Mga Pag-uusap sa Paraiso at Impiyerno (bahagi 1 ng 3): Pakikipag-usap sa mga Anghel
Paglalarawanˇ: Ano ang sasabihin sa atin ng ating mga kasama habambuhay habang tayo ay papasok sa ating walang hanggan na tirahan.
- Ni Aisha Stacey (© 2012 IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 29 Aug 2021
- Nag-print: 6
- Tumingin: 8,010
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Magsisimula tayo sa bagong serye ng mga artikulo tungkol sa pag-uusap na magaganap sa Paraiso at Impiyerno. Inaasahan na sa pagpapaalala sa ating mga sarili, kung anuman ang nailarawan sa atin tungkol sa Paraiso at Impiyerno ay kaya nating maranasan at mapagmuni-munihan ang mga kaganapan na mangyayari kapag naharap tayo sa ating tahanan sa Kabilang buhay.
Bakit hinayaan tayo ng Diyos na pakinggan ang mga pag-uusap na ito? Ang Quran ay puno ng hindi lamang paglalarawan sa hardin na Paraiso at Impiyerno, bagkus pag-uusap, diyalogo, diskurso at matalinong pagpapaliwanag din. Kapag ang magkakatulad na mga senaryo ay paulit-ulit, ito ay isang indikasyon na sinasabi ng Diyos, “bigyang pansin!” Samakatuwid ito ay katungkulan natin na gawin ito - bigyan pansin o halaga, na alinman ang umasa tigib ng kaligayahang tirahan na kilala sa tawag na hardin ng Paraiso o hangarin na maprotektahan ang ating mga sarili mula sa naglalagablab na Apoy ng Impiyerno. Ang mga impormasyon ay paulit-ulit upang tayo ay makapag-isip ng husto.
Sa mga sumusunod na mga artikulo ay titingnan natin ang maraming pagkakaiba ng mga kategorya ng pag-uusap. Ang pag-uusap ng mga Anghel at mga tao ng hardin ng Paraiso at mga tao sa Impiyerno, ang pag-uusap na magaganap sa pagitan ng mga tao sa hardin ng Paraiso at Impiyerno kasama ang kanilang kapamilya, at ang pakikipag-uusap ng Diyos sa mga tao ng hardin ng Paraiso at Impiyerno. Bilang karagdagan ay titingnan natin kung ano ang sinabi ng mga tao ng hardin ng Paraiso at Impiyerno sa kanilang mga sarili at sa bawat isa. Ating umpisahan sa pag-uusap sa pagitan ng mga Anghel at mga tao sa Kabilang buhay.
Pakikipag-usap sa mga Anghel
Ang mga Anghel ay naninirahan sa gitna ng mga tao mula sa ating simula hanggang sa pinakadulo. Sila ay may pananagutan sa paghinga ng mga kaluluwa sa mga fetus, sila ay nagtatala ng ating mabubuti at masasamang gawain at kukunin nila ang mga kaluluwa mula sa ating mga katawan sa oras ng kamatayan. Sa pagpasok sa ating walang hanggang tirahan, pagkatapos ng buhay, sila ay ating kasama, at pwedi tayong makipag-usap sa kanila.
Ang mga tao sa mga Hardin ng Paraiso
Ang walang hanggan na tirahan ng mga namuhay na may pagtitimpi sa pagharap ng kahirapan, at nagsikap na maging matuwid sa mga oras ng kahirapan at kadalian, ay ang walang hanggan, ang Hardin ng Paraiso na kilala sa tawag na Jannah. Kapag ang mga tao na maninirahan sa walang hanggang buhay sa hardin ng Paraiso ay papasok na sa kanilang bagong tahanan, ang mga Anghel ay babatiin sila. Ito ang mga nagbabantay sa Hardin ng Paraiso at kanilang sasabihin, “pumasok kayo dito ng payapa, dahil sa inyong pagtitimpi!” Ang Hardin ng Paraiso ay walang hanggan na katahimikan at ganap na kasiyahan.
At yaong mga natatakot sa kanilang Panginoon ay dadalhin patungo sa Paraiso ng pangkat-pangkat, hanggang, kapag sila ay makarating dito at ang mga pintuan nito ay magbubukas at ang mga tagapagbantay nito ay magasasabi sa kanila:" Salamun Alaikum (kapayapaan sa inyo)! ''Kayo ay naging dalisay kaya magsipasok kayo rito upang kayo ay manatili rito nang walang hanggan.” (Quran 39:73)
Ang lahat ng pinsala o sakit na kanilang naramdaman ay aalisin sa kanilang mga puso. Sasagot sila sa mga Anghel ng may papuri sa Diyos, at magpapatuloy ang pag-uusap.
