Si Kristin, Dating Katoliko, Estados Unidos (bahagi 1 ng 2)
Paglalarawanˇ: Isang dating Kristiyano ay tinalakay ang mga bagay na kanyang natagpuan na di-lohikal sa Kristiyanidad at ang kanyang pagkawili sa Hudaismo.
- Ni Kristin
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 20 Aug 2006
- Nag-print: 3
- Tumingin: 5,502 (araw-araw na pamantayan: 4)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang aking paghahanap para sa isang relihiyon ay nagsimula sa mataas na paaralan noong ako ay 15 o 16 taong gulang. Ako ay nauugnay sa isang masamang grupo ng mga tao na aking inakalang aking mga kaibigan, ngunit nang lumaon ay napagtanto kung ang mga taong ito ay mga talunan. Aking nakita kung saang direksyon ang kanilang buhay papunta, at hindi ito sa kabutihan. Hindi ko nais na ang mga taong ito ay magkaroon ng anumang epekto sa aking tagumpay sa hinaharap, kaya inilayo ko ang aking sarili mula sa kanila nang tuluyan. Ito ay mahirap sa simula dahil ako ay nag-iisa na walang kaibigan. Sinimulan kong maghanap ng isang bagay upang maiugnay ang aking sarili at isang bagay na maaari kong asahan at ibatay ang aking buhay.... isang bagay na hindi maaaring magamit ng sinumang tao upang sirain ang aking hinaharap. Sa pangkaraniwan, lumingon ako sa paghahanap sa Diyos. Ang alamin kung sino ang Diyos at kung ano ang katotohanan ay hindi madali, gayunpaman. Ano nga ba ang katotohanan?! Ito ang aking pangunahing katanungan habang sinisimulan ko ang aking paghahanap para sa isang relihiyon.
Sa aking sariling pamilya, maraming pagbabagu-bago ng relihiyon. Ang aking pamilya ay may mga Hudyo at may ilang uri ng Kristiyanismo sa mga ito, at ngayon, Alhamdulillah (ang lahat ng papuri ay para sa Diyos) Islam.
Nang ang aking Ina at Ama ay ikinasal, naramdaman nila ang pangangailangang magpasya kung anong pananampalataya ang maipapalaki sa kanilang mga anak. Dahil ang Simbahang Katoliko ay ang talagang tanging mapagpipilian para sa kanila (ang aming bayan ay may 600 katao lamang) silang dalawa ay nagbagong loob sa Katolisismo at pinalaki ang aking kapatid na babae at ako bilang mga Katoliko. Sa pagbabalik-tanaw sa mga kuwento ng mga pagbabagong loob sa aking sariling pamilya, tila lahat ng mga ito ay pagbababgong loob para sa kaluwagan. Hindi ko maipapalagay na tunay na naghahanap sila ng Diyos, ngunit ginagamit lamang ang relihiyon bilang paraan upang makamit ang isang ninanais. Kahit na matapos ang lahat ng mga pagbabagong ito sa nakaraan, ang relihiyon ay hindi labis na kahalagahan para sa aking Ina, Ama, kapatid na babae o sa akin. Kung mayroon man, ay kami ang pamilya na iyong makikita sa simbahan sa panahon ng Pasko at Linggo ng Pagkabuhay. Palagi kong nararamdaman na ang relihiyon ay isang bagay na hiwalay sa aking buhay, 6 na araw sa isang linggo para sa buhay at isang araw sa isang linggo para sa simbahan, sa mga bihirang mga okasyon na ako ay sumasama. Sa madaling salita, hindi ang kamalayan sa Diyos o kung paano mamuhay alinsunod sa Kanyang mga turo sa araw-araw.
Hindi ko tinanggap ang ilang mga kasanayan sa Katoliko kabilang ang:
1) Pangungumpisal sa isang pari: Inisip ko kung bakit hindi na lamang mangumpisal sa Diyos nang hindi kinakailangang dumaan sa isang tao upang makarating sa Kanya?
2) Ang "Perpektong" Papa- Paano ang isang tao lamang, ni hindi isang propeta, ay magiging perpekto?!
3) Ang pagsamba sa mga santo - hindi ba ito isang tuwirang paglabag sa unang utos? Kahit na matapos ang 14 na taong sapilitang pagdalo sa pag-aaral kada Linggo, ang mga sagot na natanggap ko sa mga tanong na ito at sa iba pa ay, "Kailangan mo lamang magkaroon ng pananampalataya!!" Dapat ba akong magkaroon ng pananampalataya dahil may isang taong NAGSABI sa akin?! Akala ko ang pananampalataya ay dapat na batay sa katotohanan at mga sagot na sang-ayon sa lohika, ako ay interesadong makahanap ng ilan.
