Ang mga Kagandahan ng Islam (bahagi 1 ng 3): Di Matatakpan ng Kamangmangan ang Kagandahan at Katotohanan
Paglalarawanˇ: Isang maikling paglalarawan ng ilan sa mga kagandahan ng Islam.
- Ni Aisha Stacey (© 2012 IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 28 Mar 2021
- Nag-print: 4
- Tumingin: 7,205 (araw-araw na pamantayan: 5)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Sa panahong ito sa kasaysayan ng Islam, kung saan ang kabuuan ng relihiyon ay hinuhusgahan sa mga kilos ng iilan, nararapat na tumalikod muna mula sa atensyon ng media at suriin ang mga kagandahan na nakapaloob sa pamamaraan ng pamumuhay na kilala bilang Islam. Mayroong kadakilaan at kaluwalhatian sa Islam na madalas ay natatakpan ng mga gawain na walang kinalaman sa Islam o ng mga taong nagsasalita tungkol sa mga paksang di naman nila lubos na naiintindihan. Ang Islam ay isang relihiyon, isang paraan ng pamumuhay na nagbibigay-inspirasyon sa mga Muslim na subukan at mag-sumikap, na abutin ang mas malayo at kumilos sa isang paraan na nakalulugod sa mga nakapaligid sa kanila at lalo na ang pagkalugod ng Lumikha sa kanila.
Ang mga nagpapaganda sa Islam ay ang mga bagay na bahagi ng relihiyon at nagbubukod- tangi sa Islam. Sinasagot ng Islam ang walang katapusang mga katanungan ng mga tao. Saan ako nanggaling? Bakit ako nandito? Ito lang ba talaga ang mayroon? Sinasagot nito ang mga tanong na ito nang may kaliwanagan at sa magandang paraan. Kung gayon, simulan natin ang ating pagsasaliksik at tuklasin at pag-isipan ang mga kagandahan ng Islam.
1.Ang mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan tungkol sa buhay ay nasa Quran
Ang Quran ay isang aklat na nagdedetalye ng kaluwalhatian ng Diyos at ang nakamamangha Niyang mga nilikha; ito rin ay isang pagpapatotoo sa Kanyang Awa at Hustisya. Ito ay hindi aklat ng kasaysayan, aklat ng kwento, o isang aklat pang-agham, kahit na naglalaman ito ng lahat ng mga kategorya at marami pa. Ang Quran ay ang pinakadakilang regalo ng Diyos sa sangkatauhan - wala itong kahalintulad na aklat, sapagkat naglalaman ito ng mga sagot sa mga misteryo ng buhay. Sinasagot nito ang mga katanungan at hinihiling sa atin na tumingin sa kabila ng materyalismo at makita na ang buhay na ito ay isa lamang pansamantalang pahingahan sa daan patungo sa buhay na walang hanggan. Ang Islam ay nagbibigay ng isang malinaw na pakay at layunin sa buhay.
“At hindi Ko nilikha ang jinn (mga nilikhang nilalang mula sa apoy na walang usok) at tao maliban na lamang na Ako ay sambahin (na bukod tangi).” (Quran 51:56)
Sa gayon ito ang pinakamahalagang aklat at ang mga Muslim ay walang pag-aalinlangan na ito sa ngayon ay ang eksaktong kapareho sa kung kailan ito unang ipinahayag kay Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala). Kapag tinatanong natin ang mga pinakamahalagang tanong, nais nating tiyakin ang mga sagot na natanggap natin ay ang katotohanan. Ang pagkaka-alam na ang mga sagot na iyon ay nagmumula sa isang aklat na kung saan ay hindi binago na Salita ng Diyos, ay nagbibigay ng ginhawa at aliw. Nang ipahayag ng Diyos ang Quran, ipinangako Niyang mapapanatili ito. Ang mga salitang nababasa natin ngayon ay kapareho sa mga naisaulo at isinulat ng mga kasama ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan ay pagpapala ng Diyos).
