Pagpapanatili ng Diyos sa Puso
Paglalarawanˇ: Ang Pag-alaala sa Diyos ay humahantong sa kapayapaan at kaligayahan sa buhay na ito.
- Ni Imam Mufti (© 2012 IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 27 Jun 2022
- Nag-print: 3
- Tumingin: 4,547 (araw-araw na pamantayan: 3)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 1
Dapat maunawaan ng isang tao ang mundong ito sa konteksto ng Monoteismo (Paniniwala sa Kaisahan ng Diyos). Ang mensahe ng mga propeta ay simple: Ang mga tao ay nilikha upang sumamba lamang sa Diyos. Ang Diyos ng Islam ay isang mapagmahal at minamahal na Diyos (al-Wadud), isang Maawaing Diyos (ar-Rahman), isang personal na Diyos na namamahagi ng pagmamahal sa kung sino man ang sumunod sa Kanya (al-Wali), ang matalik na pakikipag-ugnayan sa kahit kanino ay nababatay sa pagsuko, pag-alala, pananabik, at pagpapaganda ng Puso.
Hindi kailangan ng Diyos ang ating mga papuri at pagsamba. Siya ang Lumikha ng mga langit at lupa, ang Soberano, at ang Tagatustos sa lahat ng bagay sa buong sansinukob. Katiyakan na may ilang mga tao ang nakakaalala sa Kanya sa isang malungkot na planeta sa isang walang katapusang malapad na kalawakan na puno ng bilyun-bilyong mga kalawakan ay hindi makakapagbigay sa Kanya ng pakinabang sa anumang paraan, ni hindi madadagdagan ang Kanyang Kaharian kahit na sa timbang ng isang atomo. Ang Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), ay isinalaysay ang sumusunod sa ngalan ng Diyos:
"O Aking mga alipin, Ipinagbawal Ko ang pang-aapi sa Aking sarili at ipinagbabawal Ko ito sa inyo, kaya't huwag ninyong apihin ang bawat isa.... O Aking mga alipin, hindi ninyo Ako magagawang saktan ni hindi Ako makikinabang sa inyo. O Aking mga alipin, kung ang una sa inyo o ang huli sa inyo, ang tao sa inyo o ang jinn sa inyo ay magiging mabuti sa lahat ng pinakamabuting nabibilang sa inyong kalipunan, hindi ito makadaragdag nang kahit katiting sa Aking Kaharian. O Aking mga alipin, kung ang una sa inyo o ang huli sa inyo, o ang tao sa inyo o ang jinn sa inyo ay magiging masama sa lahat ng pinakamasamang puso na nabibilang sa inyong kalipunan, hindi ito makababawas kahit katiting sa Aking Kaharian...."[1]
Ipinag-utos ng Diyos ang pag-alaala sa Kanya (kilala bilang dhikr) at iba pang mga gawaing pagsamba para sa ating sariling kapakanan. Ang lahat ng mga anyo ng pag-alaala at pagsamba, ay nagsisilbing paalaala sa atin sa Diyos at panatilihin tayong laging umaalala sa Kanya. At ang kamalayan sa Diyos, ay pumipigil sa atin mula sa pagkakasala, sa paggawa ng mga kawalang-katarungan at pang-aapi, at nag-uudyok sa atin na tuparin ang Kanyang mga karapatan at mga karapatan ng mga nilikha. At sa pamamagitan ng pagsunod sa mga paraan na inilatag para sa atin ng Diyos, Tunay na tinutulungan natin ang ating sarili, dahil ito ang pinakamainam na maaari nating gawin sa anumang paraan at ang malaman mo na ikaw ay gumawa ng tamang bagay ito ay humahantong sa kasiyahan, kapayapaan, at kaligayahan.
Dahil sa ang sangkatauhan ay madaling kapitan ng katamaran at kawalan ng katarungan, ang hindi pagkakaroon ng anumang mga itinakdang paraan upang alalahanin o sambahin ang Diyos, ay gagawin tayong pabaya at maglulubog sa atin sa malalim na mga pagkakasala at karimlan hanggang makalimutan natin nang lubusan ang tungkol sa Diyos, at ang ating mga tungkulin at responsibilidad sa buhay.
"Kasawian sa kanila na ang mga puso ay tumigas mula sa pag-aalala sa Diyos!" (Quran 39:22)
"O kayong mga naniniwala! huwag ninyong hayaan na ang inyong mga yaman at ang inyong mga anak ay makapaglihis sa inyo mula sa pag-alaala sa Allah. At sinuman ang gumawa nito, samakatuwid, sila yaong mga nawalan." (Quran 63:9)
Ang Dhikr ay nahahati sa dalawang sangay: dhikr na gamit ang dila at dhikr sa puso kapag ang puso ay nagmumuni-muni sa kagandahan at kamahalan ng Diyos.
