Huwag Sumunod kay Heraclius (bahagi 2 ng 2): Mga Kontemporaryong Isyu at Panglabas na mga Presyon
Paglalarawanˇ: Kung ang isang tao ay naniniwala na ang Islam ang katotohanan, dapat siyang magbalik-loob sa Islam nang walang pag-aantala.
- Ni Aisha Stacey (© 2012 NewMuslims.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 05 Nov 2012
- Nag-print: 3
- Tumingin: 4,337 (araw-araw na pamantayan: 3)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang mahal na tiyuhin at tagasuporta ni Propeta Muhammad (sumakanya ang papayapaan at pagpapala) na si Abu Talib, at si Heraclius, ang Emperador ng Imperyong Byzantine ay kapwa pinili na hindi tanggapin ang Islam. Sa parehong pangyayari maaari tayong makatiyak na ito ay isang desisyon na hindi naging madali para sa kanila, subalit pareho silang pinili na yumuko sa mga panlabas na presyon (mga bagay na wala sa ating kontrol). Sa halip na matakot lamang sa Diyos natagpuan nila ang kanilang mga sarili na takot sa kung ano ang iisipin, sasabihin o gagawin ng iba. Ngayon, pagkalipas nang maraming taon, marami sa mga tao na natatagpuan ang kanilang mga sarili sa parehong sitwasyon. Alam nila o naramdaman nila na ang Islam ay ang tama o tunay na relihiyon, gayunpaman, tinatanggihan nila ang kaloob na ibinigay ng Diyos sa kanila.
Maraming mga panggigipit sa kasalukuyang lipunan na ginagawang nakakatakot na usapin ang pagpasok sa Islam.Ang mga panlabas na presyon ay maaaring maglagay sa mga modernong tao sa parehong posisyon noon ni Abu Talib at Emperador na si Heraclius. Gayunpaman, ang Diyos ay hindi tumatawag sa isang tao tungo sa Islamat pagkatapos ay iiwanan ang mga ito. Kung ang isang tao ay nakakaalam na walang pag-aalinlangan na ang Islam ay ang tamang relihiyon ay maaari rin silang makatiyak, na walang pag-aalinlangan, na ang Diyos ay may awtoridadat kapangyarihan na magpatuloy sa paggabay at padaliin ang kanilang paglalakbay.Minsan, ang bundok sa ating harapan ay mukhang malakiat umuusbong ngunit ano ang isang bundok liban sa parte ng mga nilikha na nagpapasakop sa kagustuhan ng Diyos?
“Hindi mo ba nakikita [o nalalaman] na sa Allah nagpapatirapa ang sinumang nasa mga kalangitan at sinumang nasa kalupaan, at ang araw, ang buwan, at ang mga bituin at ang mga bundok, at ang mga punongkahoy, at ang bawa't nilikhang gumagala, at ang nakararami sa tao?…” (salin ng kahulugan ng Quran 22:18)
Ginawang madali ng Diyos ang pagpasok sa Islam ngunit tayo, na mga tao, mga anak ni Adan ay mayroong mahiwagang paraan ng pagpapahirap sa ating sarili at pagpuno ng mga hadlang na sa katotohanan ay hindi naman umiiral.
