Monoteyismo - Nag-iisang Diyos
Paglalarawanˇ: Ano ang Islamikong monoteyismo?
- Ni Aisha Stacey (© 2009 IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 23 Mar 2010
- Nag-print: 1
- Tumingin: 8,681 (araw-araw na pamantayan: 5)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang relihiyong Islam ay bumabatay sa nag-iisang pundasyon ng paniniwala, iyon ay ang walang diyos maliban sa Diyos (Allah). Kapag ang isang tao ay yumakap sa Islam o ang isang Muslim nais magbalik-loob o pagtibayin ang kanyang pananampalataya, sasabihin nila ang kanilang paniniwala na walang diyos na karapat-dapat sambahin maliban kay Allah at si Muhammad ay ang Kanyang huling sugo. Ashadu an la ill laha il Allah wa Ashadu anna Muhammadan Rasulullah, ang pagsasabi ng mga salitang ito, ang Patotoo sa Pananampalataya, ay ang una sa limang haligi o pundasyon ng relihiyong Islam. Ang paniniwala sa Diyos ay ang una sa anim na haligi ng pananampalataya.[1]
Ang mga Muslim ay naniniwala na mayroong nag-iisang Diyos lamang. Siya lamang ang Taga-Panustos at Tagapaglikha ng sansinukob. Siya ay walang mga katambal, anak, o kasamahan. Siya ang Pinaka Mahabagin, Pinaka Marunong, at Pinaka Makatarungan. Siya ang nakaririnig ng lahat, nakakakita ng lahat, at ang nakaaalam ng lahat. Siya ang Una, Siya ang Huli.
“Sabihin (O Muhammad), Siya ay si Allah, (ang) nag-iisa. Allah-us-Samad (Ang Sakdal at Ganap at sandigan o inaasahan ng lahat, hindi Siya kumakain o umiinom). Siya ay hindi nagkaanak at hindi Siya Ipinanganak; At sa Kaniya ay walang makapapantay (makatutulad).” (Quran 112)
“Siya ang Tagapagsimula ng mga kalangitan at kalupaan. Paano Siya nagkaroon ng isang anak na lalaki gayong Siya ay walang kasama [asawa]? At Kanyang nilikha ang lahat ng bagay at Siya ang Maalam sa lahat ng bagay. Iyan si Allah, ang inyong Panginoon! Walang ibang Diyos na dapat sambahin maliban sa Kanya, ang Tagapaglikha ng lahat ng bagay. Kaya, sambahin Siya [tanging Siya lamang], at Siya ang Tagapangasiwa sa lahat ng bagay. Walang mga paningin ang makapanghahawak sa Kanya, nguni’t Kanyang napanghahawakan ang lahat ng paningin. Siya ang Pinaka Mabait at lubos na Nakababatid.” (Quran 6:101-103)
Minsan ay tinatawag ang paniniwalang ito na Monoteyismo na kung saan ito ay nagmula sa salitang Griyego na ‘monos’ na nangangahulugan ng ‘lamang’ at ‘theos’ na nangangahulugan ng diyos. Ito’y mahigit-kumulang na bagong salita sa wikang Ingles ito ay tumutukoy sa kataas-taasang Sinuman na Pinaka-Makapangyarihan, ang Siyang nagsasanhi sa buhay, ang Siyang nagbibigay gantimpala o parusa. Ang Monoteyismo ay kabaligtaran ng Politeyismo, na siyang paniniwala nang higit pa sa isang diyos, at ang Ateyismo, na walang paniniwala sa lahat ng diyos.
Kung ating isasaalang-alang ang pangkalahatang kahulugan ng salitang ‘monoteyismo’ ang Hudaismo, Kristyanismo, Islam at Soroastrianismo at iba pang pilosopiya ng Hindu ay maaaring kabilang ang lahat ng ito. Gayunpaman ito ay, mas pang karaniwang tumutukoy sa Hudaismo, Kristiyanismo, at Islam bilang ang tatlong monoteyismong mga relihiyon at pinagsama-sama; gayunman, mayroong mga kapuna-punang pagkakaiba ang Kristiyanismo at Islam.
Ang konsepto ng tatlong persona ay likas sa karamihan ng mga Kristiyanong sekta na tila kasama sa mga aspeto ng karamihan. Ang paniniwala na ang nag-Iisang Diyos ay kasama sa tatlong banal na persona (ama, anak, at banal na espiritu santo) ay salungat sa konsepto ng monoteyismong likas sa Islam, na kung saan ang Kaisahan ng Diyos ay hindi mapag-aalinlanganan. Ang ilan sa grupo ng mga Kristiyano, kasama na dito ang kilala sa tawag na Unitario na naniniwala na ang Diyos ay Isa at hindi maaaring maging isang Diyos at tao pareho. Kinuha nila ang sinabi ni Hesus sa Juan 17:3, “Ang Nag-Iisang Tunay na Diyos” sa literal nitong kahulugan. Gayunpaman, ang karamihan sa mga Kristiyano ay hindi nakikibahagi sa paniniwalang ito.
