Bakit Islam?
Paglalarawanˇ: Mula sa isang balik-Islam para sa lahat ng mga naghahanap ng katotohanan.
- Ni Laurence B. Brown, MD
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 15 Oct 2020
- Nag-print: 7
- Tumingin: 7,590 (araw-araw na pamantayan: 5)
- Nag-marka: 71
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 2
Mag-usap tayo ng tapatan. Ang mga di Muslim ay halos hindi kailanman pinag-aralan ang Islam hangga't hindi muna nila naubos ang mga relihiyong lantad sa kanila. Nang hindi na sila nasisiyahan sa mga relihiyon na pamilyar sa kanila, ibig sabihin sa Hudaismo, Kristiyanismo at lahat ng mga nausong mga "-ismo" -Budismo, Taoismo, Hinduismo (at, ang gaya ng idinagdag ng aking batang anak na babae, "turismo") - ay saka lang nila isasaalang-alang ang Islam.
Marahil ang ibang mga relihiyon ay hindi sumasagot sa mga malalaking katanungan sa buhay, tulad ng "Sino ang lumikha sa atin?" at "Bakit tayo narito?" Marahil ang ibang mga relihiyon ay hindi napag-uugnay ang mga kawalang katarungan sa buhay sa isang patas at makatarungang Tagapaglikha. Marahil ay nakatagpo tayo ng pagkukunwari sa kaparian, ang di-maipagtanggol na mga doktrina ng pananampalataya sa kanon, o katiwalian sa kasulatan. Anuman ang dahilan, nakakakita tayo ng mga pagkukulang sa mga relihiyong kung saan tayo nalantad, at tumingin at maghanap sa iba. At ang pinakasukdulang "iba" ay ang Islam.
Ngayon, ang mga Muslim ay maaaring ayaw marinig na sabihin kung ang Islam ang "sukdulang iba." Ngunit ito talaga. Sa kabila ng katotohanang ang mga Muslim ay bumubuo ng isang-kaapat hanggang sa isang-kalimang populasyon sa daigdig, ang mga pahayagang di-Muslim ay binabahiran ang Islam ng mga kakila-kilabot na paninirang-puri na dahil dito kakaunting mga di-Muslim ang tumitingin sa relihiyon na ito sa isang positibong liwanag. Kung kaya, ito ay ang karaniwang huling sinusuri ng mga naghahanap ng relihiyon.
Ang isa pang problema ay sa oras na ang mga di-Muslim ay sinuri ang Islam, ang iba pang mga relihiyon ay karaniwang nagpapa-taas ng kanilang pag-aalinlangan: Kung ang bawat "bigay ng Diyos" na kasulatan na ating nakita ay tiwali, paanong maiiba ang Islamikong kapahayagan? Kung ang mga impostor ay minanipula ang mga relihiyon para umangkop sa kanilang mga kagustuhan, paano natin maiisip na ito ay hindi nangyari sa Islam?
Ang sagot ay maaaring ibigay sa ilang mga pangungusap, ngunit mangangailangan ng mga aklat upang ipaliwanag. Ang maikling sagot ay ito: May Diyos. Siya ay patas at makatarungan, at nais Niyang makamit natin ang gantimpalang paraiso. Gayunpaman, inilagay tayo ng Diyos sa mundong ito upang subukin, upang ihiwalay ang karapat-dapat mula sa hindi karapat-dapat. At tayo ay maliligaw kung maiiwan sa ating mga sariling pamamaraan. Bakit? Dahil hindi natin alam kung ano ang Kanyang nais mula sa atin. Hindi natin kayang lakbayin ang mga pag-ikot at pag-liko ng buhay na ito nang wala ang Kanyang patnubay, at kung kaya, binigyan Niya tayo ng patnubay sa anyo ng kapahayagan.
Sigurado, ang mga nakaraang relihiyon ay nasira, at ito ang isa sa mga kadahilanan kung bakit mayroon tayong kawin ng kapahayagan. Tanungin ang iyong sarili: Hindi ba magpapadala ang Diyos ng isa pang kapahayagan kung ang naunang mga kasulatan ay sira? Kung ang mga naunang kasulatan ay nasira, kakailanganin ng mga tao ng isa pang kapahayagan, upang manatili sa tuwid na landas ng Kanyang nilayon.
Kaya dapat nating asahan na ang mga naunang mga kasulatan ay natiwali, at dapat nating asahan na ang pangwakas na kapahayagan ay naging dalisay at hindi nahaluan o nadagdagan, sapagkat hindi natin maiisip na ang isang mapagmahal na Diyos ay iiiwan tayo at maligaw. Ang maiisip natin na ang Diyos ay bibigyan tayo ng isang kasulatan, at ang mga tao ay sinira ito; Ang Diyos ay bibigyan tayo ng isang kasulatan, at ang mga tao ay sisirain itong muli ... at muli, at muli. Hanggang sa ang Diyos ay magpadala ng pangwakas na kapahayagan na Kanyang ipinangakong iingatan hanggang sa katapusan ng panahon.
Ang mga Muslim ay itinuturing na ang huling kapahayagang ito ay ang Banal na Quran. Itinuring mo ... sulit itong tingnan. Kaya bumalik tayo sa pamagat ng artikulong ito: Bakit Islam? Bakit dapat nating paniwalaan na ang Islam ang relihiyon ng katotohanan, ang relihiyong nagtataglay ng dalisay at pangwakas na kapahayagan?
“O, basta magtiwala ka lang sa akin.”
Ngayon, ilang beses mo na narinig ang pangungusap na iyan? Isang sikat na komedyante na palagiang nagbibiro na ang mga tao ng iba't ibang mga lungsod ay nagmumurahan sa isa't isa sa iba't ibang paraan. Sa Chicago, minumura nila ang isang tao sa ganitong paraan, sa Los Angeles minumura nila ang isang tao sa ganoong paraan, ngunit sa New York sinasabi lang nila, "Magtiwala ka sa akin."
Kaya huwag kang magtiwala sa akin — magtiwala sa ating Tagapaglikha. Basahin ang Quran, magbasa ng mga aklat at mag-aral sa mga mapagkakatiwalaang website. Ngunit anuman ang iyong gawin, magsimula ka, gawin itong masinsinan, at magdasal sa ating Tagapaglikha na patnubayan ka.
Ang iyong buhay ay maaaring hindi nakasalalay dito, ngunit ang iyong kaluluwa ay talagang sigurado.
Karapatang-sipi © 2007 Laurence B. Brown; ginamit ng may pahintulot.
Tungkol sa may akda:
Laurence B. Brown, MD, ay maaaring makaugnayan sa BrownL38@yahoo.com. Siya ang may akda ng The First and Final Commandment (Amana
Publications) at Bearing True Witness (Dar-us-Salam). Ang parating na mga aklat ay isang kapana-panabik na kasaysayan, The Eighth Scroll, at ikalawang edisyon ng The First and Final Commandment, isinulat muli at hinati sa MisGod'ed
at ang kasunod nitong, God’ed.