Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang mga Pagkakasalungat sa Bibliya (bahagi 3 ng 7): Mga Sinasabing mga May-Akda ng Bagong Tipan
Paglalarawanˇ: Ang katibayan ng mga pagkakasalungat na natagpuan ng mga Kristyanong Iskolar mula sa mga salaysay ng sinasabing mga may akda ng Bagong Tipan.
- Ni Misha’al ibn Abdullah (taken from the Book: What Did Jesus Really Say?)
- Nailathala noong 16 Nov 2020
- Huling binago noong 19 Nov 2020
- Nag-print: 8
- Tumingin: 11,177 (araw-araw na pamantayan: 8)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Mapapansin natin na ang bawat Ebanghelyo ay nagsisimula sa panimula na "Ayon kay ....." tulad ng "Ang Ebanghelyo ayon kay San Mateo," "Ang Ebanghelyo ayon kay San Lucas," "Ang Ebanghelyo ayon kay San Marcos," "Ang Ebanghelyo ayon kay San Juan." Ang malinaw na konklusyon para sa isang tipikal na tao sa kalye ay ang mga taong ito ay kinikilala bilang mga may-akda ng mga aklat na iniuugnay sa kanila. Ngunit, hindi ito ang pangyayari. Bakit? Dahil wala ni isa sa ipinagmamalaking apat na libong kopya na umiiral ang nagdadala ng lagda ng may-akda. Ito'y ipinagpalagay lamang na sila ang mga may-akda. Gayunman, ang mga bagong natuklasan ay pinabubulaanan ang paniniwalang ito. Maging ang panloob na ebidensya ay nagpapatunay na, halimbawa, hindi isinulat ni Mateo ang Ebanghelyo na iniugnay sa kanya:
“...Sa patuloy na paglalakad ni Hesus, nakita niya ang isang lalaki na nakaupo sa paningilan ng buwis na ang pangalan ay Mateo. Sinabi ni Hesus sa kaniya: Sumunod ka sa akin. Tumindig siya at sumunod sa kaniya(Hesus).” (Mateo 9:9)
Hindi kinakailangan ng isang napakamatalinong tao para makita na wala kay Hesus o Mateo ang sumulat ng talatang ito sa “Mateo”. Ang nasabing katibayan ay matatagpuan sa maraming lugar sa buong Bagong Tipan. Bagaman maraming tao ang may sapantaha na posibleng ang isang may-akda ay maaring magsulat minsan sa ikatlong panauhan, ganun pa rin, sa liwanag ng iba pang mga ebidensya na makikita natin sa aklat na ito, sadyang napakaraming katibayan taliwas sa sapantahang ito.
Ang pagsusuri na ito ay hindi nangangahulugang limitado lamang ito sa Bagong Tipan. Mayroong sapat na patunay na ang ilang bahagi ng Deuteronomio ay hindi isinulat ng Diyos o ni Moises. Makikita ito sa Deuteronomio 34: 5-10 kung saan mabasa natin:
“Kaya't si Moises .... AY NAMATAY... at Siya (Ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat) AY INILIBING SIYA (Moises) ... Siya ay 120 na taong gulang NANG SIYA'Y PUMANAW ... Mula noon ay wala nang lumitaw sa Israel na propetang katulad ni Moises....”
Isinulat ba ni Moises ang kanyang sariling kamatayan? Sinasabi rin ni Joshua nang detalyado ang tungkol sa kanyang sariling kamatayan sa aklat ng Joshua 24: 29-33. Ang ebidensya na ito ay labis na sumusuporta sa kasalukuyang pagkilala na ang karamihan sa mga aklat ng Bibliya ay hindi isinulat ng kanilang mga sinasabing may akda.
Sinasabi ng mga may-akda ng RSV ni Collins na ang may-akda ng ”Mga Hari” ay ”Hindi kilala”. Kung alam nila na ito ang salita ng Diyos ay walang alinlangan na iuugnay nila ito sa kanya. Sa halip, pinili nilang matapat na sabihin na ”Ang may-akda... Hindi Kilala.” Ngunit kung ang may-akda ay hindi kilala bakit ito ipinaparatang sa Diyos? Paano ito nasabing “inspirado”? Bilang pagpapatuloy, mababasa natin na ang aklat ng Isaias ay ”Pangunahing iniugnay kay Isaias. Ang mga bahagi ay maaaring isinulat ng iba.” Pari: ”Ang may-akda. Nakakapagduda, ngunit karaniwang itinalaga kay Solomon.” Ruth: ”Ang may-akda. Hindi talaga kilala, marahil si Samuel,” at iba pa.
