Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang mga Pagkakasalungat sa Bibliya (bahagi 1 ng 7): Panimula

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Isang pagtingin sa kung ano ang sinabi ng ilan sa mga nangungunang Kristyanong Iskolar patungkol sa awtentisidad ng Bibliya.

  • Ni Misha’al ibn Abdullah (taken from the Book: What did Jesus really Say?)
  • Nailathala noong 16 Nov 2020
  • Huling binago noong 19 Nov 2020
  • Nag-print: 9
  • Tumingin: 12,654
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

“Kung gayon, kasawian sa mga nagsusulat ng Aklat sa kanilang sariling mga kamay at nagsasabi: “Ito ay mula sa Allah”, upang ipagbili ito sa isang maliit na halaga! Kasawian sa kanila, sa anumang sinulat ng kanilang mga kamay at kasawian sa kanila sa anumang kanilang kinita.” (salin ng kahulugan ng Quran 2:79)

“At nang ang isang Sugo (Muhammad) na nagmula sa Allah ay dumarting sa kanila na nagpapatunay sa kung ano ang tinanggap nila, ang isang pangkat sa lipon nila (ang Angkan ng Kasulatan) ay naghagis ng Aklat nل Allah sa kanilang likuran na wari bang (ito ay isang bagay) na hindi nila nababatid!.” (salin ng kahulugan ng Quran 2:101)

“Huwag ninyong daragdagan ni babawasan ang salita na Aking iniuutos sa inyo, upang inyong maingatan ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios na Aking iniuutos sa inyo.” (Deuteronomio 4:2)

Christian_Scholars_Recognize_Contradictions_in_the_Bible_(part_1_of_5)_001.jpgMagsimula tayo sa simula. Walang iskolar ng Bibliya sa mundong ito ang magsasabing ang Bibliya ay isinulat mismo ni Hesus. Lahat sila ay sumasang-ayon na ang Bibliya ay isinulat pagkatapos ng pag-alis ni Hesus (sumakanya ang kapayapaan) ng kanyang mga tagasunod. Si Dr. W Graham Scroggie ng Moody Bible Institute, sa Chicago, isang prestihiyosong misyonaryong pang-ebanghelyo, ay nagsabi:

”..Oo, ang Bibliya ay (mula sa) tao, bagaman ang ilan ay mula sa pagsisikap na kung saan ay hindi naayon sa kaalaman, ay tinanggihan ito. Ang mga librong iyon ay dumaan sa kaisipan ng mga tao, isinulat sa wika ng mga tao, na isinulat ng mga kamay ng mga tao at ipinapahiwatig sa kanilang istilo ang mga katangian ng mga tao....Ito ay (mula sa) Tao, Ngunit Banal.”[1]

Ang isa pang iskolar na Kristiyano, si Kenneth Cragg, ang Anglikanong Obispo ng Jerusalem, ay nagsabi:

“...Hindi ganoon ang Bagong Tipan ... Mayroong pagbawas at pagbabago; may pagpili kung paano gagawin at saksi nito. Ang mga Ebanghelyo ay mula sa isipan ng simbahan na nasa likod ng mga may-akda. Kinakatawan nila ang karanasan at kasaysayan...”[2]

“Kilalang-kilala na ang pinaka-unang Kristyanong Ebanghelyo ay una nang nailipat sa pamamagitan ng salita ng bibig at na ang sinalitang salaysay ay nagresulta sa iba't ibang pag-uulat ng salita at gawa. Ito ay kapwa totoo na noong ang talaan ng Kristyano ay tumuon sa pagsulat nito, nagpatuloy ito bilang isang paksa ng pagkakaiba-iba ng salita. Kusa at sinadya, sa kamay ng mga eskriba at patnugot.”[3]

“Gayunpaman, sa katotohanan, ang bawat aklat ng Bagong Tipan maliban sa apat na tanyag na Sulat ni San Pablo ay kasalukuyang karaniwan na paksa ng kontrobersya, at ang mga pagdaragdag ng salita ay inihahayag din sa mga ito.”[4]

Si Dr. Lobegott Friedrich Konstantin Von Tischendorf, isa sa pinaka matatag na konserbatibong Kristiyanong tagapagtanggol ng Trinidad ay inamin sa kanyang sarili na:

“[ang Bagong Tipan ay] sa paglipas ng mga panahon ay sumailalim sa malubhang pagbabago ng kahulugan upang tayo ay masaktan sa kawalan ng katiyakan tungkol sa kung ano talaga ang isinulat ng mga Apostol.”[5]

Matapos ilista ang maraming mga halimbawa ng salungat na mga pahayag sa Bibliya, sinabi ni Dr. Frederic Kenyon:

“Bukod sa mga maraming pagkakaiba-iba, tulad ng mga ito, halos walang ni isang talata kung saan walang kaunting pagkakaiba-iba ng parirala sa ilang mga kopya [ng mga sinaunang manuskrito kung saan nakolekta ang Bibliya]. Walang makakapagsabi na ang mga pagdaragdag o pagtanggi o pagbabago na ito ay mga bagay lamang sa pagwawalang-bahala”[6]

Sa buong aklat na ito ay makikita mo ang hindi mabilang na iba pang mga katulad na mga salita mula sa ilan sa mga nangungunang iskolar ng Kristiyanismo. Sapat na tayo sa mga ito para sa ngayon.

Ang mga Kristiyano, sa pangkalahatan, ay mabuti at disenteng mga tao, at sa paglakas ng kanilang pananalig mas nagiging disente sila. Ito ay pinatunayan sa marangal na Quran:

“...at iyong matatagpuan bilang pinakamalapit na pagmamahal sa mga naniniwala (mga Muslim) ay sila na nagsasabi: “Kami ay mga Kristiyano.” Ito’y sa dahilang kabilang sa kanila ay may mga pari at monako, at sila ay hindi mga mapagmalaki. At kung sila (na tumatawag sa kanilang sarili na mga Kristiyano) ay nakikinig sa mga ipinahayag sa Sugo (Muhammad), makikita ang kanilang mga mata na labis ang pagtulo ng luha dahilan sa katotohanan na kanilang napagkilala. Sila ay nagsasabi: “Aming Panginoon! Kami ay naniniwala, kaya’t kami ay Iyong itala na kabilang sa mga saksi.’” (salin ng kahulugan ng Quran 5:82-83)

Ang lahat ng mga "bersyon" ng Bibliya na nauna sa binagong bersyon ng 1881 ay nakasalalay sa "Sinaunang Mga Kopya" (yaong mga mula lima hanggang anim na daang taon pagkatapos ni Hesus). Ang mga nagrebisa ng Revised Standard Version (RSV) ng 1952 ay ang unang mga iskolar sa bibliya na may hawak sa "PINAKA sinaunang mga kopya" noong tatlo hanggang apat na daang taon pagkatapos ni Kristo. Makatarungan lamang para sa atin na mapagkasunduan na ang mas malapit na dokumento sa mapagkukunan ay ang mas tunay nito. Tingnan natin kung ano ang opinyon ng Kakristiyanuhan tungkol sa pinaka-binagong bersyon ng Bibliya (na binago noong 1952 at muling binago noong 1971):

“Ang pinakamahusay na bersyon na ginawa sa kasalukuyang siglo ”- (Church of England Newspaper)

“Isang ganap na sariwang pagsasalin ng mga iskolar sa pinakamataas na katayuan” - (Times literary supplement)

“Ang mga pinaka minahal na katangian ng awtorisadong bersyon na sinamahan ng isang bagong kawastuhan ng pagsasalin” - (Life and Work)

“Ang pinaka-wasto at malapit na pagsasalin sa orihinal” - (The Times)

Ang mga naglathala mismo (Collins) ay nagbanggit sa pahina 10 ng kanilang mga tala:

“Ang Bibliya na ito (RSV) ay produkto ng tatlumpu't dalawang iskolar na tinulungan ng komite ng tagapayo na kumakatawan sa limampung mga denominasyon na nagtutulungan”

Tingnan natin kung ano ang masasabi nitong tatlumpung dalawang Kristiyanong iskolar ng pinakamataas na kasanayan na suportado ng limampung nagtutulungang mga denominasyon patungkol sa Awtorisadong Bersyon (AV), o sa mas kilala bilang, ang King James Version (KJV). Sa paunang salita ng RSV 1971 matatagpuan natin ang sumusunod:

“...Gayunpaman ang King James Bersyon ay may mga MALUBHANG DEPEKTO..”

