Ang Batayan ng Islam
Paglalarawanˇ: Ang detalyadong pagpapaliwanag sa unang bahagi ng testimoniya ng pananampalataya na "Walang karapat-dapat sambahin maliban kay Allah (La ilaaha 'ill-Allah)."
- Ni M. Abdulsalam (© 2006 IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 04 Oct 2009
- Nag-print: 1
- Tumingin: 5,009 (araw-araw na pamantayan: 3)
- Nag-marka: 130
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang batayan ng relihiyong Islam ay ang pagpapatotoo sa dalawang katagang ito:
(i) Walang karapat-dapat na sambahin maliban sa Diyos (La ilaaha ‘ill-Allah), at
(ii) Si Muhammad ang sugo ng Diyos (Muhammad-ur-Rasool-ullah).
Ang katagang ito ay kilala bilang shahaadah, o ang testimoniya ng pananampalataya. Sa pamamagitan ng paniniwala at pagpapatotoo nang mga katagang ito ang isa ay makapapasok sa kawan ng Islam. Ito ang sawikain ng mga mananampalataya na kung saan pinangangalagaan ito sa buong buhay nila. At batayan ng lahat nang kanilang pinaniniwalaan, pagsamba at pag-iral. Itong artikulo ay magtatalakay sa unang parte ng testimoniyang ito.
Ang kahalagahan ng Pagpapahayag ng ‘Laa Ilaaha ill-Allah’
Tulad ng nabanggit kanina, ang testimoniyang ito ay ang pinaka importanteng bahagi ng relihiyong Islam, gaya ng pagpahayag sa paniniwala sa Tawheed, o ang Kaisahan at bukod-tanging Diyos, na kung saan ang buong relihiyon ay nabuo. Sa kadahilang ito, ito ay tinatawag na, “Ang deklarasyon ng Tawheed”. Itong katangi-tangi at pagiging isa ay kinakailangang sa Diyos lamang na siyang karapat-dapat pag-alayan ng pagsamba at pagsunod. Ang relihiyong Islam ay ang pangunahing panuntunan ng buhay na kung saan ang isang tao ay sumasamba at sumusunod lamang sa kautusan ng Diyos at wala ng iba. Ito lamang ang tumpak na relihiyong monoteyismo, ito’y nagbibigay-diin na walang pagsamba na dapat ituon sa sinuman maliban sa Diyos. Sa kadahilanang ito, ating makikita na sa karamihan ng mga salaysay, ang Propeta, nawa ang habag at mga pagpapala ng Diyos ay mapasakanya, ay nagsabi na kung sinuman ang magsabi nang katagang ito at ito’y isinabuhay ay makapapasok sa Paraiso ng walang hanggan. At sinuman ang tumutol dito ay parurusahan sa Impyerno ng walang hanggan.
Itong pahayag na ito ay nagsasabi sa layunin ng buhay ninuman, na ang pagsamba ay ukol sa nag-iisang Diyos lamang, at malinaw na, layunin ng pag-iral ng buhay at ang siyang pinaka importanteng aspeto sa buhay ng isang tao. Sinabi ng Diyos sa Quran:
“At hindi Ko nilikha ang mga jinn at mga tao, liban na sambahin Ako nang nag-iisa.” (Quran 51:56)
Ang mensahe ng Tawheed na matatagpuan sa pahayag na ito ay hindi partikular sa Islam lamang. Dahil sa kahalagahan, katunayan at katotohanan ng mensaheng ito, ito ang mensaheng dala ng lahat nang mga propeta. Mula pa sa simula ng sangkatauhan, ang Diyos ay nagpadala ng mga sugo sa bawat mga tao at nasyon, na ipinag-uutos sa kanila na Siya’y sambahin nang nag-iisa, at iwaksi ang lahat ng mga huwad na diyos. Sinabi ng Diyos:
“At katiyakan, Aming ipinadala sa bawa’t pamayanan ang isang sugo [na nag-aanyayang] ‘Sambahin ang Diyos, at iwaksi ang lahat ng mga huwad na diyos….” (Quran 16:36)
Ito lamang ay kapag ang pagkakaunawa sa Tawheed ay nakatanim na sa puso at isip ng isang tao na magiging maluwag sa kalooban ang pagsunod sa mga utos ng Diyos at kakayaning gampanan ang lahat nang mga pagsamba sa Kanya lamang. Sa kadahilanang ito, inanyayahan ng Propeta ang kaniyang mga tao sa loob ng labintatlong taon sa Mecca para sa Tawheed lamang, at iilan pa lamang ang utos ng pagsamba sa mga panahon na iyon. Noon lamang ng ang pagkakaintindi sa Tawheed ay naging matatag na sa puso ng mga mananampalataya na sila ay handang isakripisyo ang kanilang mga sariling buhay para dito na karamihan sa iba pang mga katusuan ng Islam ay ipinahayag. Kung ang basehan na ito ay nawawala o kulang, wala ng susunod pa dito ang may pakinabang.
