Ang mga Himala ni Muhammad (bahagi 1 ng 3)

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Ang kalikasan ng mga himala na isinagawa sa mga kamay ng mga propeta.

  • Ni IslamReligion.com
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 18 Mar 2014
  • Nag-print: 5
  • Tumingin: 7,189
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Bukod sa pinakadakilang himala na ibinigay sa kanya, ang Quran, ang Propeta Muhammad (pbuh) ay nagsagawa ng maraming pisikal na himala na nasaksihan ng kanyang mga nakasabayan na may bilang ng daan-daan, at sa ilang mga pagkakataon ay libu-libo.[1] Ang mga ulat ng himala ay umabot sa atin sa pamamagitan ng isang maaasahan at matibay na pamamaraan ng paghahatid na hindi matutumbasan sa kasaysayan ng mundo. Para bagang ang mga himala ay isinagawa sa harapan ng ating mga mata. Ang maselang pamamaraan ng paghahatid ay ang nakahikayat sa amin na si Muhammad (pbuh) ay ang tunay na nagsagawa ng mga dakilang himala na may banal na tulong at, sa gayon, maaari nating paniwalaan nang siya ay nagsabing, 'Ako ang Sugo ng Diyos.'

Ang mga dakilang himala ni Muhammad (pbuh) ay nasaksihan ng libu-libong mga mananampalataya at mga nag-aalinlangan, na sinusundan ng mga talata sa Qur'an na inihayag at binanggit ang mga kagila-gilalas na mga kaganapan. Ang Qur'an ay gumawa ng ilang mga himala na walang hanggan sa pamamagitan ng pag-ukit ng mga ito sa diwa ng mga mananampalataya. Ang mga sinaunang nambabatikos ay nananatiling tahimik na lamang kapag ang mga talatang ito ay binibigkas. Kung hindi naganap ang mga himalang ito, maaari nilang magamit ang pagkakataon upang usigin ito at pasinungalingan si Muhammad (pbuh). Ngunit sa halip, ang kabaligtaran ang naganap. Ang mga mananampalataya ay lalo pang natiyak ang katotohanan ni Muhammad (pbuh) at ng Qur'an. Ang katotohanang ang matatapat ay mas lumakas sa kanilang pananampalataya at ang katahimikan ng mga di-mananampalataya at hindi pagtanggi sa pangyayari nito ay pagkilala mula sa kapwang mga himala na naganap nang eksakto tulad ng pagkakalarawan ng Qur'an.

Sa bahaging ito ating tatalakayin ang ilan sa mga pisikal na himala na isinagawa ni Muhammad (pbuh), nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya.

Ang mga Himala ay Mula sa Banal na Kapangyarihan

Ang himala ay isa sa mga salik na higit na nagpapatibay sa pag-angkin bilang isang propeta ng Diyos. Ang mga himala ay hindi dapat maging tanging diwa ng paniniwala, dahil ang mga kagila-gilalas na kaganapan ay maaari ring maganap sa pamamagitan ng paggamit ng mahika at mga diyablo. Ang katotohanan ng pagkapropeta ay malinaw at maliwanag sa katunayan ng mensaheng dinala, dahil ang Diyos ay naglagay ng isang kakayahan, bagama't limitado, sa mga tao upang kilalanin ang katotohanan tulad nito, partikular sa usapin ng monoteismo. Ngunit upang higit pang palakasin ang argumento ng Pagkapropeta, ang Diyos ay gumawa ng mga himala sa mga kamay ng Kanyang mga Propeta mula kay Moises, Hesus hanggang kay Muhammad (sumakanila nawa ang kapayapaan at pagpapala). Sa kadahilanang ito, ang Diyos ay hindi gumawa ng mga himala para sa kahilingan ng mga taga-Makkah, ngunit ang Matalinong Diyos ay binigyan si Muhammad (pbuh) ng mga himalang nais Niya sa oras na pinili Niya:

