Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang mga Pagkakasalungat sa Bibliya (bahagi 1 ng 7): Panimula
Paglalarawanˇ: Isang pagtingin sa kung ano ang sinabi ng ilan sa mga nangungunang Kristyanong Iskolar patungkol sa awtentisidad ng Bibliya.
- Ni Misha’al ibn Abdullah (taken from the Book: What did Jesus really Say?)
- Nailathala noong 16 Nov 2020
- Huling binago noong 19 Nov 2020
- Nag-print: 9
- Tumingin: 12,600 (araw-araw na pamantayan: 9)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
“Kung gayon, kasawian sa mga nagsusulat ng Aklat sa kanilang sariling mga kamay at nagsasabi: “Ito ay mula sa Allah”, upang ipagbili ito sa isang maliit na halaga! Kasawian sa kanila, sa anumang sinulat ng kanilang mga kamay at kasawian sa kanila sa anumang kanilang kinita.” (salin ng kahulugan ng Quran 2:79)
“At nang ang isang Sugo (Muhammad) na nagmula sa Allah ay dumarting sa kanila na nagpapatunay sa kung ano ang tinanggap nila, ang isang pangkat sa lipon nila (ang Angkan ng Kasulatan) ay naghagis ng Aklat nل Allah sa kanilang likuran na wari bang (ito ay isang bagay) na hindi nila nababatid!.” (salin ng kahulugan ng Quran 2:101)
“Huwag ninyong daragdagan ni babawasan ang salita na Aking iniuutos sa inyo, upang inyong maingatan ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios na Aking iniuutos sa inyo.” (Deuteronomio 4:2)
Magsimula tayo sa simula. Walang iskolar ng Bibliya sa mundong ito ang magsasabing ang Bibliya ay isinulat mismo ni Hesus. Lahat sila ay sumasang-ayon na ang Bibliya ay isinulat pagkatapos ng pag-alis ni Hesus (sumakanya ang kapayapaan) ng kanyang mga tagasunod. Si Dr. W Graham Scroggie ng Moody Bible Institute, sa Chicago, isang prestihiyosong misyonaryong pang-ebanghelyo, ay nagsabi:
”..Oo, ang Bibliya ay (mula sa) tao, bagaman ang ilan ay mula sa pagsisikap na kung saan ay hindi naayon sa kaalaman, ay tinanggihan ito. Ang mga librong iyon ay dumaan sa kaisipan ng mga tao, isinulat sa wika ng mga tao, na isinulat ng mga kamay ng mga tao at ipinapahiwatig sa kanilang istilo ang mga katangian ng mga tao....Ito ay (mula sa) Tao, Ngunit Banal.”[1]
Ang isa pang iskolar na Kristiyano, si Kenneth Cragg, ang Anglikanong Obispo ng Jerusalem, ay nagsabi:
“...Hindi ganoon ang Bagong Tipan ... Mayroong pagbawas at pagbabago; may pagpili kung paano gagawin at saksi nito. Ang mga Ebanghelyo ay mula sa isipan ng simbahan na nasa likod ng mga may-akda. Kinakatawan nila ang karanasan at kasaysayan...”[2]
“Kilalang-kilala na ang pinaka-unang Kristyanong Ebanghelyo ay una nang nailipat sa pamamagitan ng salita ng bibig at na ang sinalitang salaysay ay nagresulta sa iba't ibang pag-uulat ng salita at gawa. Ito ay kapwa totoo na noong ang talaan ng Kristyano ay tumuon sa pagsulat nito, nagpatuloy ito bilang isang paksa ng pagkakaiba-iba ng salita. Kusa at sinadya, sa kamay ng mga eskriba at patnugot.”[3]
“Gayunpaman, sa katotohanan, ang bawat aklat ng Bagong Tipan maliban sa apat na tanyag na Sulat ni San Pablo ay kasalukuyang karaniwan na paksa ng kontrobersya, at ang mga pagdaragdag ng salita ay inihahayag din sa mga ito.”[4]
Si Dr. Lobegott Friedrich Konstantin Von Tischendorf, isa sa pinaka matatag na konserbatibong Kristiyanong tagapagtanggol ng Trinidad ay inamin sa kanyang sarili na:
“[ang Bagong Tipan ay] sa paglipas ng mga panahon ay sumailalim sa malubhang pagbabago ng kahulugan upang tayo ay masaktan sa kawalan ng katiyakan tungkol sa kung ano talaga ang isinulat ng mga Apostol.”[5]
Matapos ilista ang maraming mga halimbawa ng salungat na mga pahayag sa Bibliya, sinabi ni Dr. Frederic Kenyon:
“Bukod sa mga maraming pagkakaiba-iba, tulad ng mga ito, halos walang ni isang talata kung saan walang kaunting pagkakaiba-iba ng parirala sa ilang mga kopya [ng mga sinaunang manuskrito kung saan nakolekta ang Bibliya]. Walang makakapagsabi na ang mga pagdaragdag o pagtanggi o pagbabago na ito ay mga bagay lamang sa pagwawalang-bahala”[6]
Sa buong aklat na ito ay makikita mo ang hindi mabilang na iba pang mga katulad na mga salita mula sa ilan sa mga nangungunang iskolar ng Kristiyanismo. Sapat na tayo sa mga ito para sa ngayon.
