Mga Anghel (bahagi 1 ng 3): Nilikha upang Sumamba at Sumunod sa Diyos

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+
  • Ni Aisha Stacey (© 2009 IslamReligion.com)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 11 Mar 2024
  • Nag-print: 4
  • Tumingin: 10,167 (araw-araw na pamantayan: 7)
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Angels_(part_1_of_3)_001.jpg Ang mga Muslim ay naniniwala sa pag-iral ng mga anghel. Sa Islam ay mayroong anim na haligi ng pananampalataya; paniniwala sa Diyos, ang Nag-iisa at Natatangi, ang Tagapaglikha at Tagapagtustos sa lahat ng mga umiiral, paniniwala sa Kanyang mga anghel, sa Kanyang mga Aklat, sa Kanyang mga propeta, ang Huling Araw at ang banal na kahihinatnan.

Ang mga anghel ay kabilang sa mga nilalang na hindi nakikita, nguni’t ang mga Muslim ay naniniwala sa kanilang pag-iral nang may buong katiyakan sapagka’t ang Diyos at Kanyang sugo, na si Muhammad, ay nagbigay sa atin ng impormasyon patungkol sa kanila. Ang mga anghel ay nilikha ng Diyos upang sumamba at sumunod sa Kanya. Mababasa sa Quran:

“Sila, (ang mga anghel) ay hindi sumusuway , sa mga Kautusang kanilang natatanggap mula sa Diyos, at ipinatutupad nila ang anumang ipinag-utos sa kanila.” (Quran 66:6)

Nilikha ng Diyos ang mga anghel mula sa liwanag. Ang Propeta Muhammad, nawa ang habag at mga pagpapala ng Diyos ay mapasakanya, ay nagsabi, “Ang mga anghel ay nilikha mula sa liwanag,”[1] Wala tayong kaalaman kung kailan nilikha ang mga anghel, gayunpaman, ang alam natin na iyon ay bago pa ang paglalang sa sangkatauhan. Ipinaliliwanag sa Quran na ang Diyos ay nagsabi sa mga anghel ng Kanyang balak na lumikha ng tagapamahala sa mundo. (2:30)

Alam ng mga Muslim na ang mga anghel ay magagandang nilalang. Ayon sa Quran 53:6 inilalarawan ng Diyos ang mga anghel bilang dhoo mirrah, ito ay katagang Arabe na kung saan ang mga bantog na pantas ay binigyan-kahulugan bilang, matangkad at marikit sa anyo. Inilalarawan din sa Quran (12:31) na ang Propetang si Yusuf (Joseph) bilang marikit, tulad ng isang marangal na anghel.

Ang mga anghel ay may mga pakpak, at marahil ito’y napakalaki. Walang anumang nakasulat alinman sa Quran, o sa mga tradisyon ng Propeta Muhammad na nagpapahiwatig na ang mga anghel ay may pakpak na mga sanggol o anumang anyo ng kasarian.[3]Ang alam lang natin magkagayunpaman, na ang mga anghel ay mayroong pakpak at ang iba ay talagang napakalaki. Mula sa mga tradisyon ng Propeta Muhammad batid natin na ang laki ng sukat ng anghel na si Gabriel na napupunan ang espasyo sa pagitan ng langit at lupa[4]at siya ay may anim na daang pakpak[5].

“...Ginawa Niya ang mga anghel, bilang mga sugong mayroong mga pakpak – dalawa, o tatlo, o apat (na pares)...” (Quran 35:1)

Mayroon ding pagkakaiba-iba ng katayuan ang mga anghel. Yaong mga anghel na naroroon sa unang digmaan, Ang Digmaan sa Badr, ay kinilala bilang mga “pinakamainam” na mga anghel.

“Ang anghel Gabriel ay nagtungo sa Propeta Muhammad at nagtanong, ‘Paano mo uuriin ang mga taong kasama mo na kung saan ay kasalukuyang naroon sa Badr?’ Si Muhammad, nawa ang habag at mga pagpapala ng Diyos ay mapasakaniya, ay sumagot, ‘Sila ang mga pinakamainam sa mga Muslim,’ o iba pang katulad nito. Si Gabriel ay nagsabi: ‘Kung gayon sila ay kasama ng mga anghel na kasalukuyang naroon sa Badr.’”[6]

Naniniwala ang mga Muslim na ang mga anghel ay hindi nangangailangan ng pagkain o inumin. Ang kanilang panustos ay ang pagluluwalhati sa Diyos at paulit-ulit na mga salitang, walang ibang Diyos kundi si Allah. (Quran 21:20).

