Islam, isang Malalim na Kabihasnan (bahagi 1 ng 2): Panimula
Paglalarawanˇ: Mga pahayag ng iba't ibang mga di-Muslim na iskolar at intelektwal tungkol sa kalaliman ng relihiyong Islam bilang isang sibilisasyon. Bahagi 1: Panimula.
- Ni iiie.net
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 16 Oct 2011
- Nag-print: 3
- Tumingin: 7,246
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang Islam na ipinahayag kay Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Diyos, ay ang pagpapatuloy at pagtatapos ng lahat ng nauna nang ipinahayag na mga relihiyon, at samakatuwid ito ay para sa lahat ng oras at lahat ng mga tao. Ang katayuang ito ng Islam ay may kasama o sinupurtahan ng mga maliwanag na mga katotohanan. Una, walang ibang ipinahayag na libro na mayroong parehong anyo at nilalaman. Pangalawa, walang ibang ipinahayag na relihiyon ang mayroong kapani-paniwalang pag-aangkin na magbibigay ng gabay sa lahat ng antas ng buhay ng tao sa lahat ng oras. Ngunit ang Islam ay pinatutungkulan ang buong sangkatauhan at nag-aalok ng pangunahing gabay patungkol sa lahat ng mga problema ng tao. Bukod dito, napagtagumpayan nito ang mga pagsubok sa loob ng isang libo at apat na raang taon at mayroon itong lahat ng potensyal na makapagtatag ng isang perpektong lipunan tulad ng ginawa sa ilalim ng pamumuno ng huling Propetang si Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala.
Ito ay isang himala na nahikayat ni Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, maging ang kanyang pinakamahigpit na mga kaaway sa kawan ng Islam kahit na walang sapat na materyal na mga mapagkukunan. Ang mga sumasamba sa mga idolo, mga bulag na tagasunod sa mga pamamaraan ng mga ninuno, mga tagatapagtaguyod ng mga kaguluhan sa tribo, at mga nang-aabuso ng dignidad at dugo o buhay ng tao ay naging pinaka disiplinadong bansa sa ilalim ng gabay ng Islam at Propeta nito. Binuksan sa kanila ng Islam ang mga kaisipang espiritwal at dignidad ng tao sa pamamagitan ng pagpapahayag na ang katuwiran ang nag-iisang pamantayan ng gantimpala at karangalan. Hinubog ng Islam ang kanilang panlipunan, kultura, moral at komersyal na buhay na may mga pangunahing batas at prinsipyo na naaayon sa kalikasan ng tao at naaangkop sa lahat ng oras dahil ang kalikasan ng tao ay hindi nagbabago.
Nakakalungkot lang na ang mga taga Kanlurang Kristiyano sa halip na taimtim na subukang maunawaan ang pambihirang tagumpay ng Islam sa maagang panahon, ay itinuring ito bilang isang karibal na relihiyon. Sa panahon ng mga siglo ng Krusada, ang kalakaran na ito ay nakakuha ng maraming puwersa't lakas at napakaraming mga literatura ang ginawa upang sirain ang imahe ng Islam. Ngunit sinimulan ng Islam na ibunyag ang katotohanan nito sa mga modernong iskolar na ang tapang at makatuwirang obserbasyon sa Islam ay pinasinungalingan ang lahat ng mga paratang na ikinabit laban dito ng tinatawag na walang pinapanigang dalubhasa sa Silangan.
Magbibigay kami rito ng ilang mga pagsusuri sa Islam ng mga kinikilalang mga iskolar ng modernong panahon na hindi Muslim. Ang katotohanan ay hindi nangangailangan ng mga tagapagtaguyod upang makaingganyo sa ngalan nito, ngunit ang matagal ng propaganda na may masamang hangarin laban sa Islam ay lumikha ng malaking kalituhan kahit na sa isipan ng malaya at walang kinikilingang mapanuring isipan.
Inaasahan namin na ang mga sumusunod na pagsusuri ay makakatulong sa pagsisimula ng isang walang kinikilingang pagsusuri sa Islam.
