Sino ang mga Muslim? (bahagi 1 ng 2)
Paglalarawanˇ: Mahigit sa isang bilyong tao mula sa lahat ng mga lahi, nasyonalidad at kultura - ang bahaging ito ay nagbibigay ng isang pagpapakilala sa kung sino ang mga Muslim at ang kanilang nai-ambag sa mundo.
- Ni islamuncovered.com [Edited by IslamReligion.com]
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 10 Sep 2015
- Nag-print: 7
- Tumingin: 8,836
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang mga Muslim ay nagmula sa lahat ng mga lahi, nasyonalidad at kultura sa buong mundo. Mayroon silang iba-ibang wika, pagkain, damit, at kaugalian; kahit na ang paraan ng kanilang kasanayan ay maaaring magkakaiba. Gayunpaman lahat sila ay itinuturing ang kanilang mga sarili bilang Muslim.
Mas mababa sa 15% ng mga Muslim ay nakatira sa mundo ng Arabo; ang isang ikalima ay matatagpuan sa Sub-Saharan sa Aprika; at ang pinakamalaking komunidad ng mga Muslim sa mundo ay nasa Indonesiya. Ang malaking mga bahagi ng Asya, at halos lahat ng mga republika sa Gitnang Asya, ay mga Muslim. Ang mga makabuluhang minoryang Muslim ay matatagpuan sa Tsina, Indiya, Rusiya, Europa, Hilagang Amerika at Timog Amerika.
Mahigit sa isang bilyong tao mula sa lahat ng lahi, nasyonalidad at kultura sa buong mundo ay mga Muslim-mula sa mga sakahan ng bigas ng Indonesiya hanggang sa gitnang disyerto ng Aprika; mula sa mga matatayog na gusali ng New York hanggang sa mga tolda ng mga Bedowino (mga taong lagalag) sa Arabya.
Paano nakaapekto sa Mundo ang paglaganap ng Islam?
Ang pamayanang Muslim ay patuloy na lumago pagkatapos ng kamatayan ng Propeta Muhammad (pbuh). Sa loob ng ilang mga dekada, napakaraming bilang ng mga tao sa buong tatlong kontinente - Aprika, Asya at Europa - ay pinili ang Islam bilang kanilang pamamaraan ng pamumuhay.
Ang isa sa mga dahilan ng mabilis at mapayapang paglaganap ng Islam ay ang kadalisayan ng doktrina nito - ang Islam ay nag-aanyaya sa pananampalataya sa tanging nag-iisang Diyos. Ito, kasama ng mga Islamikong konsepto ng pagkakapantay-pantay, katarungan at kalayaan, ay nagbubunga sa isang nagkakaisa at mapayapang pamayanan. Ang mga tao ay malayang maglakbay mula sa Espanya patungong Tsina nang walang takot, at walang pagtawid sa anumang mga hangganan.
Maraming mga pantas na Muslim ang naglakbay sa mga lungsod na ito na naghahanap ng kaalaman. Isinalin nila sa Arabeng mga bolyum ng pilosopiko at siyentipikong gawa mula sa mga wikang Griyego at Siriako (ang mga wika ng mga pantas ng Silangang Kristiyano), mula sa Pahlavi (ang mala pantas na wika ng Persiya bago ang Islam), at mula sa Sanskrito (isang sinaunang wika ng Indiya). Bilang resulta, ang Arabe ay naging wika ng pandaigdigang kaalaman, at ang mga tao na mula sa ibat-ibang panig ng mundo ay lumipat sa mga Pamantasang Muslim.
Nang taong 850, karamihan sa mga pilosopiko at siyentipikong mga gawa ni Aristotle; karamihan sa paaralang Plato at Pythagorean; at ang mga pangunahing gawa ng astronomiya ng Griyego, matematika at medisina tulad ng Almagesto ni Ptolemeo, ang mga Elemento ni Euclides, at ang mga gawa ni Hipokrates at Galeno, lahat ay naisalin sa Arabe. Sa sumunod na 700 taon, ang Arabe ay naging pinakamahalagang siyentipikong wika sa mundo at naging imbakan ng maraming karunungan at mga siyensiya ng dating panahon.
Ang nakamit ng mga pantas na nagsumikap sa Islamikong tradisyon ay lumampas pa sa pagsasalin at pangangalaga ng mga sinaunang kaalaman. Ang mga pantas na ito ay itinayo ang mga sinaunang pamana kasama ang kanilang sariling siyentipikong pagsulong. Ang mga pagsulong na ito ay ang derektang sanhi ng Renasimiyento sa Europa.