Patuloy sila sa pagbabala sa atin na:

“...Na ang mga depekto na ito ay SOBRANG DAMI AT MALUBHA na kailangan itong baguhin”

Ang mga Saksi ni Jehova sa kanilang pahayagang "AWAKE" na may petsang ika-8 ng Setyembre 1957, ay naglathala ng sumusunod na punong-sabi: "50,000 Kamalian sa Bibliya" kung saan kanilang sinabi "..marahil may 50,000 na mga pagkakamali sa Bibliya...mga pagkakamali na naganap sa teksto ng Bibliya...50,000 na malubhang mga pagkakamali..." Gayunpaman, pagkatapos nito, sila ay nagpatuloy sa pagsabi na: "...sa kabuuan ang Bibliya ay tumpak." Tingnan lamang natin ang ilan sa mga pagkakamaling ito.



Mga talababa:

[1] W Graham Scroggie, p. 17

[2] The Call of the Minaret, Kenneth Cragg, p 277

[3] Peake’s Commentary on the Bible, p. 633

[4] Encyclopaedia Brittanica, 12th Ed. Vol. 3, p. 643

[5] Secrets of Mount Sinai, James Bentley, p. 117

[6] Our Bible and the Ancient Manuscripts, Dr. Frederic Kenyon, Eyre and Spottiswoode, p. 3

Mahina Pinakamagaling

Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang mga Pagkakasalungat sa Bibliya (bahagi 2 ng 7): Mga Halimbawa ng Pagdaragdag ng Salita

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Ang ilang mga halimbawa ng mga pagdaragdag ng salita sa Bibliya, katulad sa binanggit ng mga Kristiyanong iskolar.

  • Ni Misha’al ibn Abdullah (taken from the Book: What Did Jesus Really Say?)
  • Nailathala noong 16 Nov 2020
  • Huling binago noong 19 Nov 2020
  • Nag-print: 8
  • Tumingin: 11,129
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Sa Juan 3:16 - AV (KJV) mababasa natin:

“Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanlibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan..”

[…] ang katha na "bugtong na anak" na sa ngayon ay hindi pinapaliwanag ng mga pinakatanyag na rebisador ng Bibliya. Gayunpaman, ang tao ay hindi kailangang maghintay ng 2000 taon para sa kapahayagan na ito.

Sa Surah al-Maryam(19): 88-98 ng marangal na Quran ay mababasa natin:

“At sila ay nagsasabi: “Ang Pinakamahabagin (Allah) ay nagkaanak ng isang lalaki!” Katotohanang kayo ay nakagawa ng isang kakila-kilabot na masamang bagay. Na rito ang kalangitan ay halos mapunit, at ang kalupaan ay mabiyak mula sa ilalim, at ang kabundukan ay gumuho sa matinding pagkawasak. Dahilan sa kanilang iniakibat sa Pinakamahabagin ang isang anak na lalaki. At hindi angkop para sa Kadakilaan ng Pinakamahabagin na Siya ay magkaroon ng isang anak na lalaki. Walang sinuman ang nasa mga kalangitan at kalupaan maliban na siya ay paparoon sa Pinakamahabagin bilang isang alipin. Katotohanan, Kanyang inisa-isa ang mga ito at binilang ang mga ito nang lubusang pagbilang. At lahat sila ay paparoon sa Kanya na nag-iisa sa Araw ng Muling Pagkabuhay (na walang anumang katulong, tagapangalaga o tagapagtanggol). Katotohanan, sila na tunay na sumasampalataya at gumagawa ng mga kabutihan, ang Pinakamahabagin ay magkakaloob ng pagmamahal sa kanila. Kaya't ginawa Namin ito [Ang Quran] na magaan sa iyong sariling dila (O Muhammad), upang maibigay mo ang magandang balita sa Muttaqun (mga matimtiman at matutuwid na mananampalataya) at upang mabigyan ng babala sa pamamagitan nito ang mga pinakapalaaway. At ilan na bang henerasyong nauna sa kanila ang Aming winasak? Mayroon ka pa bang isang matatagpuang kabilang sa kanila, o di kaya ay makakarinig ng kahit na isang bulong (man lamang) sa kanila?” (salin ng kahulugan)

Sa Unang Sulat ni Juan 5: 7 (King James Version) matatagpuan natin:

“Sapagkat may tatlo na nagpapatotoo sa langit, ang Ama, ang Salita, at ang Espiritu Santo, at ang tatlo ay iisa.”

Tulad ng nakita na natin sa seksyon 1.2.2.5, ang talatang ito ay ang pinakamalapit na pagkakahawig sa tinatawag ng Simbahan na banal na Trinidad. Gayunpaman, tulad ng nakikita sa seksyong ito, ang pundasyong ito ng pananampalatayang Kristiyano ay ibinasura mula sa RSV ng parehong tatlumpu't dalawang Kristiyanong iskolar ng pinakamataas na kasanayan na suportado ng limampung nagtutulungang mga denominasyong Kristiyano, muli ang lahat ay ayon sa "pinaka sinaunang mga manuskrito". At muli, natagpuan natin na ang dakilang Quran ay nagpahayag ng katotohanan na ito higit labing-apat na daang daang taon na ang nakalipas:

“O Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano)! Huwag kayong magmalabis sa hangganan ng pananampalataya, at huwag din kayong magsabi ng patungkol sa Allah maliban sa katotohanan. Ang Mesiyas na si Hesus, ang anak ni Maria, ay (hindi hihigit pa) sa isang Tagapagbalita ni Allah at Kanyang Salita (“Mangyari nga!”, at ito ay magaganap) na Kanyang iginawad kay Maria at isang Ruh (espiritu) na Kanyang nilikha (alalaong baga, ang kaluluwa ni Hesus ay nilikha ni Allah, samakatuwid siya ay Kanyang alipin, at si Allah at ang espiritu ay hindi magkapantay o magkatulad); kaya’t manampalataya kay Allah at sa Kanyang mga Tagapagbalita. Huwag kayong mangusap ng: “Trinidad (o Tatlo)!” Magsitigil! (Ito ay) higit na mainam sa inyo. Sapagkat si Allah (ang tanging) Nag-iisang Diyos, ang Kaluwalhatian ay sa Kanya, (higit Siyang mataas) kaysa (sa lahat) upang magkaroon ng anak. Sa Kanya ang pag-aangkin ng lahat ng nasa kalangitan at lahat ng nasa kalupaan. At si Allah ay Lalagi at Sapat na upang maging Tagapamahala ng lahat ng mga pangyayari.” (salin ng kahulugan ng Quran 4:171)

Bago ang 1952 lahat ng mga bersyon ng Bibliya ay nagbanggit sa isa sa mga pinaka-mahimalang kaganapan na may kaugnayan sa propetang si Hesus (sumakanya ang kapayapaan), patungkol sa kanyang pag-akyat sa langit:

“Kaya't ang panginoong Hesus, pagkatapos niyang magsalita sa kanila, ay dinala sa langit, at umupo sa kanang kamay ng Diyos” (Marcos 16:19)

…at muli sa Lucas:

“Habang pinagpapala niya sila, siya ay humiwalay sa kanila, at dinala sa langit. At sinamba nila siya, at bumalik sa Jerusalem nang may malaking kagalakan.” (Lucas 24:51-52)

Sa 1952 RSV ang aklat ng Marcos 16 ay nagtapos sa ika-8 taludtod at ang mga sumunod na natira ay inilagay sa maliit na pagkakaprinta sa isang talababa (marami pang patungkol rito sa susunod). Katulad nito, sa komentaryo sa mga taludtod ng Lucas 24, sinabi sa atin sa talababa ng NRSV Bible "Ang ibang sinaunang mga awtoridad ay nagkulang at “dinala sa langit’“ at “Ang ibang sinaunang mga awtoridad ay nagkulang ‘at sumamba sa kanya'”. Kaya makikita natin na ang taludtod sa Lucas sa orihinal nitong anyo ay nagsabi lamang na:

“Habang pinagpapala niya sila, humiwalay siya sa kanila. At sila ay bumalik sa Jerusalem na may malaking kagalakan.”

Tumagal ng maraming siglo ng "inspiradong pagwawasto" upang maibigay sa atin ang kasalukuyang anyo ng Lucas 24: 51-52.