Canon Taylor, Ang papel na binasa sa harapan ng Church Congress sa Walverhamton, Oct. 7, 1887, Sinipi ni Arnond sa The Preaching of Islam, pp. 71-72:
“Pinalitan nito (Islam) ang kalokohan sa pagkamakatao. Nagbibigay ng pag-asa sa alipin, kapatiran sa sangkatauhan, at pagkilala sa mga pangunahing katotohanan ng kalikasan ng tao.”
Sarojini Naidu, Lektura sa “The Ideals of Islam”, tingnan ang Mga Talumpati at Pagsusulat ni Sarojini Naidu, Madras, 1918, p. 167:
“Ang pagiging makatarungan ay isa sa mga kahanga-hangang mithiin ng Islam, dahil habang binabasa ko ang Qur’an ay natagpuan ko ang mga dinamikong mga alituntuning ito ng buhay, hindi mahiwaga ngunit praktikal na etika para sa pang-araw-araw na kaasalan sa buhay na angkop sa buong mundo.”
De Lacy O’Leary, Islam at the Crossroads, London, 1923, p.8:
“Gayunpaman, nilinaw ng kasaysayan, na ang alamat ng panatiko na mga Muslim na kumakalat sa buong mundo at ipinagpipilitan ang Islam ng may dahas at puwersa sa pananakop ng lipi ay isa sa mga pinaka-hindi kapani-paniwalang mga alamat na inuulit-ulit ng mga tagapagsalaysay.”
H.A.R. Gibb, Whither Islam, London, 1932, p. 379:
“Ngunit ang Islam ay mayroon pang karagdagang serbisyo para sa kapakanan ng sangkatauhan. Pagkatapos ng lahat,nakatayo o nanatili ito ng malapit sa tunay na Silangan kaysa sa Europa, at nagtataglay ito ng isang kahanga-hangang tradisyon ng pag-unawa sa pagitan ng mga lahi at pakikipagtulungan. Walang ibang lipunan na may tulad na tala ng tagumpay sa pagkakaisa sa isang pagkakapantay-pantay ng katayuan, ng pagkakataon, at ng mga pagpupunyagi ng napakaraming lahi ng sangkatauhan ... ang Islam ay may kapangyarihan pa ring mapagkasundo ang tila hindi mapagkakasundo na mga elemento ng lahi at tradisyon. Kung sakaling ang pagsasalungatan ng mga dakilang lipunan ng Silangan at Kanluran ay mapapalitan ng kooperasyon, ang pamamagitan ng Islam ay isang kalagayan na kailangang-kailangan. Sa mga kamay nito ang solusyon sa problema kung saan ang Europa ay nahaharap sa kaugnayan nito sa Silangan. Kung magkakaisa sila, ang pag-asa ng isang mapayapang paglathala ay lubos na mapapahusay. Ngunit kung ang Europa, sa pamamagitan ng pagtanggi sa kooperasyon ng Islam, ay ipapaubaya ito sa mga kamay ng mga karibal nito, ang isyu ay maaaring makapinsala sa magkabilang panig.”
G.B. Shaw, The Genuine Islam, Vol. 1, No. 81936:
“Palagi kong pinanghahawakan ang relihiyon ni Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, ng may mataas na pagpapahalaga dahil sa napakagandang katatagan nito. Ito lang ang nag-iisang relihiyon na nagpapakita sa akin ng taglay ng kapasidad sa pagbabago ng yugto na maaaring makaakit sa bawat panahon. Pinag-aralan ko siya - ang kahanga-hangang tao at sa palagay ko na malayo sa pagiging isang anti-Kristo, dapat siyang tawaging Tagapagligtas ng Sangkatauhan. Naniniwala ako na kung ang isang tao na katulad niya ay maluklok sa diktadura ng modernong mundo, magtatagumpay siya sa paglutas ng mga problema nito sa isang paraan na magdadala ng higit na kinakailangang kapayapaan at kaligayahan: Huhulaan ko ang tungkol sa pananampalataya ni Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, na ito ay magiging katanggap-tanggap sa Europa sa darating na panahon gaya ng paggsisimula nitong maging katanggap-tanggap sa Europa ngayon.”
Islam, isang Malalim na Kabihasnan (bahagi 2 ng 2): Karagdagang Mga Pahayag
Paglalarawanˇ: Mga pahayag ng iba't ibang mga di-Muslim na iskolar at intelektwal tungkol sa kalaliman ng relihiyong Islam bilang isang sibilisasyon. Bahagi 2: Karagdagang mga pahayag.