"At sila ay nagsasabi, 'Kami ay hindi maniniwala sa iyo hangga't hindi mo magawang magpabulwak para sa amin ng isang bukal mula sa lupa, o [hanggang] ikaw ay magkaroon ng hardin ng mga datiles at ubasan, at magawa mong paagusin ang ilog nang sapilitan sa kanila [at masagana] o kaya’y magawa mong ihulog ang langit sa amin nang pira-piraso tulad ng iyong sinabi, o dalhin mo ang Diyos at ang mga anghel sa [aming] harapan o kaya’y ikaw ay magkaroon ng bahay na pinalamutian [ng ginto] o di kaya, ikaw ay umakyat patungong kalangitan. At [gayunpaman], hindi pa rin kami maniniwala sa iyong pag-akyat hanggang maibaba mo para sa amin ang isang Aklat na maaari naming basahin.” Sabihin: “Luwalhati sa aking Panginoon. Hindi ba ako ay isang taong isinugo lamang?” (Quran 17:90-93)

Ang kasagutan ay:

"At walang pumigil sa Amin mula sa pagpapadala ng [mga kapahayagang ito tulad ng mga nauna], na may mahimalang mga palatandaan [bunga nito], panatilihin [ang Aming kaalaman] na ang mga naunang mamamayan [na madalas lamang] ay nagtakwil sa mga ito: kaya, Aming ibinigay sa [Tribu ng] Thamud ang babaeng kamelyo bilang malinaw na babala, ngunit ito ay kanilang ginawan ng kamalian. At hindi Kami nagpadala ng mga palatandaang yaon sa ibang kadahilanan maliban bilang isang babala." (Quran 17:59)

Nong humingi ng mapanlinlang, ang Diyos sa Kanyang karunungan ay nalalamang hindi sila maniniwala, kaya tumanggi Siyang ipakita sa kanila ang mga himala:

"Ngayon sila ay sumusumpa ng pinakamatinding panunumpa na kung may himalang ipapakita sa kanila, katiyakan sila ay maniniwala rito [sa banal na utos]. Sabihin: 'Ang mga himala ay nasa kapangyarihan ng Diyos lamang.' 'At sa lahat ng inyong kamalayan, na kahit ang isa ay ipakita sa kanila, sila ay hindi pa rin maniniwala hanggat Aming ililihis ang kanilang mga puso at ang kanilang mga paningin [palayo mula sa patnubay], tulad ng kanilang pagtutol na maniwala rito sa unang pagkakataon: at [kaya] Aming hahayaan sila sa kanilang patuloy na pagsuway, bulag na magpalabuy-laboy sa kawalan." (Quran 6:109-110)

Nagtipon kami dito ang ilan sa mga pangunahing pisikal na himala na isinagawa ng Propeta Muhammad (pbuh).



Mga talababa:

[1] Ang mga himala ay umabot ng mahigit sa isang libo. Tingnan ang ‘Muqaddima SharhSaheeh Muslim’ ni al-Nawawi at ‘al-Madkhal’ ni al-Baihaqi.

Mahina Pinakamagaling

Ang mga Himala ni Muhammad (bahagi 2 ng 3)

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Ang pagkahati ng buwan, at ang paglalakbay ng Propeta sa Herusalem at pagpapa-itaas sa kalangitan.

  • Ni IslamReligion.com
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 06 May 2014
  • Nag-print: 5
  • Tumingin: 7,907
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Paghahati ng Buwan

Isa sa mga pagkakataon na ang Diyos ay gumawa ng mga himala sa kamay ng Propeta ay nang ang mga taga-Makkah ay humiling na makakita ng isang himala mula kay Muhammad (pbuh) upang maipakita ang kanyang pagkamakatotohanan. Ang Diyos ay hinati ang buwan sa dalawang magkahiwalay na mga hati at pagkatapos ay muling binuo ang mga ito. Ang Quran ay naitala ang kaganapan:

"Ang Oras ay papalapit na, at ang buwan ay nahati!." (Quran 54:1)

Ang Propeta Muhammad (pbuh) ay binabasa ang mga talatang ito ng Quran sa malalaking mga kongregasyon ng lingguhang pagdarasal ng Biyernes at sa dalawang-taunang pagdarasal ng Eid.[1] Kung ang pangyayari ay hindi naganap, ang mga Muslim mismo ay maaaring nag-alinlangan sa kanilang relihiyon at marami ang maaaring iniwan ito! Maaaring sabihin ng mga taga-Makkah, 'Hoy, ang iyong propeta ay sinungaling, ang buwan ay hindi nahati, at hindi namin kailanman nakita ito na nahati!' Sa halip, ang mga mananampalataya ay lumagong mas matatag sa kanilang pananampalataya at ang tanging paliwanag lamang na napagtanto ng mga taga-Makkah ay, 'naglalahong salamangka!

