Sino ang Allah?
Paglalarawanˇ: Sinasamba ba ng mga Muslim ang iisang Diyos tulad ng mga Hudyo at Kristiyano? Ano ang ibig sabihin ng salitang Allah? Si Allah ba ang Buwan na diyos?
- Ni Abdurrahman Robert Squires (edited by IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 12 Nov 2017
- Nag-print: 2
- Tumingin: 17,004 (araw-araw na pamantayan: 11)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang ilan sa mga pinakamalaking maling akala na mayroon ang maraming mga di-Muslim ay ang tungkol sa Islam na may kinalaman sa salitang "Allah. "Sa iba't ibang kadahilanan, maraming mga tao ang naniniwala na ang mga Muslim ay sumasamba sa ibang Diyos kaysa sa mga Kristiyano at Hudyo. Ito ay lubos na mali, dahil ang "Allah" ay simpleng salitang Arabe para sa "Diyos" - at may iisang Diyos lamang. Huwag mag-alinlangan - sumasamba ang mga Muslim sa Diyos nina Noah, Abraham, Moises, David at Jesus - ang kapayapaan ay suma kanilang lahat. Gayunpaman, tiyak na totoo na ang mga Hudyo, Kristiyano at Muslim lahat ay may iba't ibang mga konsepto ng Makapangyarihang Diyos. Halimbawa, ang mga Muslim - tulad ng mga Hudyo - tinanggihan ang mga paniniwala ng mga Kristiyano ng Trinidad at ang Banal na Pagkakatawang-tao. Gayunman, hindi ito nangangahulugan na ang bawat isa sa tatlong relihiyon na ito ay sumasamba sa ibang Diyos - sapagkat, tulad ng sinabi na natin, may Isang Tunay na Diyos. Ang Hudaismo, Kristiyanismo at Islam lahat ay sinasabing "Abrahamic Faiths" (paniniwala ni Abraham), at lahat ng mga ito ay inuri din bilang "monotiestiko." Gayunpaman, itinuturo ng Islam na ang iba pang mga relihiyon ay, sa isang paraan o sa iba pa, ay baluktot at walang saysay ang isang dalisay at wastong paniniwala sa Makapangyarihang Diyos kung nagpapabaya sa Kanyang tunay na mga turo at hinaluan ang mga ito ng mga gawa ng tao.
Una sa lahat, mahalagang tandaan na ang "Allah" ay ang parehong salita na ginagamit ng mga Kristiyano na nagsasalita ng Arabe para sa Diyos. Kung pumili ka ng isang Arabikong Bibliya, makikita mo ang salitang "Allah" na ginagamit kung saan ginagamit ang "Diyos" sa Tagalog. Ito ay dahil ang "Allah" ay isang salita sa wikang Arabe na katumbas ng salitang Tagalog na "Diyos" na may kapital na "D". Bilang karagdagan, ang salitang "Allah" ay hindi maaaring gawin ng pangmaramihan, isang katotohanan na kung saan umaayon sa konseptong Islam ng Diyos.
Ito ay kagiliw-giliw na tandaan na ang salitang Aramaic na "El", na katawagan para sa Diyos sa wikang sinasalita ni Hesus, ay tiyak na magkatulad sa tunog na "Allah" kaysa sa salitang Tagalog na "Diyos."Totoo rin ito para sa iba't ibang mga salitang Hebreo para sa Diyos, ay "El" at "Elah", at ang pangmaramihang o maluwalhating anyo ay "Elohim." Ang dahilan para sa mga pagkakatulad na ito ay ang mga Aramaiko, Hebreo at Arabe ay lahat ng mga wikang Semitiko na may mga karaniwang pinagmulan. Dapat ding tandaan na sa pagsasalin ng Bibliya sa Tagalog, ang salitang Hebreo na "El" ay isinalin nang iba bilang "Diyos", "Diyos" at "anghel"! Itong di wastong lengwahe ay pinayagan ang ibat-ibang tagasalin, batay sa kanilang naunang mga kuru-kuro, upang isalin ang salita upang umayon sa kanilang sariling mga pananaw. Ang salitang Arabe na "Allah" ay hindi nagtataglay ng gayong kahirapan o kalabuan, sapagkat ginagamit lamang ito para sa Makapangyarihang Diyos lamang. Bilang karagdagan, sa Tagalog, ang tanging pagkakaiba sa pagitan ng "diyos", na nangangahulugang isang maling diyos, at "Diyos", na nangangahulugang Isang Tunay na Diyos, ay ang kapital na "D". Dahil sa nabanggit na mga katotohanan, ang isang mas tumpak na pagsasalin ng salitang "Allah" sa Tagalog ay maaaring "Ang Nag-iisang-Diyos lamang" o "Ang Isang Tunay na Diyos."