Ang Kahulugan ng Laa Ilaaha ill-Allah
Ang La ilaaha ill-Allah, ay literal na nangangahulugang “Walang diyos (bathala) maliban kay Allah." Dito, ang diyos na may maliit na titik “d” ay anumang bagay na kung saan ay sinasamba. Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag na ito? na kahit na mayroong iba pang mga diyos at bathala na sinasamba ng mga tao, ay wala sa mga ito ang may karapatang sambahin, ibig sabihin nito ay walang bagay na dapat ituring bilang isang diyos na may karapatan upang sambahin, at hindi rin ito karapat-dapat sambahin, maliban sa Nag-Iisang Tunay na Diyos. Samakatwid, ang Laa Ilaaha ill-Allah ay nangangahulugan na, “Walang diyos na karapat-dapat sambahin maliban kay Allah."
La ilaaha… (Walang diyos na karapat-dapat sambahin…)
Ang dalawang salita na ito ay pinabulaan ang karapatan ng anumang nilikha upang sambahin. Ang mga Muslim ay tumanggi sa pagsamba sa lahat ng bagay maliban sa Diyos. Ang patanggi na ito ay tumutukoy sa lahat ng mga pamahiin, ideolohiya, paraan ng pamumuhay, o anumang uri ng awtoridad na nag-aangkin ng kabanalan, pagmamahal, o ganap na pagsunod. Ang DIyos ay binanggit sa Quran sa maraming lugar na ang lahat ng mga bagay na pinagtutuunan ng tao sa pagsamba bukod sa Kanya ay walang karapatan upang sambahin, at hindi sila magkakaroon ng anumang karapatan, bilang sila ay mga nilkha at walang kapangyarihan upang magbigay ng anumang may pakinabang.
“Ngunit sila ay nagturing bukod sa Kanya ng ibang mga diyos na wala namang nalilikhang anupaman bagkus sila ay nilikha, at walang taglay na [kapangyarihan upang] magbigay pinsala o pakinabang para sa kanilang mga sarili, at walang taglay na kapangyarihan [upang magdulot] ng kamatayan, o [upang maggawad] ng buhay, o ng pagkabuhay na muli.” (Quran 25:3)
Ang ilan ay sumasamba sa ibang bagay o nilikha dahil sila ay naniniwala na ito ay may espesyal na kapangyarihan, tulad ng pagkontrol sa sanlibutan, ilang mga kapangyarihan upang magbigay ng kabutihan at kapinsalaan, o kaya ito ay nararapat na sambahin dahil sa kanyang kadakilaan. Ang Diyos ay ikinaila ang mga paniniwalang ito na kung saan ang mga tao ay sinamba ang mga bagay na ito, kahit na ito ay isang aspeto ng kalikasan, tulad ng hangin, mga puno, mga bato, hangin; o mga nilikha, tulad ng mga tao, mga propeta, mga santo, mga anghel, mga hari, na may anumang kapangyarihan para sa kanila. Sila ay mga nilikha lamang katulad ng mga sumasamba sa kanila at walang kapangyarihan upang tulungan kahit na ang kanilang mga sarili, at kaya sila ay hindi dapat sambahin. Sila ay mga nilikha lamang na may mga kakulangan, na nakabatay sa Kalooban ng Diyos, at kaya sila ay hindi karapat-dapat para sa anumang aspeto ng pagsamba.
Sa katunayan, maraming naniniwala sa ganap na pamamahala at kapangyarihan ng Diyos, ngunit kanilang iniisip na ang Banal na Kaharian ng Diyos ay katulad ng makamundong kaharian. Katulad na lamang ng hari na may mga ministro at mapagkakatiwalaang mga alagad, kanilang iniisip na ang mga ‘santo’ at mga bathala ay kanilang mga tagapamagitan sa Diyos. Ginagawa nila itong mga ahente upang lumapit sa Diyos, sa pamamagitan ng direktang paggawa ng pagsamba at pagbibigay serbisyo sa kanila. Sinabi ng Diyos:
“At katotohanan, kung sila ay iyong tatanungin: ‘Sino ang lumikha sa mga kalangitan at kalupaan?’
Katiyakan, sila ay magsasabi: ‘Si Allah.’
Sabihin: ‘Sabihin ngayon sa Akin, ang mga bagay na isinasaalang-alang ninyo [bilang Tagapaglikha] na inyong dinadalanginan bukod sa Allah, kung si Allah ay maglayon ng pinsala sa akin, sila ba [na inyong mga dinadalanginan] ay makapag-aalis ng Kanyang pinsala, o kung Siya [Allah] ay maglayon ng habag sa akin, sila ba ay makapipigil sa Kanyang habag?'