"Ang Oras ay papalapit na, at ang buwan ay nahati! At kung sila ay makakita ng isang palatandaan [himala], sila ay nagsisilayo at nagsasabing, 'Naglalahong salamangka!'- dahil sila ay baluktot sa pagsasabing ito ay kasinungalingan, na laging sinusunod ang kanilang mga sariling pagnanasa." (Quran 54:1-3)

Ang paghahati ng buwan ay napatunayan sa pamamagitan ng patotoo ng saksi na naiulat sa pamamagitan ng isang walang patid na kawin ng maaasahang mga pantas na napakamarami kung kaya imposible na maaari itong maging mali (hadith mutawatir).[2]

Ang isang nag-aalinlangan ay maaaring magtanong, mayroon ba tayong anumang bukod na katibayan sa kasaysayan na magsasabing ang buwan ay nahati? Pagkatapos ng lahat, ang mga tao sa buong mundo ay dapat na nakita ang kamangha-manghang kaganapang ito at naitala ito.

Ang kasagutan sa katanungang ito ay nasa dalawang bahagi.

Una, ang mga tao sa buong mundo ay maaaring hindi nakita ito dahil maaaring maaraw pa, kalaliman ng gabi, o madaling araw sa maraming bahagi ng mundo. Ang susunod na talahanayan ay magbibigay sa mambabasa ng ilang ideya ng kaukulang mga oras sa mundo nang 9:00 ng gabi sa oras ng Makkah:

Bansa

Oras

Makkah

9:00 pm

India

11:30 pm

Perth

2:00 am

Reykjavik

6:00 pm

Washington D.C.

2:00 pm

Rio de Janeiro

3:00 pm

Tokyo

3:00 am

Beijing

2:00 am

Gayundin, hindi maaasahan na ang isang malaking bilang ng mga tao sa mga kalapit na lupain ay maaaring pinagmamasdan din ang buwan sa ganap na parehong oras. Wala silang dahilan para dito. Kahit na ang ilan ay nagkagayon, hindi mangangahulugang ang mga tao ay naniwala sa kanya at nagtabi ng isang isinulat na talaan nito, lalo na kung maraming mga sibilisasyon sa panahong iyon na hindi nagpapanatili ng kanilang sariling kasaysayan para isulat.

Pangalawa, mayroon tayo talagang nakabukod, at lubos na kamangha-manghang, makasaysayang pagpapatotoo sa kaganapan mula sa isang hari ng India nang panahong iyon.

Ang Kerala ay isang estado ng India. Ang estado ay umaabot ng 360 milya (580 kilometro) sa kahabaan ng Baybayin ng Malabar sa timog-kanlurang bahagi ng kapuluan ng India.[3] Si King Chakrawati Farmas ng Malabar ay isang hari ng Chera, Cheraman perumal ng Kodungallure. Naitala niyang nakita ang buwan na nahati. Ang insidente ay naitala sa isang manuskrito na itinago sa Tanggapang Aklatan ng India, sa London, sangguniang bilang: Arabe, 2807, 152-173.[4] Isang pangkat ng mga mangangalakal na Muslim ang dumaan sa Malabar sa kanilang paglalakbay patungong Tsina ang nakipag-usap sa hari tungkol sa kung paano tinulungan ng Diyos ang Arabyanong propeta sa himala ng paghahati ng buwan. Ang namanghang hari ay sinabing nakita niya rin ito ng kanyang sariling mga mata, ura mismo ay itinalaga ang kanyang anak, at naglakbay sa Arabya upang makipagkita sa Propeta nang harapan. Ang hari ng Malabari ay nakilala ang Propeta, ipinahayag ang dalawang patotoo ng pananampalataya, natutunan ang mga pangunahing kaalaman sa pananampalataya, ngunit pumanaw sa landas habang pauwi at inilibing sa daungan ng lungsod ng Zafar, sa Yemen.[5]

