Ano ang Pamantayan para sa isang Tunay na Propeta?
Paglalarawanˇ: Isang pagtanaw sa mga biblikal na mga talatang nagtatakda ng pamantayan para sa pagiging totoo ng pag-angkin sa Pagkapropeta.
- Ni Imam Mufti
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 24 Jun 2019
- Nag-print: 1
- Tumingin: 3,479 (araw-araw na pamantayan: 2)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Mga Sinag mula sa Parehong Lampara
Ang karaniwang katanungang itatanong sa isang taong naniniwala sa kaninumang propeta ay: 'Ano ang mga pamantayan para sa iyong paniniwala sa kanya?' Ang makatwirang pamantayan ay maaaring maging:
(i) katibayan ng kanyang pag-aangkin.
(ii) hindi nagbabago sa kanyang mga turo (tungkol sa Diyos, kabilang buhay, at magkakatulad na usapin ng pananampalataya)
(iii) pagkakapareho sa mga turo ng mga naunang propeta.
(iv) integridad: dapat siyang maging isang taong may mataas na moral.
Ang Bibliya ay nagbibigay ng pagpapatibay sa ating pamantayan. Ang Lumang Tipan ay nagsabi tungkol sa isang huwad na propeta:
1. Nagpapanggap na isinugo ng Diyos.[1]
2. Inilarawan bilang sakim,[2] lasenggo,[3] mahalay at malaswa,[4] naiimpluwensyahan ng masasamang espiritu.[5]
3. Nanghuhula ng mali,[6] nagsisinungaling sa ngalan ng Panginoon,[7] sinusunod ang kanyang sariling damdamin,[8] sa ngalan ng mga diyus-diyosan.[9]
4. Kadalasan nagsasagawa ng panghuhula at pangungulam.[10]
5. Inaakay ang mga tao sa kamalian,[11] ginagawang kalimutan ang pangalan ng Diyos,[12] nagtuturo ng kalaswaan at kasalanan,[13] at nang-aapi.[14]
Ang Bagong Tipan ay nagsasabi tungkol sa pamantayan ni Hesus upang makilala ang mga maling propeta:
"Mag-ingat sa mga huwad na propeta, na dumarating sa iyo sa anyo ng tupa, ngunit sa loob ay mga gutom na lobo. Makikilala mo sila sa pamamagitan ng kanilang mga bunga. Ang mga tao ba ay nangunguha ng mga ubas sa tinikan, o mga igos sa dawagan? Gayon din ang bawat mabuting puno ay nagbibigay ng mabuting bunga; ngunit ang isang masamang puno ay nagbibigay ng masamang bunga."[15]
Ating natutunan ang mga sumusunod:
(i) ang propesiya ay magpapatuloy pagkatapos ni Hesus.
(ii) mag-ingat sa mga huwad na propeta.
(iii) ang pamantayan upang makilala ang isang huwad na propeta ay ang kanyang mga bunga, ito ay ang kanyang mga kilos at mga gawa.[16]
Tulad ng nakasaad sa una, si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay maliwanag na inangking, 'Ako ang Sugo ng Diyos.' Kung susuriin ng isang tao ang kanyang pag-aangkin sa mga pamantayan sa itaas, masusumpungan niya itong nakatutugon sa mga pamantayan ng ganap.
Sa Islamikong doktrina, ang lahat ng mga propeta ay bumubuo ng isang espiritwal na kapatiran ng mga magkakapatid na may iisang 'ama,' ngunit magkakaibang 'ina.' Ang 'ama' ay pagkapropeta at kaisahan ng Diyos, ang 'mga ina' ay ang ibat-ibang Batas na kanilang dinala. Sa pagbibigay diin sa espirituwal na kapatiran ng lahat ng mga propeta, ang Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay nagsabi:
"Ako ang pinakamalapit sa lahat ng tao sa anak ni Maria (Hesus). Ang mga propeta ay mga magkakapatid sa ama, ang kanilang mga ina ay magkakaiba, ngunit ang kanilang relihiyon ay iisa." (Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim)
Ang lahat ng mga propeta ay mga 'sinag' mula sa parehong 'Lampara': ang diwa ng mensahe ng lahat ng mga propeta sa buong panahon ay upang ialay ang pagsamba sa Diyos lamang. Ito ang dahilan kung bakit ang Islam ay itinuturing na ang pagtanggi sa isang propeta ay katumbas ng pagtanggi sa kanilang lahat. Ang Quran ay nagsabi:
"Katotohanan, yaong mga itinatanggi ang Diyos at Kanyang mga sugo at naghahangad na magbigay ng pagtangi sa pagitan ng Diyos at ng Kanyang mga sugo, at nagsasabing: “Kami ay naniniwala sa ilan ngunit hindi naniniwala sa iba' at naghahangad na tumahak ng landas sa pagitan niyan - sila, ang yaong itinatanggi ang katotohanan: at para sa kanilang itinatanggi ang katotohanan Aming inihanda ang isang nakahihiyang parusa. Ngunit yaong mga naniniwala sa Diyos at sa Kanyang mga sugo at hindi nagbibigay ng pagtangi sa pagitan ng sinuman sa kanila - sa kanila - pagdating ng panahon, yaong Kanyang pagkakalooban ng kanilang mga gantimpala [ng ganap]. At ang Diyos ang tunay na Lagi nang Mapagpatawad, ang tagapagbigay ng biyaya." (Quran 4:150-152)
Ang pagtanggi sa pagkapropeta ni Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay katumbas ng pagtanggi sa lahat ng mga propeta. Ang pagkapropeta ni Muhammad (sumakanya ang kapayapaan at pagpapala) ay kilala katulad ng pagkapropeta nina Moises at Hesus na nakilala: ang maraming ulat ng kanilang mga himala na nakarating sa atin. Ang Aklat na dinala ni Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) [ang Quran] ay ganap na napanatili, at ang Kautusan ng Diyos ay ganap at naaangkop sa kasalukuyang mundo. Si Moises ay dinala ang Kautusan at katarungan, si Hesus ay dinala ang biyaya at pakikibagay. Si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay pinagsama ang sa pagitan sa Batas ni Moises at sa biyaya ni Hesus (sumakanila nawa ang kapayapaan at pagpapala).
