Ang Kuwento ni Adan (bahagi 2 ng 5): Ang Paglikha kay Eba at ang Papel ni Satanas
Paglalarawanˇ: Ang paglikha ng unang babae, ang payapa na paninirahan sa Paraiso at ang simula ng pagkapoot sa pagitan ni Satanas at ng sangkatauhan.
- Ni Aisha Stacey (© 2008 IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 19 Apr 2008
- Nag-print: 8
- Tumingin: 11,491 (araw-araw na pamantayan: 7)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Minulat ni Adan ang kanyang mga mata at nakita ang magandang mukha ng isang babaeng nakatingin sa kanya. Nagulat si Adan at tinanong ang babae kung bakit siya nilikha. Inilahad niya na siya ay upang pahupain ang kanyang kalungkutan at magdala ng katahimikan sa kanya. Tinanong ng mga Anghel si Adan. Alam nila na si Adan ay mayroong kaalaman sa mga bagay na hindi nila alam at may kaalaman na kakailanganin ng sangkatauhan upang tumira sa mundo. Sinabi nila 'sino ito?' At sumagot si Adan 'ito si Eba'.
Si Eba ay Hawwa sa Arabe; ay nagmula sa salitang ugat na dayami, at nangangahulugan na buhay. Ang Eve (Eba) ay isa ring Ingles na bersyon ng lumang salitang Hebreo na Havva, na nagmula din sa dayami. Ipinagbigay-alam ni Adan sa mga Anghel na si Eba ay pinangalanan ng ganoon sapagkat siya ay nilikha mula sa isang bahagi ng kanyang katawan, at si Adan, ay isang buhay na nilalang.
Ang parehong tradisyon ng Hudyo at Kristiyano ay nagpapanatili din na si Eba ay nilikha mula sa tadyang ni Adan, bagama't sa isang literal na salin sa tradisyon ng mga Hudyo, ang tadyang ay minsang tinutukoy bilang tagiliran.
“O sangkatauhan! Pangambahan ang inyong Panginoon na lumikha sa inyo mula sa isang tao (Adan), at mula sa kanya ay nilikha Niya ang kanyang asawa (Eba), at mula sa kanilang dalawa ay nilikha Niya ang maraming lalaki at babae.’” (Quran 4:1)
Sa mga tradisyon ni Propeta Muhammad ay sinasabi na si Eba ay nilikha mula sa kanyang pinakamaikling kaliwang tadyang habang si Adan ay natutulog at, pagkaraan, binihisan siya ng laman. Ginamit niya (Propeta Muhammad) ang kwento ng paglikha kay Eba mula sa tadyang ni Adan bilang batayan para sa paghiling sa mga tao na maging banayad at mabait sa mga kababaihan. "O mga Muslim! Ipinapayo ko sa iyo na maging banayad sa mga kababaihan, sapagkat nilikha ang mga ito mula sa isang tadyang, at ang pinaka baluktot na bahagi ng tadyang ay ang pang-itaas na bahagi nito. Kung susubukan mong ituwid, masisira ito, at kung iwanan mo ito, mananatili itong baluktot; kaya hinihiling ko sa inyo na alagaan ang mga kababaihan." (Saheeh Al-Bukhari)
Paninirahan sa Paraiso
Sina Adan at Eba ay nanirahan nang tahimik sa Paraiso. Ito rin, ay sinang-ayunan ng mga tradisyon sa Islam, Kristiyano at Hudyo. Sinasabi sa atin ng Islam na ang lahat ng Paraiso ay para sa kanila upang masiyahan at sinabi ng Diyos kay Adan, "kumain kayong dalawa nang malaya na may kasiyahan at kaluguran sa mga bagay na inyong naisin ..." (Quran 2:35) Hindi ipinahayag ng Quran ang eksaktong lokasyon ng kinaroroonan ng Paraiso na ito; gayunpaman, ang mga komentarista ay sumasang-ayon na ito ay wala sa mundo, at ang kaalaman sa lokasyon ay walang pakinabang sa sangkatauhan. Ang pakinabang ay sa pag-unawa sa aralin mula sa mga pangyayaring naganap doon.