Bilang isa pang halimbawa, sa Lucas 24: 1-7 mababasa natin:

“Ngayon sa unang araw ng linggo, nang maaga sa umaga, dumating sila sa libingan, dala ang mga pampalasa na inihanda nila, at ang ilan pa kasama nila. At natagpuan nila ang bato na nailigid sa libingan. At sila ay pumasok, at hindi nila natagpuan ang katawan ng Panginoong Jesus. At nangyari, nang labis silang naguluhan, narito, may dalawang lalake na nakatayo sa tabi nila na may mga nagliliwanag na kasuutan: At nang sila ay natatakot, at yumukod sa lupa, sinabi nila sa kanila, Bakit hinahanap ninyo ang buhay sa mga patay? Wala siya rito, ngunit nabuhay muli: alalahanin kung paano siya nagsalita sa inyo noong siya ay nasa Galilea, na sinasabi, Ang Anak ng tao ay dapat ibigay sa mga kamay ng mga makasalanang tao, at ipako sa krus, at sa ikatlong araw ay muling babangon..”

Muli, bilang pagtukoy sa ika-5 na talata, ang mga talababa ay nagsasabi: “Ang ibang sinaunang mga awtoridad ay walang 'Wala siya rito ngunit nabuhay muli’”

Ang mga halimbawa ay masyadong marami para mailista lahat dito, gayunpaman, ikaw ay hinihikayat namin na kumuha ng isang kopya ng New Revised Standard Version ng Bibliya para sa iyong sarili at suriin ang apat na mga ebanghelyo. Mahihirapan kang makahanap ng kahit dalawang magkakasunod na pahina na hindi naglalaman ng mga salitang ”Ang ibang sinaunang mga awtoridad ay nagkulang...” o ”Ang ibang mga sinaunang awtoridad ay nagdagdag...” atbp. sa mga talababa.

Mahina Pinakamagaling

Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang mga Pagkakasalungat sa Bibliya (bahagi 3 ng 7): Mga Sinasabing mga May-Akda ng Bagong Tipan

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Ang katibayan ng mga pagkakasalungat na natagpuan ng mga Kristyanong Iskolar mula sa mga salaysay ng sinasabing mga may akda ng Bagong Tipan.

  • Ni Misha’al ibn Abdullah (taken from the Book: What Did Jesus Really Say?)
  • Nailathala noong 16 Nov 2020
  • Huling binago noong 19 Nov 2020
  • Nag-print: 8
  • Tumingin: 11,183
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Mapapansin natin na ang bawat Ebanghelyo ay nagsisimula sa panimula na "Ayon kay ....." tulad ng "Ang Ebanghelyo ayon kay San Mateo," "Ang Ebanghelyo ayon kay San Lucas," "Ang Ebanghelyo ayon kay San Marcos," "Ang Ebanghelyo ayon kay San Juan." Ang malinaw na konklusyon para sa isang tipikal na tao sa kalye ay ang mga taong ito ay kinikilala bilang mga may-akda ng mga aklat na iniuugnay sa kanila. Ngunit, hindi ito ang pangyayari. Bakit? Dahil wala ni isa sa ipinagmamalaking apat na libong kopya na umiiral ang nagdadala ng lagda ng may-akda. Ito'y ipinagpalagay lamang na sila ang mga may-akda. Gayunman, ang mga bagong natuklasan ay pinabubulaanan ang paniniwalang ito. Maging ang panloob na ebidensya ay nagpapatunay na, halimbawa, hindi isinulat ni Mateo ang Ebanghelyo na iniugnay sa kanya:

“...Sa patuloy na paglalakad ni Hesus, nakita niya ang isang lalaki na nakaupo sa paningilan ng buwis na ang pangalan ay Mateo. Sinabi ni Hesus sa kaniya: Sumunod ka sa akin. Tumindig siya at sumunod sa kaniya(Hesus).” (Mateo 9:9)

Hindi kinakailangan ng isang napakamatalinong tao para makita na wala kay Hesus o Mateo ang sumulat ng talatang ito sa “Mateo”. Ang nasabing katibayan ay matatagpuan sa maraming lugar sa buong Bagong Tipan. Bagaman maraming tao ang may sapantaha na posibleng ang isang may-akda ay maaring magsulat minsan sa ikatlong panauhan, ganun pa rin, sa liwanag ng iba pang mga ebidensya na makikita natin sa aklat na ito, sadyang napakaraming katibayan taliwas sa sapantahang ito.

Ang pagsusuri na ito ay hindi nangangahulugang limitado lamang ito sa Bagong Tipan. Mayroong sapat na patunay na ang ilang bahagi ng Deuteronomio ay hindi isinulat ng Diyos o ni Moises. Makikita ito sa Deuteronomio 34: 5-10 kung saan mabasa natin:

“Kaya't si Moises .... AY NAMATAY... at Siya (Ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat) AY INILIBING SIYA (Moises) ... Siya ay 120 na taong gulang NANG SIYA'Y PUMANAW ... Mula noon ay wala nang lumitaw sa Israel na propetang katulad ni Moises....”

Isinulat ba ni Moises ang kanyang sariling kamatayan? Sinasabi rin ni Joshua nang detalyado ang tungkol sa kanyang sariling kamatayan sa aklat ng Joshua 24: 29-33. Ang ebidensya na ito ay labis na sumusuporta sa kasalukuyang pagkilala na ang karamihan sa mga aklat ng Bibliya ay hindi isinulat ng kanilang mga sinasabing may akda.

Sinasabi ng mga may-akda ng RSV ni Collins na ang may-akda ng ”Mga Hari” ay ”Hindi kilala”. Kung alam nila na ito ang salita ng Diyos ay walang alinlangan na iuugnay nila ito sa kanya. Sa halip, pinili nilang matapat na sabihin na ”Ang may-akda... Hindi Kilala.” Ngunit kung ang may-akda ay hindi kilala bakit ito ipinaparatang sa Diyos? Paano ito nasabing “inspirado”? Bilang pagpapatuloy, mababasa natin na ang aklat ng Isaias ay ”Pangunahing iniugnay kay Isaias. Ang mga bahagi ay maaaring isinulat ng iba.” Pari: ”Ang may-akda. Nakakapagduda, ngunit karaniwang itinalaga kay Solomon.” Ruth: ”Ang may-akda. Hindi talaga kilala, marahil si Samuel,” at iba pa.

Halina't magkaroon tayo ng isang mas detalyadong pagtingin sa isang aklat lamang ng Bagong Tipan:

“Ang may-akda ng Aklat ng mga Hebreo ay hindi kilala. Iminumungkahi ni Martin Luther na si Apollos ang may-akda... Sinabi ni Tertullian na ang mga Aklat ng mga Hebreo ay isang sulat ni Barnabas... sina Adolf Harnack at J. Rendel Harris ay may espekulasyon na isinulat ito ni Priscilla (o Prisca). Iminungkahi ni William Ramsey na ginawa ito ni Philip. Subalit, ang tradisyunal na batayan ay, ang Apostol na si Pablo ang sumulat ng aklat ng mga Hebreo...Naniniwala si Eusebius na isinulat ito ni Pablo, ngunit hindi positibo si Origen sa kasulatan ni Pablo.”[1]

Ito ba ang ating pagpapakahulugan sa "inspirado ng Diyos"?

Tulad ng makikita sa unang kabanata, si San Pablo at ang kanyang simbahan matapos niya, ay responsable sa paggawa ng mga malalaking pagbabago sa relihiyon ni Hesus (pbuh) pagkatapos ng kanyang pag-alis at higit na responsable sa pagsisimula ng isang napakalaking kampanya ng pagpatay at pagpapahirap sa lahat ng mga Kristiyano na tumatanggi na itakwil ang mga katuruan ng mga apostol na pabor sa mga doktrina ni Pablo. Ang lahat maliban sa mga Ebanghelyo na katanggap-tanggap sa pananampalatayang hango sa doktrina ni Pablo (Pauline Faith) ay sistematikong winasak o muling isinulat. Si Rev. Charles Anderson Scott ay nagsabi ng mga sumusunod:

“Mataas ang posibilidad na wala ni isa sa mga Sipnotikong Ebanghelyo (Mateo, Marcos, at Lucas) ang umiiral sa anyo na mayroon tayo, bago ang kamatayan ni Pablo. At kung ang mga dokumento na kukunin sa mahigpit na pagkakasunud-sunod, ang mga Kasulatan ng hango sa doktrina ni Pablo ay mauuna kaysa sa mga synoptikong ebanghelyo.”[2]

Ang pahayag na ito ay higit na kinumpirma ni Prof. Brandon: "Ang pinakaunang mga Kristiyanong kasulatan na priniserba para sa atin ay ang mga liham ni apostol Pablo.”[3]

Sa huling bahagi ng ikalawang siglo, sinabi ni Dionysius, Obispo ng Corinth:

“Tulad ng hiniling sa akin ng mga kapatid na isulat ang mga sulat (mga titik), ginawa ko ito, at ang mga apostol ng demonyo na ito ay pinuno ito ng mga tares (hindi kanais-nais na mga elemento), pinagpalit-palit aang ilang mga bagay at pagdaragdag ng iba, kung kanino na may kapurasahang nakalaan. Kung gayon, hindi nakapagtataka kung ang ilan ay nagtangka ring gawing malaswa ang sagradong mga kasulatan ng Panginoon, dahil sinubukan din nila ang ganoon sa iba pang mga gawa na hindi maihahambing sa mga ito.”

