Ang Persyano na si Salman, Zoroastriano, Persiya (bahagi 2 ng 2): Mula sa Kristiyanismo hanggang sa Islam
Paglalarawanˇ: Ang mahabang paghahanap sa wakas ay nagtapos na si Salman ay nakatagpo ang ipinangakong Propeta, at nakamit ang kanyang kalayaan at naging isa sa kanyang pinakamalapit na mga kasama.
- Ni Salman the Persian
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 11 Oct 2009
- Nag-print: 4
- Tumingin: 4,810 (araw-araw na pamantayan: 3)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Namatay ang lalaki, at si Salman ay nanatili sa Amuria. Isang araw, “Ang ilang mga mangangalakal mula sa tribo ng Kalb[1] ay dinaanan ako,”Sinabi ni Salman, “Sinabi ko sa kanila, 'Dalhin ninyo ako sa Arabia at ibibigay ko sa inyo ang aking mga baka at ang nag-iisang tupa na mayroon ako.’” Sabi nila, “Oo.” Ibinigay sa kanila ni Salman ang inaalok niya, at sinama nila siya.Nang makarating sila sa Waadi al-Quraa [malapit sa Medinah], ipinagbili nila siya bilang alipin sa isang Hudyo.Nanatili si Salman kasama ang Hudyo, at nakita niya ang mga puno ng Palma [na inilarawan ng dati niyang kasama].
“Umasa ako na ito ang parehong lugar na inilarawan ng aking kasama.”
Isang araw, isang lalaki na pinsang buo ng amo ni Salman mula sa tribo ng mga Hudyo ang Bani Quraidha sa Medinah ay bumisita. Binili niya si Salman mula sa kanyang amo na Hudyo.
“Sinama niya ako sa Madina. Pangako sa Diyos! Nang makita ko ito, alam kong ito ang lugar na inilarawan ng aking kasama.
Pagkatapos ay ipinadala ng Diyos[2] ang Kanyang Sugo [i.e., Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala]. Nanatili siya sa Mecca hanggang sa kaya niya.[3] Wala akong narinig tungkol sa kanya dahil abala ako sa gawaing alipin, at pagkatapos ay lumipat siya sa Madinah.
[Isang araw,] Nasa isang puno ako ng palma sa tuktok ng isa sa mga kumpol ng mga dates at gumagawa ng ilang trabaho para sa aking amo. Isa sa kanyang mga pinsang buo ay dumating at tumayo sa harap niya [nakaupo ang kanyang amo] at sinabi, “Pighati sa Bani Qeelah [mga tao ng tribong Qeelah], nagtipon sila sa Qibaa”[4]sa paligid ng isang tao na dumating ngayong araw mula sa Mecca at sinasabing isang Propeta!”
Nanginig ako ng sobrang lakas nang marinig ko siya na natatakot ako na mahulog ako sa aking amo. Bumaba ako at sinabing, 'Ano ang sinasabi mo!? Ano ang sinasabi mo!?’
Nagalit ang aking amo at sinuntok ako ng malakas at sinabi, “Ano ang pakialam mo sa bagay na ito? Pumunta ka doon at intindihin mo ang iyong trabaho.”
Sabi ko, “Wala! Gusto ko lang siguraduhin kung ano ang sinasabi niya.”
Noong gabing iyon, pinuntahan ko ang Sugo ng Diyos habang nasa Qibaa siya. Kinuha ko ang isang bagay na itinago ko. Pumasok ako at sinabi, “Nasabihan ako na ikaw ay isang taong matapat at ang iyong kumpanya [na] estranghero [dito] ay kinakailangan.Nais kong ialok sa iyo ang isang bagay na itinago ko bilang kawanggawa. Alam ko na mas karapat-dapat ka kaysa sa iba.”
Inalok ko ito sa kanya; sabi niya sa mga kasama niya, “Kumain kayo,” ngunit siya mismo ang naglayo ng kanyang kamay [i.e., hindi kumain]. Sinabi ko sa aking sarili, “Isa ito sa [i.e., isa sa mga palatandaan ng kanyang Pagka-propeta].”
Kasunod ng engkwentro na ito sa Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), umalis si Salman upang maghanda para sa isa pang pagsubok! Sa pagkakataong ito ay nagdala siya ng regalo sa Propeta sa Madinah.
“Naiintindihan ko na hindi ka kumakain mula sa mga naibibigay bilang kawanggawa, kaya narito ang isang regalo na nais kong parangalan ka.” Kumain ang Propeta mula dito at inutusan ang kanyang mga kasama na gawin ang pareho, na kanilang ginawa. Sinabi ko sa aking sarili, “Ngayon ay mayroong dalawa [i.e., dalawa sa mga palatandaan ng Pagka propeta].”