Halina't magkaroon tayo ng isang mas detalyadong pagtingin sa isang aklat lamang ng Bagong Tipan:
“Ang may-akda ng Aklat ng mga Hebreo ay hindi kilala. Iminumungkahi ni Martin Luther na si Apollos ang may-akda... Sinabi ni Tertullian na ang mga Aklat ng mga Hebreo ay isang sulat ni Barnabas... sina Adolf Harnack at J. Rendel Harris ay may espekulasyon na isinulat ito ni Priscilla (o Prisca). Iminungkahi ni William Ramsey na ginawa ito ni Philip. Subalit, ang tradisyunal na batayan ay, ang Apostol na si Pablo ang sumulat ng aklat ng mga Hebreo...Naniniwala si Eusebius na isinulat ito ni Pablo, ngunit hindi positibo si Origen sa kasulatan ni Pablo.”[1]
Ito ba ang ating pagpapakahulugan sa "inspirado ng Diyos"?
Tulad ng makikita sa unang kabanata, si San Pablo at ang kanyang simbahan matapos niya, ay responsable sa paggawa ng mga malalaking pagbabago sa relihiyon ni Hesus (pbuh) pagkatapos ng kanyang pag-alis at higit na responsable sa pagsisimula ng isang napakalaking kampanya ng pagpatay at pagpapahirap sa lahat ng mga Kristiyano na tumatanggi na itakwil ang mga katuruan ng mga apostol na pabor sa mga doktrina ni Pablo. Ang lahat maliban sa mga Ebanghelyo na katanggap-tanggap sa pananampalatayang hango sa doktrina ni Pablo (Pauline Faith) ay sistematikong winasak o muling isinulat. Si Rev. Charles Anderson Scott ay nagsabi ng mga sumusunod:
“Mataas ang posibilidad na wala ni isa sa mga Sipnotikong Ebanghelyo (Mateo, Marcos, at Lucas) ang umiiral sa anyo na mayroon tayo, bago ang kamatayan ni Pablo. At kung ang mga dokumento na kukunin sa mahigpit na pagkakasunud-sunod, ang mga Kasulatan ng hango sa doktrina ni Pablo ay mauuna kaysa sa mga synoptikong ebanghelyo.”[2]
Ang pahayag na ito ay higit na kinumpirma ni Prof. Brandon: "Ang pinakaunang mga Kristiyanong kasulatan na priniserba para sa atin ay ang mga liham ni apostol Pablo.”[3]
Sa huling bahagi ng ikalawang siglo, sinabi ni Dionysius, Obispo ng Corinth:
“Tulad ng hiniling sa akin ng mga kapatid na isulat ang mga sulat (mga titik), ginawa ko ito, at ang mga apostol ng demonyo na ito ay pinuno ito ng mga tares (hindi kanais-nais na mga elemento), pinagpalit-palit aang ilang mga bagay at pagdaragdag ng iba, kung kanino na may kapurasahang nakalaan. Kung gayon, hindi nakapagtataka kung ang ilan ay nagtangka ring gawing malaswa ang sagradong mga kasulatan ng Panginoon, dahil sinubukan din nila ang ganoon sa iba pang mga gawa na hindi maihahambing sa mga ito.”
Kinukumpirma ito ng Quran sa mga salita na:
“Kung gayon, kasawian sa mga nagsusulat ng Aklat sa kanilang sariling mga kamay at nagsasabi: “Ito ay mula sa Allah”, upang ipagbili ito sa isang maliit na halaga! Kasawian sa kanila, sa anumang sinulat ng kanilang mga kamay at kasawian sa kanila sa anumang kanilang kinita.” (salin ng kahulugan ng Quran 2:79)
Magdagdag ng komento