Wicca (bahagi 2 ng 2): Ang Kasamaan dahil sa Kakulangan
Paglalarawanˇ: Islam at Wicca - magkatugma ba ang mga ito sa anumang paraan?
- Ni Aisha Stacey (© 2012 IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 05 Nov 2012
- Nag-print: 3
- Tumingin: 4,787 (araw-araw na pamantayan: 3)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Kapag napatunayan ng isang tao na ang Wicca at Satanismo ay magkaiba madaling isipin na ang Wicca ay isang hindi nakakapinsalang relihiyon. Maaari ring lumitaw na ang Wicca noong ika-21 siglo ay isang hindi gaanong mapaminsalang mga sentimyento lang ng mga malayang kaluluwa at base sa sinaunang kalikasan na relihiyon na pinalitan at ginawang isang uri ng pagkamaka-kalikasan. Pero hindi ito ang katotohanan. Ang pagsasagawa ng seryosong pangkukulam, o para sa kasiyahan lang, ay napakadelikadong libangan. Ang pagsasama sa pagitan ng kung ano at sino ang magkokontrol ng mga kahahantungan ng sangkatuahan ay napakadelikado, at lalong mapanganib. Bagama't malinaw na ang karamihan sa mga Wiccan ay hindi naniniwala o hindi nakikipagtulungan kay Satanas, ang opinyon ng Islam ay ang relihiyon ng Wiccan ay labis na naiimpluwensyahan ni Satanas, kahit na sabihing ang mga tagapagsagawa nito ay sinadya ito o hindi.
Una nating suriin ang isa sa mga pinaka pangunahing prinsipyo ng Islam. Bilang isa sa mga haligi ng pananampalataya, ang isang Muslim ay naniniwala sa Qadr, o banal na kapalaran. Anuman ang mangyari sa ating buhay, kapwa mabuti, at kung ano ang nakikita natin na masama, ay bahagi ng itinakda ng Diyos nang matagal na bago pa tayo mabuhay. Walang mangyayari nang walang pahintulot ng Diyos, walang kahit isang dahon na bumabagsak mula sa isang puno o isang patak ng ulan na bumabagsak sa iyong bintana na di Niya nalalaman. Samakatuwid, upang isipin na ang isang tao o ilang mga salitang mahika ay magagawang baguhin ang mabuti sa masama o magdadala ng kanais-nais na mga kahihinatnan ay talagang di makatuwiran. Ang paglalaan ng ating pananampalataya sa ibang bagay maliban sa Diyos mismo ay walang silbi, ngunit hindi lamang iyon, para sa isang Muslim ito ay mapanganib.
Ang paniniwala na ang Diyos ay may mga katambal o may mga tao na may higit na pamamaraan para makarating sa Diyos kaysa sa ang iba ay isang malaking kasalanan, at walang higit na mas nais si Satanas kaysa ilayo ang mga tao sa Diyos at tahakin ang isang landas ng pagkawasak. Doon nagkakaroon ng panganib sa Wicca. Ang mga nagtuturing sa Wicca bilang isang relihiyon ay nagsasabi na ang paglalagay ng mga salamangka ay maliit na bagay na paghingi ng tulong sa Diyos. Gayunpaman, ang Diyos dahil sa kanyang pagmamahal sa Kanyang mga nilikha ay binigyan tayo ng Quran at ang tunay na Sunnah (mga turo ni Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) kung saan natututo tayo ng tamang paraan upang humingi ng banal na tulong. Ang banal na tulong ay hindi matatagpuan sa tulong ng mga kampanilya, kandila, walis, kawa, patpat o iba pang kagamitan ng Wiccan. Ang isang tao ay dapat na magtiwala sa Diyos at humingi ng tulong sa Kanya lamang. Ang Diyos lamang ang nagbibigay ng mga pagpapala o nag-aalis ng pinsala at nagpapawi ng mga pagdurusa.
