Mga Propesiya kay Muhammad sa Bibliya ( bahagi 2 ng 4): Mga Propesiya sa Lumang Tipan Tungkol kay Muhammad
Paglalarawanˇ: Ang katibayan sa Bibliya na si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay hindi huwad na propeta. Ika 2 bahagi: Ang talakayan sa propesiya na binanggit sa Deuteronomio 18:18, at kung paano si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay angkop o akma sa mga propesiyang ito higit kesa sa iba.
- Ni Imam Mufti
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 24 Jun 2019
- Nag-print: 7
- Tumingin: 8,496 (araw-araw na pamantayan: 5)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Deuteronomio 18:18 "Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at Aking ilalagay ang Aking mga salita sa bibig niya, at kaniyang sasalitain sa kanila ang lahat ng Aking iuutos sa kaniya."
Maraming mga Kristiyano ang naniniwala na ang propesiya na ito ni Moises ay para kay Hesus. Katiyakan si Hesus ay hinulaan sa Lumang Tipan, ngunit kagaya ng lilinawin natin, ang propesiya na ito ay hindi umaangkop sa kanya, datapwa't ito ay higit na karapat-dapat kay Muhammad, (sumakanya ang kapayapaan at pagpapala). Hinulaan ni Moises ang mga sumusunod:
1. Ang Propeta Ay Kagaya Ni Moises
.
Mga Paghahambing |
Moises |
Hesus |
Muhammad |
Pagsilang |
normal na pagsilang |
mahimala, isinilang ng birhen |
normal na pagsilang |
Misyon |
propeta lang |
sinasabing Anak ng Diyos |
propeta lang |
Mga Magulang |
ama at ina |
ina lamang |
ama at ina |
Buhay Pamilya |
may asawa at mga anak |
hindi nag-asawa |
may asawa at mga anak |
Pagtanggap ng mga kababayan |
Tinanggap siya ng mga Hudyo |
Itinakwil siya ng mga Hudyo[1] |
Tinanggap siya ng mga Arabo |
Pampulitikang Pamamahala |
Si Moises ay namuno (Num 15:36) |
Si Hesus ay tinanggihan ito[2] |
Si Muhammad ay namuno |
Tagumpay laban sa mga kaaway |
Si Paraon ay nalunod |
sinasabing naipako sa krus |
Natalo ang mga taga Makkah |
Kamatayan |
karaniwang kamatayan |
inangking naipako sa krus |
karaniwang kamatayan |
Paglilibing |
nailibing sa hukay |
walang laman ang libingan |
nailibing sa hukay |
Kabanalan |
hindi banal |
banal sa mga Kristiyano |
hindi banal |
Edad ng Magsimula sa Misyon |
40 |
30 |
40 |
Pagkabuhay na muli sa lupa |
hindi nabuhay muli |
inangking nabuhay na muli |
hindi nabuhay muli |
2. Ang Hinihintay na Propeta ay Magmumula sa Kapatid ng mga Hudyo
Ang talata na pinag-uusapan ay maliwanag sa pagsasabi na ang propeta ay magmumula sa Kapatid ng mga Hudyo. Si Abraham ay mayroong dalawang anak; si Ismael at Isaak. Ang mga Hudyo ay ang mga inapo ng anak ni Isaak, na si Hakob. Ang mga Arabo ay mga anak ni Ismael. Kung magkagayun, ang mga Arabo ay ang kapatid ng bansang Hudyo.[3] Pinatunayan ito ng Bibliya:
‘At siya'y (Ismael) maninirahan sa pagitan ng lahat ng kanyang mga kapatid.’ (Genesis 16:12)
‘At siya'y (Ismael) pumanaw sa harap ng lahat ng kanyang mga kapatid.’ (Genesis 25:18)
Ang mga anak ni Isaak ay kapatid ng mga Ismaelita. Kagaya rin naman na si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay mula sa mga kapatid ng mga Israelita, dahil siya ay inapo ni Ismael na anak ni Abraham.
3. Ilalagay ng Diyos Ang Kanyang Mga Salita sa Bibig ng Hinihintay na Propeta
Ang Quran ay nagwika patungkol kay Muhammad:
"Hindi siya nagsalita ng ayon sa kanyang sariling kalooban; na [siyang ipinarating sa inyo] bagkus ito ay isa lamang (inspirasyon) kapayahagan na ipinahayag sa kanya." (Quran 53:3-4)
Ito ay halos kapareho ng talata sa Deuteronomio 18:18:
"Aking palilitawin sa pagitan nila ang isang propeta na magmumula sa kanilang mga kapatid, na gaya mo; at Aking ilalagay ang Aking mga salita sa bibig niya, at kaniyang sasabihin sa kanila ang lahat ng Aking ipag-uutos sa kaniya" (Deuteronomio 18:18)
Ang Propeta Muhammad ay dumating na may mensahe para sa buong mundo, at mula sa kanila, na mga Hudyo. Lahat, kabilang ang mga Hudyo, ay dapat tanggapin ang kanyang pagkapropeta, at ito ay pinagtitibay ng mga sumusunod na mga salita:
" Ang DIYOS na iyong Panginoon ay magbabangon ng isang Propeta sa pagitan ninyo, na iyong kapatid, na gaya ko; sa kaniya kayo ay makikinig" (Deuteronomio 18:15)
4. Isang Babala sa mga Nagtatatwa
Ang propesiya ay nagpatuloy:
Deuteronomio 18:19 "At mangyayari, [na] sinumang hindi makikinig sa aking mga salita na kaniyang sasalitain sa pangalan ko, ay Aking hihingiin [yaon] sa kaniya." (sa ibang mga salin: "Ako ang magiging Tagapaghiganti").