Tulad ng pagkalimot sa Diyos na humahantong sa sakit ng kinalimutan Niya, ganun din na ang pag-alaala sa Diyos ay humahantong sa galak pag maalala ka Niya: "Ako ay inyong alalahanin, at kayo ay Aking aalalahanin" (Quran 2:152). Ang resulta ng pag-alaala sa Diyos ay hindi lamang upang maalala ka ng Diyos sa susunod na mundo, bagkus upang makamit ang kapayapaan ng puso sa mundong ito. "Pakinggan, walang alinlangan, matatagpuan sa pag-alaala sa Allah ang kapanatagan ng mga puso."(Quran 13:28). Ang pagtawag sa Diyos sa mga oras ng kawalan ng pag-asa, ay maaring magbigay sa iyo ng kaginhawahan at kasiyahan tulad ng pagtawag mo sa isang Makapangyarihan at Siya lamang ang maaaring makapag-alis sa iyo sa kahirapan.
Ang Dhikr o pag-alala sa Diyos ay isang paraan upang iugnay ang puso sa Kabanalan. Nagbibigay ito ng mga espiritwal na kasanayan ng pag-alala at muling pagkonekta sa kung ano ang pinaka makabuluhan sa ating buhay, ang Diyos. Nakakatagpo ang mga Muslim ng kapanatagan, kaginhawahan, at lakas sa madalas na pag-uulit ng sagradong mga parirala na naglalaman ng mga Pangalan ng Diyos at ng Kanyang mga katangian. Pag natagpuan sa tamang daan, Ang dhikr ay pagkain para sa espirituwal na pananabik.
Ang Dhikr ay isang pagkilos na naipapakita ang pagmamahal; kapag ang isang tao ay nagmahal ng isang tao, ikinalulugod niya na ulit-ulitin ang kanyang pangalan at palagi niya itong inaalala. Samakatuwid, ang puso na tinaniman ng pagmamahal para sa Diyos ay magiging tahanan ng palagiang pagsagawa ngdhikr.
Inirerekomenda din ang Dhikr sa mga tapat bilang isang paraan upang magkamit ng gantimpala mula sa langit. Itinuturing itong pagsamba at pagdaragdag sa mga mabubuting gawa ng isang tao.
Ang partikular na kaakit-akit na aspeto ng dhikr ay ang pagpapahintulot dito sa anumang lugar at anumang oras; ang pagsasagawa nito ay hindi limitado sa eksaktong oras ng mga Panalangin (ang ritwal na panalangin) o sa isang tiyak na lugar. ang Diyos ay pwedeng alalahanin kahit saan (malilinis na lugar), Ito ay maaaring isagawa ng mga kababaihan tulad ng sa mga kalalakihan.
Ang mga espesyal na salita ng dhikr ay ginagamit din para sa mga layunin ng pagpapagaling. Kahit na ngayon ang pagbigkas ng ilang mga panalangin na itinuro ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) at mga talata mula sa Banal na Quran ay ginagamit upang pagalingin ang mga may sakit.
Binanggit ng Quran ang kahalagahan ng dhikr sa dalawa, direkta at hindi direkta sa mga talatang makikita sa buong Quran, "ang dhikr (paggunita, pagiging maalalahanin) sa Diyos ay dakila" o "ang pinakadakilang bagay."
Ang pinakapangunahing paraan ng pag-alaala sa Diyos ay ang Quran na tinawag ang kanyang sarili bilang Al-Dhikr, "Ang Paalala" (Quran 20:99); samakatuwid, ang isa pang pangalan ng Quran ay ang Dhikr-ullah, "Ang Pag-alaala sa Diyos." Una, ito ay isang pagkilala na ang pagbigkas ng Quran ay pag-alala sa Diyos. Pangalawa, ang unang kabanata ng Quran, Al-Fatiha, ay ang puso ng mga pang-araw-araw na panalangin ng Muslim. Hindi lamang iyon, ito rin ay isang diwa ng mensahe ng Quran. Pangatlo, ang Quran ay nagmula sa Diyos (ito ay Kanyang Salita) at nagbibigay ng mga pamamaraan ng pamumuhay na kalugod-lugod sa Kanya.
Ang lahat ay sumasaklaw sa Dhikr dahil ang pag-alala sa Diyos ay ang paglagay sa Diyos sa gitna at ang lahat ay sa paligid. Ang lahat ng mga gawaing debosyon at pagsamba sa Islam ay isinasagawa para sa pag-alaala, upang mapanatili ang Diyos sa gitna ng espirituwal na pamumuhay sa isang paraan. Tinawag mismo ng Quran ang ritwal na panalangin (salah) bilang "pag-alaala." Matapos ang Quran, mayroong isang uri ng Pag-alala sa Diyos (dhikr) na kung saan ay isang uri ng kusang pagpapalawig ng ritwal na panalangin (salah).
Pagkatapos ng Quran, ang pinakamainam na dhikr, ang mga salitang pinakamamahal ng Diyos, ay ang pagpapahayag ng pananampalataya la ilaha illa Allah (walang tunay na diyos na karapat-dapat sambahin maliban kay Allah), pati na rin ang mga salitang, Subhan-Allah (Ang Diyos ay walang ka imperpektuhan), Allahu-Akbar (Ang Diyos ay Pinakadakila), at al-Hamdu-lillah (Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay para lamang sa Allah).