Sinasabing ang pangkat ay pinamunuan ng isang Muslim, na si Malik ibn Dinar, at nagpatuloy sa Kodungallure, ang kabisera ng Chera, at itinayo ang una, at ang pinakalumang moske ng India, sa lugar noong 629 CE na umiiral pa /ngayon.

The_Miracles_of_Muhammad_(part_2_of_3)_001.jpg

Isang bago-naisaayos na larawan ng Moske ng Cheraman Juma, ang pinakalumang moske ng India na simula pa noong 629 CE. Ang larawan ay sa kagandahang-loob ng www.islamicvoice.com.

Ang balita ng kanyang pagtanggap sa Islam ay umabot sa Kerala kung saan ang mga tao ay tinanggap ang Islam. Ang mga mamamayan ng Lakshadweep at ng Moplas (Mapillais) mula sa lalawigan ng Calicut ng Kerala ay mga balik-Islam sa mga panahong iyon.

The_Miracles_of_Muhammad_(part_2_of_3)_002.jpg

Ang Moske ng Cheraman Juma, na ipinangalan sa unang balik-Islam ng India, na si Cheraman perumal Chakrawati Farmas, pagkatapos maisaayos. Ang larawan ay sa kagandahang-loob ng www.indianholiday.com.

Ang nasaksihan ng Indiyano at ang pakikipagkita ng Indiyanong hari sa Propeta Muhammad (pbuh) ay iniulat din ng mga napagkuhanang Muslim. Ang bantog na mananalaysay na Muslim na si Ibn Kathir, ay binanggit ang pagkakahati ng buwan na iniulat sa mga bahagi ng India.[6] Gayundin, ang mga aklat ng hadith ay naitala ang pagdating ng hari ng India at ang kanyang pakikipagkita sa Propeta. Si Abu Sa’id al-Khudri, isang kasamahan ng Propeta Muhammad (pbuh), ay nagsabi:

“Ang Indiyanong hari ay pinagkalooban ang Propeta ng isang garapon ng luya. Ang mga kasamahan ay kinain ito ng pira-piraso. Ako ay kumagat din."[7]

Ang hari ay itinuring na isang 'kasamahan' - isang katagang ginagamit para sa isang tao na nakilala ang Propeta at namatay bilang isang Muslim - ang kanyang pangalan ay nakatala sa malaking kalipunan ng pagkakasunod-sunod bilang kasamahan ng Propeta.[8]

Gabi ng Paglalakbay at Pagpapa-itaas sa Kalangitan

Ilang buwan bago ang paglikas mula sa Makkah patungong Madinah, kinuha ng Diyos si Muhammad (pbuh) ng isang gabi mula sa Dakilang Moske sa Makkah hanggang sa Moske ng al-Aqsa sa Herusalem, na isang buwang paglalakbay ng 1230 Km para sa isang caravan. Mula sa Herusalem, nagpa-itaas siya sa kalangitan, dumaan sa mga hangganan ng pisikal na santinakpan upang mapasa banal na piling, makatagpo ang Diyos, at masaksihan ang Dakilang Mga Palatandaan (al-Ayat ul-Kubra). Ang katotohanan ay naging maliwanag sa dalawang paraan. Una, 'inilarawan ng Propeta ang mga caravan na kanyang nalampasan sa daang pauwi at sinabi kung nasaan ang mga ito at mga kung kailan maaaring inaasahan silang makarating sa Makkah; at ang bawat isa ay dumating gaya sa pagkakahula, at ang mga detalye ay gaya ng kanyang paglalarawan.'[9]Pangalawa, hindi siya nakilalang nakapunta na sa Herusalem, gayunpaman kanyang inilarawan ang Moske ng al-Aqsa sa mga nag-aalinlangan tulad ng isang nakasaksi.

