Ang Quran sa Lumalawak na Uniberso at ang Teorya ng Big Bang

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Tinutukoy ng artikulong ito ang ugnayan sa pagitan ng mas tinanggap na paliwanag ng pang-agham tungkol sa pinagmulan at pagpapalawak ng uniberso, at ang paglalarawan ng pinagmulan at pagpapalawak nito sa Quran.

  • Ni Sherif Alkassimi (© 2008 IslamReligion.com)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 13 Jun 2017
  • Nag-print: 1
  • Tumingin: 4,644 (araw-araw na pamantayan: 3)
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Hubble’s Law (ang batas ni Hubble)

Sa loob ng libu-libong taon, ang mga astronomo ay nagkakagulo para sa simpleng katanungan ukol sa sansinukob. Hanggang noong taong 1920, pinaniniwalaang ang sansinukob ay laging nandiyan sa simula pa man; at saka, na ang sukat ng laki ng sansinukob ay permanente at hindi nagbabago. Gayunpaman, noong 1912, ang Amerikanong astronomo, na si Vesto Slipher, ay may natuklasang makapagpapabago sa paniniwala ng mga astronomo tungkol sa sansinukob. Napansin ni Slipher na ang kalawakan ay gumagalaw palayo sa mundo nang napakabilis. Ang mga obserbasyong ito ay nagbigay ng unang ebidensya o pagpapatunay ukol lumalawak na unibersong teorya.[1]

The_Quran_on_the_expanding_Universe_and_the_Big_Bang_theory_001.jpg

Bago naimbento ang teleskopyo noong 1608, ang mga tao ay walang magawa kundi ang magtaka na lamang ukol sa pinagmulan ng sansinukob. (Kurtesiya: NASA)

Noong 1916, si Albert Einstein ay bumalangkas ng pangkalahatang teorya ng relatibidad (General Theory of Relativity) na nagsasabing ang sansinukob ay maaring lumalawak o lumiliit. Ang pagkumpirma ng lumalawak na uniberso ay sa wakas dumating noong 1929 sa katauhan ng sikat na Amerikanong astronomo na si Edwin Hubble.

Sa pamamagitan ng pag-obserba sa redshifts[2] sa mga ilaw alonghaba (wavelengths) na pinakakawalan ng kalawakan, natuklasan ni Hubble na ang kalawakan ay hindi permanente sa kanilang posisyon; bagkus, gumagalaw sila palayo sa atin sa bilis na pantay sa layo nila mula sa mundo (Hubble's Law). Ang natatanging paliwanag lamang ay ang kalawakan ay dapat lumalawak. Ang nadiskubre ni Hubble ay itinuturing na pinakamahusay sa kasaysayan ng astronomiya. Noong 1929, nailathala niya ang velocity-time na relasyon na siyang batayan ng modernong kosmolohiya. Sa pagdaan pa ng mga taon, sa karagdagang pagmamasid, ang lumalawak na unibersong teorya ay tinanggap ng parehong mga siyentipiko at mga astronomo.

See Explanation.  Clicking on the picture will download  the highest resolution version available.The_Quran_on_the_expanding_Universe_and_the_Big_Bang_theory_003.jpgSee Explanation.  Clicking on the picture will download  the highest resolution version available.

Sa pamamagitan ng Hooker Telescope, Natuklasan ni Hubble na ang mga kalawakan ay gumagalaw palayo sa atin. Ang nasa taas ay mga larawan ng kilalang mga kalawakan. (Kurtesiya: NASA)

Gayunpaman, nakakagulat na bago paman naimbento ang teleskopyo at bago nailathala ang kanyang batas (Hubble's Law), si Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay bumigkas na ng berso sa Quran sa kanyang mga kasamahan na ang uniberso ay lumalawak.