“…Ang lahat ng papuri ay sa Allah na Siyang pumatnubay sa amin patungo rito, at kailanman kami ay hindi mapapatnubayan kung kami ay hindi pinatnubayan ng Allah. Katiyakan, ang mga sugo ng Aming Panginoon ay nagsirating na dala ang katotohanan." At sila ay tatawagin: "Ito ang Paraiso na sa inyo ipinamana nang dahil sa anumang kabutihang inyong laging ginagawa.” (Quran 7:43)
Ang mga tao sa Impiyerno
Ang pag-uusap na magaganap sa pagitan ng mga tao ng Impiyerno at mga Anghel ay magiging kakaiba. Ang mga maninirahan sa Impiyerno ay ibang-iba ang magiging karanasan. Sa halip na maghintay na sabik na pumasok sa kanilang walang hanggang tirahan, ang mga taong nakalaan para sa Impiyerno ay kailangang pagsama-samahin at kaladkarin ng mga Anghel na namamahala sa apoy. At kapag ang mga taong naghihirap ay itatapon na sa Impiyerno, ang Anghel ay magsasabi: , “Wala bang isang tagapagbabala ang dumating sa inyo?”
Ito ay halos sumabog sa tindi ng pagkagalit. Sa tuwing may pangkat na itatapon doon, ang mga tagapagbantay nito ay magtatanong sa kanila: “Wala bang isang tagapagbabala ang dumating sa inyo?” At sila ay magsasabi: “Tunay nga, ang tagapagbabala ay dumating sa amin, nguni't siya ay aming itinakwil at aming sinabi sa kanya: ‘Ang Allah ay walang ibinabang anumang bagay (rebelasyon); at katotohanan, ikaw lamang ang nasa malaking kamalian.’“ At sila ay magsasabi: “Kung kami sana ay nakinig lamang o nag-isip, marahil kami ay hindi magiging kabilang sa mga mananahan sa naglalagablab na Apoy!” (Quran 67:8-10)
Gayunpaman, ito ay hindi unang beses na nangyari sa mga naninirahan sa Impiyerno na makipag-usap sa mga Anghel. Kapag ang Anghel ng kamatayan at ang kanyang mga katulong ay nagtipon upang alisin ang mga kaluluwa ng mga tao ito, sila ay magtatanong ng marahas, nasaan na ang mga sinasamba niyo bukod sa Diyos? Dahil sa yugtong ito ng buhay ng tao ang kanyang mga idolo o sinasamba ay hayagang wala.
…kapag ang aming mga sugo (Anghel ng kamatayan at kanyang katulong) ay dumating sa kanila upang kunin ang kanilang mga kaluluwa, sila (mga Anghel) ay magsasabi: “Nasaan yaong lagi ninyong dinadalanginan bukod sa Allah,” at sila ay magsasabi: “Sila ay naglaho at iniwan kami.” At sila ay sasaksi laban sa kanilang mga sarili, na sila ay mga di-naniniwala. (Quran 7:37)
Pagkatapos ng ilang panahon, ang mga naninirahan sa Impiyerno ay magsisimula nang mawalan ng pag-asa. Nanalangin sila sa Diyos ngunit walang natanggap na tugon, kaya't sila ay nagsimulang makiusap sa mga Anghel, ang mga tagapagbantay. Kanilang sinabi, manalangin kayo sa inyong Panginoon, hingin na pagaanin ang aming parusa. Ang mga Anghel ay tumugon na kung saan ang tugon na iyon ay nagdagdag lamang sa kanilang pagkabigo.
At yaong mga nasa Apoy ay magsasabi sa mga tagapagbantay (na Anghel) ng Impiyerno: “Manalangin kayo sa inyong Panginoon upang pagaanin para sa amin ang isang araw mula sa parusa! ”Sila (mga Angel) ay magsasabi: “Hindi ba dumating sa inyo ang inyong mga Sugo na may dalang mga katibayan?” Sila ay magsasabi: “Tunay nga na may dumating.” Sila (mga Anghel) ay sasagot: “Kung gayon, kayo (sa inyong mga sarili) ang manalangin! … (Quran 40:49-50)
Mga Pag-uusap sa Paraiso at Impiyerno (bahagi 2 ng 3): Diyalogo at mga Talakayan
Paglalarawanˇ: Marami pang mga pag-uusap na magaganap sa pagitan ng mga tao sa Paraiso at ang mga naninirahan sa Impyerno.