The_Miracles_of_Muhammad_(part_2_of_3)_003.jpg

Ang mistikong paglalakbay ay binanggit sa Quran:

"Luwalhati sa Kanya na Siyang nagpalakbay sa Kanyang alipin [ang Propeta Muhammad] sa gabi mula sa Masjid al-Haram patungong Masjid al-Aqsa, na ang mga kapaligiran nito ay Aming pinagpala, upang Aming ipakita sa kanya ang Aming mga palatandaan. Katotohanan, Siya ang Lubos na Nakaririnig, ang Lubos na Nakakikita." (Quran 17:1)

"Kaya, kayo ba ay makikipagtalo pa sa kanya tungkol sa anumang kanyang nakita? At katiyakang siya ay kanyang nakita sa iba pang pagbaba sa puno ng lote sa Kadulu-duluhang Hangganan - sa tabi nito ay ang Hardin ng Kanlungan (Paraiso) - nang matakpan ang Puno ng Lote ng anumang tumakip [nito]. Ang paningin (ng Propeta) ay hindi lumihis, ni sumuway (sa hangganan nito). Katiyakan, kanyang nakita ang mga dakilang tanda ng kanyang Panginoon." (Quran 53:12-18)

Ang kaganapan ay tiniyak rin sa pamamagitan ng patotoong pagsaksi na naiulat ng isang walang patid na kawin ng maaasahang mga pantas (hadith mutawatir).[10]

The_Miracles_of_Muhammad_(part_2_of_3)_004.jpg

Pasukan ng Moske ng Al-Aqsa kung saan si Muhammad (pbuh) ay nagpa-itaas sa mga kalangitan. Ang larawan ay sa kagandahang-loob ng Thekra A. Sabri.



Mga talababa:

[1] Saheeh Muslim.

[2] TingnanNadhm al-Mutanathira min al-Hadith al-Mutawatir,’ ni al-Kattani p. 215.

[3] “Kerala.” Encyclopædia Britannica mula sa Encyclopædia Britannica Premium Service. (http://www.britannica.com/eb/article-9111226)

[4]Ito ay sa aklat na “Muhammad Rasulullah,” ni Muhammad Hamidullah: “Mayroong isang napakatandang tradisyon sa Malabar, sa Timog-Kanlurang baybayin ng India, na si Chakrawati Farmas, na isa sa kanilang mga hari, ay nasaksihan ang paghahati ng buwan, ang pinaka tanyag na himala ng Banal na Propeta sa Makkah, at kanyang napag-alaman sa pagtatanong na mayroong isang hula sa pagdating ng isang Sugo ng Diyos mula sa Arabya, hinirang niya ang kanyang anak bilang pinuno at naglakbay upang tagpuin siya. Siya ay yumakap sa Islam sa kamay ng Propeta, sa kanyang pag-uwi, mula sa direksyon ng Propeta, ay namatay sa daungan ng Zafar, sa Yemen, kung saan ang libingan ng “Indiyanong Hari” ay taimtim na dinadalaw pa rin sa pagdaan ng mga siglo.”

[5] ‘Zafar: sa biblikal ay Sephar, sa klasikal ay Sapphar, o Saphar na sinaunang Arabyanong lugar na matatagpuan sa timog-kanluran ng Yarim sa dakong timog ng Yemen. Ito ang kabisera ng Himyarites, isang tribo na namuno sa dakong timog ng Arabya mula noong 115 BC hanggang 525 AD. Hanggang sa pagsakop ng Persia (c. AD 575), ang Zafar ay isa sa pinaka-mahalaga at ipinagbubunying mga lungsod sa dakong timog ng Arabya - isang katotohanang pinatunayan hindi lamang ng mga heograpong Arabo at mananalaysay kundi pati na rin ng mga Griyego at Romanong manunulat. Matapos mawala ang kaharian ng Himyar at sa pag-usbong ng Islam, ang Zafar ay unti-unting humina.’ “Zafar.” Encyclopædia Britannica mula sa Encyclopædia Britannica Premium Service. (http://www.britannica.com/eb/article-9078191)

[6]Al-Bidaya wal-Nihaya,’ ni Ibn Kathir, bol 3, p. 130.

