Si Sam, Ang Dating Agnostiko, UK
Paglalarawanˇ: Paano ang mga mabubuting pag-uugali ng mga Muslim at ang karunungan sa mga turo ng Islam umakit kay Sam sa Islam.
- Ni Sam
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 09 May 2019
- Nag-print: 1
- Tumingin: 2,466 (araw-araw na pamantayan: 2)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Sa tingin ko ay una kong nalaman ang Islam sa pamamagitan ng panonood ng pelikula ni Spike Lee na Malcolm X. Bagaman ang Nasyon ng Islam sa Amerika ay mas malapit na isang kilusang pampulitika (hindi purong pang relihiyon) si Malcolm X ay nagbalik-loob sa tradisyunal na Islam pagkatapos ng pagpunta sa Hajj. Ako ay napahanga kahit noong 15 pa ako, kung paano ang isang masamang kriminal ay ganap na nabago mula sa kanyang kinalakihan at likas na pag-uugali upang maging isang kinatawan para sa kalayaan at espirituwalidad. Kahit na sa panahong iyon, ako ay mas nababahala sa mga makamundong hangarin; pag-iinom, pag-gamit ng mga narkotiko at kababaihan ang aking mga pangunahing mga priyoridad, at parang ganun din ang iba. Kahit na pinalaki ako na mabuti ng aking mga magulang, hindi ko mapigilan ang mga tuksong nakapaligid sa akin, at bilang isang batang lalaki na mula sa isang mahirap na pamilya, sinimulan kong magnakaw upang matustusan ang mga nakagawian na ito. Hindi ko iginalang ang aking sarili, aking mga kasintahan at ang pinakamasama sa lahat ang aking mga magulang. Ito ay isang hindi kapani-paniwalang kasakiman at mapanirang landas na sinusundan. Naging mas mabuting tao ako nang makipag-kaibigan sa akin ang isang pamilyang Muslim at inanyayahan akong manirahan sa kanila. Ang asawa at ina ng pamilya ay nagturo sa akin ng maraming aspeto ng Islam, at dapat kong respetuhin at igalang ang aking mga magulang at ang aking sarili, at dapat na kumain ako ng halal at huwag kumain ng mga nakakalason. Tinuruan nila akong maging mapagmahal, mabait at mapagbigay at pati na rin ang pagiging mapagpakumbaba. Nakita ko dito ang karunungan at natamo ang dagliang kaligayahan sa pamamagitan ng pagsunod sa kanyang mga halimbawa. Sa panahong iyon, Ako ay 19. Sa kasamaang palad, ang asawa ng mabuting babae na ito ay hindi isang mabuting Muslim, at isang magnanakaw at tagapagbenta ng droga, at sinimulan ko ring sundin ang kanyang halimbawa, kung saan ay nagkakasalungatan.
Nang kami ay nagkahiwalay ng landas ako ay naging mas mainam na tao na may mas mainam na moral. Naniniwala na ako sa Diyos, kumakain lamang ng halal, at magalang sa aking mga magulang, mapagbigay at mapagpakumbaba, at hindi nagnanakaw, subali't hindi pa ako isang Muslim. Bilang isang taong gising sa gabi, naisip kong imposible para sa akin na maisagawa ang Fajr na pagdarasal. Hindi rin ako naniniwala na kaya kong makabisado ang mga Arabikong panalangin at mangakong tatalikuran ang alak at kababaihan. Hindi rin ako sigurado kung aling relihiyon ang tama dahil marami rin akong nakilalang mabubuting Hindu na kaibigan. Ngunit ito ay isang pagsisimula.