- Ni Aisha Stacey (© 2012 IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 26 Apr 2013
- Nag-print: 17
- Tumingin: 6,522
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang mga Pag-uusap sa Pagitan ng mga Tao sa Paraiso at mga Tao sa Impyerno
Ang pag-uusap na magaganap sa pagitan ng mga tao sa Paraiso at ng mga tao na ang magiging tirahan ay Impyerno ay nabanggit ng maraming beses sa Quran. Kapag nabasa at napagbulay-bulayan natin ang mga talatang ito, ay marapat na tayo ay magmuni-muni at sikaping may matutunan mula sa kanilang nawalan ng pag-asa na haharapin ang kakila-kilabot na Impyerno. Dapat nating maramdaman ang kanilang pangamba at matuto mula sa kanilang mga pagkakamali. Ang pagbabasa tungkol sa kanila sa Quran ay nagbibigay daan na maranasan natin ang kanilang kapighatian, ngunit ito rin ay nagpapahintulot na makita natin kung paano madaling maiwasan ang hantungan na ito.
Sa Paraiso, magtatanungan sila sa isa't isa tungkol sa mga mapaggawa ng kabuktutan, (sumasamba sa mga diyus-diyosan, mga kriminal, at di mananampalataya), “Ano ang sanhi ng inyong pagpasok sa Impyerno?” Sila ay magsasabi: “Kami ay hindi kabilang sa mga nagsisipagdasal, at hindi namin nakagawiang magpakain sa mga dukha; at kami ay lagi nang nakikisali sa mga walang-kabuluhang usapan ng mga nagpapasimuno nito (lahat ng mga ito ay kinamumuhian ng Diyos). At kami ay lagi nang nagtatakwil (hinggil) sa Araw ng pagbabayad. Hanggang sumapit sa amin ng may katiyakan (ang kamatayan).” (Quran 74:40-47)
Ang mga naninirahan sa Paraiso ay mananawagan sa mga naninirahan sa Apoy (na nagsasabing): "Katunayan, natagpuan namin na ang anumang ipinangako sa amin ng aming Panginoon ay sadyang totoo. Natagpuan din ba ninyo na ang ipinangako sa inyo ng inyong Panginoon ay sadyang totoo?” Sila ay magsasabi: “Oo, natagpuan namin !”... (Quran 7:44)
Ang mga naninirahan sa Apoy ay mananawagan sa mga naninirahan sa Paraiso: “Kami ay inyong buhusan ng tubig o anumang panustos na sa inyo ay ipinagkaloob ng Diyos.” Sila ay magsasabi: “Katiyakan, ipinagbawal ng Diyos ang mga ito (tubig at anumang panustos) sa mga di-mananampalataya.” (Quran 7: 50)
Ito ay malinaw na ang pagdurusa ng mga nasa Impyerno ay nadadagdagan sapagkat kanilang nakikita at napakikinggan ang mga biyayang ipinagkaloob sa mga naninirahan sa Paraiso.
Ang mga Pag-uusap ng Bawat isa ng mga Naninirahan sa Paraiso
Ang Mga salita ng Diyos sa Quran ay nagsasabi sa atin na ang mga naninirahan sa Paraiso ay magtatanungan sa isa't-isa tungkol sa kanilang nakaraang buhay.
“At sila ay magsisilapitan sa isa't isa, magtatanungan sa isa't isa. Sila ay magsasabi, “Katotohanan, maging noon pa mang kapiling namin ang aming pamilya , (aming) kinatakutan na [ang parusa ng Diyos], ngunit ang Diyos ay naggawad ng kabutihang-loob sa amin, at kami ay pinangalagaan laban sa parusa ng nagbabagang Apoy.” (Quran 52:25-27)
Ang karamihan sa mga talata ay naglalarawan sa pag-uusap ng mga tao sa Paraiso na patunay na sila ay magpapatuloy sa kanilang mabuting pag-uugali sa pagpuri at pagpapasalamat sa Diyos para sa mga biyaya na Kanyang ipinagkaloob sa kanila. Bagama't sila ay naniwala sa pangako ng Diyos na totoo, at kumilos ng naaayon, ang kataas-taasang karingalan ng Paraiso ay nagpadama sa kanila ng labis na pasasalamat.
