Ano ang Sinasabi nila tungkol kay Muhammad (bahagi 3 ng 3)
Paglalarawanˇ: Ang mga pahayag ng mga di-Muslim na iskolar na nag-aral ng Islam tungkol sa Propeta. Bahagi 3: Mga karagdagang pahayag.
- Ni Eng. Husain Pasha (edited by IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 30 Nov 2013
- Nag-print: 4
- Tumingin: 5,216 (araw-araw na pamantayan: 3)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Encyclopedia Britannica:
“....ang isang malawak na detalye sa mga naunang batayan ay nagpapakita na siya ay isang matapat at matuwid na tao na nagkamit ng paggalang at katapatan ng iba na matapat at matuwid din na mga tao.” (Vol. 12)
Ang sinabi ni George Bernard Shaw tungkol sa kanya:
“Dapat siyang tawaging Tagapagligtas ng Sangkatauhan. Naniniwala ako na kung ang isang tao na katulad niya ay manungkulan sa diktadura ng modernong mundo, magtatagumpay siya sa paglutas ng mga problema nito sa isang paraan na magdadala dito sa kailangang kapayapaan at kaligayahan.”
(The Genuine Islam), Singapore, Vol. 1, No. 8, 1936)
Siya ang pinaka kahanga-hangang tao na dumating sa mundong ito. Ipinangaral niya ang isang relihiyon, nagtatag ng isang estado, nagtayo ng isang bansa, naglagay ng isang alituntunin ng mabuting asal, sinimulan ang maraming mga repormang panlipunan at pampulitika, nagtatag ng isang malakas at dinamikong lipunan upang magsanay at kumatawan sa kanyang mga turo at ganap na binago ang mga mundo ng pag-iisip at pag-uugali ng tao para sa lahat ng mga panahon na darating.
Si Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, ay ipinanganak sa Arabya noong taong 570 C.E., sinimulan ang kanyang misyon ng pangangaral ng relihiyon ng Katotohanan, ang Islam (pagsumite sa Isang Diyos) sa edad na apatnapu at lumisan sa mundong ito sa edad na animnapu't tatlo. Sa loob ng maikling panahong ito ng dalawampu't tatlong taon ng kanyang pagka-Propeta, binago niya ang buong peninsula ng Arabya mula sa paganismo at idolatriya patungo sa pagsamba sa Isang Diyos, mula sa mga pag-aaway ng tribo at digmaan hanggang sa pambansang katatagan at pagkakaisa, mula sa pagkalasing at kahalayan hanggang sa kalinisan at kabanalan, mula sa pagiging walang batas at walang pamahalaan hanggang sa may disiplinang pamumuhay, mula sa ganap na pagkalugi hanggang sa pinakamataas na pamantayan ng kahusayang moral. Ang kasaysayan ng tao ay hindi pa nakakita ng isang kumpletong pagbabago ng mga tao o isang lugar bago o mula noon na gaya nito- at isipin itong lahat ng di kapani-paniwalang mga kababalaghan sa loob lamang ng dalawang dekada.
Ang mundo ay nagkaroon din ng magagaling na personalidad. Ngunit sila ay may mga pinapanigang mga tao na kinikilala ang kanilang sarili sa isa o dalawang larangan, tulad ng kaisipang pangrelihiyon o pamumunong-militar. Ang mga buhay at mga turo ng mga dakilang personalidad ng mundo ay naikubli sa mahabang panahon. Napakaraming haka-haka tungkol sa oras at lugar ng kanilang kapanganakan, ang pamamaraan at istilo ng kanilang buhay, ang likas na katangian at detalye ng kanilang mga turo at ang antas at sukatan ng kanilang tagumpay o kabiguan na imposible para sa sangkatauhan na muling mabuo ng wasto ang buhay at mga turo ng mga taong ito.
Hindi sa taong ito. Si Muhammad, (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Diyos) ay napakaraming nagawa sa kabila ng pagkaka-iba ng pag-iisip at pag-uugali ng tao sa nag-aalab na kasaysayan ng tao. Ang bawat detalye ng kanyang pribadong buhay at pampublikong pagsasalita ay wastong naitala at matapat na napanatili sa ating panahon. Ang pagiging tunay ng tala na napangalagaan ay makikita hindi lamang ng mga matapat na tagasunod kundi maging ng kanyang mga kritiko.
