Si Wilfried Hofmann, Siyentipikong Panlipunang Aleman at Diplomatiko (bahagi 2 ng 2)
Paglalarawanˇ: Ang kwento kung paano tinanggap ng isang diplomatikong Aleman at embahador sa Algeria ang Islam. Bahagi 2.
- Ni Wilfried Hofmann
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 31 Jul 2006
- Nag-print: 3
- Tumingin: 4,835 (araw-araw na pamantayan: 3)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
“Una kong nakita ang Islam sa realidad nito, na isang dalisay, malinaw na paniniwala sa nag-iisa lamang, ang tunay na Diyos, na hindi nagkaanak, at hindi ipinanganak, na hindi naihahalintulad sa anuman… Sa lugar ng kwalipikadong deismo (paniniwala sa natural na relihiyon sa mundo) ng Diyos ng isang tribo at ang paglikha ng isang banal na Trinidad, ipinakita sa akin ng Quran ang pinaka-kapani-paniwala, deretso, ang pinaka-buod - sa gayo’y makasaysayang pinakamaunlad - at hindi bababa sa antropomorpikong (katangiang pantao) konsepto ng Diyos.”
“Ang mga pahayag na ontological (tungkol sa pag-iral) ng Quran, pati na rin ang mga etikal na turo nito, ay pinahanga ako ng lubos, "kasing ganda ng ginto," kaya walang puwang kahit na ang kaunting pag-aalinlangan tungkol sa pagiging tunay ng propetikong misyon ni Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala). Ang mga taong nakakaintindi sa kalikasan ng tao ay hindi papalpak na bigyang halaga ang walang hanggan na karunungan ng "pwede at di pwede" na ibinigay ng Diyos sa tao sa anyo ng Quran.”
Para sa paparating na ika-18 kaarawan ng kanyang anak na lalaki noong 1980, naghanda siya ng 12-pahinang manuskrito na naglalaman ng mga bagay na itinuturing niyang totoo mula sa isang pananaw na pilosopiko. Hiniling niya sa isang Muslim na Imam ng Cologne na nagngangalang Muhammad Ahmad Rassoul na tingnan ang ginawa niya. Matapos basahin ito, sinabi ni Rassoul na kung naniniwala si Dr. Hofmann sa kanyang isinulat, siya ay isang Muslim! Tunay na nangyari ito pagkalipas ng ilang araw nang ipinahayag niya na "Sumasaksi ako na walang banal maliban sa Diyos, at sumasaksi ako na si Muhammad ay sugo ng Diyos." Iyon ay Setyembre 25, 1980.
Ipinagpatuloy ni Dr. Hofmann ang kanyang propesyonal na buhay bilang isang Aleman na diplomat at opisyal ng NATO sa loob ng labinlimang taon matapos siyang maging Muslim. "Hindi ako nakaranas ng anumang diskriminasyon sa aking propesyonal na buhay", sinabi niya. Noong 1984, tatlo at kalahating taon pagkatapos ng kanyang pagbabalik-loob, ay iginawad sa kanya ng Pangulo ng Aleman na si Dr. Carl Carstens ang Order of Merit ng Federal Republic of Germany.Ipinamahagi ng pamahalaang Aleman ang kanyang aklat na "Diary of a German Muslim" sa lahat ng mga Aleman na nasa misyon sa mga bansang Muslim bilang isang instrumento na analitikal. Hindi siya pinigilan ng mga propesyonal na tungkulin sa pagsasanay ng kanyang relihiyon.
Dating napaka dalubhasa sa pulang alak, siya ngayon ay magalang na tumatanggi sa mga alok ng alkohol. Bilang isang opisyal ng Foreign Service, paminsan-minsan ay kailangan niyang mag organisa ng mga tanghalian para sa mga dayuhang panauhin. Siya ay makikilahok sa pananghalian na walang laman ang plato sa harap niya sa panahon ng Ramadan. Noong 1995, kusang-loob siyang nag-retiro mula sa Foreign Service upang ilaan ang sarili sa mga maka-Islamikong kadahilanan.
Habang pinag-uusapan ang mga kasamaan na dulot ng alkohol sa indibidwal at buhay panlipunan, binanggit ni Dr. Hofmann ang isang insidente sa kanyang buhay na sanhi ng alkohol. Sa panahon ng kanyang mga taon sa kolehiyo sa New York noong 1951, minsan siyang nagbiyahe mula sa Atlanta hanggang sa Mississippi. Nang siya ay nasa Holy Spring, Mississippi biglaang may isang sasakyan, na tila minamaneho ng isang lasing na drayber, ang lumitaw sa harap ng kanyang kotse. Sumunod ang isang malubhang aksidente, na tinanggal ang labing siyam niyang mga ngipin at binago ang korte ng kanyang bibig.
Matapos sumailalim sa operasyon sa kanyang baba at ibabang balakang, inaliw siya ng siruhano sa ospital sa pagsabi: "Sa ilalim ng normal na mga kalagayan, walang nakaliligtas sa isang aksidente na tulad nito. Mayroong espesyal na plano sa iyo ang Diyos, aking kaibigan!” Nang siya ay tumikod-tikod sa Holy Spring ng makalabas mula sa ospital na ang kanyang "braso ay nasa saklay, isang nabendahan na tuhod, isang iodine-discolored, tinahi ang ibaba ng kanyang mukha", naisip niya kung ano ang maaaring maging kahulugan ng sinabi ng siruhano.
Nalaman niya ito isang araw, ngunit medyo matagal. "Sa wakas, tatlumpung taon ang nakalilipas, sa mismong araw na ipinahayag ko ang aking pananalig sa Islam, ang tunay na kahulugan ng aking pagkakaligtas ay naging malinaw sa akin!"
Isang pahayag tungkol sa kanyang pagbabalik-loob:
“Matagal-tagal na, nagsusumikap nang higit pa at mas tumpak at maiksi, sinubukan kong ilagay sa papel sa sistematikong paraan, lahat ng mga pilosopikal na katotohanan, na sa aking pananaw, ay maaaring matukoy sa kabila ng makatuwirang pag-aalinlangan. Sa gitna ng pagsisikap na ito sumulpot sa akin na ang pangkaraniwang saloobin ng isang agnostiko ay hindi intelihente; ang tao ay hindi maaaring makatakas sa isang desisyon na maniwala; na ang nilikha ng kung ano ang umiiral sa paligid natin ay malinaw; na ang Islam ay walang alinlangan na nasusumpungan ang sarili sa pinakadakilang pagkakaisa sa pangkalahatang katotohanan. Sa gayon napagtanto ko, ng may pagkabigla, na paunti-unti, sa kabila ng aking sarili at halos walang malay, sa pakiramdam at pag-iisip ako ay naging isang Muslim. Isang huling hakbang na lamang ang kailangang gawin: upang maging pormal ang aking pagbabalik-loob.
Sa ngayon ako ay isang Muslim. Dumating na ako.
Magdagdag ng komento