Ang Buhay Pagkatapos ng Kamatayan (bahagi 1 ng 2): Isang Pagtatalo
Paglalarawanˇ: Ang mga kadahilanan na mangangailan ng paniniwala sa Buhay pagkatapos ng Kamatayan.
- Ni iiie.net (edited by IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 16 Oct 2011
- Nag-print: 3
- Tumingin: 7,495 (araw-araw na pamantayan: 5)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang tanong na kung mayroon man o walang buhay pagkatapos ng kamatayan ay hindi nakahanay sa larangan ng agham, sapagkat ang agham ay nakaukol lamang sa pag-uuri at pagsusuri ng naitalang impormasyon. Bukod dito, ang tao ay naging abala sa mga pang-agham na mga katanungan at pananaliksik, sa modernong kahulugan ng termino, nitong mga huling siglo lamang, habang siya ay pamilyar sa ideya ng buhay pagkatapos ng kamatayan mula pa noong una. Lahat ng propeta ng Diyos ay Tinawag ang kanilang mga tao upang sambahin ang Diyos at maniwala sa buhay pagkatapos ng kamatayan. Labis nilang pinahalagahan ang paniniwala sa buhay pagkatapos ng kamatayan na kahit na ang isang maliit na pagdududa tungkol sa pagiging totoo nito ay nangangahulugang pagtanggi sa Diyos, at itinuring ang lahat ng iba pang mga paniniwala na walang kahulugan. Ang mga propeta ng Diyos ay dumating at umalis, ang mga panahon ng kanilang pagdating ay nagsipangalat sa libu-libong taon, gayunpaman ang buhay pagkatapos ng kamatayan ay naipahayag na nilang lahat. Ang talagang patunay na kanilang nabigyang kasagutan ang ganitong metapisikang katanungan na may kumpiyansa at pagkakatugma ay humahantong upang patunayan na ang kanilang pinagkukunan ng kaalaman kung ano ang dapat asahan pagkatapos ng kamatayan ay pareho: Banal na rebelasyon.
Alam din natin na ang mga propetang ito ng Diyos ay labis na sinalungat ng kanilang mga tao, lalo na sa isyu ng muling pagkabuhay sa sandaling ang isang tao ay namatay, dahil sa inakala ng kanilang mga tao na ito ay imposible. Ngunit sa kabila ng pagtutol na iyon, nagwagi ang mga propeta ng maraming taimtim na tagasunod. Ang tanong na kung ano ang nag-udyok sa mga tagasunod na iyon upang talikuran ang kanilang mga naunang sistema ng paniniwala ay naglitawan. Ano ang nagtulak sa kanila na tanggihan ang mga naitatag na paniniwala, tradisyon at kaugalian ng kanilang mga ninuno kahit na nailagay sila sa panganib na maging ganap na mahiwalay sa kanilang sariling pamayanan? Ang simpleng sagot ay ginamit nila ang kanilang mga kasanayan ng pag-iisip at puso, at napagtanto ang katotohanan. Napagtanto ba nila ang katotohanan sa pamamagitan ng karanasan nito? Hindi ito maaari, dahil ang perseptuwal o sinasabing karanasan ng buhay pagkatapos ng kamatayan ay imposible.
Sa totoo lang, binigyan ng Diyos ang tao, bukod sa kamalayan sa pang-unawa, pangangatwiran, palasantingan at kamalayang moral din. Ito ang kamalayan na gumagabay sa tao patungkol sa mga katotohanan na hindi mapatunayan sa pamamagitan ng sensory data. Iyon ang dahilan kung bakit ang lahat ng mga propeta ng Diyos, habang tinatawag ang mga tao na maniwala sa Diyos at sa kabilang buhay, ay umapila sa palasantingan, moral at pangangatwirang taglay ng tao. Halimbawa, noong ang mga pagano ng Makkah ay nagtakwil maging sa posibilidad ng buhay pagkatapos ng kamatayan, inilantad ng Quran ang kahinaan ng kanilang paninindigan sa pamamagitan ng pagsulong ng napaka-lohikal at makatuwirang mga argumento sa pagsuporta nito:
“Ang Tao ay nagbigay sa Amin ng isang paghahalintulad, at siya ay nakalimot sa pagkakalikha sa kanya, na nagsasabi: ‘Sino ang magbibigay-buhay sa mga butong ito na nangabulok na?’ Ipagbadya: ‘Siya ang magibigay-buhay sa kanila na lumikha sa kanila noong una, sapagkat Siya ang Lubos na Nakakaalam ng bawat nilalang, na Siyang naggawad sa inyo ng apoy mula sa luntiang puno, at pagmasdan! Kayo ay nakapagpaparingas ng apoy dito. Hindi baga Siya na lumikha ng kalangitan at kalupaan ay makagagawa rin na makalikha ng katulad nila? Oo, at Siya nga ang Sukdol na Tagapaglikha, ang Ganap na Maalam.” (Quran 36:78-81)