Sa ikatlong engkwentro, si Salman ay dumating sa Baqee-ul-Gharqad [isang libingan sa Medina] kung saan ang Propeta (sumakanyanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), ay dumalo sa libing ng isa sa kanyang mga kasama. Sabi ni Salman:
“Binati ko siya [sa pagbati ng Islam: 'Ang kapayapaan ay nasa iyo'], at pagkatapos ay lumipat patungo sa kanyang likuran upang makita ang selyo [ng Pagka-propeta] na inilarawan sa akin ng aking kasama. Nang makita niya ako [na ginagawa ito], alam niya na sinusubukan kong kumpirmahin ang isang bagay na inilarawan sa akin.Hinubad niya ang damit sa kanyang likuran at tiningnan ko ang selyo.Nakilala ko ito.Natumba ako, hinalikan ito at umiyak.Ang Sugo ng Diyos (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), ay sinabi sa akin na maglakad-lakad [i.e., upang kausapin siya].Sinabi ko sa kanya ang aking kwento tulad ng kinekwento ko sa iyo, Ibn 'Abbaas [tandaan na si Salman ay nagsasabi ng kanyang kwento kay Ibn' Abbaas].Gustung-gusto niya [ang Propeta] ito kaya't nais niyang ikwento ko sa kanyang mga kasama.
Isa pa rin siyang alipin na pag-aari ng kanyang amo. Sinabi ng Propeta sa kanya, “Gumawa ng isang kontrata [sa iyong amo] para sa iyong kalayaan, O Salman.” Sumunod si Salman at gumawa ng isang kontrata [sa kanyang amo] para sa kanyang kalayaan. Nakamit niya ang isang kasunduan sa kanyang amo kung saan magbabayad siya ng apatnapung onsa ng ginto at magtatanim at matagumpay na palalaguina ang tatlong daang bagong mga palma. Sinabi ng Propeta sa kanyang mga kasama, “Tulungan ninyo ang inyong kapatid.”
Tinulungan nila siya sa mga puno at tinipon para sa kanya ang tinukoy na dami. Inutusan ng Propeta si Salman na maghukay ng tamang mga butas upang itanim ang mga punla, at pagkatapos ay itinanim niya ang bawat isa sa pamamagitan ng kanyang sariling mga kamay. Sabi ni Salman, “Pangako sa Kanya ang may hawak ng aking kaluluwa [i.e., Diyos], wala ni isang puno ang namatay.”
Ibinigay ni Salman ang mga puno sa kanyang amo. Binigyan ng Propeta si Salman ng isang piraso ng ginto na kasinlaki ng itlog ng manok at sinabi, “Kunin mo ito, O Salman, at bayaran [i.e., ang iyong amo] kung ano ang utang mo.”
Sabi ni Salman, “Magkano ito sa ayon sa kung magkano ang aking utang!”
Sinabi ng Propeta, “Kunin mo ito! Gagawin ito [ng Diyos] na katumbas ng iyong utang.”[5]
Kinuha ko ito at tinimbang ko ang isang bahagi nito at ito ay apatnapung onsa. Ibinigay ni Salman ang ginto sa kanyang amo. Tinupad niya ang kasunduan at siya ay pinakawalan.
Mula noon, si Salman ay naging isa sa pinakamalapit na mga kasama sa Propeta.
Ang Paghahanap sa Katotohanan
Ang isa sa mga dakilang kasama ng Propeta na nagngangalan na Abu Hurairah ay nag-ulat:
“Nakaupo kami kasama ang Sugo ng Diyos nang maipahayag ang Surah al-Jumuah (Surah 62). Binigkas niya ang mga salitang ito:
“At [ipinadala ng Diyos si Muhammad sa] ibang hindi pa nakakasali sa kanila (at sila ay darating)…” (Quran 62:3)
Isang tao mula sa kanila ang nagsabi, ‘O Sugo ng Diyos! Sino yaong mga hindi pa sumasali sa atin?’
Ang Sugo ng Diyos ay hindi tumugon. Si Salman na Persyano ay kabilang sa amin. Inilagay ng Sugo ng Diyos ang kanyang kamay kay Salman at pagkatapos ay sinabi, ‘Pangako sa Nag-iisa na ang Kamay ay may hawak sa aking kaluluwa, kahit na ang pananampalataya ay malapit sa Pleiades (ang pitong bituin), ang mga tao mula sa mga ito [i.e. kababayan ni Salman] ay tiyak na makakamit ito.” (At-Tirmidhi)
Marami sa mundong ito ay tulad ni Salman, na naghahanap sa katotohanan tungkol sa Tunay at Iisang Diyos. Ang kuwentong ito ni Salman ay katulad ng mga kwento ng mga tao sa ating sariling oras. Ang paghahanap ng ilang mga tao ay nagdala sa kanila mula sa isang simbahan patungo sa isa pa, mula sa simbahan hanggang Budismo o Kabalintiyakan, mula sa Hudaismo hanggang sa 'Neutralidad', mula sa relihiyon hanggang sa pagninilay hanggang sa pang-aabuso sa isip. Mayroong mga lumipat mula sa isang ideya patungo sa isa pa, ngunit hindi naisip na nais na malaman ang tungkol sa Islam! Kapag nakilala nila ang ilang mga Muslim, gayunpaman, binubuksan nila ang kanilang isip. Ang kwento ni Salman ay mahabang paghahanap. Maaari mong gawin ang iyong paghahanap sa katotohanan na mas maikli sa pamamagitan ng benepisyo mula sa kanyang kwento.
Mga talababa:
[1] Isang tribo ng Arabo.
[2] Dumating si Salman sa Medinah bago si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), inatasan bilang isang propeta.
[3] Tatlumpung taon pagkatapos niyang matanggap ang paghahayag mula sa Diyos.
[4] Ang labas ng Medinah.
[5] Isang himala mula sa Diyos.
Magdagdag ng komento