Ang mga Pakinabang ng Pagpasok sa Islam (bahagi 1 ng 3)
Paglalarawanˇ: Ang lahat ng iyong katanungan ay nasagot na.
- Ni Aisha Stacey (© 2011 IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 17 Dec 2015
- Nag-print: 11
- Tumingin: 14,355 (araw-araw na pamantayan: 9)
- Nag-marka: 116
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Maraming mga artikulo sa website na ito ang nagpapaliwanag kung gaano kadali ang pagpasok sa Islam. Mayroon ding mga artikulo at mga video na tumatalakay sa mga hadlang na maaring pumigil sa isang tao na gustong tanggapin ang Islam. Ang tunay na mga nagbalik-loob ay naglalahad ng kanilang mga kwento, at maaari tayong makibahagi sa kanilang kasiyahan at kagalakan. Mayroon ding artikulo na nagpapaliwanag mismo kung paano maging Muslim. Ang pagpasok sa Islam ay kinatatampukan mula sa marami at iba't-ibang mga anggulo at ang seryeng ito ng mga artikulo ay tumatalakay sa mga benepisyo na nagmumula sa pagbabalik-loob sa Islam.
Maraming mga pakinabang na nakukuha sa pagpasok sa Islam, ang pinaka-halata na nararamdaman ng isang tao ay ang kahinahunan atkabutihan na dumarating sa sinumang tao na napagtanto ang isa sa mga pangunahing katotohanan ng buhay. Ang pagtatatag ng relasyon sa Diyos sa pinaka dalisayat simpleng paraan ay nakakapagpalaya at nakakapagpasigla, at nagreresulta ito sa katahimikan.Gayunpaman, hindi lamang ito ang kabutihan ng pagpasok sa Islam, mayroon pang ibang mga benepisyo na mararanasan ang taong nag balik-loob sa Islamat tatalakayin natin ito dito ng isa-isa.
1.Ang pagpasok sa Islam ay nagpapalaya sa isang tao mula sa pagka-alipin sa mga sistema at uri ng pamumuhay na gawa-gawa ng tao
Ang Islam ay nagpapalaya ng kaisipan mula sa pamahiin at kawalan ng katiyakan; pinapalaya nito ang kaluluwa mula sa kasalanan at katiwalian at pinapalaya ang konsensya mula sa pang-aapi at takot. Ang pagsuko sa kalooban ng Diyos, ay hindi nagbabawas sa kalayaan, sa kabaliktaran, ito ay nagbibigay ng napakataas na antas ng kalayaansa pamamagitan ng pagpapalaya sa isip mula sa mga pamahiin at pagpuno nito ng katotohanan at kaalaman.
Kapag tinanggap ng isang tao ang Islam, hindi na sila mga alipin ng uso o materyalismo, at sila ay malaya mula sa pagkaalipin ng isang sistemang pang-pera na nakadisenyo upang sakupin ang mga tao. Sa isang mas maliit ngunit kasing halaga sa sukatan ang Islam ay nagpapalaya sa isang tao mula sa mga pamahiin na nagkokontrol sa buhay ng mga hindi pa tunay na nagpasakop sa Diyos. Alam ng isang tunay na naniniwala na ang mabuti at masamang kapalaran ay hindi umiiral. Ang mabuti at ang masamang mga aspeto ng ating buhay ay parehong nagmula sa Diyos, at katulad ng ipinaliwanag ni Propeta Muhammad, sumakanya ang kapayapaan at pagpapala ng Tagapaglikha, ang lahat ng mga pangyayari sa isang tunay na naniniwala ay mabuti, "Kung bibigyan siya ng kadalian ay nagpapasalamat siya,at ito ay mabuti para sa kanya.At kung siya ay pinagdudusa ng isang paghihirap,nagtitiyaga siya, at ito ay mabuti para sa kanya".[1]
Pagkatapos mapalaya ang isang tao mula sa pagka-alipin ng mga sistema at mga uri ng pamumuhay na gawa-gawa ng tao, malaya siyang sumamba sa Diyos sa wastong paraan. Ang isang tunay na mananampalataya ay nagtitiwala at umaasa sa Diyos at taimtim na naghahangad sa Kanyang awa.
2.Ang pagpasok sa Islam ay nagpapahintulot sa isang tao na tunay na maranasan ang pag-ibig ng Diyos.
Ang pagpasok sa Islam ay nagpapahintulot sa isang tao na makamit ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang gabay sa buhay - ang Quran, at ang tunay na mga katuruan at sinabi ni Propeta Muhammad (sumakanya ang kapayapaan at pagpapala).Nang nilikha ng Diyos ang mundo, hindi niya ito pinabayaan sa kawalang-tatag at kawalan ng seguridad. Nagpadala siya ng lubid, na matatag at matibay, at sa pamamagitan ng mahigpit na paghawak sa lubid na itoang isang hamak na tao ay maaring magkamit ng kahalagahan at walang hanggang kapayapaan. Sa mga salita sa Quran, ginawang lubos na malinaw ng Diyos ang Kanyang mga hangarin,gayunpaman ang mga tao ay may malayang kalooban at malaya sa pagpili kung gagawa ng ikakalugod o hindi ikakalugod ng Diyos.
