Mga hula sa bibliya hinggil kay Muhammad (Ika-apat na bahagi ng apat): Mga karagdagang hula kay Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) sa Bagong Tipan
Paglalarawanˇ: Ang katibayan mula sa Bibliya na si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay hindi huwad na propeta. Ika-apat na bahagi: Karagdagang talakayan sa hula na nabanggit sa Juan 14:16 ng paraklit, o “Mang-aaliw”,at kung paano naaangkop si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) sa hulang ito kaysa sa iba.
- Ni Imam Mufti
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 24 Jun 2019
- Nag-print: 7
- Tumingin: 9,183 (araw-araw na pamantayan: 6)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
5. Inilalarawan ni Hesus ang tungkulin ng iba pang Parakletos:
Juan 16:13 "Papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan."
Ang Diyos ay nagwika sa Quran tungkol kay Muhammad (sumakanya nawa and kapayapaan at pagpapala):
"O sangkatauhan, katiyakan, ang Sugo [ng Allah na si Muhammad] ay dumating na sa inyo na dala ang katotohanan mula sa inyong Panginoon. Kaya maniwala kayo sa kanya, [sapagka’t ito ay] higit na nakabubuti para sa inyo!..." (Quran 4:170)
Juan 16:14 "Luluwalhatiin niya ako."
Ang Quran na dinala ni Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay lumuluwalhati o nagbibigay parangal kay Hesus:
"…na makikilala sa pangalan na Hesu-Kristo, si Hesus, ang anak ni Maria. At [siya ay] pinarangalan sa mundong ito at sa kabilang buhay. At [siya ay] mabibilang sa mga malalapit [sa Diyos]." (Quran 3:45)
Niluwalhati rin ni Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) si Hesus:
"Sinuman ang sumaksi na walang ibang karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba kundi ang Diyos (na tunay at bukod-tangi), na kailanman ay hindi nagkaroon ng katambal, at sumaksi na si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay Kanyang alipin at Sugo, at sumaksi na si Hesus ay alipin ng Diyos, Kanyang Mensahero, at Kanyang Salita na iginawad kay Maria, at espiritong nilikha mula sa Kanya, at sumaksing ang Paraiso ay tunay, at ang Impyernong apoy ay tunay, ay papapasukin siya ng Diyos sa Paraiso, ng naaayon sa kanyang mga gawa." (Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim)
Juan 16:8 "kaniyang kinumbinsi ang sanlibutan tungkol sa kasalanan nito, at sa pagiging makatuwiran ng Diyos, at sa paghatol."
Ang Quran ay naghayag:
"Katiyakan hindi [maituturing bilang] naniniwala yaong mga nagsasabing:“Ang Allah ay ang Mesiyas [Hesus] ang anak ni Maria.” Samantalang ang Mesiyas ay nagsabi: “O mga anak ni Israel, inyong sambahin ang Allah, ang aking Panginoon at ang inyong Panginoon.” Katotohanan, sinuman ang nagtatambal sa Allah, katiyakang ipagkakait ng Allah ang Paraiso sa kanya at ang Apoy ay kanyang magiging tirahan. At sa mga mapaggawa ng kamalian, sa kanila ay walang makatutulong!’" (Quran 5:72)
Juan 16:13 "hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ng anumang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain."
Ang Quran ay nagwika hinggil kay Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan):
"At siya ay hindi nagsasalita mula sa [kanyang sariling] kagustuhan: [Bagkus] ito ay kapahayagan na ipinahayag [sa kanya]." (Quran 53:3-4)
John 14:26 "at magpapaalaala ng lahat na sa inyo'y aking sinabi."
Ang mga salita sa Quran:
"…samantalang ang Mesiyas ay nagsabi: “O mga anak ni Israel, inyong sambahin ang Allah, ang aking Panginoon at ang inyong Panginoon." (Quran 5:72)
…nagpaalala sa mga tao sa una at pinakadakilang kautusan ni Hesus na kanilang nakalimutan:
"Ang pinakauna sa lahat ng mga kautusan ay, ‘Pakinggan mo, Oh Israel; ang Diyos na ating Panginoon, ay iisang Panginoon’" (Marcos 12:29)
Juan 16:13 "at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating."