[7] Iniulat ni Hakim sa ‘Mustadrik’ bol 4, p. 150. mga puna ni Hakim, ‘Wala akong naisaulong anumang ibang ulat na nagsasabing ang Propeta ay kumain ng luya.’

[8]Al-Isaba’ ni Ibn Hajr, bol 3. p. 279 at ‘Lisan ul-Mizan’ ni Imam al-Dhahabi, bol. 3 p. 10 sa ilalim ng pangalang ‘Sarbanak,’ ang pangalan kung saan siya kilala ng mga Arabo.

[9]‘Muhammad: Ang Kanyang Buhay base sa mga Sinaunang Mapagkukunan' ni Martin Lings, p. 103.

[10] Apatnaput limang mga kasamahan ng Propeta ang naghatid o nagsalin ng mga ulat sa kanyang Gabi ng Paglalakbay at ang Makalangit na Pagpapa-itaas. Tingnan ang the works of hadith masters: ‘Azhar al-Mutanathira fi al-Ahadith al-Mutawatira’ ni al-Suyuti p. 263 at ‘Nadhm al-Mutanathira min al-Hadith al-Mutawatir,’ ni al-Kattani p. 207.

Mahina Pinakamagaling

Ang mga Himala ni Muhammad (bahagi 3 ng 3)

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Isang pagbanggit sa iba pang mga himala ng Propeta, nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya.

  • Ni IslamReligion.com
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 06 May 2014
  • Nag-print: 5
  • Tumingin: 6,018
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

May iba pang maraming mga himala ang isinagawa ng Propeta na may kaugnayan sa Sunnah, o pinagsama-samang mga salawikain, mga gawa, mga pagpapahintulot, at mga paglalarawan sa Propeta.

Ang Punungkahoy

Sa Madinah si Muhammad (pbuh) ay naghahatid ng mga sermon na sumasandal sa isang tuod ng puno. Nang nadagdagan ang bilang ng mga mananamba, may nagmungkahi na gumawa ng isang pulpito upang magamit niya ito sa paghahatid ng sermon. Nang maitayo ang pulpito, iniwan niya ang punungkahoy. Si Abdullah ibn Umar, isa sa mga kasamahan, ay nagbigay ng patotoong pagpapahayag sa nangyari. Ang puno ay narinig na umiiyak, ang Propeta ng awa ay nagpunta patungo dito at inalo ito ng kanyang kamay.[1]

Ang kaganapan ay napatunayan din sa pamamagitan ng patotoong pagpapahayag na naihatid sa paglipas ng panahon na may isang walang patid na kawin ng mga maaasahang pantas (hadith mutawatir).[2]

Ang Pag-agos ng Tubig

Mahigit sa isang pagkakataon nang ang mga tao ay talagang nangangailangan ng tubig, ang pagpapala ni Muhammad (pbuh) ay nakapagligtas sa kanila. Nang ika-anim na taon pagkatapos niyang lumikas mula sa Makkah patungong Madinah, si Muhammad (pbuh) ay nagtungo sa Makkah para sa peregrinasyon. Sa mahabang paglalakbay sa disyerto, ang mga tao ay naubusan lahat ng tubig, tanging ang Propeta lamang ang natirahan ng isang sisidlan na kung saan siya nagsagawa ng paghuhugas para sa mga pagdarasal. Inilagay niya ang kanyang kamay sa sisidlan, nagsimulang dumaloy ang tubig mula sa pagitan ng kanyang mga daliri. Si Jabir ibn Abdullah, na nakasaksi ng himala, ay nagsabing sa labinlimang daang lalaki, 'Kami ay uminom nito at nagsagawa ng paghuhugas.'[3] Ang himala ay naihatid sa isang walang patid na kawin ng maasahang mga pantas (hadith mutawatir).[4]

Ang pagbukal ng tubig mula sa mga daliri ng isang tao ay katulad ng himala kay Moises na pagbukal ng tubig mula sa isang bato.