Hindi ko gusto ang katotohanan ng aking mga magulang, o kaibigan, o sinumang iba pa. Kailangan ko ang katotohanan ng Diyos. Kailangan ko na ang bawat ideyang aking hawak na maging totoo sa akin dahil ako ay naniniwala dito nang buong puso at kaluluwa. Ako ay nagpasya na kung hahanapin ko ang mga sagot sa aking mga katanungan, kailangan kong maghanap gamit ang isang malayang pag-iisip, at magsimula akong magbasa...
Ako ay nagpasyang ang Kristiyanismo ay hindi ang relihiyong para sa akin. Ako ay walang anumang personal sa mga Kristiyano, ngunit natagpuan ko na ang relihiyon mismo ay naglalaman ng maraming mga salungatan, lalo na kapag nagbasa ako ng Bibliya. Sa Bibliya, ang mga salungatan na aking napansin at ang mga bagay na walang kahit anumang saysay ay napakarami na ako mismo ay nakaramdam ng pagkahiya na hindi ko kailanman itinanong ang mga ito noon o kahit pa napansin ko na ito!
Dahil ang ilang mga tao sa aking pamilya ay Hudyo, ako ay nagsimulang magsaliksik sa Hudaismo. Aking naisip sa aking sarili na ang sagot ay maaaring naroon. Kaya sa loob ng halos isang taon ay gumawa ako ng pananaliksik sa anumang bagay tungkol sa Hudaismo, ang ibig kong sabihin ay MALALIM na pananaliksik!! Araw-araw ay sinubukan kong magbasa at matutunan ang isang bagay (alam ko pa rin ang tungkol sa Ortodoksiyang kashrut na batas sa Hudyo!). Ako ay nagtungo sa aklatan at sinuri ang bawat aklat sa Hudaismo sa loob ng dalawang buwan, sa paghahanap ng impormasyon. Sa internet, nagpunta sa sinagoga, nakipag-usap sa iba pang mga taong Hudyo sa mga kalapit na bayan at binasa ang Torah at Talmud. Mayroon pa akong isa sa mga kaibigang Hudyo na dumalaw sa akin mula sa Israel! Aking inakalang natagpuan ko na ang aking hinahanap. Gayunpaman, sa araw na dapat akong magtungo sa sinagoga at makipagtagpo sa mga rabino sa posibleng maging opisyal ng aking pagbabagong loob, ay umatras ako. Hindi ko talaga alam kung ano ang pumigil sa akin sa hindi paglisan ng bahay nang araw na yaon, ngunit ako ay tumigil lang habang papalabas na ako ng pinto at nagbalik at umupo. Aking naramdaman na ako ay nasa isa sa mga panaginip na kung saan sinusubukan mong tumakbo ngunit ang lahat ay nasa mabagal na paggalaw. Alam kong nandoon ang rabino at naghihintay sa akin, ngunit hindi man lang din ako tumawag upang sabihing ako ay darating. Ang rabino ay hindi rin ako tinawagan. May bagay na kulang...
Matapos malamang ang Hudaismo ay hindi rin ang sagot, naisip ko (pagkatapos din ng maraming panggigipit mula sa aking mga magulang) na bigyan ang Kristiyanismo ng isa pang pagkakataon. Mayroon akong, tulad ng sinabi ko, isang magandang karanasan sa mga teknikalidad mula sa aking mga taon ng mga Lingguhang pag-aaral, ngunit mas pinahahalagahan ko ang paghahanap ng katotohanan sa likod ng mga teknikalidad. Ano ang kagandahan nito sa lahat, saan ang seguridad nito at kung paano ko matatanggap ito nang lohikal? Alam ko na kong aking masinsinang isaalang-alang ang Kristiyanismo, ang Katolisismo ay labas dito. Ako ay nagpunta sa bawat ibang Kristiyanong simbahan sa aking bayan, Luterano, Pentekostes, Huling Araw na mga Santo (Mormon), at mga walang denominasyong simbahan. Hindi ko mahanap ang aking hinahanap - mga kasagutan!! Hindi ang kapaligiran ng mga tao ang nakapagpatalikod sa akin; ang mga pagkakaiba-iba sa pagitan ng mga denominasyon ang ikinabahala ko. Ako ay naniniwalang dapat mayroong isang tamang paraan, kaya paano ko maaaring mapili ang "tama" na denominasyon? Sa aking palagay ay imposible at hindi patas para sa isang Mahabagin at Maawain na Diyos na iwanan ang sangkatauhan sa ganitong pagpipilian. Ako ay naligaw...
Magdagdag ng komento