Ang Quran ay nagwika:
"Iyan ay nagmula sa balita ng Ghaib [mga di-nakikita o nakatagong pangyayari] na Aming ipinahayag sa iyo [O Muhammad]…" (Quran 12:102)
Si Hudhaifa, na disipolo ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), ay nagsabi sa amin:
"May isang pagkakataon na ang Propeta ay nagbigay pangaral sa amin na kung saan ay wala siyang ibang mga binanggit liban sa lahat ng mga bagay na mangyayari hanggang sa Oras (ng paghuhukom)." (Saheeh Al-Bukhari)
John 14:16 "upang siya ay suma inyo magpakailan man."
…nangangahulugang ang kanyang orihinal na mga aral ay mananatili magpakailanman. Si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay siyang huling propeta ng Diyos para sa sangkatauhan.[1] Ang Kanyang mga katuruan ay ganap na naipreserba. Siya ay nananahan sa mga puso at isipan ng kanyang mga pinakamamahal na mga tagasunod na sumasamba sa Diyos sa ganap na paggaya sa kanya. Wala ni isa, kabilang si Hesus o si Muhammad (sumakanila nawa ang kapayapaan at pagpapala), ang nagtataglay ng buhay na walang hanggan sa mundo. Maging ang Parakletos ay gayun din na hindi labas dito. Ito ay hindi maaaring maging panukoy sa Banal na Espirtu, sapagka't ang kasalukuyang paniniwala sa Banal na Espiritu ay hindi umiiral hanggang maganap ang Council of Chalcedon, noong 451 CE, apat at kalahating siglo pagkatapos ng kapanahunan ni Hesus.
Juan 14:17 "siya ang magiging esperitu ng katotohanan"
…nangangahulugang siya ay magiging totoong propeta, tingnan ang 1 Juan 4: 1-3.
Juan 14:17 "siya ay hindi matatanggap ng sanlibutan; sapagka't hindi nito siya nakikita..."
Maraming mga tao ngayon ang hindi nakakakilala kay Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala).
John 14:17 "...ni nakikilala siya"
Kakaunti lamang ang kumikilala sa tunay na Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), na Propeta ng Awa ng Diyos.
Juan 14:26 "ang Tagapagtaguyod (parakletos)"
Si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ang magiging tagapagtaguyod ng buong sangkatauhan at ng mga makasalanang mananampalataya sa Araw ng Paghuhukom:
Ang mga tao ay magsisipaghanap ng mga maaaring maging tagapamagitan sa kanila sa Diyos upang ibsan ang kanilang pagdurusa at paghihirap sa Araw ng Paghuhukom. Sina Adan, Noah, Abraham, Moses, at Hesus ay pawang magsisipagtanggi.
Pagkatapos ay lalapit sila sa ating Propeta (Muhammad) at kanyang sasabihin, "Ako ang siyang may kakayahan (na mamagitan)." Kaya't siya ay mamamagitan sa mga tao sa dakilang pagtitipon, ng sa gano'y maipasa na ang paghahatol. Ito ang 'lugar ng Kapurihan' na ipinangako ng Diyos sa Quran:
"…Inaasahang ikaw ay ibabangon ng iyong Panginoon sa isang pinagkakapuring katayuan. (ang karangalan ng pamamagitan sa Araw ng Paghuhukom)" (Quran 17:79)[2]
Ang Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay nagsabi:
"Ang aking pamamagitan ay para sa mga yaong kabilang sa aking nasyon na nakagawa ng malalaking mga kasalanan." (Al-Tirmidhi)
"Ako ang siyang pinakaunang tagapamagitan sa Paraiso." (Saheeh Muslim)