- Ni iiie.net
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 17 May 2006
- Nag-print: 3
- Tumingin: 5,605
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
A.J. Toynbee, Civilization on Trial, New York, 1948, p. 205:
“Ang pagkawala ng kamalayan sa lahi sa pagitan ng mga Muslim ay isa sa mga natatanging tagumpay ng Islam at sa kasalukuyang mundo. Habang nangyayari ito, mayroong matinding pangangailangan para sa pagpapalaganap ng kabutihan ng Islam.”
A.M.L. Stoddard, sinipi sa Islam – The Religion of All Prophets, Begum Bawani Waqf, Karachi, Pakistan, p. 56:
“Ang paglaganap ng Islam ay marahil ang pinaka kamangha-manghang kaganapan sa kasaysayan ng tao. Sumibol mula sa isang lupain at mga tao na parehong walang pakialam o pabaya, kumalat ang Islam sa loob lamang ng isang siglo sa mahigit kalahati ng mundo, winasak ang mga malalaking emperyo, pinabagsak ang matagal ng itinatag na mga relihiyon, muling hinubog ang mga kaluluwa ng mga lipi, at bumuo ng isang buong bagong mundo - mundo ng Islam.
“Habang sinusuri namin ng malapitan ang pagsulong nito ay mas lumilitaw ang pagiging katangi-tangi nito. Ang iba pang mga dakilang relihiyon ay dahan-dahang nagtagumpay, sa pamamagitan ng masakit na pakikibaka at sa wakas ay nagtagumpay sa tulong ng mga makapangyarihang mga monarko na nagpalit o lumipat sa bagong pananampalataya. Ang Kristiyanismo ay nagkaroon ng Constantine, ang Budismo ay may Asoka, at ang Zoroastrianismo ay may Cyrus, bawat isa ay nagpahiram sa kanyang napiling kulto ng makapangyarihang puwersa ng sekular na awtoridad. Hindi ang Islam. Na lumitaw sa isang lupain ng desyerto na may kakaunting pagala-galang lahi na dating hindi nakikilala sa mga talaan ng tao, ang Islam ay sumugod sa malaking pakikipagsapalaran ng may kakaunting suporta ng tao at laban sa posibleng pinakamabibigat na iba-ibang mga bagay. Gayunpaman, ang Islam ay nagtagumpay ng tila isang milagro at napakadali, at ilang mga henerasyon ang nakakita ng Fiery Crescent (simbolong makikita sa mga Moske ng mga Muslim) na nagdala ng tagumpay mula sa Kabundukan hanggang sa Himalaya at mula sa desyerto ng Gitnang Asya hanggang sa mga desyerto ng Gitnang Africa.”
Edward Montet, “La Propaganda Chretienne it Adversaries Musulmans”, Paris, 1890, sinipi ni T.W. Arnold sa The Preaching of Islam, London, 1913, pp. 413-414:
“Ang Islam ay isang relihiyon na totoong makatwiran sa pinakamalawak na kahulugan ng katawagan na ito na itinuturing ayon sa pinagmulan ng salita at kasaysayan. Ang kahulugan ng rasyonalismo bilang isang sistema na nagbabase sa relihiyosong paniniwala sa mga prinsipyo na nagbigyan ng mga rason na wastong naiangkop dito ... Hindi maitatanggi na maraming mga doktrina at mga sistema ng teolohiya at maraming pamahiin, mula sa pagsamba sa mga santo hanggang sa paggamit ng mga rosaryo at mga anting-anting, ang naidagdag sa pangunahing pinagmulan ng paniniwala ng mga Muslim. Ngunit sa kabila ng masaganang pag-unlad, sa bawat kahulugan ng katawagan, ng mga turo ng propeta, ang Quran ay namalagi o napanatili ang posisyon nito bilang pangunahing pinagsimulan, at ang doktrina ng kaisahan ng Diyos ay palaging ipinapahayag dito ng may kadakilaan, kamahalan, isang walang pagbabagong kadalisayan at may tala ng matibay na paniniwala, na mahirap makitang malampasan sa labas ng Islam. Ang katapatan na ito sa pangunahing doktrina ng relihiyon, ang kapayakan ng nilalaman nito kung saan ito ay binibigkas, ang patunay na nakamit nito mula sa nag-aalab na paniniwala ng mga misyonaryo na nagpapalaganap nito, ay napakaraming kadahilanan upang ipaliwanag ang tagumpay ng mga misyonaryo ni Mohammad. Isang doktrinang wasto, na tinanggal ang lahat ng mga kumplikadong teolohiko at dahil dito ay madali itong mabatid ng ordinaryong pang-unawa na maaaring asahan na magkaroon at tunay na nagtataglay ng isang kamangha-manghang kapangyarihan ng pagwawagi patungo sa konsensya ng mga tao.”