Ang mga Kristiyano, sa pangkalahatan, ay mabuti at disenteng mga tao, at sa paglakas ng kanilang pananalig mas nagiging disente sila. Ito ay pinatunayan sa marangal na Quran:
“...at iyong matatagpuan bilang pinakamalapit na pagmamahal sa mga naniniwala (mga Muslim) ay sila na nagsasabi: “Kami ay mga Kristiyano.” Ito’y sa dahilang kabilang sa kanila ay may mga pari at monako, at sila ay hindi mga mapagmalaki. At kung sila (na tumatawag sa kanilang sarili na mga Kristiyano) ay nakikinig sa mga ipinahayag sa Sugo (Muhammad), makikita ang kanilang mga mata na labis ang pagtulo ng luha dahilan sa katotohanan na kanilang napagkilala. Sila ay nagsasabi: “Aming Panginoon! Kami ay naniniwala, kaya’t kami ay Iyong itala na kabilang sa mga saksi.’” (salin ng kahulugan ng Quran 5:82-83)
Ang lahat ng mga "bersyon" ng Bibliya na nauna sa binagong bersyon ng 1881 ay nakasalalay sa "Sinaunang Mga Kopya" (yaong mga mula lima hanggang anim na daang taon pagkatapos ni Hesus). Ang mga nagrebisa ng Revised Standard Version (RSV) ng 1952 ay ang unang mga iskolar sa bibliya na may hawak sa "PINAKA sinaunang mga kopya" noong tatlo hanggang apat na daang taon pagkatapos ni Kristo. Makatarungan lamang para sa atin na mapagkasunduan na ang mas malapit na dokumento sa mapagkukunan ay ang mas tunay nito. Tingnan natin kung ano ang opinyon ng Kakristiyanuhan tungkol sa pinaka-binagong bersyon ng Bibliya (na binago noong 1952 at muling binago noong 1971):
“Ang pinakamahusay na bersyon na ginawa sa kasalukuyang siglo ”- (Church of England Newspaper)
“Isang ganap na sariwang pagsasalin ng mga iskolar sa pinakamataas na katayuan” - (Times literary supplement)
“Ang mga pinaka minahal na katangian ng awtorisadong bersyon na sinamahan ng isang bagong kawastuhan ng pagsasalin” - (Life and Work)
“Ang pinaka-wasto at malapit na pagsasalin sa orihinal” - (The Times)
Ang mga naglathala mismo (Collins) ay nagbanggit sa pahina 10 ng kanilang mga tala:
“Ang Bibliya na ito (RSV) ay produkto ng tatlumpu't dalawang iskolar na tinulungan ng komite ng tagapayo na kumakatawan sa limampung mga denominasyon na nagtutulungan”
Tingnan natin kung ano ang masasabi nitong tatlumpung dalawang Kristiyanong iskolar ng pinakamataas na kasanayan na suportado ng limampung nagtutulungang mga denominasyon patungkol sa Awtorisadong Bersyon (AV), o sa mas kilala bilang, ang King James Version (KJV). Sa paunang salita ng RSV 1971 matatagpuan natin ang sumusunod:
“...Gayunpaman ang King James Bersyon ay may mga MALUBHANG DEPEKTO..”
Patuloy sila sa pagbabala sa atin na:
“...Na ang mga depekto na ito ay SOBRANG DAMI AT MALUBHA na kailangan itong baguhin”
Ang mga Saksi ni Jehova sa kanilang pahayagang "AWAKE" na may petsang ika-8 ng Setyembre 1957, ay naglathala ng sumusunod na punong-sabi: "50,000 Kamalian sa Bibliya" kung saan kanilang sinabi "..marahil may 50,000 na mga pagkakamali sa Bibliya...mga pagkakamali na naganap sa teksto ng Bibliya...50,000 na malubhang mga pagkakamali..." Gayunpaman, pagkatapos nito, sila ay nagpatuloy sa pagsabi na: "...sa kabuuan ang Bibliya ay tumpak." Tingnan lamang natin ang ilan sa mga pagkakamaling ito.
Mga talababa:
[1] W Graham Scroggie, p. 17
[2] The Call of the Minaret, Kenneth Cragg, p 277
[3] Peake’s Commentary on the Bible, p. 633
[4] Encyclopaedia Brittanica, 12th Ed. Vol. 3, p. 643
[5] Secrets of Mount Sinai, James Bentley, p. 117
[6] Our Bible and the Ancient Manuscripts, Dr. Frederic Kenyon, Eyre and Spottiswoode, p. 3
Magdagdag ng komento