“…Hindi nais ilagay ng Allah ang anumang kahirapan para sa inyo…” (salin ng kahulugan ng Quran 5:6)
“…sinuman ang magbigay ng kanyang tiwala sa Allah, samakatwid, Siya [ang Allah] ay sapat na para sa kanya. Katiyakang ipatutupad ng Allah ang Kanyang Kautusan. Katotohanan, ang Allah ay nakapagtakda na para sa lahat ng bagay.…” (salin ng kahulugan ng Quran 65:3)
Ang pahayag na ito sa Quran patungkol sa tiwala ay madaling sabihin at madaling maunawaan, gayunpaman, pagdating sa pagsasakilos ng kumpletong pagtitiwala ay hindi palaging madali.Ito ay sa dalawang kadahilanan. Syempre,kapag ang isang tao ay malapit na sa pagtanggap ng Islam, si Satanas ay pauulanan siya ng mga panlilinlang at mga ilusyon na nakadisenyo upang ilayo ang tao mula sa tuwid na landas ng Diyos. At pangalawang dahilan, mga taong hindi lubos na nauunawaan ang likas na katangian ng Diyos ay may posibilidad na matakot sa mga reaksyon ng kanilang pamilya, kaibigan o mga kasamahan sa trabaho. Si Abu Talib ay natakot na siya ay pag-iisipan bilang isang tao na walang karangalankung tatanggihan niya ang relihiyon ng kanyang mga ninuno, at naisip ni Heraclius na mawawala sa kanya ang kanyang posisyon, ang kanyang kapangyarihan o ang kanyang buhay. Ang mga bagay na ito ay maliit ang kapalitkung ihahambing sa walang hanggang kaligayahan o kaparusahan, gayunman, ang mga tao ay patuloy na nakikibakaupang alisin ang kanilang mga sarili mula sa ilusyon ng mundong ito.
Kapag ang isang tao ay pumasok sa Islam ilang malalaking pagbabago ang magaganap.Ang paglipat sa Islam ay nakakaapekto sa emosyon. Ang bawat tao ay naguumpisang makaramdam na tulad ng isang nabago na taoat dahil dito nagsisimula mag-iba ang kilos. Ang mga katanungan, palaisipan at mga senaryo ang pumupuno sa ating isipan, at si Satanas ay pinag-iigihan ang kanyang ginagawa. Ipinahayag ni Abu Talib ang parehong usapin, si Heraclius ay maaring nag-isip kung ang kanyang buhay ba ay malalagay sa panganib kung itutuloy o ihahayag niya ang kanyang hangarin na sundin ang mga katuruan ni Propeta Muhammad.
Sa ngayon, tinatanong natin ang ating mga sarili ng iba't-ibang mga katanungan ngunit ganoon rin na ginugulo ang ating katahimikan.Dapat bang manamit ako ng iba? Dapat ko bang sabihin sa ang aking pamilya? Pwede pa rin ba ako lumabas, uminom ng alak, o makipag-ligawan? Daan-daang katanungan, ngunit ang realidad ay, ang mga katanungan na ito ay walang kaugnayan sa kung nais bang magbalik-loob ng tao o hindi.Kung ang isang tao ay naniniwala na ang Islam ang katotohanan, kung gayon dapat siyang magbalik-loob sa Islam nang walang pag-aantala.Ang mga detalye ay darating kalaunan kapag ang isang tao ay nagtatag ng isang relasyon sa Diyos, kapag naiintindihan niya na ang likas na katangian ng ating Tagapaglikha.
Ang bawat tao ay may limitadong buhay. Hindi natin alam kung kailan tayo mamamatayat ang susunod na minuto ay literal na maaaring maging ang huli natin sa mundong ito.Sa kadahilanang ito lamang, ang isang tao ay hindi dapat maging katulad kay Heraclius o Abu Talib. Ang dalawang tao na ito ay hinayaan na ang kanilang pagmamahal sa makamundong bagay ang magdikta sa kanilang kabilang buhay. Ang pagbabalik-loob ay dapat maganap at ang pagtitiwala sa Diyos ay dapat gumabay sa bagong Muslim patungo sa isang habambuhay na kaugnayan sa Kanya.
Ang paghahayag na ikaw ay Muslim ay hindi isang kondisyon ng pagtanggap sa Islam. Gayundin, dapat nating alalahanin ang mga pagbabago na hinihingi ng Islam at hilingin sa Diyos na pagaanin ang daan. Ang mga nakagawian ay dapat putulin ng dahan-dahan ngunit nang may kaseguraduhan at ang pag-aaral patungkol sa likas na katangian ng Diyos at sa Kanyang mga batas ay magpapahintulot sa bawat tao na magbago sa uri ng taong kamahal-mahal sa Diyos.Bagaman ang pagiging isang Muslim ay isang biglaang kaganapan, ang pagiging isang mas mabuting Muslim ay nangangailangan ng isang mahusay, patuloy na pagsisikap sa bahagi ng sinuman sa atin.
Magdagdag ng komento