Sa relihiyon ng Islam ang paniniwala sa Isang Diyos, na walang katambal o kasama ay mahalaga. Ito ang sentro ng relihiyon at ito ang diwa ng Quran. Ang Quran ay nag-aanyaya sa sangkatauhan upang sambahin ang Nag-Iisang Diyos at upang tigilan ang pagsamba sa mga huwad na diyos o mga katambal. Ang Quran ay nag-aanyaya sa atin upang tingnan ang mga kahanga-hangang likha at maunawaan ang Kadakilaan at Kapangyarihan ng Diyos, at ito ay tumutukoy sa Kanyang mga pangalan, mga katangian, at mga gawa. Ang Quran ay nag-uutos sa atin na ayawan ang anumang bagay na sinasamba sa halip na ang Diyos, o katambal ang Diyos (Allah).
“At Ako (Diyos) ay hindi lumikha ng jinn at tao maliban na sila ay sumamba sa Akin (tanging sa Akin lamang).” (Quran 51:56)
Ang Islam ay madalas na tinutukoy bilang purong monoteyismo. Ito ay walang kaugnayan sa kakaibang konsepto o pamahiin. Ang paniniwala na nag-Iisa ang Diyos ay kinakailangang tiyak. Ang mg Muslim ay sumasamba sa Nag-Iisang Diyos, Siya ay walang katambal, kasama, o katulong. Ang pagsamba ay direkta lamang sa Diyos, dahil Siya ang tanging Nag-Iisang Karapat-dapat na sambahin. Wala nang mas hihigit pa sa Nag-Iisang Diyos.
“Ang mga papuri at pasasalamat ay sa Diyos, at ang kapayapaan ay sa Kanyang mga alipin na Kanyang hinirang (para sa Kanyang mensahe)! Ang Allah ba ang nakahihigit, o (lahat) ng inyong itinambal sa (Kanya)?” (Siyempre, ang Diyos ay mas Mainam)
Hindi ba Siya ang (mas nakahihigit kaysa sa inyong mga diyos) na Siyang lumikha ng mga kalangitan at kalupaan, at nagpababa para sa inyo ng tubig (ulan) mula sa kalangitan, na kung saan Aming idinulot upang mapalago ang kahalihalinang hardin na puno ng kagandahan at kagalakan? Ito ay wala sa inyong kakayahan na magsanhi ng paglago ng mga puno. Mayroon bang ibang diyos na kasama ang Allah? Hindi, ngunit sila ay mga taong nag-aakibat ng katambal na pantay (sa Kanya)!
Hindi ba Siya ang (mas nakahihigit kaysa sa inyong mga diyos) na Siyang gumawa ng kalupaang di-natitinag, at Kanyang inilagay doon ang mga ilog sa gitna nito, at inilagay rito ang mga matatatag na bundok, at naglagay ng isang harang sa pagitan ng dalawang dagat (ng asin at matamis na tubig). Mayroon pa bang ibang diyos na kasama si Allah? Hindi, ngunit karamihan sa kanila ay hindi nakababatid.
Hindi ba Siya ang (mas nakahihigit kaysa sa inyong mga diyos) na Siyang tumutugon sa isang nagdadalamhati, kapag siya ay nanawagan sa Kanya, at Siyang pumapawi ng kasamaan, at gumawa sa inyo bilang mga kahalili sa kalupaan, sa mga henerasyon pagkatapos ng henerasyon. Mayroon pa bang ibang diyos na kasama si Allah? Sadyang napakakaunti ng inyong naaalala!
Hindi ba Siya ang (mas nakahihigit kaysa sa inyong mga diyos) na Siyang nagpapatnubay sa inyo sa kadiliman ng lupa at karadagatan, at Siyang nagpadala ng mga hangin bilang magandang balita, bago pa man dumating ang Kanyang habag (ulan)? Mayroon pa bang ibang diyos na kasama ang Allah? Siya ay Mataas nang higit sa anumang kanilang itinatambal (sa Kanya)!
Hindi ba Siya ang [tanging] nagpasimula sa paglikha, at pagkaraan ito ay Kanyang uulitin, at Siya ang nagbigay [ng panustos] para sa inyo mula sa kalangitan at kalupaan? Mayroon bang ibang diyos na kasama ni Allah? Sabihin: "Magpakita kayo ng inyong mga patunay, kung kayo ay makatotohanan.” (Quran 27:59-64)
Talababa:
[1] Ang anim na haligi ng pananampalataya ay ang paniniwala sa Diyos, sa Kanyang mga Anghel, Kanyang mga Propeta at Mensahero, sa lahat ng Kanyang mga ipinahayag na mga kasulatan, sa Araw ng Paghuhukom, at sa banal na kahihinatnan.
Magdagdag ng komento