Ang mga Muslim ay napakahusay sa sining, arkitektura, astronomiya, heograpiya, kasaysayan, wika, panitikan, medisina, matematika at pisika. Maraming mga mahahalagang sistema tulad ng alhebra, ang mga numerong Arabe, at ang mismong konsepto ng sero (mahalaga sa pagsulong ng matematika), ay nabuo ng mga pantas na Muslim at ibinahagi sa medyebal na Europa. Ang mga Muslim ay nag-imbento ng mga sopistikadong kagamitan na ginawang posible ang mga paglalakbay para sa mga pagdiskubre ng taga Europa sa hinaharap: ang astrolabe, kuwadrante, at detalyadong mga mapa sa paglalayag at mga tsart.
Ang Nai-ambag ng mga Muslim sa Siyensiya
Astronomiya
Ang mga Muslim ay palaging may natatanging interes sa astronomiya. Ang buwan at araw ay napakahalaga sa pang-araw-araw na buhay ng bawat Muslim. Sa pamamagitan ng buwan, ang mga Muslim ay natutukoy ang simula at katapusan ng mga buwan sa kanilang kalendaryong lunar. Sa pamamagitan ng araw ang mga Muslim ay nakakalkula ang mga oras para sa pagdarasal at pag-aayuno. Sa pamamagitan rin ng astronomiya na ang mga Muslim ay kayang tukuyin ang tumpak na dako ng Qiblah, upang humarap sa Ka'bah sa Makkah, sa oras ng pagdarasal.
Ang Quran ay naglalaman ng maraming sanggunian sa astronomiya.
"Siya [ang Diyos] ay ang Pinagmulan ng mga kalangitan at kalupaan…" (Quran 6:101)
"At Siya ang lumikha ng gabi at maghapon at ang araw at ang buwan; lahat [mga bahagi ng kalawakan] ay nasa orbito (pag-inog) na lumulutang." (Quran 21:33)
"At ang langit na Aming itinayo nang buong lakas. At katotohanan, Kami ang Tagapagpalawak [nito]." (Quran 51:47)
Ang mga sangguniang ito, at ang mga kautusan upang matuto, ay nagbigay inspirasyon sa mga unang pantas na Muslim na pag-aralan ang mga kalangitan. Isinama nila ang mga naunang gawa ng mga Indiyano, Persiyano at mga Griyego sa isang bagong pagbubuo. Ang Ptolemy's Almagest (ang pamagat na alam natin sa arabe) ay isinalin, pinag-aralan at pinuna. Maraming mga bagong bituin ang natuklasan, tulad ng nakikita natin sa kanilang mga pangalang Arabe - Algol, Deneb, Betelgeuse, Rigel, Aldebaran. Ang mga talahanayan ng astronomiya ay naipon, mula dito ang mga talahanayang Toledan, na ginamit nina Copernicus, Tycho Brahe at Kepler. Inipon din ang mga almanak - isa pang salitang Arabe. Ang iba pang mga termino mula sa Arabe ay zenith, nadir, albedo, azimuth.
Ang mga astronomong Muslim ay ang unang nagtatag ng mga obserbatoryo, tulad ng itinayo sa Mugharah at nag-imbento sila ng mga kagamitang tulad ng kuwadrante at astrolabe, na humantong sa pagsulong hindi lamang sa astronomiya kundi sa karagatang paglalayag, na nag-ambag sa panahon ng pananaliksik ng Europa.
Sino ang mga Muslim? (bahagi 2 ng 2)
Paglalarawanˇ: Mahigit sa isang bilyong tao mula sa lahat ng mga lahi, nasyonalidad at kultura - isang pagpapatuloy ng naiambag ng mga Muslim sa siyensiya.
- Ni islamuncovered.com
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 10 Nov 2013
- Nag-print: 3
- Tumingin: 8,040
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Heograpiya
Ang mga pantas na Muslim ay binigyan ng malaking pansin ang heograpiya. Sa katunayan, ang labis na kinalaman ng mga Muslim sa heograpiya ay nagmula sa kanilang relihiyon. Ang Quran ay hinikayat ang mga tao na maglakbay sa buong mundo upang makita ang mga palatandaan at huwaran ng Diyos sa lahat ng dako. Ang Islam ay iniutos din sa bawat Muslim ang magkaroon ng kahit papaanong sapat na kaalaman sa heograpiya upang malaman ang dako ng Qiblah (ang kinalalagyan ng Ka'bah sa Makkah) upang makapagdasal ng limang beses sa isang araw. Ang mga Muslim ay karaniwan ding sanay sa mahahabang paglalakbay upang magsagawa ng kalakalan gayundin upang magsagawa ang Hajj at maipalaganap ang kanilang relihiyon. Ang kalat-kalat na Islamikong imperyo ay nakatulong sa mga mananaliksik na pantas upang makatipon ng malalaking bilang ng heograpiko at klimatikong impormasyon mula sa Atlantiko hanggang sa Pasipiko.