Kung may magsasabing, 'siya ay isang impostor,' ang iba ay mas angkop na sampahan ng ganitong paratang. Samakatuwid, ang pagtanggi kay Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay pagtanggi mismo sa sarili nilang propeta. Kung ang isang makatwirang tao ay tumitingin sa dalawang maliwanag na bituin,' hindi niya maaaring sabihin sa isa, 'Oo, ang isang ito ay isang maliwanag na bituin,' at itatanggi ang isa! Ang paggawa nito ay pagtanggi sa katotohanan at isang kasinungalingan.
Gumawa ng isang talahanayan ng lahat ng mga propeta na pinaniniwalaan mo. Magsimula sa una hanggang sa huling pinaniniwalaan mo. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
Ano ang katibayan na aking pinaniniwalaan na siya ay isang totoong propeta?
Ano ang misyon ng propeta sa kanyang sariling mga salita?
Nagdala ba siya ng Batas? Ang kanya bang Batas ay naaangkop sa kasalukuyan?
Anong kapahayagan ang kanyang dinala? Ano ang nilalaman nito at kahulugan nito?
Ang kapahayagan ba ay napanatili sa orihinal na wika kung saan naipahayag ito? Ito ba ay itinuturing na isang pampanitikang awtoridad, malaya sa panloob na mga salungatan?
Ano ang nalalaman mo sa kanyang moral at integridad?
Ihambing ang lahat ng mga propeta na iyong inilista at pagkatapos ay sagutin ang parehong mga katanungan tungkol kay Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala). Pagkatapos ay tanungin ang iyong sarili, 'Magiging matapat ba ako kung aalisin ko si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) sa aking listahan sapagkat hindi niya natutugunan ang mga pamantayan tulad ng ibang mga propeta?' Hindi ito masyadong mangangailangan ng labis na pagsisikap upang malaman na ang katibayan para sa pagkapropeta ni Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay mas matibay at mas nakahihikayat.
Ang isang nag-aalinlangan ay kailangang isaalang-alang kung ano ang hindi pangkaraniwan tungkol sa pag-angkin ni Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) sa pagiging propeta? Kailan ba nagpahayag ang Diyos ng katapusan sa propesiya bago siya? Sino ang nagpasya na wala nang magaganap na banal na pakikipag-ugnyan sa mga tao? Dahil walang katibayan na hahadlangan ang banal na kapahayagan, pangkaraniwan na tanggapin ang isang pagpapatuloy ng kapahayagan:
"Katotohanan, Aming ipinadala sa iyo na may dalang katotohanan, bilang tagapaghatid ng magandang balita at tagapagbabala: dahil wala kailan mang isang pamayanan na malibang may isang tagapag-babalang [nabuhay at] dumating sa kanila." (Quran 35:24)
"At Aming ipinadala ang Aming mga sugo, nang sunud-sunod: [at] sa tuwing ang kanilang sugo ay dumarating sa isang pamayanan, sila ay nagtatakwil sa kanya: at kaya Aming hinayaang sumunod ang bawat isa sa kanila [sa pagkawasak], at hinayaan silang maging mga kasaysayan [na lamang]: at kaya - lumayo sa mga mamamayang hindi sasampalataya" (Quran 23:44)
Ito ay totoo lalo na nang ang katotohanan ay nilihis ng mga Hudyo at Kristiyano, ang mga Kristiyano ay inaangking si Hesus ay anak ng Diyos at ang mga Hudyo ay tinawag siyang isang bastardong anak ni Jose ang Karpintero. Si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay dinala ang katotohanan: Si Hesus ay marangal na propeta ng Diyos na isinilang sa isang mahimalang birheng pagsilang. Kaya ang resulta, ang mga Muslim ay naniniwala kay Hesus at minamahal siya, ni hindi humantong sa sukdulang katulad ng mga Kristiyano, o hinahamak siya katulad ng mga Hudyo.
Mga talababa:
[1]Jer 23:17,18,31
[2]Mic 3:11
[3]Isa 28:7
[4]Jer 23:11,14
[5]1Ki 22:21,22
[6]Jer 5:31
[7] Jer 14:14
[8]Jer 23:16,26; Eze 13:2
[9]Jer 2:8
[10]Jer 14:14; Eze 22:28; Act 13:6
[11]Jer 23:13; Mic 3:5
[12] Jer 23:27
[13] Jer 23:14,15
[14]Eze 22:25
[15]Mateo 7:15-17 (King James Version)
[16]Ayon sa ‘Vine’s Expository Dictionary of New Testament Words.’
Magdagdag ng komento