalaman tungkol sa Islam. Kasalukuyan akong nakikibahagi sa larangan ng dawah at tinawag akong magbigay ng panayam sa mga di-Muslim na nagmula sa mga Kristiyanong pinanggalingan. Kung ang Diyos, ang Makapangyarihan sa lahat, ay ililigtas ang aking buhay, umaasa akong sumulat ng marami tungkol sa paksa ng paghahambing ng relihiyon.
Tungkulin ng mga Muslim sa buong mundo na magtrabaho upang maikalat ang kaalaman sa Islam. Bilang isang taong gumugol ng mahabang panahon bilang isang guro sa Bibliya, nararamdaman ko ang isang espesyal na pakiramdam ng tungkulin sa pagtuturo sa mga tao tungkol sa mga pagkakamali, pagkakasalungatan at mga gawa ng libro na pinaniniwalaan ng milyun-milyong tao. Ang isa sa pinakadakilang kagalakan ay ang malaman na hindi ko kailangang makisali sa isang mahusay na pakikipagtalo sa mga Kristiyano, dahil ako ay isang guro na nagturo sa karamihan sa mga diskarte sa pakikipagtalo na ginagamit nila. Nalaman ko rin kung paano makipagtalakayan gamit ang Bibliya upang ipagtanggol ang Kristiyanismo. At gayundin na alam ko ang mga kontrobersiyal na argumento para sa bawat argumento na kami, bilang mga ministro, ay pinagbawalan ng aming mga pinuno na talakayin o ibunyag.
Panalangin ko na patawarin tayo ng Diyos sa lahat ng ating kamangmangan at gabayan tayo sa landas patungo sa Paraiso. Lahat ng papuri ay dahil sa Diyos. Nawa ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay mapasahuling sugo, Propeta Muhammad, kanyang pamilya, mga kasama, at mga sumusunod sa tunay na patnubay.
Magdagdag ng komento