Ang Paglalakbay Patungo sa Kabilang Buhay (bahagi 4 ng 8): Ang Mananampalataya at ang Paraiso
Paglalarawanˇ: Paano silang mga nagkamit ng tagumpay ng Paraiso para sa kanilang pananampalataya ay tinanggap dito.
- Ni Imam Mufti (co-author Abdurrahman Mahdi)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 25 Jun 2019
- Nag-print: 21
- Tumingin: 10,632 (araw-araw na pamantayan: 7)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Paraiso
Ang mga mananampalataya ay dadalhin patungo sa naglalakihang walong pintuan ng Paraiso. Doon, sila ay tatanggapin ng masayang pagsalubong ng mga anghel at ng pagbati sa mapayapa nilang pagdating at pagkakaligtas mula sa Impiyerno.
"Ngunit sila na may pagkatakot sa kanilang Panginoon ay aakayin sa Paraiso sa mga pangkat, hanggang kanilang sapitin at mamasdan ito, ang mga tarangkahan nito ay ibubukas at ang mga bantay ay magsasabi, ‘Ang kapayapaan ay sumainyo; kayo ay naging dalisay na; kaya't inyong pasukin ito upang kayo ay manahan dito nang walang hanggan." (Quran 39:73)
(Sa matuwid na mananampalataya ay ipagbabadya): "O (ikaw na) mapayapang kaluluwa! Magbalik ka sa iyong Panginoon, na nalulugod at kinalulugdan Niya! Pumasok ka sa lipon ng Aking mararangal na alipin. Pumasok ka sa Aking Paraiso!" (Quran 89:27-30)
Ang pinakamahusay sa mga Muslim ay ang unang papasok sa Paraiso. Ang pinaka matuwid sa kanila ay aakyat sa pinakamataas na mga antas.[1]
"At sinumang makarating sa Diyos na isang mananampalataya (sa Kanyang Kaisahan, at iba pa) at nagsigawa ng mga kabutihan; sasakanila ang matataas na Antas (sa Kabilang Buhay)." (Quran 20:75)
"At ang nangunguna (sa pananampalataya) ay mangunguna (sa Kabilang Buhay); Sila ang magiging pinakamalapit sa Diyos sa Halamanan ng Kaligayahan; papasok sila sa isang ranggo na may maliwanag na mukha." (Quran 56:10-12)
Ang paglalarawan ng Quran sa Paraiso ay nagbibigay sa atin ng isang pananaw kung ano ang kamangha-manghang lugar na ito. Isang walang hanggang tahanan na matutupad ang lahat ng ating mabubuting naisin, mapang-akit sa lahat ng ating mga pandama, na ipagkakaloob sa atin ang lahat ng maaari nating hangarin at marami pang iba. Inilarawan ng Diyos ang Kanyang Paraiso bilang isang mundo na yari sa pinong pulbos na musk,[2] lupa na sapron,[3] mga laryo na ginto at pilak, at maliliit na batong mga perlas at rubi. Sa ilalim ng mga hardin ng Paraiso ay mga batis na dumadaloy na nagniningning ang tubig, matamis na gatas, malinaw na pulot, at alak na hindi nakalalasing. Ang mga tolda sa kanilang mga pampang ay mga simboryo na perlas na may guwang.[4]Ang lahat ng lugar ay napupuno ng kumikinang na liwanag, kaaya-ayang mala-amoy na mga halaman at mga humahalimuyak na bango na maaaring maamoy mula sa malayo.[5]Mayroong mga matatayog na palasyo, malalaking mansyon, mga ubasan, mga palmera ng datiles, mga puno ng granada,[6] lotus at mga puno ng akasya na ang mga katawan nito ay yari sa ginto.[7]Hinog, masasaganang prutas ng lahat ng uri: mga beri, sitrus, sirwelas, ubas, melon, pome (halimbawa nito at mansanas); lahat ng uri ng prutas, tropikal at eksotiko; anumang bagay na maaaring naisin ng mga matapat!
"…At naroroong lahat ang anumang naisin ng bawat kaluluwa at anumang makapagpapaligaya sa paningin..." (Quran 43:71)
Ang bawat mananampalataya ay magkakaroon ng isang pinakamaganda, banal at dalisay na asawa, may suot na napakagandang damit; At marami pang iba sa isang bagong mundo ng walang hanggan, na nagniningning na kasiyahan.
"At walang kaluluwa na nakakaalam kung ano ang kaginhawahan ng mga mata na inililingid sa kanila, bilang gantimpala sa mga bagay na kanilang ginawa." (Quran 32:17)
Pati na rin ang pisikal na kasiyahan, ang Paraiso ay magbibigay din ng pagkakaroon ng emosyonal at sikolohikal na kaligayahan sa mga maninirahan dito, tulad ng sinabi ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala):
"Sinumang papasok sa Paraiso ay pinagpala ng isang buhay ng kagalakan; hindi siya makakaramdam ng kapighatian, ang kanyang mga kasuotan ay hindi maluluma, at ang kanyang kabataan ay hindi kukupas. Maririnig ng mga tao ang isang banal na tawag: 'Ipinagkakaloob ko sa iyo na ikaw ay magiging malusog at hindi kailanman magkakasakit, mabubuhay ka at hindi mamamatay, ikaw ay babata at hindi kailanman tatanda, magagalak ka at hindi makakaramdam ng kapighatian.’" (Saheeh Muslim)
At ang pinakahuli, ang bagay na higit sa lahat na kalugod-lugod sa mga mata ay ang mismong Mukha ng Diyos. Para sa tunay na mananampalataya, ang makita ang mapagpalang larawan na ito ng Diyos ay ang pinakadakilang gantimpalang nakamit.
"Sa Araw na ito, ang ibang mukha ay magniningning sa kislap at kagandahan, na nagmamalas sa kanilang Panginoon." (Quran 75:22-23)
Ito ang Paraiso, ang walang hanggang tahanan at panghuling patutunguhan ng matuwid na mananampalataya. Nawa'y ang Diyos, na Kataas-taasan, ay gawin tayong karapat-dapat dito.
Magdagdag ng komento