Kinukumpirma ito ng Quran sa mga salita na:

“Kung gayon, kasawian sa mga nagsusulat ng Aklat sa kanilang sariling mga kamay at nagsasabi: “Ito ay mula sa Allah”, upang ipagbili ito sa isang maliit na halaga! Kasawian sa kanila, sa anumang sinulat ng kanilang mga kamay at kasawian sa kanila sa anumang kanilang kinita.” (salin ng kahulugan ng Quran 2:79)



Talababa:

[1] Mula sa panimula sa King James Bible, New revised and updated sixth edition, the Hebrew/Greek Key Study, Red Letter Edition.

[2] History of Christianity in the Light of Modern Knowledge, Rev. Charles Anderson Scott, p.338

[3] “Religions in Ancient History,” S.G.F. Brandon, p. 228.

Mahina Pinakamagaling

Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang mga Pagkakasalungat sa Bibliya (bahagi 4 ng 7): Mga Pagbabago sa mga Kasulatang Kristyano

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Ang mga Kasulatang Kristiyano ay "itinuwid" ng mga Kristiyanong Orthodox.

  • Ni Misha’al ibn Abdullah (taken from the Book: What Did Jesus Really Say?)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 03 Aug 2009
  • Nag-print: 8
  • Tumingin: 9,702
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Si Victor Tununensis, isang ika-anim na siglong Aprikanong Obispo ay iniulat sa kanyang Salaysay (566 AD) na noong si Messala ay naging isang kasangguni sa Costantinople (506 AD), siya ay "nag-alis at nagwasto" ng Ebanghelyo ng mga Hentil na isinulat ng mga taong itinuturing na mga mangmang ng Emperador na si Anastasius. Ang paliwanag, ay dahil sinadya itong baguhin upang umayon sa ika-anim na siglong Kristiyanismo na naiiba sa Kristiyanismo ng mga nakaraang siglo.[1]

Ang mga "pagwawasto" ay hindi lamang noong mga unang siglo pagkatapos ni Kristo. Sinabi ni Sir Higgins:

“Imposibleng itanggi na ang mga Monghe ng Bendictine ng St. Maur, na kung saan ang wikang Latin at Griyego ay umabot, ay napaka-talino at talentado, pati na rin ang maraming kinatawan ng mga tao. Sa Cleland's 'Life of Lanfranc, ang Arsobispo ng Canterbury', ay ang sumusunod na sinabi: Si 'Lanfranc, na isang Benedictine na Monghe, Arsobispo ng Canterbury, ay natagpuan ang mga Banal na Kasulatan na napinsala ng mga taga-kopya, nagsariling sikap upang iwasto ang mga ito, pati na rin ang mga sinulat ng mga pari, na sang-ayon sa pananampalataya ng orthodox, secundum fidem orthodoxam.”[2]

Sa madaling salita, ang mga banal na kasulatan ay muling isinulat upang sumunod sa mga doktrina ng ika-labing isa at ikalabing dalawang siglo, at maging ang mga sinulat ng mga unang pari ng simbahan ay "iwinasto" upang ang mga pagbabago ay hindi matuklasan. Patuloy na sinabi ni Sir Higgins, "Ang parehong banal na Protestante ay may kahanga-hangang sinabi na ganito: 'Bahagyang tinutukoy nito sa akin ang pag-amin, na ang orthodox sa ilang mga bagay ay binago ang mga Ebanghelyo."

Nagpatuloy ang may-akda upang ipakita kung paano ginawa ang isang napakalaking pagsisikap sa Constantinople, Roma, Canterbury, at ang Kristiyanong mundo sa pangkalahatan upang "iwasto" ang mga Ebanghelyo at sirain ang lahat ng mga manuskrito bago ang panahong ito.

Si Theodore Zahan, inilalarawan ang mga mapait na salungatan sa loob ng itinatag na mga simbahan sa mga Artikulo ng Apostolikong Kredo. Pinupunto niya na inaakusahan ng mga Romano Katoliko ang Simbahang Griyegong Orthodox ng muling pag-babago ng teksto ng mga banal na kasulatan sa pamamagitan ng mga pagdaragdag at pagtanggal na may kapwa mabuti at pati na rin ang masasamang hangarin. Ang Griyegong Orthodox, sa kabilang banda, ay inakusahan ang mga Romano Katoliko bilang naliligaw sa maraming lugar na napakalayo sa orihinal na teksto. Sa kabila ng kanilang pagkakaiba, pareho silang nagsanib-pwersa upang hatulan ang mga di-sumasang-ayon na mga Kristiyano na lumihis mula sa "tunay na daan" at hinahatulan sila bilang mga erehes. Ang mga erehe ay kinondena ang mga Katoliko sa "pagbabago ng katotohanan na parang mga manghuhuwad." Nagtapos ang may-akda sa "Hindi ba't sinusuportahan ng mga katotohanan ang mga paratang na ito?"

14. “At sa mga tumatawag sa kanilang sarili: na 'Kami ay mga Kristiyano,' Kami ay kumuha ng kanilang Kasunduan, datapuwa’t iniwan nila ang magandang bahagi ng Kapahayagan na ipinadala sa kanila. Kaya’t nagtanim Kami sa lipon nila ng galit at pagkamuhi hanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay (nang kanilang ipagwalangbahala ang Aklat ni Allah, sumuway sa mga Tagapagbalita ni Allah at Kanyang kautusan at lumabag sa lahat ng hangganan ng pagsuway), at si Allah ang magpapahayag sa kanila kung ano ang nakahiratihan na nilang ginagawa.

15. O Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano)! Ngayon ay dumatal sa inyo ang Aming Tagapagbalita (Muhammad) na nagpapaliwanag na mabuti sa inyo ng bagay na inyong itinatago mula sa Kasulatan at (ito) ay inyong lubhang dinadaan-daanan lamang (alalaong baga, hinahayaan lamang na walang pagpapaliwanag). Katotohanang dumatal sa inyo mula kay Allah ang isang liwanag (Propeta Muhammad) at isang maliwanag na Aklat (ang Quran).

16. (Dito) si Allah ay namamatnubay sa mga naghahanap ng Kanyang mabuting kaluguran sa mga paraan ng kapayapaan, at sila ay Kanyang iniahon mula sa kadiliman tungo sa liwanag sa Kanyang nais at Kanyang pinatnubayan sila sa Matuwid na Landas (sa pagiging Tanging Isa ng Diyos sa Islam).

17. Katotohanan, ang mga hindi sumasampalataya (ay sila) na nagsasabi na si Allah ay ang Mesiyas, ang anak ni Maria. Ipagbadya (O Muhammad): “Sino kaya baga ang may pinakamaliit na kapangyarihan laban kay Allah, kung Kanyang naisin na wasakin ang Mesiyas, ang anak ni Maria, ang kanyang ina, at lahat ng nasa kalupaan nang magkakasama? At kay Allah ang pag-aangkin ng kapamahalaan ng kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito. Lumilikha Siya ng Kanyang naisin. At si Allah ay Makakagawa ng lahat ng bagay.

18. At ang mga Hudyo at mga Kristiyano ay (kapwa) nagsasabi: “Kami ang mga anak ni Allah at Kanyang minamahal.” Ipagbadya: “Kung gayon, bakit kayo ay Kanyang pinarusahan sa inyong mga kasalanan?” Hindi, kayo ay mga tao lamang na Kanyang mga nilikha, pinatatawad Niya ang Kanyang maibigan at pinarurusahan Niya ang Kanyang maibigan. At si Allah ang nag-aangkin ng kapamahalaan sa kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito, at sa Kanya ang pagbabalik (ng lahat).

19. O Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano)! Ngayon ay dumatal sa inyo ang Aming Tagapagbalita (Muhammad) na gumagawa (na ang mga bagay) ay maging maliwanag sa inyo, matapos na maantala (ang sunod-sunod) na mga Tagapagbalita, kung hindi, maaari ninyong sabihin: “Walang dumatal sa amin na nagdala ng mabuting balita at walang tagapagbabala.” Datapuwa’t ngayon ay dumatal sa inyo ang isang tagapagdala ng mabuting balita at isang tagapagbabala. At si Allah ay makakagawa ng lahat ng bagay.” (Quran 5:14-19)

Si San Augustine mismo, isang taong kilala at tinitingala ng parehong mga Protestante at mga Katoliko, ay umamin na may mga sikretong doktrina sa relihiyon na Kristiyano at na:

“…maraming bagay na totoo sa relihiyong Kristiyano na hindi madali para malaman ng pangkaraniwan [karaniwang tao], at ang ilang mga bagay ay hindi totoo, ngunit madali para sa pangkaraniwan (pangkaraniwang tao) upang maniwala.”