Sa isa pang okasyon, malinaw na sinabi ng Quran na ang mga hindi naniniwala ay walang batayan para sa kanilang pagtanggi sa buhay pagkatapos ng kamatayan. Ito ay batay sa dalisay na pagpapalagay:
“Sila ay nagsasabi, ‘Wala nang iba maliban sa kasalukuyang buhay natin; kami ay mamamatay, at kami ay nabubuhay, at tanging panahon lang ang makasisira sa amin.’ Datapuwa't tungkol dito, sila ay walang kaalaman; sila ay naghahaka-haka lamang. At kung ang Aming mga pahayag ay dinadalit sa kanila, ang kanilang panambitan ay walang iba kundi ito, ‘Ibalik mong muli ang aming mga ninuno, kung ikaw ay nagsasabi ng katotohanan.’” (Quran 45:24-25)
Tiyak na bubuhayin ng Diyos ang lahat ng mga patay, ngunit hindi sa ating luho o para sa ating walang saysay na pagsisiyasat sa makamundong sanlibutan; May sariling plano ang Diyos sa mga bagay. Darating ang araw na masisira ang buong sansinukob, at muling bubuhayin ang mga patay upang tumayo sa harap ng Diyos. Ang araw na iyon ay magiging pasimula ng buhay na hindi kailanman magtatapos, at sa Araw na iyon, bawat tao ay gagantimpalaan ng Diyos ayon sa kanyang mabubuti at masasamang gawa.
Ang paliwanag na ibinibigay ng Quran tungkol sa pangangailangan ng buhay pagkatapos ng kamatayan ay kung ano ang hinihingi ng moral na kamalayan ng tao. Sa totoo lang, kung walang buhay pagkatapos ng kamatayan, ang tunay na paniniwala sa Diyos ay magiging walang kaugnayan, o, kahit na ang isang tao ay naniniwala sa Diyos, ito ay magiging hindi makatarungan at walang pakialam na Diyos. Magiging isa Siyang Diyos na minsa'y lumikha lamang ng tao, na walang pakialam sa kanyang kahahantungan pagkatapos. Katotohanan, na ang Diyos ay makatarungan. Kanyang paparusahan ang mga maniniil na ang mga krimen ay hindi mabilang: ang mga pumatay ng daan-daang mga inosenteng tao, gumawa ng malalaking korapsyon sa lipunan, umalipin ng maraming tao upang maglingkod sa kanilang mga luho, at iba pa. Ang tao, na may napakaikling buhay sa mundong ito, at ang pisikal na mundong ito ay may hangganan din, ang mga parusa o gantimpala na katumbas sa masama o marangal na gawa ng mga tao ay hindi posible rito. Mahigpit na sinasabi ng Quran na ang Araw ng Paghuhukom ay nararapat na dumating at magpasya ang Diyos tungkol sa kahihinatnan ng bawat kaluluwa ayon sa talaan ng kanyang mga gawa:
“Ang mga hindi sumasampalataya ay nagsasabi: Ang Oras ay hindi sasapit sa amin. Ipagbadya: Tunay nga, ako ay nanunumpa sa aking Panginoon, ito ay katiyakang darating sa inyo. (Siya) ang Ganap na Nakakaalam ng Nalilingid. Hindi makaliligta sa Kanya maging ang timbang ng isang atomo o anumang bagay na maliit pa rito o malaki sa kalangitan at kalupaan, bagkus ito ay nasa Maliwanag na Talaan. Upang Kanyang magantimpalaan ang mga sumasampalataya at nagsisigawa ng kabutihan. Sasakanila ang pagpapatawad at panustos na nag-uumapaw. Ngunit sila na nagsisikap na kalabanin ang Aming kapahayagan, na naghahamon (sa Amin), sasakanila ang kasakit-sakit na kaparusahan na lubhang matindi.” (Quran 34:3-5)
Ang Araw ng Pagkabuhay ay ang Araw na kung saan ang mga katangian ng Diyos sa Hustisya at Awa ay mahahayag ng lubos. Ibubuhos ng Diyos ang Kanyang awa sa mga nagdusa para sa Kanya sa kanilang makamundong buhay, na naniniwala na naghihintay sa kanila ang isang walang hanggang kaligayahan. Ngunit ang mga taong inabuso ang mga biyaya ng Diyos, na walang pakialam sa darating na buhay, ay nasa pinaka-kahabaghabag na kalagayan. Pagsasalarawan ng paghahambing sa pagitan nila, ang Quran ay nagsabi:
“Kung gayon, siya kaya na pinangakuan Namin ng isang mabuting pangako na kanyang makakaharap, ay katulad niya na binigyan Namin ng kasayahan sa makamundong buhay na ito, at pagkatapos sa Araw ng Pagkabuhay ay mapapabilang siya sa mga lilitisin sa harap ng Diyos?” (Quran 28:61)
Magdagdag ng komento