Nais kong maging isang Muslim ngunit... Mga Kuro-kuro sa Pagpasok sa Islam (bahagi 2 ng 3)
Paglalarawanˇ: Karagdagan patungkol sa mga kuro-kuro na pumipigil sa tao sa pagpasok o pagbabalik loob sa Islam.
- Ni Aisha Stacey (© 2011 IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 06 May 2014
- Nag-print: 4
- Tumingin: 8,021 (araw-araw na pamantayan: 5)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 1
Walang diyos kundi ang Natatanging Diyos. Ito ay isang simpleng pahayag na dapat gawing madali ang pagpasok sa Islam. May Nag-iisang Diyos lamang, at iisang relihiyon lamang, wala nang mas hindi komplikado. Gayunpaman, katulad ng napag-usapan natin sa naunang artikulo, tuwing napagtatanto ng isang tao ang katotohanan at nais na maging isang Muslim, ipinapasok ni Satanas ang salitanhg "ngunit". Nais kong maging isang Muslim...NGUNIT. Ngunit hindi pa ako handa. Ngunit hindi ako nagsasalita ng wikang Arabe, o ngunit ayaw kong baguhin ang aking pangalan. Ngayon, tatalakayin natin ang maraming kuro-kuro na pumipigil sa mga tao na pumasok sa Islam.
3.Nais kong maging isang Muslim ngunit ayaw kong magpatuli.
Sinabi ni Propeta Muhammad na ang bawat bata ay ipinanganak sa estado ng fitrah, na may tamang pag-unawa sa Diyos.[1]at ang mga pamamaraan ni Propeta Muhammad ay nagsasabi sa atin na ang mga kundisyon na kaugnay sa fitrah (ang likas na estado ng pag-iral) ay lima.
“Limang bagay ang bahagi ng fitrah: pag-ahit ng buhok sa pribadong parte, pagtutuli, pag-aayos ng bigote, pag-bunot ng mga buhok kili-kili, at pagpuputol ng mga kuko".[2]Ito ay pinaniniwalaan na sinaunang gawain, ang natural na paraan, na sinunod ng lahat ng mga Propeta, at ipinag-utos sa mga naniniwala sa pamamagitan ng mga batas na kanilang dinala.[3] (salin ng kahulugan ng hadith)
Ang karamihan ng mga iskolar ng Islam ay sumasang-ayon na ang pagpapatuli ay obligado sa mga kalalakihan sa kundisyon na hindi ito makakasama sa kanila. Kapag sinusuri ang abot na kapinsalaan ang isang tao ay dapat tumingin sa Quran at sa mga tunay na pamamaraan ni Propeta Muhammad para sa patnubay. Kung ang isang tao ay hindi magagawang magpatuli dahil sa takot sa pinsalao iba pang katangga-tanggap na dahilan na maaaring maglagay sa pagiging miserable, ang obligasyon ay inalis sa kanya. Hindi pinapayagan na ang naturang usapin ay maging isang hadlang na pumipigil sa isang tao na tanggapin ang Islam[4]. Sa ibang salita, hindi ito isang kondisyon para maging isang Muslim. Gayundin, hindi nito pinipigilan ang isang tao na manguna sa pagdarasal.[5]
Walang kinakailangan na pagtutuli ng kababaihan sa Islam.
4.Nais kong maging isang Muslim ngunit ako ay puti.
Ang Islam ay ang relihiyon na ipinahayag para sa lahat ng mga tao, sa lahat ng lugar, sa lahat ng oras. Hindi ito ipinahayag para sa isang partikular na lahi o etniko. Ito ay isang kumpletong paraan ng pamumuhay na batay sa mga katuruan na matatagpuan sa Quran at sa mga tunay na pamamaraan ni Propeta Muhammad. Bagaman ipinahayag ang Quran sa lenggwaheng Arabe at si Propeta Muhammad ay isang Arabo, mali na ipagpalagay na ang lahat ng mga Muslim ay Arabo, o para sa bagay na iyon, na ang lahat ng mga Arabo ay Muslim. Sa katunayan ang karamihan sa 1.4 bilyong Muslim sa mundo ay hindi mga Arabo.
Walang mga pangangailangan sa lahi o etniko para maging isang Muslim ang isang tao. Sa kanyang panghuling sermon, muling inulit ni Propeta Muhammad ang katotohanang ito.