Kabilang sa mga pinakatanyag na pangalan sa larangan ng heograpiya, maging sa Kanluran, ay sina Ibn Khaldun at Ibn Batuta, bantog sa kanilang mga nakasulat na ulat ng kanilang malawakang paglalakbay.
Noong 1166, si Al-Idrisi, ang kilalang pantas na Muslim na naglingkod sa korte ng Sisiliano, ay gumawa ng napakatumpak na mga mapa, kasama ang isang pandaigdigang mapa kasama ang lahat ng mga kontinente at ang kanilang mga bundok, ilog at tanyag na mga lungsod. Si Al-Muqdishi ay ang unang heograpikong gumawa ng tumpak na mga mapa na may kulay.
Ito ay, karagdagan pa, sa tulong ng mga manlalayag na Muslim at nang kanilang mga imbensyon na si Magellan ay nagawang maglakbay sa Cape of Good Hope, at sina Da Gama at Columbus ay mayroong mga Muslim na manlalayag sa kanilang mga barko.
Sangkatauhan
Ang paghahanap ng kaalaman ay obligado sa Islam para sa bawat Muslim, lalaki at babae. Ang pangunahing mga pinagmumulan ng Islam, ang Quran at ang Sunnah (tradisyon ng Propeta Muhammad [pbuh]), ay hinihikayat ang mga Muslim na maghanap ng kaalaman at maging mga pantas, dahil ito ang pinakamahusay na paraan para makilala ng mga tao si Allah (Diyos), na pahalagahan ang Kanyang kamangha-manghang mga nilikha at maging mapagpasalamat para dito. Ang mga Muslim samakatuwid ay masigasig na naghahanap ng kaalaman, sa parehong relihiyoso at sekular, at sa loob ng ilang taon ng misyon ni Muhammad (pbuh), ang isang dakilang sibilisasyon ay umusbong at umunlad. Ang bunga ay ipinapakita sa pagdami ng mga Islamikong pamantasan; Ang Al-Zaytunah sa Tunis, at Al-Azhar sa Cairo ay naipatayo higit sa 1,000 taon ang nakalipas, at ang pinakalumang umiiral na mga pamantasan sa mundo. Sa katunayan, sila ang mga modelo para sa mga unang pamantasan sa Europa, tulad ng Bologna, Heidelberg, at ang Sorbonne. Maging ang pamilyar na akademikong gora at toga ay nagmula sa Pamantasan ng Al-Azhar.
Ang mga Muslim ay nakagawa ng malaking mga pagsulong sa maraming iba't ibang mga larangan, tulad ng heograpiya, pisika, kimika, matematika, medisina, parmakolohiya, arkitektura, linggwistika at astronomiya. Ang Alhebra at ang mga Arabeng pamilang ay ipinakilala sa mundo ng mga pantas na Muslim. Ang astrolabe, kuwadrante, at iba pang mga kagamitang panlayag at mga mapa ay binuo ng mga pantas na Muslim at gumanap ng isang mahalagang papel sa pag-unlad ng mundo, lalo na sa panahon ng pananaliksik ng Europa.
Ang mga pantas na Muslim ay pinag-aralan ang mga sinaunang sibilisasyon mula sa Gresya at Roma hanggang Tsina at Indiya. Ang mga gawa nina Aristotle, Ptolemy, Euclid at iba pa ay isinalin sa Arabe. Pagkatapos ang mga pantas at siyentipikong Muslim ay nagdagdag ng kanilang sariling mga malikhaing ideya, mga pagtuklas at imbensyon, at sa huli ay ipinadala ang bagong kaalamang ito sa Europa, na tuwirang humantong sa Renasimiyento (Renaisance). Maraming mga siyentipiko at medikong mga tratado (treatises), na isinalin sa Latin, kung saan ang pamantayang mga teksto at sangguniang mga aklat ay mas sinauna pa sa ika-17 at ika-18 siglo.
Matematika
Kawili-wiling tandaan na ang Islam ay mahigpit na hinihimok ang sangkatauhan na mag-aral at saliksikin ang sansinukob. Halimbawa, ang Banal na Quran ay nagsabi:
"Kami (Allah) ay ipapamalas sa inyo (sangkatauhan) ang Aming mga palatandaan/pamantayan sa abot tanaw/sansinukob at sa inyong mga sarili hanggang kayo ay mapaniwalang ang kapahayagan ay ang katotohanan." (Quran 14:53)
Ang paanyayang ito upang saliksikin at hanapin ang nagdulot sa mga Muslim na maging interesado sa astronomiya, matematika, kimika, at iba pang mga siyensiya, at mayroon silang isang napakalinaw at matatag na pag-unawa sa mga pagkakaugnay sa heometriya, matematika, at astronomiya.
