Ang Quran Hinggil sa Malalim na mga Karagatan at mga Panloob na Alon
Paglalarawanˇ: Ang paglalarawan batay sa Quran ukol sa kailaliman ng karagatan, ang kadilimang naroroon at paano nito pinagtibay ang makabagong tuklas ng siyensya.
- Ni islam-guide.com
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 04 Dec 2014
- Nag-print: 1
- Tumingin: 4,129 (araw-araw na pamantayan: 3)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Sinabi ng Allah sa Quran:
“O (ang kalagayan ng mga hindi mananampalataya) ay katulad ng kadiliman sa kailaliman ng karagatan. Natatabunan ng mga alon na pina-ibabawan pa ng mga alon at sa ibabaw nito ay mga ulap. Mga kadilimang magkakapatong. Kapag iunat ng tao ang kanyang kamay (rito), hindi niya ito mababanaagan....” (Qur'an 24:40)
Ang talatang ito ay nagbanggit ukol sa kadiliman na matatagpuan sa kailaliman ng karagatan, na kung saan kahit iunat ng tao ang kanyang kamay ay hindi nya ito makikita. Ang kadiliman sa ilalim ng mga dagat at karagatan ay matatagpuan sa lalim na humigit-kumulang 200 metro at pababa. Sa lalim na ito, ay halos wala nang liwanag. (tingnan ang pigura 1). Sa lalim na 1,000 metro ay sadyang wala nang liwanag na matatagpuan.[1] Ang mga tao ay hindi na kayang sumisid ng mahigit pa sa 40 metro nang walang gamit na submarino o tulong ng espesyal na kagamitan. Hindi mabubuhay ang mga tao nang walang tulong ng espesyal na kagamitan sa malalim na parte ng karagatan tulad na lamang ng lalim na 200 metro.
Natuklasan ng mga siyentipiko kailan lang ang kadiliman na ito sa pamamagitan ng espesyal na kagamitan at submarino na tumulong sa kanila sa pag sisid sa kailaliman ng mga karagatan.
Mauunawaan din natin mula sa mga sumusunod na pangungusap sa naunang talata, “...sa kailaliman ng dagat. Ito ay natatabunan ng mga alon na pinaibabawan pa ng mga alon at sa ibabaw nito ay mga ulap....", na ang malalim na tubig na bahagi ng karagatan ay natatakpan ng mga alon, sa taas ng mga alon na ito ay mayroon pang ibang mga alon. Maliwanag na ang pangalawang pangkat ng alon ay ang mga alon sa ibabaw ng dagat na ating nakikita, sapagkat binanggit sa talata na sa itaas ng pangalawang mga alon ay ang mga ulap. Ngunit ano naman ang unang mga alon? Kamakailan ay natuklasan ng mga siyentipiko na mayroong mga alon sa ilalim ng dagat na "nagaganap sa pagitan ng mga suson ng magkakaibang kapal o bigat ng tubig.”[2] (tingnan ang pigura bilang 2).
Tinatakpan ng panloob na alon ang malalim na tubig ng karagatan sapagkat ang malalim na bahagi ng karagatan ay mas mabigat kung ikukumpara sa tubig sa nasa itaas nito. Ang panloob na alon ay maihahalintulad sa mga alon sa ibabaw ng dagat, maaari din silang mapatid o mabuwag. Ang mga panloob na alon ay hindi makikita ng mga mata ng tao, ngunit ito ay mapapansin sa pag-aaral ng pagbabago ng temperatura o alat sa naturang lugar.[3]
Magdagdag ng komento