W. Montgomery Watt, Islam and Christianity Today, London, 1983, p.IX:
“Hindi ako Muslim sa karaniwang kahulugan, kahit na umaasa akong ako ay isang "Muslim" bilang "isa na sumusuko sa Diyos", ngunit naniniwala ako na ang nakasulat sa Quran at iba pang mga pagpapahayag ng adhikain ng Islam ay may nakalagak na napakaraming mga banal na katotohanan kung saan Ako at ang iba pang mga kanluranin ay marami pa ring matututunan, at ang 'Islam ay tiyak na isang malakas na kalaban para sa pagbibigay ng pangunahing balangkas ng isang relihiyon ng hinaharap.’”
Paul Varo Martinson (editor), ISLAM, An Introduction for Christians, Augsburg, Minneapolis, 1994, p. 205:
“Ang Islam ay isang tunay na pananampalataya na humuhubog sa panloob na pagkatao ng mga Muslim at tinutukoy ang kanilang saloobin sa buhay. At ang paniniwala ng Islam sa pangkalahatan ay mas tradisyunal kaysa sa paniniwalang Kristyano na hinubog ng Kanluran, na nakaranas ng matinding sikularisasyon. Gayunpaman, magiging patas lamang tayo sa populasyon ng Islam kapag naiintindihan natin sila mula sa kaibuturan ng kanilang relihiyon at paggalang sa kanila bilang isang pamayanan ng pananampalataya. Ang mga Muslim ay naging mahalagang kapareha sa mga usapin tungkol sa pananampalataya.”
John Alden Williams (editor), ISLAM, George Braziller, New York, 1962, sa loob ng dust cover:
“Ang Islam ay higit pa sa isang pormal na relihiyon: ito ay isang mahalagang paraan ng pamumuhay. Sa maraming kaparaanan ito ang pinaka-importanteng rason sa mga karanasan ng mga tagasunod nito kaysa sa anumang iba pang relihiyon sa mundo. Ang isang Muslim ("Isa na sumusuko") ay namumuhay sa harapan ng Diyos sa lahat ng oras at hindi magsisimulang paghiwalayin ang pagitan ng kanyang buhay at ng kanyang relihiyon, kanyang pulitika at kanyang pananampalataya. Sa matibay nitong pagbibigay-diin sa kapatiran ng mga tao na nagtutulungan upang matupad ang kalooban ng Diyos, ang Islam ay naging isa sa mga pinaka-maimpluwensyang relihiyon sa mundo ngayon.”
John L. Esposito, ISLAM, The Straight Path, Oxford University Press, New York, 1988, pp. 3-4:
“Ang Islam ay nakatayo sa isang mahabang linya ng Semitiko, relihiyosong mga tradisyon ng propeta na nagbabahagi ng hindi matatawarang monotiesmo, at paniniwala sa paghahayag ng Diyos, Kanyang mga propeta, etikal na responsibilidad at pananagutan, at Araw ng Paghuhukom. Katotohanan, ang mga Muslim, tulad ng mga Kristiyano at Hudyo, ay mga Anak ni Abraham, yamang ang lahat ay matutunton ang kanilang mga pamayanan pabalik sa kanya. Ang makasaysayang ugnayan ng Islam at pampulitikang ugnayan sa Kristiyano at Hudaismo ay nanatiling matatag sa buong kasaysayan. Ang pakikipag-ugnayang ito ay naging mapagkukunan ng benepisyo sa isa't isa at paghihiraman pati na rin ang hindi pagkakaunawaan at salungatan.”
Magdagdag ng komento