Nakakamangha, na ang mga Muslim ay nagsisimula sa bawat kabanata ng Quran sa pangalan ng Diyos sa pagsasabi ng:
Bismillah ir-Rahman ir-Raheem
"‘Sa Ngalan ng Allah, ang Pinakamaawain, ang Pinakamapagpala."
Ang mga sumusunod ay mga pahayag ng ilang mga pantas na naniniwalang ang propesiya na ito ay angkop kay Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala).
Ang Unang Saksi
Si Abdul-Ahad Dawud, ang dating si Rev. David Benjamin Keldani, BD, isang Romano Katolikong pari ng sektang Uniate-Chaldean (basahin ang talambuhay niya dito). Pagkatapos tanggapin ang Islam, siya ay sumulat ng aklat na, ‘Muhammad in the Bible.’ Isinulat niya ang tungkol sa propesiya na ito:
"Kung ang mga katagang ito ay hindi angkop kay Muhammad, ito ay mananatili pa ring hindi naganap. Si Hesus mismo ay hindi inangkin na siya ang propetang tinutukoy na ito. Kahit ang kanyang mga disipulo ay pareho ang opinyon: sila ay umaasa sa pangalawang pagbabalik ni Hesus para sa kaganapan ng propesiya (Mga Gawa 3:17-24). Hanggang ngayon ay wala pa ring alinlangan na ang unang pagdating ni Hesus ay hindi ang paglitaw ng Propeta na kagaya niya at ang kanyang pangalawang pagdating ay napakahirap na iugnay kung ang pagbabasehan ay ang mga salaysay. Si Hesus, gaya ng pinaniniwalaan ng kanyang simbahan, ay lilitaw bilang isang hukom at hindi bilang isang mambabatas; ngunit ang ipinangako na darating ay isa na may "mahigpit na batas (fiery law)" sa kanyang kanang kamay."[4]
Ang Pangalawang Saksi
Si Muhammad Asad ay isinilang sa Leopold Weiss noong Hulyo 1900 sa lungsod ng Lvov (German Lemberg), ngayon ay nasa Poland, noon ay bahagi ng Imperyong Austria. Siya ay inapo ng mahabang hanay ng mga rabi, ang linya ay naputol sa kanyang ama, na naging isang manananggol o abugado. Si Asad mismo ay tumanggap ng isang puspusang edukasyong pangrelihiyon na nagkwalipika sa kanya para panatilihin sa kanyang pamilya ang tradisyong rabinikal. Siya ay naging dalubhasa sa Hebreo sa murang edad at ganundin sa Aramaic. Pinag-aralan niya ang Lumang Tipan sa orihinal nitong teksto gayundin ang teksto at mga komentaryo ng Talmud, ang Mishna at Gemara, at siya ay detalyadong nagsaliksik sa kritikal na mga eksplinasyon ng Bibliya at Targum.[5]
Komentaryo sa talata ng Quran:
"Huwag ninyong haluan ang katotohanan ng kasinungalingan ni itago ang katotohanan samantalang kayo ay nakaaalam." (Quran 2:42)
Si Muhammad Asad ay sumulat:
"Sa 'paghahalo sa katotohanan ng kasinungalingan' ay para sa pagdungis sa teksto ng Bibliya, kung saan ang Quran ay madalas na inaakusahan ang mga Hudyo (na kung saan ay napatunayan sa paglayong punahin ang mga teksto), habang ang 'pagtatago sa katotohanan' ay tumutukoy sa kanilang pagbalewala o sinasadyang pagkakamali sa pagpapakahulugan sa mga kataga ni Moises sa mga talata ng Biblia, 'Palilitawin sa iyo ng Panginoon mong Dios ang isang propeta sa gitna mo, sa iyong mga kapatid, na gaya ko; sa kaniya kayo makikinig; (Deuteronomio 18:15), at sa mga kataga na iniuugnay mismo sa Diyos, 'Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at Aking ilalagay ang Aking mga salita sa bibig niya, at kaniyang sasalitain sa kanila ang lahat ng Aking iuutos sa kaniya' (Deuteronomio 18:18). Ang 'kapatid' ng mga anak ng Israel ay malinaw namang ang mga Arabo, at partikular na ang musta'ribah ('Arabianized') na grupong kabilang sa kanila, na matutuntun ang pinagmulan nito kay Ismael at Abraham: at dahil ito ang grupo ng sariling tribu ng Propetang Arabo, ang Quraish, kung saan ito napapabilang, ang nasa taas na mga talata ay tunay na nagtutukoy sa kanyang (Muhammad) pagdating"[6]
Mga talababa:
[1] "Siya'y (Hesus) naparito sa kanyang sariling kusa, subalit siya'y hindi tinanggap ng mga kauri niya" (Juan 1:11)
[2] Juan 18:36.
[3] ‘Muhammad: Ang kanyang Buhay Batay sa Pinakaunang mga mapagkukunan’ ni Martin Lings, p. 1-7.
[4] Ibid, p. 156
[5]‘Berlin hanggang Makkah: Ang paglalalkbay ni Muhammad Asad tungo sa Islam’ ni Ismail Ibrahim Nawwab noong Enero/Pebrero 2002 na isyu ng Saudi Aramco Magasin.
[6]Muhammad Asad, ‘Ang Mensahe ng Quran’ (Gibraltar: Dar al-Andalus, 1984), p. 10-11.
Magdagdag ng komento