Pagpapala ng Pagkain

Mahigit sa isang pagkakataon, ang Propeta ay pinagpapala ang pagkain sa pamamagitan ng pagdarasal o paghaplos nito upang ang lahat ng naroroon ay mabusog. Ito ay nangyari sa mga oras na ang kakulangan sa pagkain at tubig ay pinagdurusahan ng mga Muslim.[5] Ang mga himalang ito ay naganap sa harapan ng malaking bilang ng mga tao, kaya, hindi maaaring itanggi.

Pagpapagaling sa may Sakit

Si Abdullah ibn Ateek ay nabalian ng kanyang binti at si Muhammad (pbuh) ay pinagaling ito sa pamamagitan ng paghaplos ng kanyang kamay dito. Sinabi ni Abdullah na para bang walang nangyari dito! Ang taong nakasaksi ng himala ay isa pang kasamahan, na si Bara 'ibn Azib (Saheeh Al-Bukhari)

Sa paglalakbay ni Khyber, si Muhammad (pbuh) ay pinagaling ang nananakit na mga mata ni Ali ibn Abi Talib sa harap ng isang buong hukbo. Si Ali, pagkalipas ng maraming taon, ay naging ika-apat na kalipa ng mga Muslim.[6]

Pagpapalayas ng mga Diyablo

Si Muhammad (pbuh) ay nagpalayas ng diyablo mula sa isang batang lalaki na dinala ng kanyang ina para pagalingin siya sa pagsasabi ng, 'Lumabas ka! Ako si Muhammad, ang Sugo ng Diyos! 'Sinabi ng babae,' Sa pamamagitan Niyang nagpadala sa iyo ng katotohanan, hindi na kami nakakita ng anumang masama sa kanya mula noon.’[7]

Tinugong mga Panalangin

(1) Ang ina ni Abu Hurayra, isang malapit na kasamahan ni Muhammad (pbuh), ay nagsasalita ng masasama tungkol sa Islam at sa propeta nito. Isang araw, si Abu Hurayra ay dumating na umiiyak kay Muhammad (pbuh) at hiniling sa kanya na ipanalangin ang kanyang ina na maligtas. Si Muhammad (pbuh) ay nanalangin at nang si Abu Hurayra ay umuwi sa bahay ay natagpuan niya ang kanyang ina na handa nang tanggapin ang Islam. Siya ay nagpatotoo ng pananampalataya sa harap ng kanyang anak at niyakap ang Islam.[8]

(2) Si Jarir ibn Abdullah ay inatasan ng Propeta na alisin ang isang idolo mula sa isang lupain na sinasamba maliban sa Diyos, ngunit dumaing siya na hindi niya makayang sumakay ng kabayo nang maayos! Ang Propeta ay nanalangin para sa kanya, 'O Diyos, gawin siyang isang malakas na mangangabayo at gawin siyang isang naggagabay at ginabayan.' Si Jarir ay pinatotohanang hindi na siya nahulog sa kanyang kabayo pagkatapos ng propeta manalangin para sa kanya.[9]

(3) Ang mga tao ay tinamaan ng taggutom sa panahon ni Muhammad (pbuh). Isang lalaki ang tumindig habang si Muhammad (pbuh) ay naghahatid ng lingguhang sermon ng Biyernes, at sinabing, 'O Sugo ng Diyos, ang aming kayamanan ay nangawasak at ang aming mga anak ay nagugutom. Manalangin ka sa Diyos para sa amin.' Si Muhammad (pbuh) ay itinaas ang kanyang mga kamay sa panalangin.

Ang mga dumalo ay nagpapatotoo na nang sandaling kanyang ibinaba ang kanyang mga kamay pagkatapos manalangin, ang mga ulap ay nagsimulang mabuo na parang mga bundok!

Nang sandaling bumaba siya mula sa kanyang pulpito, ang ulan ay tumatagaktak mula sa kanyang balbas!

Umulan ng buong linggo hanggang sa sumunod na Biyernes!

