Si Maria sa Islam (bahagi 2 ng 3)
Paglalarawanˇ: Ang pangalawa sa tatlong bahagi ng artikulo na tumatalakay sa konsepto ng Islam kay Maria: Bahagi 2: Ang pag anunsiyo sa kanya.
- Ni M. Abdulsalam (© 2006 IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 04 Oct 2009
- Nag-print: 4
- Tumingin: 4,886 (araw-araw na pamantayan: 3)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang Pag-anunsiyo sa Kanya
Ipinag-bigay alam sa atin ng Diyos ang pagkakataong ipinarating ng mga Anghel kay Maria ng magandang balita ng isang bata, ang kanyang magiging katayuan sa daigdig, at ilan sa mga himalang gagawin niya:
“At (banggitin) nang sabihin ng mga Anghel: 'O Maria! katotohanan, ang Allah ay nagbigay sa iyo ng magandang balita ng isang salita (Sinabi Niyang, 'Maging') mula sa Kanya, na ang kanyang pangalan ay Mesayas, si Hesus, ang anak ni Maria. At (siya ay) pinarangalan sa mundong ito at sa Kabilang buhay. At (siya ay) mapapabilang sa mga malalapit sa Allah. At siya ay magsasalita sa mga tao mula sa kanyang duyan, (kamusmusan) at kabinataan. At siya ay mabibilang sa (hanay ng) mga matuwid. Siya (si Maria) ay nagsabi: "Aking Panginoon, paano ako magkakaroon ng anak na lalaki gayung walang lalaking humawak sa akin?" Ang Anghel ay nagsabi: "Kahit na, Ang Diyos ay lumilikha ng anumang Kanyang naisin. Kapag Kanyang itinakda ang isang pangyayari (o bagay), Kanyang sasabihin lamang dito: "Maging", kaya mangyayari nga. At Kanyang ituturo sa kanya ang Aklat at mga Karunungan, at ang Torah at Ebanghelyo.” (Quran 3:45-48)
Ito ay katulad ng mga salitang binanggit sa bibiliya:
“Huwag kang matakot, Maria, sapagkat nasa iyo ang pabor ng Diyos. At narito, maglilihi ka sa iyong sinapupunan at magkaka-anak ng isang anak na lalaki at tatawagin sa kanyang pangalang Hesus.”
Siya ay namangha at kanyang sinabi:
“Paano ito mangyayari, gayung wala akong kilalang lalaki?” (Luke 1:26-38)
Ang pagyayaring ito ay napakalaking pagsubok sa kanya, dahil ang kanyang kabanalan at debusyon ay alam ng lahat. Nahuhulaan na niya na siya ay aakusahan ng mga tao na hindi malinis o mahalay.
Sa ibang mga talata sa Quran, isinalaysay ng Diyos ang higit pang mga detalye ng anunsyo ni Gabriel na siya ay manganganak ng isang propeta.
“Pagkaraan, siya ay naglagay ng isang tabing mula sa kanila (upang siya ay mapag-isa). Kaya, Kami ay nagpadala sa kanya ng Aming ruh (banal na espiritu, ang Anghel na si Gabriel), at ito ay nagpakita sa kanya sa (anyo ng) isang ganap na lalaki. Siya (Si Maria) ay nagsabi: "katotohanan, ako ay humihingi ng paglingap mula sa Mahabagin (Diyos) laban sa iyo (o ako ay iyong layuan), kung tunay ngang ikaw ay may takot (sa Kanya). Siya (si Anghel Gabriel) ay nagsabi: "ako ay isang sugo ng iyong Panginoon (na napag-utusan upang) igawad sa iyo ang (magandang balita ng) isang pinagkakapuring anak na lalaki.’” (Quran 19:17-19)
Minsan, noong si Maria ay umalis sa mosque upang kumuha ng kanyang mga pangangailangan, si Anghel Gabriel ay dumating sa kanya na nagkatawang tao. Siya ay natakot dahil ang lalaki ay malapit ng husto sa kanya, at siya ay humingi ng kanlungan sa Diyos. Kaya't sinabi sa kanya ni Gabriel na hindi siya ordinaryong tao, kundi isang Anghel na ipinadala ng Diyos upang ipahayag sa kanya na magkaka-anak siya ng isang dalisay na lalaki. Dahil sa kanyang pagkagulat, siya ay nagsabi,
“Siya (si Maria) ay nagsabi: "Paano ako magkakaroon ng isang anak na lalaki, gayung wala namang lalaki ang sumaling sa akin, at ako ay hindi marumi (o walang dangal)?!’” (Quran 19:20)
Ang anghel ay nagpaliwanag na ito ay utos ng Diyos kung saan ito ay naordinahan na, at ito ay bagay na tunay na madali para sa Diyos na makapangyarihan. Ang Diyos ay nagsabi na ang kapanganakan kay Hesus sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, ay magiging tanda ng Kanyang pagiging Makapangyarihan sa lahat, at gaya ito ng Kanyang pagkakalikha kay Adan na walang tatay o nanay, Kanyang nilikha si Hesus ng walang tatay.
“Siya (si Anghel Gabriel) ay nagsabi: 'Ganyan nga at ito ay mangyayari,' ang iyong Panginoon ay nagsabi: 'Ito ay sadyang madali para sa Akin, at siya ay Aming gagawin bilang palatandaan para sa sangkatauhan at isang habag mula sa Amin at ito ay isang pangyayaring naitakda na.’” (Quran 19:21)
Iniihip ng Diyos ang espiritu ni Hesus kay Maria sa pamamagitan ni anghel Gabriel, at ipinagbuntis si Hesus sa kanyang sinapupunan, tulad ng sinabi ng Diyos sa iba't ibang kabanata:
“At si Maria na anak ni Imran, na pinangalagaan ang kanyang dangal at siya ay Aming hiningahan dito (sa kanyaang damit) mula sa aming ruh (sa pamamagitan ni Anghel Gabriel).” (Quran 66:12)
Noong ang mga palatandaan ng pagbubuntis ay naging lantad na, si Maria ay mas lalo pang nag-alala sa mga sasabihin ng mga tao tungkol sa kanya. Ang balita tungkol sa kanya ay kumalat na sa malayo, ang iba ay nag-umpisa nang akusahan siya sa kanyang pagiging mahalay. Hindi katulad ng paniniwala ng mga Kristyano na si Maria ay ikinasal kay Joseph, pinaninindigan ng Islam na hindi siya ikinasal at nagka-asawa, at dahil dito kaya niya dinanas ang gayong pagdurusa. Alam niya na panghahawakan ng mga tao ang pinaka-lohikal na konklusyon sa kanyang estado ng pagbubuntis, na hindi naman ikinasal. Si Maria ay lumayo o nagtago mula sa mga tao at pumunta sa ibang lupain. Ang Diyos ay nagsabi:
“Kaya siya ay nagdalang tao sa kanya (kay Hesus) at siya ay humayong nagtungo sa isang malayong pook. Ang hirap sa panganganak ay nagdala sa kanya sa puno ng isang datiles.” (Quran 19:22-23)
Magdagdag ng komento