Paglalarawan ng Impiyerno (bahagi 4 ng 5): Ang mga Kakila-kilabot ng Impiyerno I
Paglalarawanˇ: Ang unang bahagi ng malinaw na pagdurusa, kakila-kilabot, at mga kaparusahan ng Impiyerno na nailarawan sa mga mapagkukunan ng relihiyong Islam.
- Ni Imam Mufti
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 25 Jun 2019
- Nag-print: 28
- Tumingin: 11,300 (araw-araw na pamantayan: 7)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang tindi ng apoy ng Impiyerno ay sobra na ang mga tao ay handang ibigay ang kanilang pinakamamahal na pag-aari upang matakasan ito:
"Katotohanan, yaong mga di-naniwala at namatay habang sila ay walang paniniwala – hindi maging (buong) ang kapasidad ng kalupaan na puno ng ginto ay hindi tatanggapin mula sa isa sa kanila kung ito man ay kanyang (ibibigay bilang) pantubos sa kanyang sarili. Para sa kanila ay isang mahapding kaparusahan, at sa kanila ay walang makatutulong." (Quran 3:91)
Ang Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ng Islam ay nagsabi:
"Isa sa mga tao ng Impiyerno na nalasap ang karamihan ng kasiyahan sa kanyang buhay sa mundong ito ay ilalabas sa Araw ng Muling Pagkabuhay at ilulublob sa Apoy ng Impiyerno. Pagkatapos siya ay tatanungin, ‘O anak ni Adam, nakakita ka na ba ng isang bagay na maganda?’ Nakaranas ka na ba ng anumang kasiyahan?’ Siya ay magsasabi, ‘Hindi pa, O Panginoon."[1]
Kaunting sandali lamang sa Impiyerno at kanilang makakalimutan lahat ng magagandang panahon na nagkaroon sila. Ang Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan) ng Islam ay ipina-batid ito sa atin:
"Sa Araw ng Muling Pagkabuhay, Tatanungin ng Diyos ang yaong may pinakamgaan na kaparusahan sa Apoy, ‘Kung ikaw ay nagmamay-ari ng kung anuman ang iyong ninanais sa lupa, ipamimigay mo ba ito upang iligtas ang iyong sarili?’ Kanyang sasabihin, ‘Oo.’ Sasabihin ng Diyos, ‘Kakaunti pa dyan ang ninais Ko mula sa iyo noong ikaw ay nasa baywang pa ni Adam, hiniling Ko sa iyo na huwag iugnay ang anumang bagay sa pagsamba sa Akin, ngunit iginiit mo na iugnay ang mga ibang bagay sa pagsamba sa Akin.’"[2]
Ang kakila-kilabot at tindi ng Apoy ay sapat na para sa isang tao upang siya ay mawala sa kanyang tamang pag iisip. Papayag siyang ipagpalit ang lahat ng kanyang minamahal upang maligtas mula dito, ngunit siya ay hindi kailanman magiging ligtas mula dito. Sinabi ng Diyos:
"Ang mapaggawa ng kabuktutan ay magnanais na siya ay tubusin mula sa parusa sa Araw na iyon ng kanyang mga anak, ng kanyang asawa at kapatid, at ang kanyang malalapit na kamag-anak na nag-aruga sa kanya, at lahat – ng nasa lupa – upang ang mga ito ay iligtas siya. Hindi! Katotohanan, ito ang Apoy (ng Impiyerno), nagtatalop (ito) ng mahigpit hanggang sa anit!" (Quran 70:11-16)
Ang parusa sa Impiyerno ay magkakaiba ng mga antas. Ang pagdurusa sa ibang antas ng Impiyerno ay malaki kumpara sa iba. Ang mga tao ay ilalagay sa antas na naaayon sa kanilang mga gawain. Ang Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan) ng Islam ay nagsabi:
"May mangilan-ngilan na kung saan ang Apoy ay aabot hanggang sa kanilang bukung-bukong, ang iba ay hanggang sa kanilang tuhod, ang iba ay hanggang sa kanilang baywang, subali't ang iba ay aabot hanggang sa kanilang mga leeg."[3]
Siya ay nagkuwento patungkol sa pinakamagaang parusa sa Impiyerno:
"Ang taong makatatanggap ng pinakamagaang parusa sa mga tao sa Impiyerno sa Araw ng Muling Pagkabuhay ay isang lalaki, ilalagay ang nagbabagang uling sa ilalim ng arko ng kanyang paa. Ang kanyang utak ay kukulo dahil dito."[4]