Ang parehong lalaki ay tumindig muli, na dumaing sa oras na yaon, 'O Sugo ng Diyos, ang aming mga gusali ay nabuwal, at ang aming mga pag-aari ay lumubog, manalangin ka sa Diyos para sa amin!'

Si Muhammad (pbuh) ay itinaas ang kanyang mga kamay at nanalangin, 'O Diyos, (hayaang umulan) sa paligid namin, ngunit hindi sa amin.'

Ang mga dumalo ay nagpapatotoo na ang mga ulap ay umurong sa dakong kanyang itinuro, ang lungsod ng Madinah ay napaligiran ng mga ulap, ngunit walang mga ulap sa ibabaw nito![10]

(4) Narito ang magandang kwento ni Jabir. Pinatototohanan niya na isang beses, ang kamelyong kanyang sinasakyan ay napagod dahil ginagamit ito sa pagdadala ng tubig. Ang kamelyo ay hindi halos makalakad. Si Muhammad (pbuh) ay nagtanong sa kanya, 'Ano ang nangyari sa iyong kamelyo?' Nang malaman kung gaano napagod ang kaawa-awang kamelyo, si Muhammad (pbuh) ay ipinanalangin ang kaawa-awang hayop at mula sa oras na iyon, si Jabir ay nagsabi sa amin, na ang kamelyo ay palaging nauuna sa iba! Si Muhammad (pbuh) ay tinanong si Jabir, 'Papaano mo natagpuan ang iyong kamelyo?' Si Jabir ay sumagot, 'Mabuti na, ang iyong pagpapala ay umabot na!' Si Muhammad (pbuh) ay binili ang kamelyo mula kay Jabir agad-agad para sa isang pirasong ginto, na may kasunduang si Jabir ay sasakyan ito pabalik ng lungsod! Pagdating sa Madinah, si Jabir ay nagsabing kanyang dinala ang kamelyo kay Muhammad (pbuh) kinabukasan. Si Muhammad (pbuh) ay binigyan siya ng isang pirasong ginto at sinabi sa kanya na panatilihin sa kanya ang kamelyo![11]

Hindi kataka-taka kung bakit ang mga nakapaligid sa kanya na nakasaksi ng mga dakilang himala na ginawa sa harap ng mga tao ay nakatitiyak sa kanyang pagkatotoo.



Mga talababa:

[1] Saheeh Al-Bukhari.

[2]Mahigit sa sampung mga kasamahan ng Propeta ay naghatid ng mga ulat sa kanilang pagkadinig sa pag-iyak ng punungkahoy. Tingnan ang the works of hadith masters: ‘Azhar al-Mutanathira fi al-Ahadith al-Mutawatira’ ni al-Suyuti p. 267, ‘Nadhm al-Mutanathira min al-Hadith al-Mutawatir,’ ni al-Kattani p. 209 at ‘Shamail’ ng Ibn Kathir p. 239.

[3] Saheeh Al-Bukhari.

[4]Mahigit sa sampung mga kasamahan ng Propeta ay naghatid ng mga ulat sa kanilang pagkadinig sa pag-iyak ng punungkahoy. Tingnan ang ‘Nadhm al-Mutanathira min al-Hadith al-Mutawatir,’ ni al-Kattani p. 212, ‘al-Shifa’ ni Qadhi Iyyad, bol 1, p. 405, at ‘al-’Ilaam’ ni al-Qurtubi, p. 352.

[5] Saheeh Al-Bukhari. Tingnan ang ‘Nadhm al-Mutanathira min al-Hadith al-Mutawatir,’ ni al-Kattani p. 213 at ‘al-Shifa’ ni Qadhi Iyyad, bol 1, p. 419.

[6] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim

[7] Musnad ni Imam Ahmad, at Sharh’ al-Sunnah

[8] Saheeh Muslim

[9] Saheeh Muslim

[10]Saheeh Al-Bukhar, Saheeh Muslim

[11] Saheeh Al-Bukhar, Saheeh Muslim

Mahina Pinakamagaling

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

(Magbasa pa...) Alisin
Minimize chat