Mas mahalaga, dapat ding pansinin na ang salitang Arabe na "Allah" ay naglalaman ng isang malalim na relihiyosong mensahe dahil sa kahulugan ng ugat nito at pinagmulan. Ito ay dahil nagmula ito sa salitang pandiwa sa arabe na ta'allaha (o alaha), na nangangahulugang "dapat sambahin." Kaya sa Arabe, ang salitang "Allah" ay nangangahulugang "Ang Isa na karapat-dapat sa lahat ng pagsamba." Ito, sa madaling sabi, ito ay Purong Monoteistikong mensahe ng Islam.
Sapat na sabihin na dahil lamang sa ang isang tao ay nagsasabing isang "monoteistiko" na Hudyo, Kristiyano o Muslim, ay hindi na ito mapipigilan na mapunta sa masamang paniniwala at pagsamba sa mga diyus-diyosan na mga gawi. Maraming mga tao, kabilang ang ilang mga Muslim, ang nagsasabing paniniwala sa "Isang Diyos" kahit na sila ay nahulog sa mga gawa ng idolatriya. Tiyak, maraming mga Protestante ang nag-akusa sa mga Romano Katoliko ng pagsamba sa idolatriya hinggil sa mga santo at Birheng Maria. Gayundin, ang Greek Orthodox na Simbahan ay itinuturing na "idolatroso" ng maraming iba pang mga Kristiyano dahil sa karamihan ng kanilang pagsamba ay gumagamit sila ng mga rebulto. Gayunpaman, kung magtatanong ka sa isang Romanong Katoliko o isang taong Greek Orthodox kung ang Diyos ay "Iisa", palagi silang sasagot: "Oo !." Gayunman, ang pag-angkin na ito ay hindi humadlang sa kanila na maging "nilalang na sumasamba" sa mga diyus-diyosan. Ang parehong kaso para sa mga Hindu, na itinuturing lamang ang kanilang mga diyos na "mga pagpapakita" o "pagkakatawang-tao" ng Isang Kataas-taasang Diyos.
Bago magtapos ... mayroong ilang mga tao doon, na malinaw naman na hindi sa panig ng katotohanan, na nais nilang mapaniwala ang mga tao na ang "Allah" ay "diyos" lamang ng mga Arabo[1], at ang Islam ay ganap na "iba pa" - nangangahulugan na wala itong karaniwang mga ugat o koneksyon sa ibang mga relihiyon nina Abraham (i.e. Kristiyanismo at Hudaismo). Upang sabihin na ang mga Muslim ay sumasamba sa ibang "Diyos" dahil sinasabi nila na ang "Allah" ay hindi makatwiran na parang sinasabi na ang mga Pranses ay sumamba sa ibang Diyos dahil ginagamit nila ang salitang "Dieu", na ang nagsasalita ng Espanyol ay sumasamba sa ibang Diyos dahil sinasabi nila na "Dios" o na ang mga Hudyo ay sumasamba sa ibang Diyos dahil kung minsan ay tinawag nila Siya na "Yahweh. "Tiyak, ang pangangatuwiran na tulad nito ay medyo nakakatawa! Dapat ding banggitin, na ang pag-angkin na ang anumang wika ay gumagamit lamang ng wastong salita para sa Diyos ay kahalintulad sa pagtanggi ng pagiging pangkahatan ng mensahe ng Diyos sa sangkatauhan, sa lahat ng mga bansa, tribo at tao sa pamamagitan ng iba't ibang mga propeta na nagsasalita ng iba't ibang wika.
Nais naming tanungin sa aming mga mambabasa ang tungkol sa mga motibo ng mga taong ito? Ang dahilan ay ang sukdulang katotohanan na ang Islam ay nakatayo sa matibay na pundasyon at hindi matitinag ang paniniwala sa Kaisahan ng Diyos na walang kapintasan. Dahil dito, walang maipula ang mga Kristiyano sa mga doktrina nito, sa halip ay nag-iimbento sila ng mga bagay tungkol sa Islam na hindi totoo upang ang mga tao ay mawala ang pagnanais na matuto nang higit pa. Kung ang Islam ay ipinakita sa wastong paraan sa mundo, tiyak na maaari itong isaalang-alang ng maraming tao at muling suriin ang kanilang sariling mga paniniwala. Malamang na kapag nalaman nila na mayroong isang pangkalahatan na relihiyon sa mundo na nagtuturo sa mga tao na sambahin at mahalin ang Diyos, habang nagsasagawa rin ng Dalisay na Moneteismo, o marahil ay maramdaman na dapat nilang suriin muli ang batayan para sa kanilang sariling mga paniniwala at mga doktrina.
Talababa:
[1]Tulad ng pag-angkin na pinalaganap ni Robert Morey sa kanyang gawa, The Moon-god Allaah in the Archeology of the Middle East. Para sa isang talakayan tungkol sa gawaing ito, mangyaring tingnan ang mga sumusunod na link:
(http://www.islamic-awareness.org/Quran/Sources/Allah/moongod.html)
Magdagdag ng komento