"At Aming itinayo ang kalangitan ng may katatagan, at katotohanang Kami ang magpapalawak nito." (Quran 51:47)

Noong panahon ng rebelasyon ng Quran, ang salitang “kalawakan” ay hindi kilala, at ang mga tao ay ginagamit ang salitang “langit" para tukuyin kung ano ang nasa ibabaw ng mundo. Sa nasa taas na berso, ang salitang “langit” ay tumutukoy sa kalawakan at ang kilalang uniberso. Ang berso ay tumutukoy na ang kalawakan at ang uniberso, ay nangyayaring lumalawak, gaya ng sinabi sa Hubble’s Law.

Nangyaring ang Quran ay nagbanggit ng gaya nitong mga katotohanan maraming siglo bago naimbento ang unang teleskopyo, sa mga panahong makaluma o sinauna pa ang kaalaman sa agham kaya maituturing ito na kahanga-hanga. Ito ay mas nagiging kahanga-hanga sa kadahilanang, gaya ng karamihan sa mga tao sa panahon niya, si Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay di marunong bumasa at sumulat at natural na walang nalalaman sa ganitong mga katotohanan sa pamamagitan ng kanyang sarili. Maaari kayang siya ay totoong nakatanggap ng banal na rebelasyon mula sa Tagapaglikha at Maylikha ng sansinukob?

Ang Big Bang Theory

Pagkatapos mailathala ni Hubble and kanyang teorya, nadiskubre niya na hindi lamang gumagalaw ang mga kalawakan palayo sa mundo kundi gumagalaw rin palayo sa isa't isa. Ito ay nangangahulugang ang uniberso ay lumalawak sa bawat direksyon, katulad ng isang lobong lumalaki kung may hangin. Ang mga bagong natuklasan ni Hubble ay nagpatibay ng mga pundasyon para sa Big Bang theory.

Ang Big Bang theory ay nagsasabing noong bandang 12-15 billion taon ang nakalipas, ang uniberso ay nabuo mula sa isang napakainit at makapal na kung anopaman, at may nag-udyok o naging dahilan ng pagsabog nito na siyang naging simula at pinagmulan ng uniberso. Mula noon, ang uniberso ay lumawak mula sa isang pinagmulan.

Pagkaraan, noong 1965, ang mga radio astronomers sa sina Arno Penzias at Robert Wilson ay naka diskubre at nanalo ng Noble Prize na nagkumpirma sa Big Bang theory. Bago ang kanilang nadiskubre, ang teorya ay tumutukoy na kung sa iisang bagay na napaka-init ang pinagmulan ng uniberso, kung gayon ay may mga labi na mahahanap mula dito. Itong mga labi ng init ay kaparehong-kapareho sa natagpuan nina Penzias at Wilson. Noong 1965, sina Penzias at Wilson ay nakadiskubre ng 2.725 degree Kelvin Cosmic Microwave Background Radiation (CMB) na nakakalat sa buong uniberso. Kaya mauunawaan na ang radiation na natagpuan ay nagmula sa mga labi mula sa mga unang bahagi ng Big Bang o pagsabog. Ang Big Bang Theory ay kinikilala at tinatanggap ng nakararaming mga Syentipiko at mga Astronomo.

Cosmic Background Explorer Data

Ang mapa ng microwave ng natirang bahagi ng Big Bang kung san nagmula ang uniberso. (Kurtesiya: NASA)

Ito ay nabanggit sa Quran:

"Siya (ang Diyos) ang pinagmulan ng kalangitan at kalupaan..." (Quran 6:101)

“Hindi baga Siya na lumikha ng kalangitan at kalupaan ay Makagagawa rin na makalikha ng katulad nila? Tunay nga; at Siya ang Maalam na Manlilikha. Kung Siya ay magnais na gumawa ng isang bagay, ang Kanyang pag-uutos lamang ay: "Mangyari nga!" at ito ay magaganap.” (Quran 36:81-82)

Ang nasa taas na mga talata ay nagpapatunay na ang uniberso ay may simula, na ang Diyos ang nasa likod ng kanilang pagkakalikha, at ang kinakailangang gawin lang ng Diyos upang lumikha ay magsabi ng "Maging" at ito ay magaganap. Hindi baga ito ang kapaliwanagan sa kung ano ang nag-udyok ng pagsabog na siyang nagdala o pinagmulan ng uniberso?