Sabihin mo [sa kanila O Muhammad]: "Kung tunay ngang kayo ay nagmamahal sa Allah, magkagayon ako ay Inyong sundin, at kayo ay mamahalin ng Allah at Kanyang patatawarin ang inyong mga kasalanan. At ang Allah ay Mapagpatawad, Ang Pinaka Maawain." (salin ng kahulugan Quran 3:31)
At sinumang humanap ng ibang relihiyon bukod sa Islam, ito ay hindi tatanggapin mula sa kanya, at sa kabilang buhay siya ay kabilang sa mga talunan. (salin ng kahulugan ng Quran 3:85)
Walang sapilitan sa pagtanggap ng relihiyon. Katotohanan, ang matuwid na landas ay malinaw kaysa sa lihis [maling landas]. Kaya, sinuman ang di-maniwala sa mga Taghut[2]at maniwala sa Allah, tunay na siya ay tumangan sa matibay na hawakan [o sa pananampalatayang] kailanman ay hindi mapuputol. At ang Allah ay Lubos na Nakaririnig, Maalam. (salin ng kahulugan ng Quran 2:256)
3.Ang isang bunga sa pagpasok sa Islam ay ang ipinangako ng Diyos ang Paraiso sa mga tunay na mananampalataya.
Ang Paraiso, tulad ng pagkakalarawan sa maraming mga taludtod sa Quran, ito ay lugar ng walang hanggang kasiyahan at ito ay ipinangako sa mga tunay na mananampalataya. Ipinakita ng Diyos ang kanyang habag sa mga tunay na naniniwala sa pamamagitan ng pagbibigay gantimpala sa kanila ng Paraiso. Sinumang tumanggi sa Diyos o sumasamba sa isang bagay, o anumang maliban sa Kanya, o nagsasabing ang Diyos ay may anak na lalaki o anak na babae o katambal, ay tunay na mapapabilang sa mga bigo sa Kabilang Buhay tungo sa impiyerno.Ang pagpasok sa Islam ay magliligtas sa isang tao mula sa paghihirap sa loob ng libingan, pagdurusa sa Araw ng Paghuhukomat walang hanggang Impiyerno.
"At yaong mga naniwala at gumawa ng mga gawaing matwid, sila ay Aming pagkakalooban ng mga [nagtataasang] bulwagan ng Paraiso na sa ilalim nito ay may mga ilog na umaagos, kung saan sila ay mamamalagi roon nang walang hanggan. [Isang] dakilang gantimpala para sa mga [matuwid] na manggagawa." (salin ng kahulugan ng Quran 29: 58)
4.Ang kaligayahan, katahimikan at kapayapaan ng loob ay maaaring makamit sa pamamagitan ng pagpasok sa Islam.
Ang Islam mismo ay likas na nakaugay sa kapayapaan ng loob at katahimikan. Ang mga katagang 'Islam', 'Muslim' at 'Salaam' (kapayapaan) ay nagmula lahat sa salitang ugat na "Sa - la – ma" na nagsasaad ng kapayapaan, seguridad at kaligtasan.Kapag ang tao ay nagsubmita sa kagustuhan ng Diyos, tiyak na makakaranas siya ng likas na pakiramdam ng seguridad at kapayapaan.
Ang perpektong kaligayahan ay umiiral lamang sa Paraiso. Doon natin mahahanap ang lubusang kapayapaan, katahimikan at seguridad at magiging malaya mula sa takot, pagkabalisa at sakit na bahagi ng kalagayan ng tao.Gayunpaman ang mga patnubay na ibinigay ng Islam ay nagbibigay-daan sa atin, na hindi perpektong mga tao, upang maghanap ng kaligayahan sa mundong ito.Ang susi sa pagiging masaya sa mundong ito at sa kabilang buhay ay ang paghahangad ng ikakalugod ng Diyos, at pagsamba sa Kanya, nang hindi nag-uugnay ng katambal Niya.
Sa susunod na artikulo ipagpapatuloy natin ang ating pagtalakay tungkol sa mga pakinabang ng pagyakap sa Islam sa pagbanggit ng kapatawaran at habag, at mga pagsubok at mga pagdurusa.
Mga talababa:
[1] Saheeh Muslim
[2] Taghut – Isang salitang Arabe na sumasaklaw sa malawak na hanay ng mga kahulugan.Sa madaling salita ito ay anumang bagay na sinasamba maliban sa Nag-iisang Tunay na Diyos at kasama rito ang satanas, mga demonyo, mga idolo, mga bato, mga bituin, ang araw o buwan, mga anghel, mga tao, mga libingan ng santo, mga namumuno at pinuno.
Magdagdag ng komento