Sa sumunod na 16 taon nagtrabaho ako, at nag-aral at unti-unting naiangat ang aking sarili sa isang kagalang-galang na posisyon sa lipunan, nakamit ko ang isang mainam na titulo sa animasyon at naging isang matagumpay na animator/ilustrador. Pinakasalan ko ang isang napakagandang babae at naging ama ng isang batang babae at lalaki (kasama ang isang batang babae mula sa nakaraan niyang asawa). Nakilala ko ang maraming Briton na Muslim sa kahabaan ng daan, at nakaramdam ako ng kaugnayan sa kanila at paggalang sa kanilang mga pamamaraan, laging ipinagtatanggol sa mga talakayan at tumingala sa kanila. Bumisita kami sa Turkey noong 2010 at binuksan nito ang aking mga mata upang makita kung paano maging-makapamilya, palakaibigan at hindi materyalistiko ang mga Turkong Muslim. Ngunit hindi nangyari hanggang noong Agosto 2011, ang buwan ng Ramadan, nang kami bilang isang pamilya ay bumisita sa marangyang lungsod ng Ehipto upang magbakasyon. Ako at ang aking asawa ay hindi makapaniwala sa pagiging mabait at pagkabukas-palad ng mga Ehiptong Muslim, kahit na sila ay napakahirap. Ang katotohanan na sila ay nag-aayuno sa loob ng 15 oras sa isang araw sa nakakapasong init at patuloy parin sa pagiging ganap na mabait at mapagmahal, lalo na sa aming mga anak. Narito ang mga taong mas pinahahalagahan ang pagtulong at pagkakapatiran kaysa sa mga materyal na pagmamay-ari at kayamanan. Ang aming pamilya ay pinatuloy at tinanggap sa mahirap na pamilya ng isang kutsero ng kabayo at karwahe na dinala kami sa kanilang munting tahanan at hinandugan kami nang labis na piging. Sa pagtatapos ng bawat araw ay inaanyayahan kaming kumain sa tabi ng kalsada kasama ang mga ganap na estranghero sa pagdiriwang ng pagtigil ng pag-aayuno.
Sinimulan kong tumingin muli sa kagandahan ng Islam, ang agham ng Islam, at ang buhay ni Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala). Sinimulan kong tingnan ang lahat ng mga batayan ng Islamikong Pananampalataya at namangha ako sa bawat isa. Ang paraan ng pagdarasal ng mga Muslim at pagpapakumbaba ng kanilang sarili sa harap ng Allah ng 5 beses bawat araw, ay nagsisilbing isang palagiang paalala na sila ay mortal at mamatay at sumunod sa isang may mas mataas na kapangyarihan. Ang pag-aayuno ay nagsisilbing paalala na ang isang tao ay dapat na alagaan niya ang mga hindi gaanong masuwerte at magpasalamat sa Diyos sa kung anong mga biyayang natanggap. Ang paraan ng pagsunod ng mga Muslim sa halimbawa ni Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay sa katunayan isang bagay na dapat ikamangha.
Ang mga bagay na dating nag-layo sa akin sa relihiyon sa pamamagitan ng “ang tingin ng Kanluranin” ngayon ay naging may ganap na kahulugan sa akin. Pagbalik namin mula sa Ehipto hindi na ako nakaramdam ng kapayapaan. Nais kong magbalik-loob sa Islam ngunit ayaw ko rin kapag ang aking mapagmahal na asawa ay hindi rin magbabalik-loob. Nagbasa ako tungkol sa pang-agham na pananaliksik na nakumpleto hinggil sa Quran mula sa buong mundo, tulad ng paglalarawan sa mga yugto ng pagkakabuo ng isang sanggol, na ang isang taong nabuhay noong 1500 taon na ang nakakaraan ay hindi maaaring malaman ang mga bagay na iyon, at ito ay patunay na ang Quran ay ang Banal na salita ng Diyos, at ito ang naghikayat sa akin. Narito ang pang-agham na patunay para sa isang bagay na itinuturing na pananampalataya lamang. Nagpasya akong magbalik-loob at nanalangin na sumunod ang aking asawa matapos makita ang pagbabagong hatid nito sa akin. Nabahala ako tungkol sa pag-aaral ng Arabikong panalangin, ngunit sa loob ng isang buwan ay madali ko silang naisaulo sa mas mataas na antas. Ako ngayon ay may lubos na kapayapaan sa aking sarili at sa Allah. Kahit na ang aking mahal na asawa ay hindi pa nagbabalik-loob, siya ay naniniwala sa Diyos at isang mabuting tao, at sumusuporta sa aking napili at pinalalaki ang aming 2 sanggol bilang mga Muslim.
Magdagdag ng komento