Nabanggit din sa Quran:

“Hindi baga napagmalas ng mga hindi sumasampalataya na ang kalangitan at kalupaan ay magkadikit noon bilang magkabuklod na piraso, at saka Namin pinaghiwalay yaon, at nilikha Namin mula sa tubig ang lahat ng nabubuhay na bagay. Hindi baga sila mananampalataya?" (Quran 21:30)

Ang mga iskolar na Muslim na nagpaliwanag sa naunang talata ay nagsabi na ang kalupaan at kalangitan ay iisa noon, at ang Diyos ay pinaghiwalay ang mga ito at lumikha ng pitong kalangitan at ang kalupaan. Subalit sa kadahilanang limitado ang siyensya at teknolohiya noong mga panahon na iyon ng ipinahayag ang Quran (at sa mga sumunod na mga siglo), kaya walang iskolar na makapagbigay ng detalye sa kung ano ang eksaktong detalye kung paano nilikha ang kalangitan at kalupaan. Ang tangi lamang naipapaliwanag ng mga iskolar noon ay ang iksaktong kahulugan ng bawat salita sa Arabe na nasa talata. At gayundin ang pangkalahatang kahulugan ng buong talata.

Sa mga naunang talata, ang mga Arabeng salita na ratq at fataq ay ginamit. Ang salitang ratq ay maisasalin na "isang bagay" "na pinagtagpi o tinahi" "pinagsama" o "isanara". Ang kahulugan ng mga nakasalin ay umiikot sa isang bagay na pinagsama o pinaghalo at ito ay may mga magkakahiwalay at natatanging pag-iral. Ang pandiwang Fataq ay isinalin sa "Aming tinastas" "Aming pinaghiwalay" o "Aming hiniwalay" o "Aming binuksan". Ang mga kahulugan na ito ay nagpapahiwatig na ang isang bagay ay nangyayari sa pamamagitan ng isang pagkilos ng paghati o pagwasak. Ang pagtubo ng binhi mula sa lupa ay isang magandang halimbawa ng kaparehong paglalarawan ng kahulugan ng pandiwang fataq.

Sa pagsisimula o pagpapakilala ng Big Bang theory, naging mas malinaw sa mga Muslim na iskolar na ang detalye na nabanggit na kaugnay sa teorya ay kaparehong-kapareho sa paglalalarawan sa kung paano nilikha ang uniberso sa talata 30 ng kabanata 21 sa banal na Quran. Ang teorya ay nagsasabi na ang lahat ng bagay sa uniberso ay nagmula sa isang napaka-init at makapal na bagay o anupaman; na sumabog at pinag- umpisahan ng uniberso, at ito ay tumutugma sa kung ano ang nabanggit sa talata na ang kalupaan at kalangitan (ang lahat na nasa uniberso) ay dating iisa o magkakasama, at pinaghiwa-hiwalay. Muli, ang tangi lamang posibleng paliwanag dito ay na si Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay tunay na nakatanggap ng banal na kapahayagan mula sa Diyos, ang Tagapaglikha ang Nagpasimula ng unibesro.


Mga talababa:

[1] Ang unang tatlong minuto, ang modernong pananaw ng pinagmulan ng Uniberso, Weinberg.

[2] Nang ang maliwanag na bagay naglabas at nawala sa lugar patungong pulang dulo ng spectrum. (http://bjp.org.cn/apod/glossary.htm)

Mahina Pinakamagaling

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Ibang mga artikulo sa Parehong mga Kategorya

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Minimize chat