Ano ang Sunnah? (bahagi 2 ng 2): Ang Sunnah sa Islamikong Batas
Paglalarawanˇ: Isang maikling artikulo na binabalangkas kung ano ang bumubuo sa Sunnah, at ang papel nito sa Islamikong Batas. Pangalawang Bahagi: Paano naiiba ang Sunnah mula sa Quran, at ang katayuan ng Sunnah sa Islamikong Batas.
- Ni The Editorial Team of Dr. Abdurrahman al-Muala (translated by islamtoday.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 04 Oct 2009
- Nag-print: 5
- Tumingin: 7,756 (araw-araw na pamantayan: 5)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang Kaibahan sa Pagitan ng Sunnah at ng Quran
Ang Quran ay ang pundasyon ng Islamikong Batas. Ito ang mahimalang salita ng Diyos na ipinahayag sa Sugo, nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya, sa pamamagitan ng anghel na si Gabriel. Ito ay naiparating sa atin ng napakaraming mga kawin ng awtoridad na ang historikong awtentisidad nito ay hindi mapag-aalinlanganan. Ito ay nasusulat sa sarili nitong kabuuan, at ang pagbasa nito ay isang uri ng pagsamba.
Patungkol naman sa Sunnah, ito ay ang pangkalahatan bukod sa Quran na nagmula sa Sugo ng Diyos. Ipinapaliwanag nito at nagbibigay ng mga detalye para sa mga batas na matatagpuan sa Quran. Ito rin ay nagbibigay ng mga halimbawa ng praktikal na aplikasyon ng mga batas na ito. Ito rin ay direktang kapahayagan mula sa Diyos, o mga pagpapasya ng Sugo na pinatunayan sa pamamagitan ng kapahayagan. Samakatuwid, ang pinagkunan ng lahat ng Sunnah ay kapahayagan.
Ang Quran ay ang kapahayagan na pormal na binabasa bilang isang gawang pagsamba, at ang Sunnah ay kapahayagan na hindi pormal na binabasa. Ang Sunnah, gayunpaman, ay katulad lamang din ng Quran na ito ay kapahayagan na dapat sundin at panghawakan.
Ang Quran ay nangingibabaw sa Sunnah sa dalawang kaparaanan. Sa unang bagay, ang Quran ay binubuo ng ganap na mga salita ng Diyos, mahimala ang kalikasan, hanggang sa huling talata. Ang Sunnah, gayunpaman, ay hindi masasabing ganap na mga salita ng Diyos, ngunit sa halip ay ang mga kahulugan nito na ipinaliwanag ng Propeta.
Ang Katayuan ng Sunnah sa Islamikong Batas
Sa buong buhay ng Sugo ang Quran at Sunnah lamang ang tanging pinagkukunan ng Islamikong Batas.
Ang Quran ay nagbibigay ng pangkalahatang mga kautusan na bumubuo ng batayan ng Batas, nang hindi na dumadaan pa sa lahat ng mga detalye at pangalawahing pagbabatas, maliban sa ilang mga kautusan na naitatag kasama ang pangkalahatang mga prinsipyo. Ang mga kautusang ito ay hindi napapasailalim sa pagbabago sa paglipas ng panahon o sa pagbabago ng mga kalagayan ng mga tao. Ang Quran, gayundin, ay may mga doktrina ng paniniwala, nakasaayos na mga gawang pagsamba, binabanggit ang mga kuwento ng mga sinaunang bansa, at nagbibigay ng moral na mga alituntunin.
Ang Sunnah ay sumasang-ayon sa Quran. Ipinapaliwanag nito ang mga kahulugan ng kung ano ang hindi malinaw sa teksto, nagbibigay ng mga detalye para sa kung ano ang inilalarawan sa pangkalahatang mga katawagan, tinutukoy kung ano ang pangkalahatan, at ipinapaliwanag ang mga kautusan at mga layunin nito. Ang Sunnah ay may kasama ring mga kautusang hindi naibibigay ng Quran, ngunit ang mga ito ay palaging naaayon sa mga prinsipyo nito, at ang mga ito ay palaging isinusulong ang mga layunin na nakabalangkas sa Quran.
