Paniniwala sa mga Anghel

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Ang tunay na katototanan sa mga anghel, sa kanilang mga kakayahan, tungkulin, pangalan at bilang.

  • Ni Imam Mufti
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 25 Jun 2019
  • Nag-print: 2
  • Tumingin: 6,876 (araw-araw na pamantayan: 4)
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Ang Katunayan ng mga Anghel

Belief_in_Angels_001.jpgSa karinawang kuwentong-bayan, ang kaisipan ukol sa mga anghel ay itinuturing na mga mabubuting puwersa ng kalikasan, mga hologramong imahe, o mga haka-haka. Ang Kanluraning Ikonograpiya ay minsanang inilalarawan ang mga anghel na hawig nang mga matatabang kerubin na sanggol, o mga magagandang kabataang kalalakihan o kababaihan na mayroong nakapalibot sa kanilang ulo. Sa doktrina ng Islam, sila ay tunay na mga nilikha na kung saan sa bandang huli makadadanas din ng kamatayan, subali’t sa pangkalahatan sila ay nakatago mula sa ating mga diwa.

Sila ay hindi mga banal o bahagyang-banal, at sila’y hindi mga kasamahan ng Diyos na nagpapatakbo ng iba’t-ibang distrito ng sansinukob. Gayundin, hindi sila mga bagay upang samabahin o pag-alayan ng dasal, gayundin hindi nila inihahatid ang ating mga panalangin sa Diyos. Sila ay nagpapasakop sa Diyos at isinasakatuparan ang Kanyang mga kautusan.

Sa pananaw ng Islam, walang mga nagkasalang anghel: hindi sila nahahati sa ‘mabuti’ at ‘masama’ na mga anghel. Ang sangkatauhan ay hindi nagiging anghel pagkatapos ng kamatayan. Ang Satanas ay hindi nagkasalang anghel, nguni’t kabilang sa Jinn, ang paglalang ng Diyos ay kapantay sa sangkatauhan at mga anghel.

Ang mga Anghel ay nilikha mula sa liwanag bago pa likhain ang sangkatauhan, kaya ang kanilang imahe o paglalarawan sa sining ng Islam ay pambihira. Bagama’t, ang mga ito ay karinawang magagandang nilalang na mayroong pakpak tulad ng paglalarawan sa banal na kasulatan ng Muslim.

Ang anyo ng mga Anghel ay iba’t ibang kosmikong herarkiya at ayos sa pamamagitan ng iba’t ibang laki, katayuan, at kahusayan.

Ang pinakakahanga-hanga sa kanila ay si Gabriel. Ang Propeta ng Islam ay aktuwal niyang nakita siya sa orihinal niyang anyo. Gayundin, ang mga tagapaglingkod ng trono ng Diyos ay kabilang sa pinakakahanga-hangang mga anghel. Kanilang iniibig ang mga nananampalataya at nagsusumamo sila sa Diyos upang mapatawad ang kasalanan ng mga mananampalataya. Kanilang dinadala ang trono ng Diyos, ayon kay Propeta Muhammad, nawa ang habag at pagpapala ng Diyos ay mapasakanya, kaniyang sinabi:

"Ako ay pinahintulutan na maghayag patungkol sa isa sa mga anghel ng Diyos na nagdadala ng Trono. Ang distansya sa pagitan ng kaniyang pingol ng tainga at ng kaniyang mga balikat ay katumbas ng pitong-daang taon ng paglalakbay." (Abu Daud)

Sila’y hindi kumakain at umiinom. Ang mga anghel ay hindi nababagot o napapagod sa pagsamba sa Diyos:

"Sila ay lumuluwalhati sa Kaniya sa gabi at araw, at sila’y hindi nanghihinawa [upang gawin ito]." (Quran 21:20)

Ang Bilang ng mga Anghel

Ilan nga ba ang mga Anghel? Ang Diyos lamang ang nakaaalam. Ang Bahay na Madalas Bisitahin ay isang banal na lugar na nakahanay sa itaas ng Kaaba, ang itim na kubiko na matatagpuan sa lungsod ng Mecca. Araw araw pitong libong mga anghel ang bumibisita doon at umaalis, at hindi na kailanman bumabalik pa dito, at kasunod naman nito ang panibagong grupo ng mga anghel.[1]

Ang mga Pangalan ng mga Anghel

Ang mga Muslim ay naniniwala sa partikular na mga anghel na nabanggit sa mga reperensya ng Islam tulad ni Jibreel (Gabriel), Mika’eel (Michael), Israfeel, Malik – ang bantay sa Impyerno, at sa iba pa. Sa mga ito, tanging si Gabriel at Michael lamang ang nabanggit sa Bibliya.