“Lahat ng sangkatauhan ay nagmula kay Adan at Eba, Hindi mas nakakataas ang arabo kaysa sa hindi-arabo; at hindi ang di-arabo kaysa sa arabo; at hindi mas nakatataas ang puti kaysa sa itim; at hindi ang itim kaysa sa puti; liban nalang sa taglay nilang pagkamatakutin sa Allah. Alamin na ang bawat Muslim ay isang kapatid sa bawat Muslim at ang mga Muslim ay bumubuo ng isang kapatiran.”[6]
“O sangkatauhan, kayo ay Aming nilikha mula sa isang lalaki at babae, at kayo ay Aming ginawang mga nasyon at mga tribu, upang kayo ay magkakakilanlan.” (salin ng kahulugan ng Quran 49:13)
5.Nais kong maging isang Muslim ngunit wala akong nalalaman patungkol sa Islam.
Hindi kailangang maraming malaman patungkol sa Islam upang maging isang Muslim. Sapat nang malaman ang kahulugan ng patotoo at ang anim na mga haligi ng pananampalataya. Kapag niyakap na ng isang tao ang Islam,may oras para malaman niya ang tungkol sa kanyang relihiyon.Hindi kailangang magmadali at maguluhan. Alamin ang mga bagay bagay nang dahan-dahan, ngunit patuloy na sumulong sa sarili mong kakayahan. May oras upang maunawaan ang nakapagbibigay-inspirasyon na kagandahan at kadalian ng Islam, at ang pag-alam ng patungkol sa lahat ng mga propeta at sugo sa Islam kasama na ang huling propeta, si Muhammad (sumakanya ang kapayapaan at pagpapala).Ang isang Muslim ay hindi tumitigil sa pag-aaral; ito ay isang proseso na magpapatuloy hanggang kamatayan.
Sinabi ni Propeta Muhammad (sumakanya ang kapayapaan at pagpapala), “Ang mananampalataya ay hindi nakukontento sa pakikinig sa mga magagandang bagay (paghahanap ng kaalaman) hanggang sa siya ay makarating sa Paraiso.”[7]
6.Nais kong maging isang Muslim ngunit nakagawa ako ng napakaraming kasalanan.
Kapag binanggit ng isang tao ang patotoo ng pananampalataya (Shahadah), "Ako ay sumasaksi na walang diyos maliban sa Natatanging Diyos at ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Kanyang sugo", siya ay nagiging katulad sa isang bagong silang na sanggol. Ang lahat ng kanyang mga naunang kasalanan, gaano man kalaki o kaliit ay nabubura. Malinis ang talaan ng gawa, malaya sa kasalanan, makintab at maputi; ito ay isang bagong simula.
“Sabihin mo sa mga di-naniwala, [na] kung sila ay magsisitigil, ang anumang naunang nangyari noon ay patatawarin para sa kanila…” (salin ng kahulugan ng Quran 8:38)
Walang sapilitan sa sinuman upang tanggapin ang katotohanan ng Islam. Gayunpaman, kung ang iyong puso ay nagsasabi sa iyo na may Nag-iisang Diyos lamang, huwag mag-atubili.
“Walang sapilitan sa pagtanggap ng relihiyon. Katotohanan, ang matuwid na landas ay malinaw kaysa sa lihis [maling landas]. Kaya, sinuman ang di-maniwala sa mga taaghoot at maniwala sa Allah, tunay na siya ay tumangan sa matibay na hawakan [o sa pananampalatayang] kailanman ay hindi mapuputol. At ang Allah ay Lubos na Nakaririnig, Maalam.” (salin ng kahulugan ng Quran 2:256)
Mga talababa:
[1] Saheeh Muslim
[2] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim
[3] AS-Shawkaani, Nayl al-Awtaar, Baab Sunan al-Fitrah
[4] Fataawa al-Lajnah al-Daa’imah, 5/115, Al-Ijaabaat ‘ala As’ilah al-Jaaliyaaat, 1/3,4
[6] Ang teksto ng Talumpati ng Pamamaalam ay matatagpuan sa Saheeh Al-Bukhari at Saheeh Muslim, at sa mga aklat ninaAt Tirmidhi and Imam Ahmad.
[7] At Tirmidhi