Paglalarawan ng Impiyerno (bahagi 2 ng 5): Ang Anyo Nito
Paglalarawanˇ: Ang kinaroroonan, sukat, mga antas, mga tarangkahan at panggatong ng Impiyerno, at pati narin ang mga damit ng mga maninirahan dito.
- Ni Imam Mufti
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 25 Jun 2019
- Nag-print: 28
- Tumingin: 11,129 (araw-araw na pamantayan: 7)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang Kinaroroonan Nito
Walang ganap na nabanggit mula sa Quran o sa mga kasabihan ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) na nagtuturo sa kinaroroonan ng Impiyerno. Walang nakaaalam sa eksakto nitong lugar maliban sa Diyos. Dahil sa palatandaan ng wika at konteksto ng ilang mga hadeeth, ang ilang mga pantas ay nagsabi na ang Impiyerno ay nasa langit, ngunit sabi naman ng iba ay ito ay nasa ibaba ng lupa.
Ang Sukat Nito
Ang Impiyerno ay napakalaki at sobrang lalim. Malalaman natin ito sa maraming paraan.
Una, hindi mabilang ang mga taong papasok ng Impiyerno, bawat isa, tulad ng nailarawan sa isang hadeeth, sa mga bagang na kasing laki ng Uhud (bundok sa Medina)[1] Ang layo sa pagitan ng balikat ng maninirahan nito ay nailarawan din na katumbas sa tatlong araw na paglalakad.[2] Ang Impiyerno ay magiging tahanan ng mga hindi nananampalataya at makasalanan mula sa simula ng panahon at ito ay mayroon pang lugar para sa mas marami. Sinabi ng Diyos:
"Sa araw na kung saan Tayo ay magsasabi sa Impiyerno: ‘Napuno ka naba?’ Sasabihin nito, ‘Mayroon pa ba (na darating)?’" (Quran 50:30)
Ang Apoy ng Impiyerno ay inihahalintulad sa isang gilingan na dinudurog ang libo-libong toneladang butil at pagkatapos ay naghihintay pa ng marami.
Pangalawa, isang bato ang naibato mula sa tuktok ng Impiyerno at ito ay aabutin ng matagal na panahon upang marating ang ilalim. Isa sa mga kasamahan ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan), ay naglarawan kung paano sila nakaupo kasama ang Propeta at kanilang narinig ang isang bagay na nahuhulog. Ang Propeta ay nagtanong kung alam nila kung ano iyon. Nang ipakita nila ang kanilang kakulangan sa kaalaman, sinabi niya:
"Iyon ay isang bato na naibato sa Impiyerno pitumpung taon na ang nakalipas at ito ay papunta parin (kabilang panig) sa Impiyerno hanggang ngayon."[3]
Isa pang ulat ang nagsasabi:
"Kapag ang bato na kasing laki ng pitung buntis na kamelyo ay itinapon mula sa gilid ng Impiyerno, lilipad ito sa loob ng pitumpung taon, at gayon pa man hindi pa nito maaabot ang ilalim."[4]
Pangatlo, maraming malalakas na mga anghel ang magdadala ng Impiyerno sa Araw ng Muling Pagkabuhay. Nagkuwento ang Diyos patungkol dito:
"At ang Impiyerno ay bubuhatin palapit sa Araw na iyon…" (Quran 89:23)
Sinabi ng Propeta:
"Ang Impiyerno ay ilalabas sa Araw na iyon sa pamamagitan ng pitumpung libong lubid, bawat isa ay hawak-hawak ng pitumpung libong anghel."[5]
Pang-apat, isa pang ulat ang nagpapahiwatig ng napakalawak na sukat ng Impiyerno ay ang araw at buwan ay pagugulungin sa Impiyerno sa Araw ng Muling Pagkabuhay.[6]
Ang Mga Antas Nito
Ang Impiyerno ay may iba't-ibang antas ng init at kaparusahan, bawat isa ay nakalaan ayon sa sukat ng kanilang kawalang-paniniwala at kasalanan ng yaong mga pinaparusahan. Sinabi ng Diyos:
"Tiyak, ang mga ipokrito ay nasa pinakamababang (antas) ng Apoy." (Quran 4:145)
Mas mababang antas ng Impiyerno, mas malakas ang tindi ng init. Dahil ang mga ipokrito ang magdurusa ng pinakamasaklap na kaparusahan, kaya sila ang mamamalagi sa pinakamababang parte ng Impiyerno.