At sila ay magsasabing: “Ang lahat ng papuri ay sa Diyos na siyang pumawi ng aming (lahat ng) lumbay. Katotohanan, ang aming Panginoon ang Mapagpatawad, handang kumilala (o magpahalaga sa mabuting gawa). Siya ang nagpatira sa amin sa tahanan ng walang hanggan (Paraiso) mula sa Kanyang biyaya. Doon ay hindi kami makakaranas ng alinmang kapaguran, at doon ay hindi kami makakaranas ng hirap (ng pag-iisip)." (Quran 35:34-35)
At sila ay magsasabi: “Ang lahat ng papuri ay sa Allah na Siyang tumupad para sa amin ng Kanyang pangako at kami ay Kanyang ginawang tagapagmana (nitong) lupain upang kami ay manatili sa Paraiso saan man namin naisin; kaya, (sadyang) pinagpala ang gantimpala ng mga (mabubuting) manggagawa!” (Quran 39:74)
Ang Pag-uusap ng mga Tao sa Impyerno sa Pagitan ng Bawat Isa
Kapag ang mga taong nakalaan para sa walang hanggan na Impyerno ay naipon na sa Apoy, sila ay magugulat na ang mga tao o mga idolo na kanilang pinagkatiwalaan at sinunod ay hindi makakatulong sa kanila. Ang mga pinuno na tinawag sa Quran na mapagmataas ay aaminin sa kanilang mahihinang tagasunod na sila man ay nasa pagkaligaw. Kaya sinumang sumunod sa kanila, ay sumunod sa kanila sa isang buhay na pinag-kaitan ng awa.
At sila ay magsisilapitan sa isa't isa na nag-aakusa, nagtatanong (at nagsisihan). Sila ay magsasabi: “Kayo na nasa kapangyarihan ay nagsilapit sa amin [i.e. inudyukan kaming sumamba sa ibang mga diyus-diyosan at pinigilan kaming malaman ang katotohanan]." Sila ay magsisisagot: “Hindi! bagkus kayo (sa inyong mga sarili), ay hindi rin naman naniniwala, at kami ay walang kapangyarihan (o kakayahan) laban sa inyo. Bagkus, (sa katunayan) kayo ay mga taong labis na palasuway." Ang parusa sa atin ng ating Panginoon ay makatarungan, tayo ngayon ay makalalasap ng masidhing kaparusahan. At kami ang naglihis sa inyo at kami rin ay mga nalihis mula sa patnubay.” (Quran 37:27-32)
At sila ay magsisilitaw sa harapan ng Allah (para sa paghuhukom) na magkakasama; at ang mga mahihina ay magsasabi sa mga mapagmalaki: "Katotohanan, kami ay inyong naging tagasunod kaya kami ba ay inyong matutulongan ng anuman laban sa parusa ng Diyos? ” Sila ay magsasabi: “Kung kami ay napatnubayan ng Diyos, maaaring napatnubayan namin kayo. (Nguni't hindi nga nagkagayon) wala itong kaibahan sa atin ngayon kung tayo man ay magngingit o tiisin (ang mga pagdurusa) ng may pagpapasensya; walang pook ng kanlungan para sa atin (o kaligtasan mula sa parusa).” (Quran 14:21)
At kapag ang bagay ay napagpasiyahan na, at ito ang bagay na napagpasyahan kung sino ang nakalaan para sa Paraiso at sino ang nakalaan para sa Impyerno, ang ubod ng sama, ang pinaka-pusakal na maninirahan sa Impyerno na si Satanas ay ihahayag ang isang napakalaking katotohanan. Ito ay katotohanan at mangyayari na ipinahayag sa atin ng Diyos sa Quran, ngunit di sineryoso ng mga tao, na si Satanas ay sinungaling. Ang mga pangako ni Satanas kailanman ay hindi matutupad, ang kanyang pangako ay walang katuturan, at siya mismo ay naniwala sa Diyos.
At si Satanas ay magsasabi kung ang pangyayari ay napagpasiyahan na: “Katotohanan, ang Diyos ay nangako sa inyo ng isang pangako ng katotohanan. At ako ay nangako rin, nguni't ako ay nagtaksil sa inyo. Wala akong karapatan sa inyo maliban na ako ay nag-anyaya sa inyo at kayo ay tumugon (o sumunod) sa akin. Kaya, huwag ninyo akong sisihin bagkus inyong sisihin ang inyong mga sarili. Hindi ko kayo matutulungan, at hindi rin ninyo ako matutulungan. Katotohanan, aking itinatakwil ang inyong ginawang pagtatambal sa akin sa Diyos (sa pagsunod sa akin sa buhay sa mundo). Katotohanan, para sa mga mapaggawa ng kamalian, ay nakahanda ang isang napakasakit na kaparusahan.” (Quran 14:22)
Mga Pag-uusap sa Paraiso at Impiyerno (bahagi 3 ng 3): At hindi na Ako Kailanman Magagalit sa Inyo
Paglalarawanˇ: Ang pag-uusap kasama ang kapamilya, panloob na mga pag-uusap, at paano tutugunin ng Diyos ang mga tao sa Kabilang Buhay.
