Ang Kuwento ni Abraham (bahagi 3 ng 7): Ang Sumira ng Pagsamba sa mga Diyus-diyosan
Paglalarawanˇ: Sinira ni Abraham ang mga idolo ng kanyang bayan upang mapatunayan sa kanila ang kawalang-saysay ng kanilang pagsamba.
- Ni Imam Mufti
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 25 Jun 2019
- Nag-print: 8
- Tumingin: 10,759 (araw-araw na pamantayan: 7)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Pagkatapos ay dumating na ang oras na ang pangangaral ay dapat nang samahan ng pisikal na pagkilos. Pinlano ni Abraham ang isang matapang at desididong pagsira ng idolatriya. Ang kwento sa Quran ay bahagyang naiiba kaysa sa nabanggit sa mga tradisyon ng Hudyo-Kristyano, tulad ng sinasabi nila na sinira ni Abraham ang mga personal na idolo ng kanyang ama.[1] Sinasabi ng Quran na sinira niya ang mga idolo ng kanyang bayan, na pinananatili sa isang relihiyosong dambana. Ipinahiwatig ni Abraham ang isang plano na may kinalaman sa mga idolo:
"At sa pamamagitan ni Allah, ako ay magbabalak ng isang plano (upang wasakin) ang inyong mga diyus-diyosan (imahen) matapos na kayo ay umalis at magsitalikod." (Quran 21:57)
Sa panahon ito para sa isang pagdiriwang ng relihiyon, marahil para kay Sin, kung saan iniwan nila ang bayan. Inanyayahan si Abraham na dumalo sa mga pagdiriwang, ngunit nagdahilan siya,
"At sumulyap siya sa mga bituin. Pagkatapos ay sinabi: 'O! May sakit ako!’"
Kaya, nang umalis ang kanyang mga kapatid na hindi siya kasama, ito ay naging kanyang pagkakataon. Nang iwan ang templo, lumakad paroon si Abraham at lumapit sa mga pinatungan ng gintong mga kahoy na mga idolo, na may masasarap na pagkain na iniwan sa harap ng mga pari. Kinutya sila ni Abraham sa kawalan ng paniniwala:
"Pagkatapos ay lumingon siya sa kanilang mga diyos at sinabing: 'Hindi ka ba kakain? Ano ang sakit mo at hindi ka nagsasalita?’"
Pagkatapos ng lahat, ano ang maaaring maglinlang sa tao upang sumamba sa mga diyos ng kanyang sariling inukit?
"Pagkatapos ay sinalakay niya ang mga ito, gamit ang kanyang kanang kamay."
Sinasabi sa atin ng Quran:
"Ginawa niya ang mga ito na pira-piraso, lahat maliban sa pinuno ng mga ito."
Nang bumalik ang mga pari sa templo, nagulat sila nang makita ang kalapastanganan, ang pagkawasak ng templo. Nagtataka sila kung sino ang maaaring gumawa nito sa kanilang mga idolo nang may nagbanggit sa pangalan ni Abraham, na ipinaliwanag na siya ay nagsasalita ng masama sa kanila. Nang tinawag nila siya sa kanilang harapan, pagkakataon na ito ni Abraham para ipakita sa kanila ang kanilang kamangmangan:
"Sinabi niya: 'Sumasamba kayo sa kung saan kayo mismo ang umukit samantalang nilikha kayo ng Diyos at kung ano man ang iyong ginagawa?’"
Ang kanilang galit ay tumataas; hindi ito panahon ng pangangaral sa kanila, sila ay dumiretso sa puntong:
"Ikaw ba ang gumawa nito sa aming mga diyos, O Abraham?"
Ngunit iniwan ni Abraham ang pinakamalaking diyos na hindi nagalaw para sa isang kadahilanan:
"Sinabi niya: 'Marahil ito, ang kanilang pinuno ang gumawa nito. Kaya tanungin niyo siya, kung makakapagsalita siya!’"
Nang hinamon sila ni Abraham, sila ay nalito. Sinisi nila ang bawat isa sa hindi pag-iingat sa mga idolo at, tumanggi na matugunan ang kanyang hamon, sinabi:
"Tunay na alam mong hindi nagsasalita ang mga ito!"
Kaya iginiit ni Abraham ang kanyang dahilan.
"Sinabi niya: 'Sumasamba kayo diyan sa halip na sa Diyos na hindi niyo naman napapakinabangan, o makapagdudulot ng kasamaan sa inyo? Kasuklam-suklam sa inyo at sa lahat ng sinasamba ninyo maliban sa Diyos! Wala ba kayong pang-unawa?’"
Ang mga nag-aakusa ay naging mga akusado. Sila ay inakusahan ng lohikal na hindi pagkakapantay-pantay, at sa gayon ay walang sagot para kay Abraham. Dahil ang katuwiran ni Abraham ay hindi masasagot, ang kanilang tugon ay galit at bangis, at hinatulan nila si Abraham na masunog ng buhay,
"Bumuo para sa kanya ng isang gusali at ibato siya sa pulang mainit na apoy."
Ang mga mamamayan ng bayan ay tumulong sa pangangalap ng kahoy para sa pagsunog, hanggang sa ito ang pinakamalaking sunog na kanilang nakita. Ang batang si Abraham ay sumuko sa kapalaran na pinili para sa kanya ng Panginoon ng Mundo. Hindi niya pinakawalan ang pananampalataya, sa halip ang pagsubok ay nagpalakas sa kanya. Hindi kumurap si Abraham sa harap ng isang nagniningas na kamatayan kahit sa batang edad na ito; sa halip ang kanyang mga huling salita bago ipasok ay,
"Sapat na para sa akin ang Diyos at Siya ang pinakamahusay na tagapagtaguyod ng mga gawain." (Saheeh Al-Bukhari)
Narito muli ang isang halimbawa ni Abraham na nagpapatunay sa katunayan ng mga pagsubok na kanyang kinaharap. Ang kanyang paniniwala sa Tunay na Diyos ay nasubok dito, at napatunayan niya na handa pa siyang isuko ang kanyang pag-iral sa panawagan ng Diyos. Ang kanyang paniniwala ay napatunayan sa kanyang pagkilos.
Hindi ninais ng Diyos na ito ang magiging katapusan ni Abraham, sapagkat mayroon pa siyang isang dakilang misyon sa hinaharap. Siya ay magiging ama ng ilan sa mga pinakadakilang propeta na kilala sa sangkatauhan. Iniligtas ng Diyos si Abraham bilang isang tanda para sa kanya at sa kanyang mga tao.
"Kami (Diyos) ay nagsabi: 'O apoy, maging malamig at payapa para kay Abraham.' At nais nilang maglagay ng isang patibong para sa kanya, ngunit ginawa Namin silang higit na mga talunan."
Sa gayon ay nakatakas si Abraham sa apoy, na walang sugat. Sinubukan nilang maghiganti para sa kanilang mga diyos, ngunit sa huli sila at ang kanilang mga idolo ang napahiya.
Magdagdag ng komento