“Wala sa langit at sa mundo ang nakakaalam ng mga nakalingid maliban sa Diyos, at hindi nila malalaman kung kailan sila bubuhaying muli.”(Quran 27: 65)
Ang pangkukulam, panghuhula at mga hula ng espiritista ay hindi lamang mga panlilinlang mula kay Satanas na idinisenyo upang maakay ang mga tao sa kanilang ikapapahamak. Sa nasabing ito gayunpaman, ang pagkakaroon ng mahika ay pinatotohanan ng Quran at mga tradisyon ni Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala. Ito ay nangyayari at totoo. Ang pandaraya ay nasa pagpapaniwala sa mga tao na ang paglalaro ng pwersa ng kasamaan ay hindi nakapipinsala. Kahit na ang bagay na nasa kamay ay hindi malala o ligtas, ang mahika sa lahat ng mga anyo nito ay naglalayo sa isang tao sa Diyos. Ang mahika ay isang sining na nangangailangan ng kasanayan at kagalingan, at ito ay isang uri ng kaalaman na mayroong isang pundasyon, pamamaraan at mga prinsipyo. Ang pag-aaral nito ay hindi pinapayagan sa Islam. Ang kasanayan at mga kahalintulad nito tulad ng mga Tarot card, pagbabasa ng mga dahon ng tsaa at horoscope ay ipinagbabawal sa mga Muslim.
“Kung sino man ang pumunta sa isang manghuhula at magtanong tungkol sa anumang bagay, ang kanyang mga dalangin ay hindi tatanggapin sa loob ng apatnapung araw.”[1]
Ito ay naghahayag ng kabuuang bigat ng sitwasyon at sa ilang mga bansa kahit na ang panloloko sa mahika at pagsasagawa ng mahika ay may kaparusahan sa batas.
Kamakailan ay dalawang lalaki ang naaresto sa isang paliparan ng United Arab Emirates. Sa kanilang mga bagahe ay natagpuan ang 1200 bagay na naiuri na iligal sa 28 na uri, kasama ang mga teksto na naglalaman ng mga salamangka at ritwal, talisman, mga hayop at mga buto, mga lalagyan na may laman na dugo at iba pang likido, mga tali at kakaibang mga singsing. Nabanggit ng direktor ng customs doon na ang pagtitiwala ng mga tao ay madalas na sinusuklian ng panloloko. Ito ay isa pang kadahilanan kung bakit hindi tinanggap ng Islam ang Wicca, kahit ito ay isinasagawa bilang isang relihiyon o hindi.
Ang mga taong nag-aangking kayang sabihin sa iyo kung ano ang mangyayari sa hinaharap ay kadalasang gumagawa ng mga maling hula batay sa kanilang kaalaman sa mga personalidad, galaw ng katawan atbp. Gayunpaman, may isa pang uri ng mga tao na talagang nakikitungo kay Satanas at sa kanyang mga tagasunod kapwa mula sa jinn at mula sa sangkatauhan. Ang mga taong ito ay nababalutan ng kasamaan kahit na napagtatanto nila ito o hindi at nakalulungkot na isang malaking pinsala ang maaaring gawin ng mga taong inaakalang sila ay gumagawa ng mabuti o nagpapakasasa sa isang hindi nakakapinsalang libangan.
Mayroong isang uri ng mahika na naglalayong lumikha ng poot o pag-ibig. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagtali ng mga buhol at pag-ihip sa kanila, at paggamit ng mga gayuma. Ang mahika na ito ay may kakayahang gawin ang isang lalaki na mahalin o mapoot sa kanyang asawa, o isang babaeng mahalin o mapoot sa kanyang asawa. Maaari rin itong makaapekto sa relasyon ng isang tao sa mga tao maliban pa sa kanyang asawa. Kaya't inutusan tayo ng Diyos na maghanap ng kanlungan sa Kanya mula sa kasamaan ng mga umiihip sa mga buhol, at maghanap ng kanlungan sa Kanya mula sa bawat kasamaan.
Ipagbadya: " Ako ay nagpapakupkup sa Panginoon ng bukang liwayway, Laban sa kasamaan ng mga nilalang, Laban sa kasamaan ng gabi, (kadiliman) kung ito ay lumalaganap, At laban sa kasamaan ng mga nagsasagawa ng karunungang Itim (mga panggagaway), kung sila ay umiihip sa mga buhol (o nakabuhol), At laban sa kasamaan ng mainggitin habang siya ay naninibugho (sa pagkainggit).” (Quran 113)
Sa konklusyon ang mga sinaunang mga paganong sistema ng paniniwala ay ganoon lamang, mga sinaunang mga paganong sistema ng paniniwala. Hindi na kailangang muling baguhin ang mga paniniwala na libu-libong taong gulang na. Binigyan tayo ng Diyos ng isang relihiyon (i.e. Islam) na karapat-dapat sa sangkatauhan at tunay na hawak nito lahat ng mga sagot. Ang Wicca ay maaaring parang isang mapayapang lugar para sa marami ngunit ang totoong kapayapaan ay nakasalalay sa pagsunod sa mga utos ng Diyos at pamumuhay na tinukoy ng Diyos para sa iyo.
Magdagdag ng komento