- Ni Aisha Stacey (© 2012 IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 10 Nov 2013
- Nag-print: 7
- Tumingin: 5,907
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Mga Panloob na Mga Pag-uusap
Kapag ang bagay ay napagpasyahan na, at ang mga tao sa Impyerno ay nakarating na sa kanilang hantungan, at ang mga tao sa Paraiso ay nakapasok na sa Hardin, ang bawat grupo ng mga tao ay mag-uusap-usap. Ang buhay nila sa daigdig ay hindi nila malilimutan at ang parehong grupo ay mayroong walang hanggan para magbalik-tanaw at masuri kung bakit siya ay nagdurusa o kung bakit may karapatan siya sa luhong tinatamasa? Ang bagay ay napagpasyahan na, ang maikling oras ng buhay na inilaan sa daigdig na ito ay natapos na, at nagsimula na ang buhay na walang hanggan.
Siya (Diyos) ay magsasabi: “Ilang taon kayong nanatili sa mundo? Sila ay magsasabi: “Kami ay nanatili ng isang araw o (ilang) bahagi ng isang araw; Tanungin ang mga nagbibilang.” Siya (Diyos) ay magsasabi: “Kayo ay nanatili ng isang saglit lamang, kung inyo lamang nalalaman! (Quran 23:112-114)
Alam natin na ang mga naninirahan sa Paraiso at Impyerno ay babaling sa bawat isa sa pagtatanong, gayunpaman ano ang sasabihin nila sa bawat isa sa kanila, ano ang kanilang mararamdaman, nalulumbay, mag-isa at tinalikuran? Ang Diyos ay nagsabi sa atin na sila ay maghihinagpis sa takot, at pagkabigo. Ito ay napakahirap isipin para sa atin ngunit alam natin na lumitaw sila upang magbigay pag-asa.
“At para sa kanila (naitakdang maging) sawimpalad, sila ay maninirahan sa Apoy, at doon, sila ay may (magdaranas ng maraming) buntong hininga.” (Quran 11:106)
“…at inihanda para sa kanila ang naglalagablab na Apoy (Impiyerno). Sila ay mamamalagi roon nang walang hanggan, sila ay walang matatagpuang tagapangalanga, o makakatulong. Sa araw na iyon ang kanilang mga mukha ay ipipihit (o ibabaling) sa Apoy, sila ay magsasabi: “Sana kami ay sumunod sa Allah at sumunod sa Sugo (kay Muhammad)." (Quran 33:64-66)
Kapag ang mga tao sa Impiyerno ay magbulay-bulay tungkol sa kung bakit yaong mga sinunod nila sa daigdig ay hindi sila matulungan sa kanilang pagdudrusa, at may aral dito para sa atin na dapat nating matutunan. Sa Quran at sa mga tradisyon ng Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay pwedi nating basahin at makita sa pamamagitan ng ating mata at isipan kung ano ang maaari nating kahinatnan.
Anong kaibahan at kasiyahan ito ay para sa makakapasok sa Paraiso. Magkakaroon sila ng labis na kasiyahan na makita ang Diyos, ito ang bagay na ipagkakait sa mga tao sa Impiyerno. “Katotohanan, sa Araw na iyon sila (mga makasalanan) ay tatabingan mula sa (pagsulyap sa) kanilang Panginoon ”. (Quran 83:15)
Ang mga Tao sa Paraiso at ang mga Naninirahan sa Impiyerno ay Makikipag-usap sa Kanilang Kapamilya
May kakaunting mga talata ng Quran o mga tradisyon ng Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) na nagpapakita sa atin ng pag-uusap na magaganap sa pagitan ng mga tao sa kanilang walang hanggan na tirahan kasama ang kanilang kapamilya. Gayunpaman, mayroong patunay na nagpapakita na sila ay tunay na makakaalala sa kanilang pamumuhay sa daigdig at mag-iisip tungkol sa kanilang kapamilya.