“Katotohanang Kami, ang nagpapanaog ng pagpapa-alala (alalaong baga, ang Qur’an) at buong katiyakan na ito ay Aming pangangalagaan laban sa pagbabago (at katiwalian).” (Quran 15:9)
2.Ang tunay na Kaligayahan ay matatagpuan sa Islam
Magalak at maging masaya, manatiling positibo at maging mapayapa.[1] Ito ang itinuturo sa atin ng Islam, na ang lahat ng mga kautusan ng Diyos ay naglalayong magdala ng kaligayahan sa isang tao. Ang susi sa kaligayahan ay ang pag-unawa at pagsamba sa Diyos. Ang pagsamba na ito ay nagsisilbing isang paalala sa Kanya at pinapanatili tayong laging may kamalayan sa Kanya at sa gayon ay lumayo tayo sa kasamaan, di gumawa ng mga kawalang-katarungan at pang-aapi. Inaangat tayo nito na maging matuwid at magtaglay ng mabuting katangian. Sa pagsunod sa Kanyang mga utos, tatahakin natin ang buhay ng may gabay tungo sa pinakamabuti sa lahat ng ating mga gawain. Kapag namuhay tayo ng isang makabuluhang buhay, pagkatapos lamang nito natin ito mapapagtanto o makikita ang kasiyahan sa ating paligid, sa anumang sandali at maging sa madidilim na sandali. Mararamdaman mo rin ito sa isang haplos ng kamay, sa amoy ng ulan o bagong tabas na damo, ito ay nasa isang mainit na apoy sa isang malamig na gabi o isang malamig na simoy ng hangin sa isang mainit na araw. Ang mga simpleng kasiyahan ay makapagpapasaya sa ating puso sapagkat ang mga ito ay pagpapakita ng Awa ng Diyos at Pag-ibig.
Ang likas na kalagayan ng tao ay nangangahulugang sa gitna ng matinding kalungkutan ay maaaring maging sandali ng kagalakan at kung minsan sa mga sandali ng kawalan ng pag-asa ay makakahanap tayo ng angkla sa mga bagay na nagdudulot sa atin ng kaligayahan. Sinabi ni Propeta Muhammad, “Tunay na kamangha-mangha ang mga bagay ng isang mananampalataya! Lahat ito ay para sa kanyang kapakinabangan. Kung bibigyan siya ng kaginhawaan, nagpapasalamat siya, at magiging mabuti ito para sa kanya. At kung siya ay nagdurusa sa isang paghihirap, nagtitiyaga siya, at ito ay magiging mabuti para sa kanya.”[2]
3.Sa Islam madali tayong makipag-ugnayan sa Diyos sa anumang oras ng araw o gabi
Ang bawat miyembro ng sangkatauhan ay ipinanganak na alam sa kalooban o natural na kumikilala sa nag-iisang Diyos. Gayunpaman, ang mga hindi alam kung paano makipag-ugnayan sa Diyos o magtatag ng isang relasyon sa Kanya ay may posibilidad na malito sa kanilang pag-iral at ito ay nakakabahala. Ang pag-aaral upang makipag-ugnayan sa Diyos at sumamba sa Kanya ay nagbibigay ng buhay na may bagong kahulugan.
Ayon sa Islam, ang Diyos ay malalapitan sa anumang oras at sa anumang lugar. Kailangan lang natin Siyang tawagin at sasagutin Niya ang iyong pagtawag. Pinayuhan tayo ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapapaan at pagpapala) na tumawag nang madalas sa Diyos. Sinabi niya sa atin na sinabi ng Diyos,
"Ako ay tulad ng iniisip ng Aking alipin, (i.e. magagawa Ko para sa kanya ang inaakala niyang magagawa Ko para sa kanya) at kasama Ko siya pag naaalala Niya ako. Kapag naaalala niya Ako sa kanyang sarili, Ako rin, ay inaalala siya sa Aking Sarili; at kapag naaalala niya Ako sa isang pangkat ng mga tao, naalala Ko siya sa isang pangkat na mas mainam kaysa sa kanila; at kung siya ay lumapit ng isang dipa papalapit sa Akin, lalapit Ako ng isang kubit(cubit) papalapit sa kanya; at kung siya ay lalapit ng isang kubit(cubit) na mas malapit sa Akin, pupunta Ako sa kanya na may dalawang naka-unat na bisig na malapit sa kanya; at kung lalapit siya sa Akin na naglalakad, pupuntahan Ko siya na tumatakbo."[3]
Sa Quran ang Diyos ay nagwika, “Samakatuwid, Ako ay inyong alalahanin (sa pagdarasal at pagluwalhati). At aalalahanin Ko (rin) kayo.…” (Quran2:152)
Ang mga mananampalataya sa Diyos ay tumatawag sa Kanya sa anumang wika, sa anumang oras at sa anumang lugar. Humihiling sila sa Kanya, at nagpapasalamat. Ang mga Muslim ay nananalangin din ngunit mas may ritwal na pamamaraan limang beses bawat araw at nakakatuwa na ang salitang Arabik sa salitang panalangin ay 'salah', na nangangahulugang isang koneksyon. Ang mga Muslim ay konektado sa Diyos at madaling makipag-ugnayan sa Kanya. Hindi tayo nag-iisa o malayo sa habag, Pagpapatawad at Pag-ibig ng Diyos.
Magdagdag ng komento