Inaamin ni Sir Higgins:

“Ito ay hindi pagiging di-makatarungan na ipagpalagay na sa mga tinatagong mga katotohanan ay kabahagi tayo ng modernong Kristanong mga misteryo, at sa aking palagay ay mariing itatanggi ng simbahan, na kung saan ang pinakamataas na awtoridad na humahawak ng nasabing doktrina, ay mag-aalangan na galawin muli ang mga sagradong mga kasulatang ito.”[3]

Kahit ang mga sulat na nauugnay kay Paul ay hindi niya isinulat. Pagkalipas ng mga taon ng pananaliksik, ang mga Katoliko at mga Protestante ay nagkakasundo na sumasang-ayon na sa labintatlo na sulat na iniugnay kay Paul ay pito lamang ang tunay. Ang mga ito ay: Roma, 1, 2 Mga Taga-Corinto, Galacia, Filipos, Philemon, at 1 Tesalonica.

Ang mga sekta ng Kakristyanuhan rin ay hindi nagkakasundo sa eksaktong kahulugan ng isang "inspirasyon" na libro ng Diyos. Itinuro sa mga Protestante na mayroong 66 na tunay na "inspirasyon" na mga libro sa Bibliya, habang ang mga Katoliko ay tinuruan na mayroong 73 na tunay na "inspirasyon" na mga libro, idagdag pa ang maraming iba pang mga sekta at kanilang "mas bago" na mga libro, tulad ng mga Mormon, atbp na makikita natin maya-maya, ang pinakaunang mga Kristiyano, sa maraming henerasyon, ay hindi sumunod sa 66 na mga libro ng mga Protestante, ni ang 73 na mga libro ng mga Katoliko. Kabaligtaran, naniniwala sila sa mga libro na, pagkatapos ng maraming henerasyon, ay "kinilala" na mga huwad at apokriptika ng isang mas naliwanagan na henerasyon kaysa sa mga apostol.


Mga talababa:

[1] The Dead Sea Scrolls, the Gospel of Barnabas, and the New Testament, by M. A. Yusseff, p. 81.

[2] History of Christianity in the light of Modern knowledge, Higgins p.318.

[3] The Dead Sea Scrolls, the Gospel of Barnabas, and the New Testament, M. A. Yusseff, p.83

Mahina Pinakamagaling

Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang mga Pagkakasalungat sa Bibliya (bahagi 5 ng 7): Nagsisimula nang Maging Mas Matapat

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Ang ilang mas makabagong salin sa Bibliya ay nagsisimula na ngayong banggitin ang mga pagkakasalungat at ang pagdududa sa mga talata.

  • Ni Misha’al ibn Abdullah (taken from the Book: What Did Jesus Really Say?)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 13 Sep 2009
  • Nag-print: 8
  • Tumingin: 9,323
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Kumbaga, saan ba nagmula ang lahat ng mga Bibliya na ito at bakit ganoon nalang kahirap ang pagtukoy sa kung ano ang tunay na ”inspirado” na salita ng Diyos? Ang mga ito ay nagmula sa ”mga sinaunang manuskrito” (kilala rin bilang MSS). Ang mundo ng Kristiyano ngayon ay ipinagmamalaki ang higit sa 24,000 ”mga sinaunang manuskrito” ng Bibliya na nagsimula pa noong ika-apat na siglo matapos ang panahon ni Kristo (Ngunit hindi sa panahon ni Kristo o ng mga apostol mismo). Sa madaling salita, mayroon tayong mga ebanghelyo kung saan nag-umpisa noong siglo nang pananakop ng mga Trinitaryo sa Simbahang Kristiyano. Ang lahat ng mga manuskrito bago ang panahong ito ay kataka-takang nawala. Ang lahat ng mga Bibliya na meron ngayon ay pinagsama mula sa mga ”mga sinaunang manuskrito” na ito. Sinumang iskolar ng Bibliya ay magsasabi sa atin na walang dalawang sinaunang manuskrito ang eksaktong magkapareho.

Ang mga tao ngayon ay karaniwang naniniwala na mayroon lamang ISANG Bibliya, at ISANG bersyon ng anumang ibinigay na talata ng Bibliya. Ito ay malayo sa katotohanan. Ang lahat ng mga Bibliya na mayroon tayo ngayon (Tulad ng KJV, NRSV, NAB, NIV,... atbp.) ay bunga ng malawak na pagtanggal at pagdikit mula sa iba't ibang mga manuskrito na walang tiyak na sanggunian. Maraming mga kaso kung saan ang isang talata ay nasa isang ”sinaunang manuskrito” ngunit ganap na nawawala mula sa maraming pang iba. Halimbawa, ang Marcos 16: 8-20 (buong labin-dalawang talata) ay ganap na nawawala mula sa mga pinaka sinaunang mga manuskrito na mayroon ngayon (tulad ng Sinaitic Manuscript, Vatican # 1209 at ang bersyon ng taga-Armenia) ngunit nagpapakita sa mas makabagong ”sinaunang manuskrito”. Marami ring mga naitalang kaso kung saan maging ang mga heograpikal na lugar ay ganap na naiiba mula sa isang sinaunang manuskrito hanggang sa sumunod. Halimbawa, sa "manuskrito ng Samaritanong Pentateuch," ang Deuteronomio 27: 4 ay nagsasalita patungkol sa "bundok ng Gerizim," habang sa "Hebreong manuskrito" ang mismong parehong talata ay nagsasalita patungkol sa "bundok ng Ebal." Mula sa Deuteronomio 27: 12-13 makikita natin na ang mga ito ay dalawang magkakaibang lugar. Katulad nito, ang Lucas 4:44 sa ilang "sinaunang mga manuskrito" ay nagbabanggit ng "Mga Sinagoga ng Judea," ang iba ay nagbabanggit ng "Mga Sinagoga ng Galilea." Ito ay isang halimbawa lamang, ang isang komprehensibong listahan ng mga ito ay mangangailangan ng sarili nitong libro.

Maraming mga halimbawa sa Bibliya kung saan ang mga talata mula sa isang kwestyonableng pinagmulan ay kasama sa teksto nang walang anumang pagtatatuwa na nagsasabi sa mambabasa na maraming mga iskolar at tagapagsalin ang may matinding paglalaan sa awtentisidad ng mga ito. Ang King James Version ng Bibliya (kilala rin bilang ang "Awtorisadong Bersyon"), kung saan nasa mga kamay ng karamihan sa kakristiyanuhan ngayon, at isa sa pinaka kilala sa bagay na ito. Hindi nito binibigyan ang mambabasa ng anumang bakas patungkol sa kwestyonableng pinagmulan ng mga naturang talata. Gayunman, ang mas kamakailan lang na mga salin ng Bibliya ay nagsisimula na ngayon na maging mas tapat at paparating sa bagay na ito. Halimbawa, ang New Revised Standard Version ng Bibliya, ng Oxford Press, ay nagpatibay ng isang napaka-banayad na sistema na paglalagay ng bracket sa mga kaduda-dudang mga talata na may dobleng parisukat na bracket ([[ ]]) . Malabong mapag-alaman ng isang kaswal na mambabasa ang totoong gamit ng mga bracket na ito. Nariyan sila upang sabihin sa may-alam na mambabasa na ang mga nakapaloob na mga talata ay lubos na kaduda-dudang katangian. Ang mga halimbawa nito ay ang kwento ng "babaeng mula sa pangangalunya" sa Juan 8: 1-11, gayun na rin sa Marcos 16: 9-20 (muling pagkabuhay at pagbabalik ni Hesus), at sa Lucas 23:34 (kung saan, kapansin-pansin na, naroon upang kumpirmahin ang propesiya ni Isaias 53:12).....at iba pa.

Halimbawa, patungkol sa Juan 8:1-11, ang mga komentarista ng Bibliya na ito ay nagsasabi sa isang napakaliit na printa sa ibaba ng pahina:

“Ang pinaka sinaunang mga awtoridad ay nagkulang ng 7.53-8.11; ang iba pang mga awtoridad ay idinagdag ang talata dito o pagkatapos ng 7.36 o pagkatapos ng 21.25 o pagkatapos ng Lucas 21.38 na may mga pagkakaiba-iba ng teksto; ang ilan ay tanda ng teksto bilang kaduda-duda.”

