Ang mga Malaking Katanungan (bahagi 3 ng 3): Ang Pangangailangan para sa Paghahayag
Paglalarawanˇ: Ang mga sagot ng Islam sa pangatlo sa ilan sa mga "Malalaking Tanong" sa Buhay, na ang lahat ng tao ay hindi maiiwasang maitanong, Paano tayo maglilingkod sa Ating Tagapaglikha?
- Ni Laurence B. Brown, MD
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 18 Mar 2014
- Nag-print: 4
- Tumingin: 5,655 (araw-araw na pamantayan: 4)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Sa nakaraang dalawang bahagi ng seryeng ito, sinagot namin ang dalawang "malaking katanungan." Sino ang gumawa sa atin? Ang Diyos. Bakit tayo naririto? Upang maglingkod at sumamba sa Kanya. Isang pangatlong tanong na natural ang lumitaw: “Kung ginawa tayo ng ating Tagapaglikha upang maglingkod at sumamba sa Kanya, paano natin ito gagawin?” Sa nakaraang artikulo iminungkahi ko na ang tanging paraan upang makapaglingkod tayo sa ating Lumikha ay sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga utos, tulad ng ipinapahayag sa pamamagitan ng paghahayag.
Ngunit maraming tao ang nagtatanong sa aking pananaw: Bakit nangangailangan ng paghahayag ang sangkatauhan? Hindi ba sapat na maging mabuti? Hindi ba sapat para sa bawat isa sa atin na sambahin ang Diyos sa ating sariling pamamaraan?
Hinggil sa pangangailangan ng paghahayag, ako ay gagawa ng mga punto: Sa unang artikulo ng seryeng ito ay itinuro ko na ang buhay ay puno ng kawalang-katarungan, pero ang ating Tagapaglikha ay patas at makatarungan at itinatag Niya ang hustisya hindi sa buhay na ito, ngunit sa kabilang buhay. Gayunpaman, ang katarungan ay hindi maitatatag nang wala ang apat na bagay—isang korte (i.e., ang Araw ng Paghuhukom); isang hukom (i.e., ang Tagapaglikha); mga saksi (i.e., mga kalalakihan at kababaihan, mga anghel, mga elemento ng nilikha); at ang libro ng mga batas na dapat hatulan (i.e., paghahayag). Ngayon, paano maitataguyod ng ating Tagapaglikha ang hustisya kung hindi Niya pipigilan ang sangkatauhan sa pamamagitan ng ilang mga batas sa kanilang buhay? Hindi ito posible. Sa sitwasyong iyon, sa halip na katarungan, ang Diyos ay magiging di-katarungan, sapagkat parurusahan Niya ang mga tao sa paglabag sa mga hindi nila alam na mga krimen.
Bakit pa kailangan natin ng paghahayag? Sa simula kung walang patnubay ang sangkatauhan ay ni hindi maaring sumang-ayon sa mga isyu sa lipunan at pang-ekonomiya, politika, batas, atbp. Kaya paano tayo sasang-ayon sa Diyos? Pangalawa, walang ibang makakapagsulat ng isang manwal kundi ang gumawa sa produkto. Ang Diyos ang Tagapaglikha, tayo ang nilikha, at walang nakakaalam sa pangkalahatang pamamaraan ng paglikha ng mas mahusay kaysa sa Lumikha.Pinahihintulutan ba ang mga empleyado na magdisenyo ng kanilang sariling mga patakaran sa trabaho, tungkulin at ng kabayaran na angkop para sa kanila? Pinapayagan ba tayong mga mamamayan na magsulat ng sarili nating mga batas? Hindi? Kung gayon, Bakit tayo pahihintulutan na magsulat ng ating sariling mga relihiyon.Kung ang kasaysayan ay nagturo sa atin ng anuman, ito ay ang mga trahedya na nagreresulta kapag sinusunod ng sangkatauhan ang kamangmangan nito. Gaano karami ang sumang-ayon sa bandila ng libreng pag-iisip ang nagdisenyo ng mga relihiyon na nakatuon sa kanilang sarili at sa kanilang mga tagasunod na nagdulot ng bangungot sa mundo at kaparusahan sa hinaharap?