Ang Sunnah ay isang praktikal na pagpapahayag nang kung ano ang nasa Quran. Ang mga pagpapahayag na ito ay nagtataglay ng maraming mga anyo. Kung minsan, ito ay dumadating bilang isang pagkilos na isinagawa ng Sugo. Sa ibang mga pagkakataon, ito ay isang pahayag na kanyang ginawa bilang tugon sa isang bagay. Kung minsan, ito ay kukunin ang anyo sa isang pahayag o pagkilos ng isa sa mga Kasamahan na alinman ay pinigilan o tinutulan ito. Sa kabaligtaran, siya ay nananatiling tahimik tungkol dito o ipinahayag ang kanyang pahintulot para dito.
Ang Sunnah ay ipinapaliwanag at nililinaw ang Quran sa maraming pamamaraan. Ipinapaliwanag nito kung paano isagawa ang mga gawang pagsamba at ipatupad ang mga batas na binabanggit sa Quran. Ang Diyos ay inuutusan ang mga mananampalataya na magdasal nang hindi binanggit ang mga oras ng pagdarasal na dapat itong isagawa o ang paraan ng pagsasagawa nito. Ang Sugo ay nilinaw ito sa pamamagitan ng kanyang sariling mga pagdarasal at sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga Muslim kung paano magdasal. Sinabi niya: "Magdasal tulad ng nakita mo sa aking pagdarasal."
Ang Diyos ay ginawa ang paglalakbay sa Hajj na obligado nang hindi ipinaliwanag ang mga ritwal nito. Ang Sugo ng Diyos ay ipinaliwanag ito sa pamamagitan ng pagsasabing:
“Tularan ang mga ritwal ng Hajj mula sa akin.”
Ang Diyos ay ginawa ang buwis ng Zakah na obligado nang hindi binanggit kung anong mga uri ng yaman at ani ang dapat patawan nito. Ang Diyos ay hindi rin binanggit ang pinakamababang halaga ng yaman na ang buwis ay nagiging obligado. Ang Sunnah, gayunpaman, ay ginawa ang lahat ng mga ito na malinaw.
Ang Sunnah ay tinukoy ang mga pangkalahatang pahayag na matatagpuan sa Quran. Ang Diyos ay nagsabi:
“Ang Diyos ay inutusan kayo patungkol sa inyong mga anak: sa lalaki, ang bahagi katumbas ng para sa dalawang babae...” (Quran 4:11)
Ang pananalitang ito ay pangkalahatan, naaangkop sa bawat pamilya at ginagawa ang bawat anak na tagapagmana ng kanyang mga magulang. Ang Sunnah ay ginawa ang pagpapasyang ito na mas tukoy sa pamamagitan ng hindi pagsama sa mga anak ng mga Propeta. Ang Sugo ng Diyos ay nagsabi:
“Kaming mga Propeta ay hindi nag-iiwan ng pamana. Anuman ang aming maiwan ay para sa kawanggawa.”
Ang Sunnah ay ibinibilang ang hindi napabilang na mga pahayag sa Quran. Ang Diyos ay nagsabi:
“…at kung walang matagpuang tubig, magkagayon ay magsagawa ng tayammum (tuyong paghuhugas) gamit ang malinis na lupa at ihaplos sa inyong mga mukha at mga kamay... (Quran 5:6)
Ang talata ay hindi binabanggit kung hanggang saan ang sakop ng kamay, na nag-iiwan sa katanungang kung dapat ba niyang kuskusin ang mga kamay hanggang sa pulso o bisig. Ang Sunnah ay ginawa itong malinaw sa pamamagitan ng pagpapakita na ito ay hanggang pulso, sapagkat ito ang siyang ginawa ng Sugo ng Diyos nang siya ay nagsagawa ng tuyong paghuhugas.
Ang Sunnah ay dumating ding binibigyang diin kung ano ang nasa Quran o pagbibigay ng pangalawahing pagbabatas para sa isang batas na nakasaad dito. Kasama dito ang lahat ng mga hadith na nagpapahiwatig na ang Pagdarasal, ang buwis sa Zakah, pag-aayuno, at ang paglalakbay sa Hajj ay obligado.
Isang halimbawa na kung saan ang Sunnah ay nagbibigay ng karagdagang batas para sa isang kautusang matatagpuan sa Quran ay ang pagpapasya na matatagpuan sa Sunnah na ipinagbabawal na magbenta ng bunga bago ito magsimulang mahinog. Ang batayan para sa batas na ito ay ang pahayag ng Quran:
Huwag ninyong kainin o gamitin ang inyong yaman nang walang katarungan, maliban sa kalakalan mula sa inyo sa pamamagitan ng pinagkaisahang pahintulot.