“At sila ay magsisilapitan sa isa't isa, magtatanungan sa isa't isa. Sila ay magsasabi: "Katotohanan, maging noon pa mang kapiling namin ang aming pamilya, (aming) kinatakutan na (ang pagsuway sa Diyos), ngunit ang Diyos ay naggawad ng kabutihang-loob sa amin, at kami ay pinangalagaan laban sa parusa ng nagbabagang Apoy. Katotohanan, kami ay lagi nang dumadalangin sa Kanya noon pa man. Katotohanan, Siya ang Pinaka-Mabait, ang Pinaka-Mahabagin.” (Quran 52:25-28)
Ang Pag-uusap sa Pagitan ng Diyos at ang mga Naninirahan sa Impiyerno
Ang pag-uusap na ating matatagpuan sa pagitan ng Diyos at ang mga tao sa Impiyerno ay kakaunti lamang. Mas madali tayong makahanap ng mga talata mula sa Quran na kung saan ang mga naninirahan sa Impyerno ay nakikipag-usap sa isat-isa, o kasama ang mga Anghel na nagbabantay sa pintuan ng Impyerno. Gayunpaman, mayroong isang pag-uusap na kapuna-puna at kailangang malinaw ito sa ating mga isipan, para maprotektahan natin ang ating mga sarili na hindi madinig ang nakakatakot na mga salitang ito. Ang mga naninirahan sa Impyerno ay magsasabi:
“Aming Panginoon! kami ay (Iyong) hanguin mula rito (sa Apoy). At kung kami man ay magsibalik (sa dating kasamaan), tunay na kami ay mga mapaggawa ng kamalian.”
Siya (ang Allah) ay magsasabi: “Manatili kayong kaaba-aba (hamak at walang dangal) doon! At huwag kayong makiusap sa Akin!” (Quran 23:107-108)
Ang Pag-uusap sa pagitan ng Diyos at ang mga tao sa Paraiso
Sa mga tradisyon ng Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) matatagpuan natin ang nakakaantig at kasiya-siyang pag-uusap sa pagitan ng Diyos, at ang huling tao na makakaalis mula sa paghihirap sa Impiyerno ng dahil sa awa ng Diyos. Ang tao ay naimbitahan na pumasok sa Paraiso , kaya't siya ay makakapunta rito, at maiisip na ang Paraiso ay puno na. Ang tao ay babalik sa Diyos at sasabihin "Aking Panginoon, natagpuan kung puno ang Paraiso," at ang Diyos ay tutugon," Pumunta at pumasok ka sa Paraiso dahil para sa iyo ay sampung ulit na mas mainam pa sa daigdig at kanyang nilalaman ”. Ang Propeta Muhammad ay nagsabi, “Iyan ay para sa isa na nasa pinaka-mababang katayuang mga tao sa Paraiso”.[1]
Isang tao naman ang tatanungin ng Diyos kung siya ba ay nagkamit ng kanyang mga gusto at siya ay tutugon sa kanyang Panginoon na magsasabi “Oo, ngunit gusto kung magtanim ng mga pananim.” Kaya't siya ay pupunta at magtatanim ng mga buto, at sa isang kisap mata, ito ay lalago, mahihinog, aanihin at matatambak katulad ng mga bundok.[2]
Tatapusin natin ang ating ikatlong bahagi ng serye sa isang napakagandang kasabihan at umasa na bawat isa na nagbasa or narinig itong napakagandang pag-uusap ay nasa mabuti, at sa dulo nang kanilang mga buhay at sa simula ng kanilang buhay sa kabilang buhay ay maging bahagi ng pag-uusap na ito.
Ang Diyos ay magsasabi sa mga tao ng Paraiso : “O mga tao ng Paraiso! Sila ay tutugon: “Nandito na kami, aming Panginoon at ang lahat ng mabuti ay nasa Inyong Kamay.” Sasabihin ng Diyos: “Nasiyahan ba kayo? Sila ay tutugon: “Bakit hindi pa kami masisiyahan gayung ibinigay Mo na sa amin ang hindi Mo pa naibigay sa kahit kaninong Iyong nilikha.” Kanyang sasabihin “Hindi Ko ba ibibigay sa inyo ang isang bagay na mas mahusay kaysa sa mga bagay na yan? Sila ay magsasabi: “O aming Panginoon! Ano pa ba ang mas mainam dyan? Ang Diyos ay magsasabi: “Ipagkakaloob Ko sa iyo ang Aking kagalakan at hindi na Ako kailanman magagalit sa inyo.”[3]
Magdagdag ng komento