Kaya bakit tila hindi pa sapat ang maging mabuti? At bakit hindi sapat para sa bawat isa sa atin na sambahin ang Diyos sa ating sariling pamamaraan? Simula sa, pagkakaiba sa kahulugan ng "mabuti" para sa mga tao. Para sa ilan ito ay mataas na moral at malinis na pamumuhay, para sa iba ito ay kabaliwan at labanan. Katulad nito, naiiba rin ang mga konsepto kung paano maglingkod at sumamba sa ating Tagapaglikha. Ang pinaka-importanteng punto, walang sinuman ang maaaring makapasok sa isang tindahan o isang restawran at magbayad na may ibang uri ng pera kaysa sa tinatanggap ng mangangalakal. Kaya gayundin sa relihiyon. Kung nais ng mga tao na tanggapin ng Diyos ang kanilang paglilingkod at pagsamba, kailangan magbayad sa naaayon at hinihiling ng Diyos. At ang bayad na iyon ay ang pagsunod sa Kanyang paghahayag.
Isipin ang pagpapalaki ng mga bata sa isang bahay kung saan nagtatag ka ng "mga panuntunan sa bahay." Pagkatapos, isang araw, sinabi sa iyo ng isa sa iyong mga anak na pinalitan niya ang mga patakaran, at gagawin niya ang mga bagay sa ibang paraan. Paano ka tutugon? Malamang, sa mga salitang “Maaari mong gawin ang iyong mga bagong patakaran at pumunta sa Impiyerno!” Kaya, isipin mo. Tayo ay mga nilikha ng Diyos, na naninirahan sa Kanyang mundo sa ilalim ng Kanyang mga patakaran, at "pumunta ka sa Impiyerno" ang malamang na sasabihin ng Diyos sa sinumang mangahas na magpawalang halaga sa Kaniyang mga batas.
Ang katapatan ay nagiging isang isyu sa puntong ito. Dapat nating kilalanin na ang lahat ng kasiyahan ay isang regalo para sa atin ng Lumikha, at karapat-dapat na magpasalamat. Kung mabibigyan ng isang regalo, sino ang gumagamit ng regalo bago magpasalamat? Gayunpaman, marami sa atin ang nagtatamasa ng mga regalo ng Diyos sa buong buhay at hindi nagpapasalamat. O binibigay sa huli na. Ang makatang Ingles, na si Elizabeth Barrett Browning, ay nagsalita tungkol sa kabalintunaan ng pagdurusa ng tao sa The Cry of the Human:
At ang mga labi ay nagsasabi na "Diyos maging maawain ka",
Na hindi man lang nagsasabi, "Purihin ang Diyos."
Hindi ba tayo dapat magpakita ng mabuting asal at magpasalamat sa ating Lumikha para sa Kanyang mga regalo ngayon, at kasunod para sa natitirang bahagi ng ating buhay? Hindi ba natin utang sa Kanya iyon?
Sumagot ka ng "Oo." At iyon ay nararapat. Walang sinuman ang nagbasa hanggang sa puntong ito nang hindi sumasang-ayon ngunit ito ang problema; Marami sa inyo ang sumagot ng “Oo,” sa pagkaka-alam nang lubos na ang iyong puso at isipan ay hindi lubos na sumasang-ayon sa mga relihiyong iyong kinabibilangan. Sumasang-ayon ka na tayo ay nilikha ng Tagapaglikha. Nagsusumikap kang intindihan Siya. At nais mong maglingkod at sumamba sa Kanya sa paraang iniutos Niya. Ngunit hindi mo alam kung paano, at hindi mo alam kung saan hahanapin ang mga sagot. At iyon, sa kasamaang palad, ay hindi isang paksa na masasagot sa isang artikulo. Sa kasamaang palad, dapat itong matugunan sa isang libro, o marahil kahit sa isang serye ng mga libro.
Ang magandang balita ay na isinulat ko ang mga librong ito. Inaanyayahan kita na magsimula sa The Eighth Scroll. Kung nagustuhan mo ang naisulat ko rito, magugustuhan mo ang naisulat ko doon.
Copyright © 2007 Dr. Laurence B. Brown; ginamit nang may pahintulot.
Dr. Brown ay may-akda sa The Eighth Scroll, inilarawan ng North Carolina State Senator Larry Shaw bilang, “Indiana Jones meets The Da Vinci Code. The Eighth Scroll ay isang nakamamangha, nakakasabik, hindi maiiwasan ang kapanapanabik na mga hamon sa mga pananaw ng mga taga-Kanluran, kasaysayan at relihiyon. Bar none, ang pinakamahusay na libro sa lahat ng uri!” Si Dr. Brown ay may-akda din sa tatlong iskolatikong libro sa paghahambing sa mga relihiyon , MisGod’ed, God’ed, at Bearing True Witness (Dar-us-Salam). Ang kanyang mga libro at artikulo ay makikita sa kanyang websites, www.EighthScroll.com at www.LevelTruth.com, at maaari itong mabili sa www.Amazon.com.
Magdagdag ng komento