Patungkol sa Marcos 16: 9-20, tayo ay, kapansin-pansin, na binigyan ng pagpipilian kung paano natin nais na matapos ang Ebanghelyo ayon kay Marcos. Ang mga komentarista ay nagbigay ng parehong "maikling pagtatapos" at isang "mahabang pagtatapos." Kaya, binigyan tayo ng pagpipilian ng kung ano ang gusto nating maging "inspiradong salita ng Diyos". Muli, sa hulihan ng Ebanghelyo na ito, sa napakaliit na pagkakasulat, sinabi ng mga komentarista:

“Ang ilan sa mga pinaka-sinaunang awtoridad ay tinapos ang libro sa dulo ng ika-8 na talata. Isang awtoridad ang nagtapos sa libro na may mas maikling pagwawakas; ang iba ay isinama ang mas maikling pagtatapos at pagkatapos ay nagpatuloy sa mga talata 9-20. Karamihan sa mga awtoridad, ang mga talata 9-20 ay sumunod kaagad pagkatapos ng ika-8 na talata, bagaman sa ilan sa mga awtoridad na ito ay minarkahan ang talata bilang kaduda-duda.”

Ang komento ni Peake sa mga talaan ng Bibliya;

“Napagkasunduan na nang nakararami na ang 9-20 ay hindi orihinal na bahagi ng Mk. Ang mga ito ay hindi natagpuan sa pinakalumang MSS, at katunayan ay tila wala rin sa mga kopya na ginamit ng Mt. at Lk. Isang ika-10 siglo ng Armenian MS ay inuugnay ang talata kay Ariston, ang pinuno ng lokal na kongregasyon ng mga Kristiyano na binanggit ni Papias (ap.Eus.HE III, xxxix, 15).”

“Katunayan ang pagsasalin sa Armenian ni San Marcos ay kamakailan lamang natuklasan, kung saan ang huling labindalawang mga talata ng San Marcos ay iniuugnay kay Ariston, na siyang kilala bilang isa sa pinakaunang mga Kristiyanong Pari; at posible na tama ang salaysay na ito ”

Our Bible and the Ancient Manuscripts, F. Kenyon, Eyre and Spottiswoode, pp. 7-8

Kahit doon, ang mga talatang ito ay nabanggit bilang naisalaysay na kakaiba sa iba't-bang mga "awtoridad." Halimbawa, ang ika-14 talata ay binanggit ng mga komentarista na dinagdagan ng mga sumusunod na salita sa ilang"sinaunang mga awtoridad":

"at pinangatwiranan nila ang kanilang mga sarili sa pagsasabing 'Ang panahong ito ng kawalan ng batas at kawalan ng paniniwala ay nasa ilalim ni Satanas, na hindi pinapayagan ang katotohanan at kapangyarihan ng Diyos na mangibabaw sa mga maruruming bagay ng mga espiritu. Samakatuwid, ibunyag ang iyong pagiging matuwid ngayon - kung kaya't nagsalita sila kay Kristo at sumagot si Kristo sa kanila 'Ang panahon ng mga taon ng kapangyarihan ni Satanas ay nagtapos na, ngunit ang iba pang mga kakila-kilabot na bagay ay papalapit. At para sa mga nagkasala, ako ay namatay, upang sila ay bumalik sa katotohanan at hindi na magkasala, upang sila ay magmana ng espirituwal at walang katapusang kaluwalhatian ng pagkamatuwid na nasa langit’.”

komentaryo

Mahina Pinakamagaling

Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang mga Pagkakasalungat sa Bibliya (bahagi 6 ng 7): Walang Tigil na Pakikialam sa mga Teksto sa Bibliya

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Marami pang halimbawa ng pakikialam sa Bibliya.

  • Ni Misha’al ibn Abdullah (taken from the Book: What Did Jesus Really Say?)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 13 Sep 2009
  • Nag-print: 8
  • Tumingin: 10,589
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Si Dr. Lobegott Friedrich Konstantin Von Tischendorf ay isa sa pinakatanyag na konserbatibong Iskolar ng Bibliya noong ikalabing-siyam na siglo. Isa rin siya sa pinakamatapat, pinaka matatag na tagapagtanggol ng paniniwalang "Trinidad" na nakilala sa kasaysayan. Ang isa sa kanyang pinakamalaking tagumpay sa buong buhay ay ang pagkatutuklas sa pinakalumang kilalang Manuskrito na Bibliya sa kasaysayan, ang “Codex Sinaiticus”, mula sa Monasteryo ni Saint Catherine sa Bundok ng Sinai. Isa sa mga nakakasirang natuklasan na ginawa mula sa pag-aaral nitong manuskrito na mula sa ika-apat na siglo ay ang Ebanghelyo ni Marcos na orihinal na nagtapos sa mga talatang 16:8 at hindi sa talatang 16:20 tulad ng sa kasalukuyan. Sa madaling salita, ang huling 12 talata (Marcos 16: 9 hanggang Marcos 16:20) ay "itinurok" lamang ng simbahan sa Bibliya sa ika-4 na siglo. Si Clement ng Alexandria at Origen ay hindi kailanman sinipi ang mga talatang ito. Kalaunan, natuklasan din na ang nasabing 12 talata , kung saan matatagpuan ang salaysay ng "muling pagkabuhay ni Hesus," ay hindi lumilitaw sa codex ng Syriacus, Vaticanus at Bobiensis. Sa orihinal, ang "Ebanghelyo ni Marcos" ay walang binanggit tungkol sa "muling pagkabuhay ni Jesus" (Marcos 16: 9-20). Hindi bababa sa apat na daang taon (kung hindi higit pa) pagkatapos ng pag-alis ni Hesus, ang Simbahan ay tumanggap ng banal na "inspirasyon" upang idagdag ang kuwento ng muling pagkabuhay sa hulihan ng Ebanghelyo na ito.

Ang may-akda ng "Codex Sinaiticus" ay walang pag-aalinlangan na ang Ebanghelyo ni Marcos ay nagtatapos sa Marcos 16: 8, upang bigyang-diin ang puntong ito napag-alaman natin na kasunod agad ng talatang ito ay isinara niya ang teksto sa isang mala-artistikong salita at sa pamamagitan ng mga salitang "Ang Ebanghelyo ayon kay Marcos." Si Tischendorf ay isang matapat na konserbatibong Kristiyano at tulad noon nagawa niyang kaswal na isantabi ang mga pagkakaibang ito dahil sa kanyang palagay na ang katotohanang si Marcos ay hindi isang apostol, o saksi sa panahon ng pangangaral ni Hesus, ginawa ang kanyang mga ulat na pangalawa sa mga Apostol na tulad ni Mateo at Juan. Gayunpaman, katulad ng makikita saan ibang dako ng aklat na ito, ang karamihan sa mga Kristiyanong iskolar ngayon ay kinikilala ang mga akda ni Pablo na ang pinakaluma sa mga kasulatan ng Bibliya. Sinusundan ito ng "Ebanghelyo ni Marcos" at ang "Mga Ebanghelyo ni Mateo at Lucas" na halos kinikilala sa buong mundo na ibinatay sa "Ebanghelyo ni Marcos." Ang pagtuklas na ito ay bunga ng ilang siglong detalyado at masidhing pag-aaral ng mga Kristiyanong iskolar at ang mga detalye ay hindi na maaaring ulitin dito. Sapat nang sabihin na ang tanyag na mga Kristiyanong iskolar ngayon ay kinikilala ito bilang isang pangunahing hindi mapag-aalinlangang katotohanan.

Sa ngayon, ang mga tagasalin at taga-lathala ng mga modernong Bibliya ay nagsisimula nang maging diretsahan at matapat sa kanilang mga mambabasa. Bagaman hindi nila hayagang inaamin na ang labin-dalawang talatang ito ay palsikpikado ng Simbahan at hindi ang salita ng Diyos, gayon pa man, kahit paano, nagsisimula na silang hikayatin ng pansin ng mambabasa sa katotohanan na mayroong dalawang "bersyon" ng "Ebanghelyo ni Marcos"at pagkatapos ay hinahayaan ang mambabasa na magpasya kung ano ang gagawin sa dalawang "bersyon" na ito.