Ilan sa mga pantas na Muslim ay nagmungkahi na kung ano ang sinabi ni Hesus sa Aramaic ay mas malapit na nagre-representa sa salitang Greek na periklytos na nangangahulugang ‘ang kahanga-hanga.’ Sa Arabe ang salitang ‘Muhammad’ ay nangangahulugang ‘kapuri-puri, hinahangaan.’ Ibig sabihin, ang periklytos ay "Muhammad" sa Greek. Kami ay mayroong dalawang malalakas na dahilan sa pagsuporta dito. Una, dahil sa maraming mga dokumentadong kaso ng magkakaparehong pagpapalit ng salita sa Bibliya, maaaring ang parehong mga salita ay nakapaloob sa orihinal na teksto subalit inalis ng tagakopya dahil sa sinaunang kaugalian ng pagsulat ng salita na masyadong magkakadikit, ng walang anumang espasyo sa pagitan. Sa ganitong kaso ang orihinal na pagbasa ay magiging, "at Siya ay magbibigay sa inyo ng iba pang mang-aaliw (parakletos), ang hinahangaan (periklytos)." Pangalawa, kami ay mayroong mapagkakatiwalaan na patotoo na hindi bababa sa apat na mga awtoridad ng Muslim mula sa iba't ibang kapanahunan na ipinagpalagay ang ‘hinahangaan, siyang kapuri-puri’ bilang posibleng kahulugan ng salitang Greek o ng salitang Syriac sa mga pantas ng Kristiyanismo.[3]
Ang mga sumusunod ay ang ilan sa mga nagpatotoo na ang paraklit ay tunay na tumutukoy kay Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala:
Ang Unang Patotoo
Anselm Turmeda (1352/55-1425 CE), isang pari at pantas ng Kristiyanismo, ay isang patotoo sa hula. Matapos niyang tanggapin ang Islam siya ay sumulat ng aklat na, "Tuhfat al-arib fi al-radd ‘ala Ahl al-Salib."
Ang Pangalawang Patotoo
Abdul-Ahad Dawud, ang dating Rev. David Abdu Benjamin Keldani, BD, isang Romano Katoliko na pari ng the Uniate-Chaldean sect.[4] Matapos tanggapin ang Islam, isinulat niya ang aklat na, ‘Muhammad in the Bible.’ Isinulat niya sa aklat na ito:
"Wala ni anumang katiting na pagdududa na ang "Periqlyte," ay kay Propeta Muhammad, i.e. Ahmad." ito inilaan.
Ang Pangatlong Patotoo
Ang sinopsis ng buhay ni Muhammad Asad ay nailahad na sa itaas. Ng siya ay nagbigay kumentaryo sa talatang:
"…isang Sugo na darating pagkaraan ko, na ang pangalan ay Ahmad." (Quran 61:6)
…kung saa'y hinulaan ni Hesus ang pagdating ni Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), ipinaliwanag ni Asad na ang salitang Parakletos ay:
"…ay halos tiyak na katiwalian ng Periklytos (‘ang labis na Pinuri’), isang eksaktong salin ng Greek sa terminong Aramaic o pangalan na Mawhamana. (Dapat tandaan na ang Aramaic ay ang wika na ginamit sa Palestine sa mga panahon na iyon, at pagkatapos ng ilang mga siglo, si Hesus at yaon ay walang alinlangan na siyang wika kung saan ang orihinal - na wala na ngayon - na ang mga teksto ng mga Ebanghelyo ay binuo.) Sa pananaw ng pagiging malapit ng palatinigan ng Periklytos at Parakletos ay madaling mauunawaan kung papaanong ang tagasalin - o, mas marahil, yaong mga sinaunang tagasulat - ay nalito sa dalawang mga pahayag na ito. Mahalaga o Kinakailangan na ang kapwa salitang Aramaic na Mawhamana at ang salitang Greek na Periklytos ay magkaroon ng parehong kahulugan kagaya ng dalawang pangalan ng Huling Propeta, Muhammad at Ahmad, na parehong nagmula sa Hebreong pandiwa na hamida ('pinuri niya') at ang pangngalang Hebreo na hamd ('papuri')."
Mga Talababa:
[1]Quran 33:40.
[2] Tingnan din ang Saheeh Al-Bukhari
[3]‘Sirat Rasul Allah,’ ni Ibn Ishaq (85-151 CE)p, 103. ‘Bayn al-Islam wal-Masihiyya: Kitab ‘Abi Ubaida al-Khazraji ,’ p. 220-221 ni Abu Ubaida al-Khazraji (1146-1187 CE) p. 220-221. ‘Hidaya tul-Hayara,’ ni Ibn ul-Qayyim, p. 119. ‘al-Riyadh al-Aniqa,’ ni al-Suyuti, p. 129.
[4] Basahin ang kanyang tambuhay dito: (http://www.muhammad.net/biblelp/bio_keldani.html.)
Magdagdag ng komento