Si Muhammad ay isang guro ng relihiyon, isang taga-reporma ng panlipunan, isang gabay sa moral, isang higanteng administrasyon, isang matapat na kaibigan, isang kahanga-hangang kasama, isang tapat na asawa, isang mapagmahal na ama - lahat sa isa. Wala nang ibang tao sa kasaysayan na nakahigit o nakapanytay sa kanya sa alinmang iba't ibang mga aspeto ng buhay - ngunit ng dahil sa hindi makasariling pagkatao ni Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, na nakamit niya ang gayong hindi kapani-paniwalang kasakdalan.
Si Mahatma Gandhi, ay nagsalita sa katangian ni Muhammad, kanyang sinabi sa (Young India):
“Nais kong makilala ang pinakamahusay na humahawak ngayon sa hindi mapag-aalinlanganang mga puso ng milyun-milyong sangkatauhan .... Naging higit akong kumbinsido na hindi tabak ang nagpapanalo sa isang lugar para sa Islam sa mga panahong iyon ng pamamaraan ng buhay. Ito ay ang mahigpit na pagiging payak, ang lubos na kababaang loob ng Propeta, ang maingat na pagsasaalang-alang sa kanyang mga pangako, ang kanyang matinding debosyon sa mga kaibigan at tagasunod, ang kanyang katapatan, walang takot, walang katapusang tiwala sa Diyos at sa kanyang sariling misyon. Ang mga ito at hindi ang tabak ang nagdala ng lahat sa kanila at mapagtagumpayan ang bawat hadlang. Nang isara ko ang ika-2 bahagi (ng talambuhay ng Propeta), nalungkot ako na wala nang iba pang mababasa tungkol sa dakilang buhay.”
Si Thomas Carlyle sa kanyang (Heroes and Heroworship), ay tunay na namangha sa:
“kung paano ang isang tao, ay maaaring mapagkaisa ang mga naglalabang mga tribo at pagala-galang mga Bedouin para maging isang pinakamalakas at sibilisadong bansa nang mas mababa sa dalawang dekada.”
Sumulat si Diwan Chand Sharma:
“Si Muhammad ang kaluluwa ng kabaitan, at ang kanyang impluwensya ay nadama at hindi nakalimutan ng mga nakapaligid sa kanya.”
(D.C. Sharma, Ang Propeta sa Silangan [The Prophet of the East], Calcutta, 1935, pp. 12)
Si Muhammad ay walang labis walang kulang na isang tao. Ngunit siya ay isang tao na may isang marangal na misyon, na pag-isahin ang sangkatauhan sa pagsamba sa Isa at Tanging Isang Diyos at ituro sa kanila ang paraan ng matapat at matuwid na pamumuhay batay sa mga utos ng Diyos. Palagi niyang inilalarawan ang kanyang sarili bilang, "Isang Lingkod at Sugo ng Diyos," at kung magkagayon kanyang ikinikilos kung ano ang kanyang ipinapahayag.
Sa pagsasabi tungkol sa aspeto ng pagkakapantay-pantay sa harap ng Diyos sa Islam, ang sikat na makata ng Indya, na si Sarojini Naidu ay nagsabi:
“Ito ang unang relihiyon na nangaral at nagsagawa ng demokrasya; para, sa moske, kapag ang tawag para sa pagdarasal ay tumunog at ang mga sumasamba ay natipon, ang demokrasya ng Islam ay naipapakita ng limang beses sa isang araw kung saan ang magsasaka at hari ay lumuluhod ng magkatabi at nagpapahayag: 'Ang Diyos ay Nag-iisang Dakila' ... Paulit-ulit kong naramdaman ang hindi mahahating pagkakaisa ng Islam na ginagawang likas na magkakapatid ang tao.”
