Ang Pagpapahintulot ng Propeta sa Ibang mga Relihiyon (bahagi 2 ng 2): Kalayaan sa Relihiyon at Pulitika
Paglalarawanˇ: Maraming nagkakamali sa paniniwala na ang Islam ay hindi pinahihintulutan ang pag-iral ng iba pang mga relihiyon na mayroon na sa mundo. Tatalakayin ng artikulong ito ang ilan sa mga pundasyon na inilatag mismo ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) sa pakikipag-ugnayan sa mga tao ng ibang mga pananampalataya, na may praktikal na mga halimbawa mula sa kanyang buhay. Bahagi 2: Marami pang mga halimbawa mula sa buhay ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) na naglalarawan ng kanyang pagkamaunawain sa ibang mga relihiyon.
- Ni M. Abdulsalam (© 2006 IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 30 Apr 2014
- Nag-print: 3
- Tumingin: 6,422 (araw-araw na pamantayan: 4)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Marami pang ibang mga halimbawa noong nabubuhay pa ang Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) bilang karagdagan sa Saheefah na praktikal na inilalarawan ang pagkamaunawain na ipinapakita ng Islam para sa iba pang mga relihiyon.
Kalayaan sa Relihiyosong Pagtitipon at Kalayaan sa Relihiyon
Dahil sa pahintulot ng konstitusyon, ang mga Hudyo ay may kumpletong kalayaan upang maisagawa ang kanilang relihiyon. Ang mga Hudyo sa Medina noong panahon ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay may sariling paaralan ng kaalaman na ang pangalan ay Bait-ul-Midras, kung saan binibigkas nila ang Torah, sumasamba at tinuturuan ang kanilang mga sarili.
Binigyang diin ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) sa maraming mga sulat sa kanyang mga emisaryo na ang mga institusyong pangrelihiyon ay hindi dapat mapinsala. Dito sa isang liham na ipinadala sa mga emisaryo para sa mga pinuno ng relihiyon ng Saint Catherine sa Bundok Sinai na humingi ng proteksyon sa mga Muslim:
“Ito ay isang mensahe mula kay Muhammad ibn Abdullah, bilang isang tipan sa mga sumusunod sa Kristiyanismo, malapit at malayo, kasama namin sila. Katotohanang ako, ang mga tagapaglingkod, ang mga katulong, at ang aking mga tagasunod ay nagtatanggol sa kanila, dahil ang mga Kristiyano ay aking mamamayan; at sumpa man sa Diyos! Ako ay tutol sa anumang bagay na hindi nakasisiya sa kanila. Walang pamimilit ang mapapasa kanila. Hindi rin matatanggal ang kanilang mga hukom sa kanilang mga trabaho o ang mga monghe sa kanilang mga monasteryo. Walang sinumang sisira sa tahanan ng kanilang relihiyon, o pinsalain ito, o magdala ng anuman mula dito sa mga bahay ng mga Muslim. Sinuman ang kukuha ng alinman sa mga ito, sisirain niya ang tipan ng Diyos at susuwayin ang Kanyang Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala). Katotohanan, sila ay aking mga kaalyado at sa kanila ay ang aking matibay na kasunduan laban sa lahat ng kanilang kinapopootan. Walang sinuman ang maaaring pumilit sa kanilang maglakbay o obligahin silang lumaban.Ang mga Muslim ay lalaban para sa kanila.Kung ang isang babaeng Kristiyano ay ikakasal sa isang Muslim, hindi ito magaganap nang walang pagsang-ayon mula sa kanya.Siya ay hindi pipigilang dumalaw sa kanyang simbahan upang manalangin.Ang kanilang mga simbahan ay idineklara na protektado.Sila ay hindi hahadlangan sa pag-aayos ng mga ito ni sa kabanalan ng kanilang mga tipan.Walang sinuman sa bansa (mga Muslim) ang susuway sa kasunduan hanggang sa Huling Araw (katapusan ng mundo).”[1]
Tulad ng nakikita, ang kasunduang ito ay binubuo ng maraming mga sugnay na sumasaklaw sa lahat ng mahahalagang aspeto ng karapatang pantao, kasama ang mga paksang tulad ng proteksyon ng mga minorya na nabubuhay sa ilalim ng pamamahala ng Islam, kalayaan sa pagsamba at paggalaw, kalayaan na magtalaga ng kanilang sariling mga hukom at pagmamay-ari at pagpapanatili ng kanilang ari-arian, kalayaan mula sa serbisyong militar, at ang karapatan ng proteksyon sa digmaan.
Sa isa pang okasyon, ang Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay tumanggap ng isang delegasyon ng animnapung mga Kristiyano mula sa rehiyon ng Najran, noon ay isang bahagi ng Yemen, sa kanyang moske. Nang dumating ang oras para sa kanilang panalangin, humarap sila sa direksyong silangan at nanalangin. Iniutos ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) na hayaan sila sa kanilang estado at huwag sasaktan.
Politika
Mayroon ding mga halimbawa sa buhay ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) kung saan siya ay nakipagtulungan sa mga tao ng ibang mga pananampalataya sa larangang pampolitika. Pinili niya ang isang hindi Muslim, si Amr-ibn Umaiyah-ad-Damri, bilang isang embahador na ipinadala kay Negus, ang hari ng Ethiopia.
Ito ay ilan lamang sa mga halimbawa ng pagkamaunawain ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) sa iba pang mga pananampalataya. Kinikilala ng Islam na mayroong maraming uri ng mga relihiyon sa mundong ito,at nagbibigay ng karapatan sa mga indibidwal na piliin ang landas na pinaniniwalaan nilang totoo.Ang relihiyon ay hindi dapat, at hindi kailanman, pinilit sa isang indibidwal laban sa kanilang sariling kagustuhan,at ang mga halimbawang ito mula sa buhay ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay ang perpektong halimbawa ng talata ng Quran na nagtataguyod ng pagkamaunawain sa relihiyon at nagtatakda ng gabay para sa pakikisalamuha ng mga Muslim sa mga tao ng ibang mga pananampalataya. Sinabi ng Diyos:
“…Walang sapilitan sa (pagtanggap ng) relihiyon…” (Quran 2:256)
Mga talababa:
[1]“Muslim at hindi Muslim, Mukha sa Mukha”, ni Ahmad Sakr. Pundasyon para sa Kaalaman sa Islam, Lombard IL.
Magdagdag ng komento