“. . . Yaong mga [mga anghel na] malalapit sa iyong Panginoon ay nagluluwalhati sa Kanya sa gabi at sa maghapon, at sila ay walang [anumang nararamadamang kapaguran].” (Quran 41:38)

Ang kuwento ng Propeta na si Abraham sa Quran ay nagpapahiwatig din na ang mga anghel ay walang pangangailangan sa pagkain at paginom. Noong ang mga anghel, ay nasa anyong mga kalalakihan, kanilang binisita ang Propeta Abraham upang dalhin sa kanya ang mabuting balita sa pagsilang ng anak na lalaki, siya’y naghandog para sa kanila ng isang guya sa kanilang karangalan. Sila’y tumanggi sa pagkain at siya ay nangilabot, nang isiniwalat nila ang kanilang sarili bilang mga anghel. (Quran 51:26-28)

Marami ang mga anghel, subali’t tanging Diyos lamang ang nakaaalam ng eksaktong bilang. Noong kanyang pag-akyat sa langit, ang Propeta Muhammad ay dumalaw sa isang Bahay-Panalanginan na kilala bilang “Ang Bahay na Madalas Bisitahin”, o, sa wikang Arabe al Bayt al-Mamoor, ang makalangit na katumbas ng Kaaba.[7]

Pagkatapos ako ay iniangat patungo sa “Ang Bahay na Madalas Bisitahin”: araw-araw ay pitong libong mga anghel ang bumibisita dito at umaalis, hindi na muling bumabalik rito, at ibang (grupo) naman ang sumusunod pagkatapos nila.”[8]

Ang Propeta Muhammad ay nagbigay din impormasyon sa atin na sa Araw ng Paghuhukom, ang Impyerno ay dadalhin at ipakikita sa mga tao. Kanyang sinabi, “Ang Impyerno ay dadalhin sa araw na iyon sa pamamagitan ng pitong libong mga lubid, bawat isa nito’y hahatakin ng pitong libong mga anghel.”[9]

Ang mga anghel ay may taglay na matinding kapangayarihan. Mayroon silang kakayahan na gumanap ng iba’t ibang anyo. Sila’y nagpakita noon sa kanilang dalawa kina Propeta Abraham at Propeta Lot bilang mga lalaki. Ang anghel na si Gabriel ay nagpakita noon kay Maria ang ina ni Hesus bilang isang lalaki, (Quran 19:17) at siya ay nagpakita noon sa Propeta Muhammad bilang isang lalaki, na kung saan ang damit ay may labis na kaputian, at kung saan ang buhok ay labis ang kaitiman.[10]

Ang mga anghel ay malalakas. Apat na anghel ang nagdadala ng Trono ng Diyos, at sa Araw ng Paghuhukom ang kanilang bilang ay madadagdagan sa walo. Kabilang sa mga tradisyon ng Propeta Muhammad ay ang pagsasalaysay sa paglalarawan ng isa sa mga anghel na nagdadala ng Trono ng Diyos. “Ang distansya sa pagitan ng kanyang pingol ng tainga at ng kanyang mga balikat ay katumbas ng pitong-daang taon ng paglalakbay.”[11]

Ang mga anghel ay isinasakatuparan ang iba’t ibang mga tungkulin at mga responsibilidad. Ang iba ay responsable sa mga bagay ng sansinukob. Ang iba ay responsable sa mga karagatan, o sa mga bundok o ang hangin. Minsa’y, matapos ang pagbisita sa siyudad ng Ta’if, isang bayan na malapit sa Mecca, ang Propeta Muhammad ay pinaulanan ng mga bato. Ang anghel na si Gabriel at ang anghel ng kabundukan ay dumalaw sa kanya.

Ang anghel ng kabundukan nag-alok sa kanya upang puksain ang mga suwail na tao sa pamamagitan ng paglibing sa kanila sa ilalim ng bunton ng dalawang magkalapit na mga bundok. Tinanggihan ng Propeta Muhammad ang alok sa kanya sapagka’t siya’y naniniwala na kung sila ay may pagkakataon na huminahon at pagmasdan ang Islam, kanilang tatanggapin ang pagmamahal na ito sa Diyos.[12]

Ang mga anghel ay nagdadala ng mga utos ng Diyos nang walang pag-urong at pag-aalinlangan. Bawat anghel ay may tungkulin o gawain. Ang ilan sa mga anghel ay nagbabantay at kasama ng mga tao, ang iba ay mga mensahero. Sa ikalawang bahagi ating susuriin itong mga tungkulin at matututunan ang mga pangalan ng ilan sa mga anghel na nagsasagawa ng mga ito.



Talababa:

[1] Saheeh Muslim.

[2] Ibn Abbas & Qutadah.

[3] Ang paggamit ng katagang he o siya (panlalaki) ay para sa pagpadali ng baralila at hindi sa pagpahiwatig na ang mga anghel ay mga kalalakihan.

[4] Saheeh Muslim

[5] Ang Musnad ni Imam Ahmad.

[6] Saheeh Al-Bukhari

[7] Ang hugis kubikong gusali, sa gitna ng banal na Masjid, sa siyudad ng Mecca, Saudi Arabia

[8] Saheeh Al-Bukhari

[9] Saheeh Muslim

[10] Ibid

[11] Sunan Abu Dawood

[12] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim

Mahina Pinakamagaling

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Tingnan ng sama-sama ang lahat ng mga bahagi

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Ibang mga artikulo sa Parehong mga Kategorya

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

(Magbasa pa...) Alisin
Minimize chat