Iisipin ng taong ito na wala nang iba ang pinaparusahan ng mas masaklap pa kaysa sa kanya, kahit na siya ang nakatatanggap ng pinakamagaang parusa.[5]
Maraming mga taludtod sa Quran ang nagbabanggit ng iba't-ibang antas ng parusa para sa mga tao sa Impiyerno:
"Ang mga ipokrito ay nasa kailaliman ng Apoy." (Quran 4:145)
"at sa Araw na iyon na ang hatol ay itinatag (sasabihin sa mga anghel): Isadlak ninyo ang mamamayan ni Paraon sa pinakamahapding parusa!" (Quran 40:46)
Ang Apoy na pinasiklab ng Diyos ay susunugin ang balat ng mga tao sa Impiyerno. Ang balat ang pinakamalaking parte ng katawan at ang lugar ng pakiramdam kung saan ang hapdi ng pagkasunog ay mararamdaman. Papalitan ng Diyos ang nasunog na balat ng bago upang masunog muli, at ito ay mauulit ng mauulit:
"Katotohanan, yaong mga nakikipagtalo hinggil sa Aming mga taludtod – Itatapon Namin sila sa Apoy. Sa tuwing ang kanilang balat ay tuluyang naihaw papalitan Namin ito ng iba pang balat para kanilang matikman ang parusa. Katotohanan, Ang Diyos ay magpakailanman Napakalakas at Matalino." (Quran 4:56)
Isa pang uri ng parusa sa Impiyerno ay ang pagtunaw. Kapag ang sobrang pinainit na tubig ay ibubuhos sa kanilang mga ulo, tutunawin nito ang mga kalamnan:
"…Sa kanilang ulo ibubuhos ang kumukulong tubig na ikatutunaw ng lahat ng nasa loob ng kanilang mga tiyan at (kanilang) mga balat." (Quran 22:19-20)
Sinabi ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan):
"Ibubuhos ang sobrang pinainit na tubig sa kanilang mga ulo at tutunawin ang madadaanan nito hanggang sa pupunitin nito ang kanilang mga laman-loob, lalabas; hanggang lumabas ito mula sa kanilang mga paa, at lahat ay natunaw. At pagkatapos ay sila ay ibabalik sa dating kalagayan."[6]
Isa sa mga paraan na pahihiyain ng Diyos ang mga makasalanan sa Impiyerno ay sa pamamagitan ng pagtipon sa kanila sa Araw ng Paghuhukom sa kanilang mukha, bulag, bingi, at pipi.
"at sila ay Aming titipunin sa Araw ng Muling Pagkabuhay (na nakasubsob) sa kanilang mga mukha – bulag, pipi at bingi. Ang kanilang kanlungan ay ang Impiyerno; sa tuwing ito ay napapawi Aming dinaragdagan ang naglalagablab na Apoy." (Quran 17:97)
"At may dalang masamang gawa — ang kanilang mukha ay itataob sa Apoy, (at sasabihin sa kanila), ‘Hindi ba kayo binabayaran lamang para sa anumang inyong laging ginagawa?’" (Quran 27:90)
"Ang Apoy ay susunugin ang kanilang mga mukha at sila ay mangingiwi sa sakit, ang kanilang mga labi ay masisira." (Quran 23:104)
"Sa Araw na ang kanilang mga mukha ay ibabaling sa Apoy, kanilang sasabihin, ‘Sana kami ay sumunod sa Diyos at sa Kanyang mga Sugo.’" (Quran 33:66)
Isa pang masakit na parusa sa mga hindi nananampalataya ay sila ay kakaladkarin sa kanilang mga mukha papuntang Impiyerno. Sinabi ng Diyos:
"Katotohanan, ang mga mapaggawa ng kabuktutan ay nasa kamalian at kahibangan. Sa Araw na sila ay kakaladkarin sa kanilang mga mukha (sa kanila ay sasabihin), ‘Lasapin ninyo ang dumadaiting init ng Impiyerno.’" (Quran 54:47-48)
Sila ay kakaladkarin sa kanilang mga mukha habang nakatali ng mga kadena at nakagapos:
"Yaong mga nagtatakwil sa Aklat (ang Quran) at sa anumang Aming ipinadala sa Aming mga Sugo – kanilang mapag-aalaman, kapag ang mga kawing ay ipupulupot sa kanilang mga leeg at ang mga bakal na tanikala; sila ay kakaladkarin sa kumukulong tubig; at sa apoy sila ay magniningas." (Quran 40:70-72)
Magdagdag ng komento