Ang Sunnah ay naglalaman ng mga pagpapasya na hindi nabanggit sa Quran at hindi dumating bilang mga paglilinaw para sa isang bagay na nabanggit sa Quran. Ang isang halimbawa nito ay ang pagbabawal sa pagkain ng laman ng asno at ang laman ng maninilang mga hayop. Ang isa pang halimbawa nito ay ang pagbabawal sa pagpapakasal sa isang babae at sa kanyang tiyahin sa parehong pagkakataon. Ang mga ito at iba pang mga pagpapasya na ibinigay ng Sunnah ay dapat na sundin.
Ang Obligasyon ng Pagsunod sa Sunnah
Ang isang kailangan sa paniniwala sa pagkapropeta ay ang tanggapin bilang katotohanan ang lahat ng sinabi ng Sugo ng Diyos. Ang Diyos ay pinili ang Kanyang mga Sugo mula sa pagitan ng Kanyang mga tagasamba upang maiparating ang Kanyang Batas sa sangkatauhan. Ang Diyos ay nagsabi:
“…ang Diyos ang nakababatid ng pinakamainam kung kanino Niya ilalagay ang Kanyang mensahe…” (Quran 6:124)
Ang Diyos din ay nagsabi:
“…Ang mga Sugo ba ay inatasan ng anuman maliban na iparating ang malinaw na Mensahe?” (Quran 16:35)
Ang Sugo ay pinangalagaan mula sa pagkakamali sa lahat ng kanyang pagkilos. Ang Diyos ay pinangalagaan ang kanyang dila mula sa pagsasalita ng anuman kundi katotohanan. Ang Diyos ay pinangalagaan ang kanyang mga binti sa paggawa ng anuman kundi kung ano ang tama.
Ang Diyos ay iningatan siya mula sa pagpapakita ng pagsang-ayon sa anumang bagay na taliwas sa Islamikong Batas. Siya ang pinakamagandang lubos sa mga Nilikha ng Diyos. Ito ay malinaw mula sa kung paano inilalarawan siya ng Diyos sa Quran:
“Isinusumpa Ko sa bituin kapag ito ay naglalaho. Ang inyong kasamahan ay hindi naligaw o nagkamali. O siya ay nagsasalita mula sa kanyang sariling pagnanasa. Ito lamang ay kapahayagan na ipinahayag.” (Quran 53:1-4)
Ating nakikita sa mga hadith na walang mga kalagayan, gaano man subukan, na maaaring pigilan ang Propeta mula sa pagsasalita ng katotohanan. Ang pagkagalit ay hindi kailanman nakakaapekto sa kanyang pananalita. Hindi siya kailanman nagsasalita ng kabulaanan kahit na siya ay nagbibiro. Ang kanyang sariling mga hangarin ay hindi kailanman nagpagiwang sa kanya mula sa pagsasalita ng katotohanan. Ang tanging layunin na kanyang hinahangad ay ang kasiyahan ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat.
Si Abdullah b. Amr b. al-Aas ay isinalaysay na kanyang isinusulat ang lahat ng sinasabi ng Sugo ng Diyos. Pagkatapos ang tribo ng Quraish ay ipinagbawal sa kanya na gawin ito, na nagsasabing: "Isusulat mo ba ang lahat ng sinasabi ng Sugo ng Diyos, at siya ay isang tao lamang na nagsasalita sa kasiyahan at sa pagkagalit?"
Si Abdullah b. Amr ay tumigil sa pagsusulat at binanggit ito sa Sugo ng Diyos na nagsabi sa kanya:
“Sumulat, sapagkat sa Kanya na kaninong kamay ang aking kaluluwa, tanging katotohanan lamang ang lalabas mula dito.” …at itinuturo ang kanyang bibig.
Ang Quran, ang Sunnah, at ang pinagkasunduan ng mga hurado ay nagtuturo sa katotohanan na ang pagsunod sa Sugo ng Diyos ay obligado. Ang Diyos ay nagsabi sa Quran:
“O kayong mga naniwala, sumunod kayo sa Diyos at sumunod sa Kanyang Sugo, at sa mga namumunong kabilang sa inyo. At kung kayo ay hindi magkasundo hinggil sa anumang bagay, inyong isangguni ito sa Diyos at sa Kanyang Sugo, kung kayo ay naniniwala sa Diyos at sa Huling Araw...” (Quran 4:59)
Magdagdag ng komento