Ang mga Muslim ay inimbento ang simbolo para sa sero (Ang salitang "cipher" ay nagmula sa Arabeng sifr), at inayos nila ang mga numero sa sistemeng desimal - batay sa 10. Bilang karagdagan, naimbento nila ang simbolo upang maipahayag ang isang hindi kilalang dami, ito ay baryable tulad ng x.
Ang unang dakilang matematikong Muslim, si Al-Khawarizmi, ay inimbento ang paksa ng alhebra (al-Jabr), na kung saan ay karagdagang binuo ng iba, ang pinakakilala ay si Umar Khayyam. Ang gawa ni Al-Khawarizmi, sa pagsasalin sa Latin, ay nagdala ng mga numerong Arabe kasama ang matematika sa Europa, sa pamamagitan ng Espanya. Ang salitang "algoritmo" ay hinango sa kanyang pangalan.
Ang mga Muslim na matematiko ay nagtagumpay din sa heometriya, tulad ng makikita sa kanilang grapikong mga sining, at ang dakilang Al-Biruni (na napakahusay din sa larangan ng likas na kasaysayan, maging ang heolohiya at mineralohiya) na nagtatag ng trigonometriya bilang isang natatanging sangay ng matematika. Ang iba pang mga Muslim na matematiko ay gumawa ng makabuluhang pag-unlad sa teorya ng bilang.
Medisina
Sa Islam, ang katawan ng tao ay isang mapagkukunan ng pagpapahalaga, dahil nilikha ito ng Makapangyarihang Allah (Diyos). Paano ito gumagana, kung paano ito panatilihing malinis at ligtas, kung paano maiwasan ang mga sakit mula sa pag-atake nito o pagalingin ang mga sakit na iyon, ay naging mga mahahalagang usapin para sa mga Muslim.
Ang Propeta Muhammad, nawa'y ang awa at mga pagpapala ni Allah ay sumakanya, ay nagsabi:
"Ang Diyos ay hindi lumikha ng sakit, maliban sa naglaan para dito ng lunas, maliban sa katandaan. Kapag ang lunas ay nailapat, ang may sakit ay bubuti sa pahintulot ng Diyos."
Ito ay malakas na pagganyak upang hikayatin ang mga Muslim na siyentipiko na saliksikin, buoin, at gamitin ang mga batas na empirikal. Higit na pansin ang ibinigay sa medisina at pangangalaga sa kalusugan ng publiko. Ang unang ospital ay itinayo sa Baghdad noong 706 AC. Ang mga Muslim ay gumamit din ng mga karwaang kamelyo bilang mga lumilibot na ospital, na lumilipat mula sa bawat lugar.
Dahil ang relihiyon ay hindi ito ipinagbawal, ang mga pantas na Muslim ay ginamit ang mga bangkay ng tao upang pag-aralan ang anatomiya at pisyolohiya at tulungan ang kanilang mga mag-aaral na maunawaan kung paano gumagana ang katawan. Ang empirikal na pag-aaral na ito ay nakatulong para ang palatistisan (surgery) ay mabuo nang napakabilis.
Si Al-Razi, na kilala sa Kanluran bilang Rhazes, ang tanyag na manggagamot at siyentipiko, (d. 932) ay isa sa mga pinakadakilang manggagamot sa mundo sa Gitnang Kapanahunan. Binigyang diin niya ang empirikal na pagmamasid at klinikong medisina at hindi napantayan bilang isang dyagnostiko. Sumulat din siya ng isang tratado sa kalinisan sa mga ospital. Si Khalaf Abul-Qasim Al-Zahrawi ay isang napaka kilalang siruhano noong ika-labing isang siglo, na kilala sa Europa para sa kanyang gawain, sa Concesio (Kitab al-Tasrif).
Si Ibn Sina (d. 1037), na mas kilala sa Kanluran bilang Avicenna, ay marahil ang pinakadakilang manggagamot hanggang sa makabagong panahon. Ang kanyang tanyag na aklat, ang Al-Qanun fi al-Tibb, ay nanatiling isang pamantayang aklat kahit na sa Europa, sa loob ng mahigit na 700 taon. Ang gawain ni Ibn Sina ay pinag-aaralan pa rin at itinatayo sa Silangan.
Ang iba pang mga makabuluhang naiambag ay ginawa sa parmakolohiya, tulad ng Kitab al-Shifa' (Book of Healing) ni Ibn Sina, at sa kalusugan ng publiko. Ang bawat pangunahing lungsod sa Islamikong mundo ay mayroong ilang napakahusay na ospital, ang ilan sa mga ito ay nagtuturo sa mga ospital, at marami sa mga ito ay dalubhasa para sa mga partikular na mga sakit, kabilang ang sa pag-iisip at emosyonal. Ang mga Otomano ay partikular na nabanggit para sa kanilang pagtatayo ng mga ospital at para sa mataas na antas ng kalinisan na ipinasanay sa kanila.
Magdagdag ng komento