Sabihin: ‘Sapat na para sa akin si Allah; [tanging] sa Kanya ang mga nagtitiwala (tulad ng mga mananampalataya) ay nararapat na magbigay ng kanilang pagtitiwala.’” (Quran 39:38)
Sa katunayan, walang mga tagapamagitan sa Islam. Walang banal na tao ang dapat sambahin, at walang anumang nilikha ang dapat na sambahin. Ang Muslim ay itinutuon ang lahat ng pagsamba na direkta at tanging sa Diyos lamang.
…Ill-Allah (…Maliban kay Allah)
Pagkatapos na itanggi ang karapatan ng anumang nilikha na sambahin, ang shahaadah ay nagpapatibay ng pagka-diyos ng Nag-Iisang Diyos, sa ‘…maliban sa Diyos’. Maraming lugar sa Quran, pagkatapos na ikaila ng Diyos na ang anumang nilikha ay walang kapangyarihan para magbigay ng kabutihan at pinsala, na hindi karapat-dapat sambahin, Siya ay nagpahayag na Siya mismo ay ang dapat na sambahin, bilang Siya ang may kontrol at may pagmamay-ari ng buong sanlibutan. Ang Diyos ang Nag-Iisang nagtutustos para sa Kanyang mga nilikha; Siya ang may ganap na kapamahalaan. Siya ang nag-iisa na nakapagbibigay ng kabutihan at kapinsalaan, at walang maaaring makahadlang sa Kanyang Nilalayon na maging totoo. Kaya Siya mismo, sa pamamagitan ng Kanyang kasakdalan, ng Kanyang ganap na mga kapangyarihan, dahil sa Kanyang kabuuang pagmamay-ari, at sa Kanyang Kadakilaan, na nararapat sa lahat ng mga pagsamba, paglilingkod, at debosyon na bukod-tangi.
“Sabihin: ‘Sino ang Panginoon ng mga kalangitan at mga kalupaan?’
Sabihin: ‘(Si) Allah.’
Sabihin: ‘Kayo ba kung gayon ay magtuturing ng ibang awliyah [tagapangalaga] bukod sa Kanya, sila na walang taglay na [kapangyarihang] magbigay buti o pinsala [kahit] sa kanilang mga sarili?’
Sabihin: ‘Ang bulag ba ay katulad ng nakakakita? O ang kadiliman ba ay katulad ng liwanag? O sila ba na nag-akibat sa Allah ng mga katambal na lumikha ng katulad ng Kanyang nilikha, upang ang mga nilikha [na kanilang ginawa at ang Kanyang Nilikha] ay tila nakakatulad nila?’
Sabihin: 'Si Allah ay Tagapaglikha ng lahat ng bagay, Siya ang tanging Nag-iisa, ang di-Matatanggihan.’” (Quran 13:16)
Sinabi din ng Diyos:
“Kayo ay sumasamba bukod kay Allah, ng mga idolo [mga huwad na diyos], at kayo ay nakagawa ng mga hinabi [at tagpi-tagping kasinungalingan]. Katotohanan, yaong inyong mga sinasamba bukod kay Allah ay walang taglay na kapangyarihan para sa inyo [upang magbigay] ng panustos. Kaya, inyong hanapin kay Allah ang inyong panustos, at Siya ay inyong sambahin at kayo ay magpasalamat sa Kanya. Sapagka’t [sa Kanya] kayo ay ibabalik.” (Quran 29:17)
At ang Diyos ay nagsabi:
“Hindi ba Siya ang [tanging] lumikha sa mga kalangitan at kalupaan, at nagpababa para sa inyo ng tubig (ulan) mula sa kalangitan, upang mangyaring tumubo sa pamamagitan nito ang mga hardin ng kahalihalinang ganda? Hindi ninyo magagawang magpatubo ng mga punongkahoy? Mayroon pa bang ibang diyos na kasama si Allah? [wala], sila ay mga taong nag-aakibat bilang [Kanyang] kapantay!” (Quran 27:60)
Dahil Diyos lang ang tanging may karapatan na sambahin, ang anumang bagay na sinamba liban o kasama Niya ay ginawa na mali. Ang lahat ng mga pananalangin ay dapat direkta sa Nag-Iisang Diyos. Ang lahat ng mga pangangailangan ay dapat hinihiling sa Kanya lamang. Ang lahat ng mga takot sa hindi nalalaman ay dapat matakot mula sa Kanya, at ang lahat ng pag-asa ay dapat sa Kanya lamang. Ang lahat ng banal na pag-ibig ay dapat na nadarama para sa Kanya, at lahat ng kapopootan ng sinuman ay dapat kapootan para sa Kanyang kapakanan. Ang lahat ng mga mabubuting gawa ay dapat na ginagawa para sa Kanyang kagustuhan at kaluguran, at ang lahat ng mga maling gawain ay dapat na iwasan para sa Kanyang kapakanan. Sa ganitong mga kaparaanan sinasamba ng mga Muslim ang Nag-Iisang Diyos, at mula dito, ating nauunawaan kung paano ang buong relihiyon ng Islam ay batay dito sa kapahayagan ng Tawheed.
Magdagdag ng komento