Ngayon ang tanong ay nagiging "kung ang Simbahan ay nakialam sa Ebanghelyo ni Marcos, kung gayon, sila ba tumigil doon o may higit pa sa kuwentong ito? Nangyaring natuklasan din ni Tischendorf na ang "Ebanghelyo ni Juan" ay mabigat na binuong muli ng Simbahan sa tagal ng panahon. Halimbawa:

1.Napag-alaman na ang mga talata na mula sa Juan 7:53 hanggang 8:11 (ang kwento ng babae na nangalunya) ay hindi matatagpuan sa mga pinakalumang kopya ng Bibliya na meron sa Kristiyanismo ngayon, partikular, ang mga codex ng Sinaiticus o Vaticanus.

2.Napag-alaman din na ang Juan 21:25 ay bago lamang idinagdag, at ang isang talata mula sa ebanghelyo ni Lucas (24:12) na nagsasalita tungkol kay Pedro na natuklasan ang walang laman na libingan ni Hesus ay hindi matatagpuan sa mga sinaunang manuskrito.

(Para sa higit pa patungkol sa paksang ito mangyaring basahin ang ‘Secrets of Mount Sinai’ ni James Bentley, Doubleday, NY, 1985).

Ang karamihan sa mga natuklasan ni Dr. Tischendorf patungkol sa tuluy-tuloy at walang tigil na pakikialam sa teksto ng Bibliya sa mga nagdaang panahon ay napatunayan sa pamamagitan ng ika-dalawampung siglo na agham. Halimbawa, ang pag-aaral ng Codex Sinaiticus sa ilalim ng ultraviolet light ay nagpahayag na ang "Ebanghelyo ni Juan" ay natapos sa talata na 21:24 at sinundan ng isang maliit na dagdag sa hulihan at pagkatapos ay ang mga salitang "Ang Ebanghelyo ayon kay Juan." Gayunpaman, paglipas ng ilang panahon, isang naiibang "inspiradong" indibidwal ang kumuha ng panulat, tinanggal ang teksto na kasunod ng ika-24 na talata, at pagkatapos ay idinagdag sa "inspiradong" teksto ng Juan 21:25 na matatagpuan natin sa mga Bibliya ngayon.

Ang ebidensya ng mga pakikialam ay tuloy-tuloy. Halimbawa, sa Codex Sinaiticus ang "panalangin ng panginoon" sa Lucas 11: 2-4 ay naiiba sa bersyon na umabot sa atin sa sumusunod na mga siglo ng "inspirado" na pagwawasto. Ang Lucas 11:2-4 sa pinaka sinauna sa lahat ng mga manuskritong Kristiyano ay mababasa na:

Ama, Sambahin ang ngalan Mo, Mapasaamin ang kaharian mo. Sundin ang loob mo dito sa lupa, para nang sa langit. Bigyan Mo kami ng kakanin sa araw-araw. At patawarin Mo kami sa aming mga sala, para nang pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin. At wag Mo kaming ipahintulot sa tukso."

Bilang karagdagan, ang "Codex Vaticanus," ay isa pang sinaunang manuskrito na hawak ng mga iskolar ng Kristiyanismo sa parehas na antas na tulad sa Codex Sinaiticus. Ang dalawang codex na ito ng ika-apat na siglo ay kinikilala bilang ang pinaka lumang kopya ng Bibliya na mayroon ngayon. Sa codex na Vaticanus matatagpuan natin ang isang bersyon ng Lukas 11: 2-4 na mas maikli kaysa sa Codex Sinaiticus. Sa bersyong ito kahit na ang mga salitang "Sundin ang loob Mo Dito sa lupa,na para nang sa langit." ay hindi makikita.

Bueno, ano ang naging opisyal na posisyon ng Simbahan tungkol sa mga "pagkakaiba"? Paano pinagpasyahan ng Simbahan ang sitwasyong ito? Nanawagan ba sila sa lahat ng mga pangunahing iskolar ng panitikang Kristiyano na magtipon sa isang malawakang pagpupulong upang sama-samang pag-aralan ang pinaka sinaunang Kristiyanong manuskrito na nasa Simbahan at dumating sa isang pagkakasundo tungkol sa kung ano ang tunay na orihinal na salita ng Diyos? Hindi!

Kung gayon, kaagad ba silang naggugol ng pagsisikap para makagawa ng maramihang kopya ng orihinal na mga manuskrito at ipadala ito sa Kakristyanuhan upang makagawa sila ng kanilang sariling mga pagpapasya kung ano ang tunay na orihinal na hindi nabagong salita ng Diyos? Sa Muli, Hindi!

Mahina Pinakamagaling

Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang Pagsasalungatan sa Bibliya (bahagi 7 ng 7): “Inspirado“ na mga Pagbabago ng Simbahan

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Ang papel ng Simbahan sa pagtatago at pakikialam sa katotohanan.

  • Ni Misha’al ibn Abdullah (taken from the Book: What Did Jesus Really Say?)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 04 Oct 2009
  • Nag-print: 8
  • Tumingin: 9,569
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Kaya anong ginawa nila? Tanungin natin si Rev. Dr. George L. Robertson. Sa kanyang aklat na “Where did we get our Bible?“ isinulat niya:

“Mula sa MSS. ng Banal na Kasulatan sa Griyego, nananatili doon ang sinasabing libo-libong magkakaiba-iba ... Tatlo o apat na partikular sa mga luma, kupas na, at hindi na kaaya-ayang mga dokumento ang bumuo sa pinaka sinauna at pinakamahahalagang kayamanan ng Simbahang Kristiyano, at samakatuwid ng espesyal na interes.Una sa listahan ni Rev. Richardson ay ang Codex Vaticanus kung saan sinabi niya: Ito marahil ang pinaka sinauna sa lahat ng Griyegong MSS na umiiral ngayon. Ito ay itinalaga bilang Codex 'B.' Noong 1448, dinala ito ni Pope Nicholas V sa Roma kung saan ito ay nanatili na mula noon, na pinangangalagaan ng mga opisyal ng papa sa Vatican Library. Ang kasaysayan nito ay maikli: Alam ni Erasmus noong 1533 ang pag-iral nito, ngunit siya o ang kanyang mga kahalili ay hindi pinahintulutan na pag-aralan ito... naging lubos na hindi magamit ng mga iskolar, hanggang si Tischendorf noong 1843, matapos ang ilang buwan ng pagkakaantala, ay pinayagan na makita ito sa loob ng anim na oras. Ang isa pang dalubhasa, na nagngangala`ng de Muralt noong 1844 ay binigyan din ng isang nakakayamot na pagsulyap rito sa loob ng siyam na oras. Ang kwento kung paano pinayagan si Dr. Tregelles ng mga awtoridad (na walang malay sa kanilang sarili) noong 1845 na makuha ang bawat pahina nito sa pamamagitan ng pagmememorya ng teksto, ay kamangha-mangha. Nagawa ito ni Dr. Tregelles. Siya ay pinayagan na patuloy na pag-aralan ang MS, sa mahabang panahon, ngunit hindi puwedeng hawakan o magtala. Sa katunayan, araw-araw habang pinapasok niya ang silid kung saan binabantayan ang mahalagang dokumento, kinakapkap ang kanyang mga bulsa at ang panulat, papel at tinta ay kinukuha mula sa kanya, kung sakaling dala niya ang mga naturang gamit. Ganunpaman, ang pahintulot na pumasok, ay naulit, hanggang sa wakas ay nakuha na niya at naisulat sa kanyang silid ang karamihan sa mga prinsipyo ng ibang pagbabasa ng pinaka sinaunang teksto na ito. Gayunpaman, kadalasan, sa proseso, kapag napapansin ng mga awtoridad ng papa na siya ay labis nang nahuhumaling sa isang seksyon, ilalayo nila ang MS. sa kanya at itutuon ang kanyang pansin sa ibang pahina. Kalaunan ay natuklasan nila na si Tregelles ay para na ring ninakaw ang teksto, at alam na ng mundo ng Bibliya ang mga lihim ng kanilang makasaysayang MS. Alinsunod dito, inutusan ni Pope Pius IX na dapat itong mai-litrato at mailathala; at ito ay nangyari, sa limang volume na lumabas noong 1857. Ngunit ang pagsisikap ay hindi kasiya-siyang natapos. Sa panahon na iyon si Tischendorf ay gumawa ng ikatlong pagtatangka upang makakuha ng pahintulot at suriin ito. Nagtagumpay siya, at kalaunan ay naglabas ng teksto ng unang dalawampung pahina. Sa wakas noong 1889-90, sa pahintulot ng papa, ang buong teksto ay inilitrato at naglabas ng mga eksaktong kopya, at inilathala upang ang isang kopya ng mga mamahaling quartos na maaaring makuha, at sa kasalukuyan ay nasa pagmamay-ari ng lahat ng mga pangunahing silid-aklatan sa mundo ng bibliya.[1]

Ano ang kinakatakutan ng lahat ng mga Papa? Ano ang kinakatakutan ng Vatican bilang isang kabuuhan? Bakit ang konsepto ng paglabas sa publiko ng teksto ng kanilang pinaka sinaunang kopya ng Bibliya ay lubos na katakot-takot sa kanila? Bakit pakiramdam nila'y kinakailangang ibaon ang pinaka sinaunang kopya ng inspiradong salita ng Diyos sa isang madilim na sulok ng Vatican upang hindi kailanman makita ng mga mata sa labas? Bakit? Paano ang lahat ng libu-libong sa libu-libo na iba pang mga manuskrito na hanggang ngayon ay nananatiling nakalibing sa madilim na kailaliman ng mga kahadeyero ng Vatican na hindi kailanman nakita o napag-aaralan ng pangkalahatang masa ng Kakristyanuhan?