Kakayahan ng mga Anghel

Ang mga anghel ay nagtataglay ng mga matinding kapangyarihan na ibinigay sa kanila ng Diyos. Kaya nilang gawin ang iba’t ibang anyo. Ang banal na kasulatan ng Muslim ay nagsasalaysay kung paanong sa panahon ni Hesus (ng ipinagbuntis siya), ipinadala ng Diyos si Gabriel kay Maria sa anyong isang tao:

"“…At ipinadala Namin sa kanya [Maria] ang Aming Anghel [Gabriel], na nag-anyong tao na kapita-pitagan para sa kanyang paningin." (Quran 19:17)

Ang mga anghel ay binisita si Abraham sa anyong tao. Sa gayunding paraan, ang mga anghel ay nagpunta rin kay Lot upang mailigtas mula sa panganib sa anyong magandang hitsura, kabataang lalaki. Madalas na bumibisita si anghel Gabriel kay Propeta Muhammad sa iba’t ibang anyo. Kung minsan, siya’y magpapakita sa anyo ng isang magandang lalaki na kasamahan ng propeta, at kung minsa’y sa anyo ng taong naninirahan sa disyerto (Bedwino).

Ang mga anghel ay mayroong kakayahang mag-anyo bilang mga tao sa ilang mga pangyayari na nasasangkot ang mga karaniwang tao.

Si Gabriel ay ang maluwalhating mensahero ng Diyos sa mga tao. Nais niyang ihatid ang kapahayagan na mula sa Diyos patungo sa Kanyang mga mensahero. Sinabi ng Diyos:

"Sabihin: sinuman ang kaaway ni [Anghel] Gabriel – siya ang [nagpahayag] nito sa iyong puso sa kapahintulutan ni Allah…" (Quran 2:97)

Mga Tungkulin ng mga Anghel

Ang ilang mga Anghel ay inilagay na tagapangasiwa sa pagtupad ng batas ng Diyos sa pisikal na daigdig. Si Mikael ang may panangutan sa ulan, na namamahala dito saanman naisin ng Diyos. Mayroon siyang mga tagatulong na kung saan siya’y tutulungan sa mga kautusan ng kanyang Panginoon; pinangangasiwaan nila ang mga hangin, at ulap, sa kapahintulutan ng Diyos. Ang isa naman ay responsable sa pag-ihip ng Trumpeta, na kung saan ang iihip nito’y si Israafeel sa pagsisimula ng Araw ng Pahuhukom. Ang iba ay responsable sa pagkuha ng mga kaluluwa mula sa katawan ng tao sa oras ng kamatayan: ang Anghel ng Kamatayan at kanyang mga katulong. Sinabi ng Diyos:

"Sabihin: Kayo ay kukunin ng Anghel ng Kamatayan, na itinalagang mangasiwa sa inyong mga kaluluwa, Pagkaraan, kayo ay ibabalik sa inyong Panginoon." (Quran 32:11)

Pagkatapos ay mayroon ding mga anghel na tagapagbantay na responsable sa pagsanggalang sa mananampalataya sa lahat ng dako ng kanyang buhay, sa kanyang tahanan, paglalakbay, pagtulog o paggising.

Ang iba naman ay responsable sa pagtatala ng mga gawa ng tao, mabuti at masama. Silang mga ito ay kilala bilang mga “mararangal na manunulat.”

Ang dalawang Anghel, na si Munkar at Nakeer, ay responsable sa pagsusuri ng mga tao sa libingan.

Kabilang sa kanila ay mga tagapangasiwa ng Paraiso at ang labing-siyam na ‘bantay’ ng Impyerno na ang pinuno ay nagngangalang ‘Malik’.

Mayroon ding mga anghel na responsable sa pag-ihip nang kaluluwa patungong binlig at isinusulat nito ang mga panustos, haba ng buhay, mga kilos, at kung magiging malungkot o masaya.

Ang ilang mga anghel ay gumagala, naglalakbay sa buong mundo sa paghahanap ng mga pagtitipon kung saan ang Diyos ay naaalala. Mayroon ding mga anghel na itinatalagang mahuhusay na hukbo ng Diyos, nakatayo sa mga hanay, kailanma’y hindi sila napagod o umupo, at ang iba naman ay yumuyuko o nagpapatirapa, at kailanma’y hindi nila iniangat ang kanilang mga ulo, palagiang sinasamba ang Diyos.

Tulad ng ating natutunan sa itaas, ang mga anghel ay mararangyang nilalang ng Diyos, iba’t ibang mga bilang, tungkulin, at mga kakayahan. Ang Diyos ay walang pangangailangan sa mga nilalang na ito, subali’t ang pagkakaroon ng kaalaman at paniniwala sa mga ito ay nagdaragdag sa pagkamangha na nadarama ng isang tao sa Diyos, na Siya ay kayang lumikha sa kung anong naisin Niya, sapagka’t ang tunay na kadakilaan ng Kanyang nilikha ay patunay ng kadakilaan ng Tagapaglikha.


Talababa:

[1] Saheeh Al-Bukhari.

Mahina Pinakamagaling

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Ibang mga artikulo sa Parehong mga Kategorya

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

(Magbasa pa...) Alisin
Minimize chat