Tinukoy ng Diyos ang mga antas ng Impiyerno sa Quran:
"Ang lahat ay (ma-iraranggo) sa pamamagitan ng mga baytang ayon sa kanilang nagawa." (Quran 6:132)
"Ang isa bang tao na hinihingi ang kasiyahan ng Diyos ay katulad ng isang tao na hinahatak niya sa kanyang sarili ang poot ng Diyos? Ang kanyang tirahan ay ang Impiyerno – at pinakamasaklap, katotohanan, ay yaon ang hantungan! Sila ay may iba't-ibang antas sa Diyos, at ang Diyos ang nakakakita kung ano ang kanilang ginagawa." (Quran 3:162-163)
Ang Mga Tarangkahan ng Impiyerno
Tinutukoy ng Diyos ang pitung Tarangkahan ng Impiyerno sa Quran:
"At tiyak, ang Impiyerno ang ipinangakong lugar para sa kanila. Ito ay may pitung tarangkahan, sa bawat tarangkahan ay nakatalaga ang isang uri ng mga makasalanan." (Quran 15:43-44)
Bawat tarangkahan ay may nakalaan na bahagi ng mga isinumpa na papasok dito. Bawat isa ay papasok ayon sa kanyang gawain sa nakatalagang antas ng Impiyerno nang naaalinsunod. Kapag ang mga hindi nananampalataya ay dinala sa Impiyerno, ang mga tarangkahan nito ay magbubukas, papasukin nila ang mga ito, at mananatili doon magpakailanman:
"At yaong mga hindi naniwala ay itutulak sa Impiyerno ng langkayan hanggang sa, kapag sila ay dumating, ang mga tarangkahan nito ay magbubukas at sasabihin ng mga tagabantay nito, ‘Wala bang dumating sa inyong mga sugo mula sa inyo, binabanggit sa inyo ang mga taludtod ng inyong Panginoon at binabalaan kayo sa pagkikita sa Araw na ito?’ Kanilang sasabihin, ‘Oo meron, ngunit ang salita (ibig sabihin ang kapasiyahan) ng kaparusahan ay naging may bisa na sa mga hindi naniwala.’" (Quran 39:71)
Sila ay sasabihan pagkatapos ng pagpasok:
"Pumasok kayo sa tarangkahan ng Impiyerno upang manatili doon magpakailanman, at ang tirahan ng mga mapagmataas ay ubod ng sama." (Quran 39:72)
Ang mga tarangkahan ay isasara at walang pag-asang tumakas tulad ng sinabi ng Diyos:
"At yaong mga tinanggihan ang Aming mga palatandaan, sila ang mga kasamahan ng kaliwa. Sa ibabaw nila ay magsasara ang Apoy (ang mga tarangkahan ng Impiyerno ay nakakandado).[7]" (Quran 90:19-20)
At saka, sinabi ng Diyos sa Quran:
"Pighati para sa bawat manloloko at mangungutya, na nagtitipon ng yaman at (patuloy na) binibilang ito. Akala niya ang kanyang kayamanan ang magbibigay ng walang kamatayan. Hindi! Siya ay tiyak na itatapon sa Pandurog. At ano ang makakapagpabatid sa iyo kung ano ang mga Pandurog? Ito ay ang Apoy ng Diyos, (walang hanggan) nagatungan, Na ang init nito ay sasadlak sa puso. Katotohanan, ito (Impiyerno) ang lulukob sa kanila sa mga mahababang haligi." (Quran 104:1-9)
Ang mga tarangkahan ng Impiyerno ay sarado rin bago ang Araw ng Paghuhukom. Ang Propeta ng Islam ay binanggit ito na nagsasara sa buwan ng Ramadan.[8]
Ang Panggatong Nito
Mga bato at sutil na di nananampalataya ang magiging panggatong ng Impiyerno gaya sa sinabi ng Diyos?
"O ikaw na nanampalataya, iligtas mo ang iyong sarili at iyong mga pamilya mula sa Apoy kung saan ang panggatong ay mga tao at bato..." (Quran 66:6)
"…at katakutan ninyo ang Apoy, kung saan ang panggatong ay mga tao at bato, inihanda para sa mga hindi nananampalataya." (Quran 2:24)
Isa pang panggatong sa Impiyerno ay ang mga diyos ng pagano na sinasamba maliban sa Diyos:
"Katotohanan, kayo (hindi nananampalataya) at kung ano ang inyong sinasamba maliban sa Diyos ang panggatong ng Impiyerno. Kayo ay darating upang (pumasok) dito. Kung ang mga (hindi tunay na diyos) ito (tunay na) mga diyos, hindi nila ito mararating, ngunit ang lahat ay walang hanggan doon." (Quran 21:98-99)
Ang Damit Ng Mga Maninirahan Dito
Sinasabi sa atin ng Diyos na ang damit ng mga maninirahan ng Impiyerno ay damit na gawa sa apoy para sa kanila:
"…At yaong mga hindi nanampalataya ginupit para sa kanila ang mga damit na apoy. Ibubuhos sa kanilang ulo ang nakakapasong tubig." (Quran 22:19)
"At makikita mo ang mga makasalanan sa Araw na iyon na nakagapos ng kadena na magkakasama, ang kanilang mga damit ay alkitran (tinunaw na tanso) at ang kanilang mga mukha ay nababalutan ng apoy." (Quran 14:49-50)
Magdagdag ng komento