“(At alalahanin) nang tanggapin ng Allah ang matibay na Kasunduan mula sa kanila na binigyan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) upang gawin ito (ang balita ng pagdatal ni Propeta Muhammad at ng karunungang pangrelihiyon) na maalaman at maging maliwanag sa sangkatauhan, at ito ay huwag itago, datapuwa’t itinapon nila ito sa kanilang likuran at dito ay bumili ng ilang kaabaabang pakinabang! At katotohanang pinakamasama ang kanilang binili.” (salin ng kahulugan ng Quran 3:187)

“Ipagbadya (O Muhammad sa sangkatauhan): 'O Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano)! Huwag kayong magmalabis sa hangganan ng inyong pananampalataya (sa pamamagitan ng pananalig sa bagay) na naiiba sa katotohanan, at huwag ninyong sundin ang walang kapararakang pagnanais ng mga tao na napaligaw noong una, at naglihis sa marami, at nagligaw (sa kanilang sarili) sa Tamang Landas.'“ (salin ng kahulugan ng Quran 5:77)

Sa pagbabalik sa ating pag-aaral ng ilan sa mga “pagkakaiba“ na matatagpuan sa pagitan ng ating mga modernong Bibliya at sa pagitan ng mga pinaka sinaunang kopya ng Bibliya na magagamit ng mga piling tao, malalaman natin na ang talata sa Lucas 24:51 ay naglalaman ng di-umano'y ulat ni Lucas tungkol sa huling paglisan ni Hesus (mapasakanya ang kapayapaan at habag ng Tagapaglikha) at kung paano siya “iniakyat sa langit.“ Gayunpaman, tulad ng nakikita sa mga naunang pahina, sa Codex Sinaiticus at iba pang mga sinaunang manuskrito ang mga salitang “at dinala sa langit“ ay ganap na nawawala. Ang talata ay nagsasaad lamang na:

“At nangyari, na samantalang sila'y binabasbasan niya, ay iniwan niya sila.”

Napansin ni C.S.C. Williams, kung tama ang pagbabawas na ito, “walang anumang sanggunian sa orihinal na teksto ng Ebanghelyo ukol sa Pag-akyat sa langit.“

Ang ilan pang “inspiradong“ pagbabago ng Simbahan sa Codex Sinaiticus at ang ating mga modernong Bibliya:

·Ang Mateo 17:21 ay nawawala sa Codex Sinaiticus.

·Sa mga modernong Bibliya, mababasa sa Marcos 1:1 “Ang simula ng Magandang Balita tungkol kay Hesu-Kristo, ang snak ng Diyos; gayunpaman, sa pinakaluma sa lahat ng mga manuskritong Kristiyano, mababasa lamang sa talatang ito ang “Ang simula ng Magandang Balita tungkol kay Hesu-Kristo“ Nakakapagduda, ang mismong mga salita na pinaka-sumasalungat sa Qur'an ng mga Muslim, ang anak ng Diyos, ay ganap na nawawala. Hindi ba iyon interesante?

·Ang mga salita ni Hesus sa Lucas 9: 55-56 ay nawawala.

·Ang orihinal na teksto sa Mateo 8: 2 na tulad ng matatagpuan sa Codex Sinaiticus ay nagsasabi sa atin na may isang ketongin na humiling kay Hesus na pagalingin siya at si Hesus ay galit na iniunat ang kanyang kamay, at hinawakan siya, na nagsasabing, gagawin ko; maging malinis ka. ” Sa ating modernong Bibliya, ang salitang galit ay kataka-takang wala.

·Ang Lucas 22:44 sa Codex Sinaiticus at ang mga modernong Bibliya ay nagsasabing isang anghel ang nagpakita sa harap ni Hesus, na pinalakas siya. Sa Codex Vaticanus, ang anghel na ito ay kataka-takang wala. Kung si Hesus ay ang “anak ng Diyoskung gayon malinaw naman na hindi naaangkop sa kanya na mangailangan ng isang anghel upang palakasin siya. Kung gayon, ang talatang ito ay maaring pagkakamali sa pagkakasulat. Tama ba?

·Ang sinasabing mga salita ni Hesus sa krus na Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila alam kung ano ang kanilang ginagawa (Lucas 23:34) ay orihinal na naroroon sa Codex Sinaiticus ngunit kalaunan ay tinanggal mula sa teksto ng ibang patnugot. Tandaan kung paano itinuring at pinakitunguhan ng Simbahan ang mga Hudyo sa Middle Ages, makakaisip ba tayo ng anumang kadahilanan kung bakit ang talatang ito ay maaaring humadlang sa patakaran ng opisyal na Simbahan at sa kanilang mga pagsisiyasat“?

·Ang Juan 5: 4 ay nawawala mula sa Codex Sinaiticus.

·Sa Marcos ika-9 na kabanata, ang mga salitang “Doo'y hindi namamatay ang mga uod na kumakain sa kanila at ang apoy“ ay muling nawawala.

·Sa Mateo 5:22, ang mga salitang walang dahilanay nawawala sa parehong codex Vaticanus at Sinaiticus.

·Ang Mateo 21:7 sa mga modernong Bibliya ay mababasa “Kinuha nila [mga disipulo] ang asnong babae at ang batang asno. Pagkatapos, ipinatong nila sa likod ng mga ito ang kanilang mga damit at [si Hesus ay] isinakay nila sa mga ito“. Sa orihinal na mga manuskrito, mababasa ang talatang ito “at [si Hesus ay] isinakay nila sa mga ito“. Gayunpaman, ang paglalarawan kay Hesus sa pag-upo sa dalawang hayop nang sabay at paghiling na sakyan sila agad ay tututulan ng ilan, kaya't ang talatang ito ay binago sa “at sila ay inilagay [si Jesus] sa kanya“ (aling “kanya“?). Di-nagtagal, ganap na naiwasan ang problemang ito ng Ingles na salin sa pamamagitan ng pagsasalin nito bilang “doon.“

·Sa Marcos 6:11, ang mga modernong Bibliya ay naglalaman ng mga salitang “Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Higit na mabigat ang parusa sa lungsod na iyon kaysa sa parusa sa Sodoma at Gomora sa araw ng paghuhukom.“ Gayunpaman, ang mga salitang ito ay hindi mahahanap sa alinman sa dalawang pinaka sinaunang mga manuskritong Kristiyanong Biblikal, ito ay ipinakilala lamang sa teksto matapos ang ilang siglo.

·Ang mga salita sa Mateo 6:13 “Sapagkat iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailanman“ Ay hindi matatagpuan sa dalawang pinaka sinaunang mga manuskrito gayun na rin ang marami pang iba. Ang mga magkakatulad na sipi sa Lucas ay may depekto din.

·Sa Mateo 27:35 sa mga modernong Bibliya ay naglalaman ng mga salitang “Ito ay upang matupad ang sinabi ng propeta na sinasabi: Pinaghati-hatian nila ang aking damit at nagpala­bunutan sa aking kasuotan“ Ang talatang ito, sa muli, ay hindi matatagpuan ayon kay Rev. Merrill sa anumang Biblikal na manuskrito na bago pa ang ikasiyam na siglo.

·Sa 1 Timoteo 3:16 ay orihinal na mababasa na “At walang pagtatalo, dakila ang hiwaga ng kabanalan; Yaong nahayag sa laman.“ Ito ay kalaunang (tulad ng nakita dati), malalang pinalitan ng At walang pagtatalo, dakila ang hiwaga ng kabanalan; Yaong nahayag sa laman.... Sa gayon, sumibol ang doktrina ng pagkakatawang-tao.


Talababa:

[1] “Where did we get our Bible?”, Rev. Dr. George L. Robertson. Harper and Brothers Publishers, pp.110-112

Mahina Pinakamagaling

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

(Magbasa pa...) Alisin
Minimize chat