Paglalarawan ng Impiyerno (bahagi 1 ng 5): Panimula

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Ang mga pangalan ng Impiyerno, ang pag-iral nito at pagkawalang hanggan, at mga tagabantay nito.

  • Ni Imam Mufti
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 31 Aug 2024
  • Nag-print: 36
  • Tumingin: 14,311 (araw-araw na pamantayan: 9)
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

A_Description_of_Hellfire_(part_1_of_5)_001.jpgItinuturo ng islam na ang Impiyerno ay tunay na lugar na inihanda ng Diyos para sa mga yaong hindi naniniwala sa Kanya, naghihimagsik laban sa Kanyang mga batas, at itinatanggi ang Kanyang mga sugo. Ang Impiyerno ay totoong lugar, hindi lamang isang estado ng pag-iisip o isang espiritual na nilalang. Ang mga kakila-kilabot, kirot, dalamhati, at kaparusahan ay lahat totoo, ngunit naiiba ang kanyang likas na katangian kumpara sa kanilang mga makalupang kapareho. Ang Impiyerno ang pinikamatinding kahihiyan at pagkalugi, at wala nang mas lulubha rito:

"O aming Panginoon! Tiyak, kung sino man ang Iyong papapasukin sa Apoy, katunayan na siya ay ipinahiya Mo, at hinding-hindi makakahanap ang mga nagkasala ng makakatulong." (Quran 3:192)

"Hindi ba nila alam na kung sino man ang tumutol sa Diyos at sa Kanyang mga Sugo (Muhammad), kasiguraduhan para sa kanya ang Apoy ng Impiyerno upang manatili doon? Yaon ang pinakamatinding kahihiyan." (Quran 9:63)

Ang Mga Pangalan ng Impiyerno

Ang impiyerno ay may iba't-ibang pangalan sa mga teksto ng Islam. Bawat pangalan ay nagbibigay ng ibang paglalarawan. Ilan sa mga pangalan nito ay:

Jaheem – apoy - dahil sa nagliliyab na apoy nito.

Jahannam - Impiyerno - dahil sa kalaliman ng hukay nito.

Ladthaa - naglalagablab na apoy - dahil sa apoy nito.

Sa’eer - nagliliyab na apoy - dahil ito ay nakasindi at nagniningas.

Saqar - dahil sa tindi ng kanyang init.

Hatamah - pira-pirasong mga labi - dahil sinisira at dinudurog nito ang lahat ng maitapon dito.

Haawiyah - bangin o kailaliman - dahil ang maitatapon dito ay magmumula sa taas paibaba.

Ang Paraiso at Impiyerno ay Kasalukuyang Umiiral at Walang Hanggan

Umiiral ang Impiyerno sa kasalukuyang panahon at magpapatuloy ito magpakailanman. Hinding-hindi ito huhupa, at ang mga maninirahan dito ay mananatili sa loob nito magpakilanman. Walang sino man ang makakalabas mula rito maliban sa mga nananampalatayang nagkasala na naniniwala sa kaisahan ng Diyos sa buhay na ito at naniwala sa partikular na propeta na ipinadala para sa kanila (bago ang pagdating ni Muhammad). Ang mga politeyistiko at hindi nananampalataya ay maninirahan dito magpakailanman. Ang paniniwalang ito ay ginaganap na mula pa noong unang panahon at nakaayon sa mga malinaw na taludtod ng Quran at mga nakumpirmang ulat mula sa Propeta ng Islam. Ang Quran ay nagkukuwento patungkol sa Impiyerno sa nakaraang panahon at inilalahad na ito ay nalikha na:

"At katakutan mo ang Apoy na inihanda para sa mga hindi nananampalataya." (Quran 3:131)

Ang Propeta ng Islam ay nagsabi:

"Kapag namatay ang sinuman sa inyo, ipinapakita sa kanya ang kanyang kalalagyan (sa kabilang-buhay) umaga hanggang gabi. Kapag siya ay isa sa mga maninirahan ng Paraiso, ipinapakita sa kanya ang lugar ng maninirahan sa Paraiso. Kapag siya ay isa sa maninirahan ng Impiyerno, ipinapakita sa kanya ang lugar ng maninirahan sa Impiyerno. Siya ay sasabihan, ‘ito ang iyong kalalagyan, hanggang sa muling buhayin ka ng Diyos sa Araw ng Muling Pagkabuhay." (Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim)

Sa ibang ulat, ang Propeta ay nagsabi:

"Tiyak, ang kaluluwa ng isang mananampalataya ay isang ibon na nakasabit sa mga puno ng Paraiso, hanggang sa ibalik ito ng Diyos sa kanyang katawan sa Araw ng Muling Pagkabuhay." (Muwatta of Malik)

Ang mga teksto na ito ang nagpapaliwanag na ang Impiyerno at ang Paraiso ay kasalukuyang umiiral, at ang mga kaluluwa ay maaaring makapasok sa kanila bago dumating ang Araw ng Muling Pagkabuhay. Tungkol sa pagiging walang hanggan ng Impyerno, sinabi ng Diyos:

"Ninanais nilang umalis mula sa Apoy, ngunit kailanma'y hindi sila makaaalis mula rito; at para sa kanila ang parusang mamamalagi." (Quran 5:37)

"…At hindi sila makaaalis mula sa Apoy." (Quran 2:167)

"Tiyak, yaong mga hindi nanampalataya at nagkasala; Hindi sila patatawarin ng Diyos, At hindi rin Niya sila gagabayan sa kahit na anong daan maliban sa daan papuntang Impiyerno, upang manatili doon magpakailanman." (Quran 4:168-169)

"Tiyak, Isinumpa ng Diyos ang mga hindi nananampalataya, at inihanda para sa kanila ang naglalagablab na Apoy kung saan sila ay maninirahan magpakailanman." (Quran 33:64)

"At kung sinuman ang sumuway sa Diyos at Kanyang mga Sugo, dahil doon tiyak, para sa kanya ang apoy ng Impiyerno, siya ay tiyak na mananatili doon magpakailanman." (Quran 72:23)

Ang mga Tagabantay ng Impiyerno

Mga makapangyarihan at istrikto na mga anghel ang nagbabantay sa Impiyerno na hindi sinusuway ang Diyos. Kanilang ginagawa kung ano ang ipinag-utos sa kanila. Sinabi ng Diyos:

"O ikaw na nananampalataya, iligtas ang iyong sarili at iyong pamilya mula sa Apoy kung saan ang panggatong ay mga tao at mga bato kung saan nasa ibabaw ang (itinalagang) mga anghel, istrikto at marahas, na hindi umuurong (mula sa pagpapatupad) sa utos na kanilang natanggap mula sa Diyos, at ginagawa nila (nang husto kung ano) ang iniutos sa kanila." (Quran 66:6)

Sila ang labinsiyam na tagabantay ng Impiyerno tulad ng sinabi ng Diyos:

"Sa hindi katagalan ihahagis Ko siya sa Impiyerno. At ano ang makapagpapaliwanag sa iyo kung ano ang Impiyerno? Hindi ito nagpapa-ubaya, at gayunman wala itong iniiwan na (hindi sunog) Pinapaitim at binabago ang kulay ng tao! Sa ibabaw nito ay labinsiyam (na mga anghel na tagabantay ng Impiyerno)." (Quran 74:26-30)

Hindi dapat isipin ng isang tao na kakayanin ng mga maninirahan ng Impiyerno na talunin ang mga tagabantay ng Impiyerno dahil labinsiyam lamang sila. Lahat sila ay may lakas na talunin ang buong sangkatauhan. Tinatawag ang mga anghel na ito na ang mga Guwardiya ng Impiyerno ng Diyos sa Quran:

"At sasabihin ng yaong mga nasa Apoy sa mga Guwardiya ng Impiyerno, ‘Makiusap kayo sa inyong Panginoon na pagaanin ang pagdurusa para sa amin ng isang araw!’" (Quran 40:49)

Ang pangalan ng hepeng anghel na nagbabantay sa Impiyerno ay Malik, tulad ng nabanggit sa Quran:

"Tiyak, ang mga hindi nananampalataya ay nasa pagdurusa ng Impiyerno upang manirahan doon magpakailanman. (Ang Pagdurusa) ay hindi pagagaanin para sa kanila, at sila ay ibabaon sa kasiraan na may matinding pagsisisi, mga kalungkutan at kawalan ng pag-asa doon. Hindi kami nagkamali sa kanila, ngunit sila ang mga nagkamali. At sila ay iiyak: ‘O Malik! Hilingin mo sa iyong Panginoon na bigyan kami ng katapusan’ Kanyang sasabihin: ‘Tiyak, mananatili kayo magpakailanman.’ Katunayan Inihatid namin sa inyo ang katotohanan, subalit karamihan sa inyo ay may pagkamuhi sa katotohanan." (Quran 43:74-78)

Mahina Pinakamagaling

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Tingnan ng sama-sama ang lahat ng mga bahagi

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Ibang mga artikulo sa Parehong mga Kategorya

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Minimize chat