(S. Naidu, Mga Pamantayan ng Islam, nasa bidyong pagsasalita at mga Sinulat, Madras, 1918, p. 169)
Sa mga salita ni Prof. Hurgronje:
“Ang samahan ng mga bansa na itinatag ng propeta ng Islam ay naglagay ng prinsipyo ng pandaigdigang pagkakaisa at pagkakapatiran ng tao na tulad ng pangkalahatang batayan upang ipakita ang kandila sa ibang mga bansa (maging tanglaw o modelo sa iba)." Nagpatuloy siya: "Ang katotohanan na walang bansa sa mundo na maaaring magpakita ng pagkakatulad sa ginawa ng Islam tungo sa pagsasakatuparan ng ideya ng Samahan ng mga Bansa.”
Hindi nag-atubili ang mundo na i angat sa pagiging banal, ang mga tao na ang buhay at misyon ay nawala na sa kwento. Base sa kasaysayan, wala sa mga alamat na ito ang nagkamit kahit isang bahagi ng nagawa ni Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala. At ang lahat ng kanyang pagsusumikap ay para sa nag-iisang layunin na pag-isahin ang sangkatauhan para sa pagsamba sa Isang Diyos sa mga alituntunin ng mataas moral. Si Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, o ang kanyang mga tagasunod ay hindi kailanman nag-angkin na siya ay isang Anak ng Diyos o ang Diyos na nagkatawang-tao o isang tao na may pagka-diyos - ngunit siya ay palaging at kahit na ngayon ay itinuturing na isang Sugo lamang na pinili ng Diyos.
Si K. S. Ramakrishna Rao, isang Propesor ng Pilosopiya sa India sa kanyang buklet, ("Muhammad, Ang Propeta ng Islam ," ay tinawag siyang
"Perpektong modelo para sa buhay ng tao."
Ipinaliwanag ni Prof. Ramakrishna Rao ang kanyang punto sa pamamagitan ng pagsasabi:
“Ang pagkatao ni Muhammad, (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), ay napakahirap mapasok ang buong katotohanan nito. Isang sulyap lamang dito ang nauunawaan ko. Isang madulang pagkakasunod-sunod ng kahanga-hangang mga eksena! Nariyan si Muhammad, ang Propeta. Nariyan si Muhammad, ang Mandirigma; Si Muhammad, ang Negosyante; Si Muhammad, ang Politiko; Si Muhammad, ang Mananalumpati; Si Muhammad, ang taga-Reporma; Si Muhammad, ang Kanlungan ng mga Ulila; Si Muhammad, ang Tagapagtanggol ng mga Alipin; Si Muhammad, ang taga-Pagpalaya ng mga Babae; Si Muhammad, ang Hukom; Si Muhammad, ang Santo. Sa lahat-lahat ng mga kahanga-hangang tungkulin na ito, sa lahat ng mga kagawaran ng mga gawaing pantao, siya ay isang bayani.”
Ngayon pagkatapos ng labing-apat na siglo, ang buhay at mga turo ni Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, ay nakaligtas o nakarating sa atin nang walang kaunting nabawas, nabago o naidagdag. Nag-aalok sila ng parehong walang humpay na pag-asa para sa paggamot sa maraming mga sakit ng tao, na ginawa nila noong siya ay buhay. Hindi ito pag-aangkin ng mga tagasunod ni Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, kundi pati na rin ang hindi maiiwasang palagay na pinilit ng isang kritikal at walang pinapanigang kasaysayan.
Ang tangi mong magagawa bilang nag-iisip at nag-aalalang tao ay huminto ng ilang sandali at tanungin ang iyong sarili: Maaari bang totoo ang mga pahayag na ito na sobrang pambihira at nakapagpapabago? At ipagpalagay na totoo ang mga ito at hindi mo kilala ang taong ito na si Muhammad, (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) o narinig tungkol sa kanya, hindi ba oras na para tumugon ka sa napakalaking hamon na ito at gumawa ka ng ilang pagsisikap na makilala siya?
Walang mawawala sa iyo ngunit maaaring ito ang maging simula ng isang ganap na bagong panahon sa iyong buhay.
Magdagdag ng komento