Ipinagpatuloy ng Diyos ang kanyang mga tagubilin kina Adan at Eba sa pamamagitan ng babala sa kanila na "... huwag lumapit sa punong ito o pareho kayong mapapabilang sa mga gumagawa ng masasama." (Quran 2:35) Hindi ipinakita ng Quran kung anong uri ng puno iyon; wala tayong mga detalye at ang paghahanap ng gayong kaalaman ay wala ring pakinabang. Ang nauunawaan ay sina Adan at Eba ay namuhay ng isang tahimik na pag-iral at nauunawaan na ipinagbabawal sa kanilang kumain mula sa puno. Gayunpaman, naghihintay si Satanas na mapagsamantalahan ang kahinaan ng sangkatauhan.
Sino si Satanas?
Si Satanas ay isang nilalang mula sa mundo ng Jinn. Ang Jinn ay isang nilikha ng Diyos na gawa sa apoy. Ang mga ito ay hiwalay at naiiba sa parehong mga Anghel at sangkatauhan; gayunpaman, tulad ng sangkatauhan, nagtataglay sila ng kapangyarihan ng pangangatuwiran at maaaring pumili sa pagitan ng mabuti at masama. Ang Jinn ay umiiral bago nilikha si Adan[1] at si Satanas ang pinaka matuwid sa kanila, ng labis kaya siya ay inangat sa isang mataas na katayuan kasama ng mga Anghel.
“Kaya’t ang mga anghel ay nagpatirapa (nagbigay galang) sa kanya, silang lahat nang sama-sama. Maliban kay Iblis (Satanas na isa sa lipon ng mga Jinn), - siya ay tumanggi na magpatirapa. Si Allah ay nagwika: 'O Iblis! Ano ang iyong dahilan upang ikaw ay hindi sumama sa mga nagpatirapa?' Si Iblis ay nagsabi: 'Hindi ako ang isa na magpapatirapa sa harapan ng isang tao, na Inyong nilikha mula sa putik (na lumilikha ng tunog kapag natuyo na), mula sa hinubog na maitim at madulas na lupa.' Si (Allah) ay nagsabi: 'Kung gayon, ikaw ay lumayas dito, sapagkat katotohanang ikaw ay Rajim (isang isinumpa o itinaboy).' At katotohanang ang sumpa ay sasaiyo hanggang sa Araw ng Pagbabayad (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay).’” (Quran 15:30-35)
Ang Papel na Ginampanan ni Satanas
Naroon si Satanas sa Paraiso nina Adan at Eba at ang kanyang panata ay iligaw at linlangin sila at ang kanilang mga inapo. Sinabi ni Satanas: “…katotohanang ako ay uupo na naghihintay sa kanila (mga tao) laban sa Inyong Matuwid na Landas.” At ako ay lalapit sa kanilang harapan at sa kanilang likuran, sa kanilang kanang bahagi at sa kanilang kaliwang bahagi...” (Quran 7:16-17) Si Satanas ay mapagmataas, at itinuturing na mas mainam ang kanyang sarili kaysa kay Adan, at sa gayon ang sangkatauhan. Siya ay maparaan at tuso, ngunit nauunawaan ang lahat ng kahinaan ng mga tao; alam niya ang kanilang mga pag-ibig at pagnanasa.[2]
Hindi sinabi ni Satanas kina Adan at Eba na "kumain kayo mula sa punong iyon" at hindi rin niya sinabi nang tuwiran na sumuway sa Diyos. Bumulong siya sa kanilang mga puso at nagtanim ng mga nakakabagabag na mga saloobin at kagustuhan. Sinabi ni Satanas kina Adan at Eba, “...“Ang inyong Panginoon ay hindi nagbawal sa inyo sa punongkahoy na ito, maliban (sa kadahilanang) baka kayo ay maging mga anghel o kayo ay maging walang kamatayan.” (Quran 7:20) Ang kanilang pag-iisip ay napuno ng mga saloobin ukol sa puno, at isang araw ay nagpasya silang kumain mula dito. Umasta sina Adan at Eba tulad ng ginagawa ng lahat ng tao; sila ay naging abala sa kanilang sariling mga saloobin at mga bulong ni Satanas at nakalimutan nila ang babala mula sa Diyos.
Sa puntong ito malaki ang nagiging pagkakaiba ng tradisyon ng mga Hudyo at Kristiyano sa Islam. Wala sa anumang pangyayari na ang mga salita ng Diyos - ang Quran, o ang mga tradisyon at kasabihan ni Propeta Muhammad - ay nagpapahiwatig na si Satanas ay dumating kay Adan at Eba sa anyo ng isang ahas.
Hindi ipinapahiwatig ng Islam na si Eba ang mas mahina sa dalawa, o tinukso niya si Adan na sumuway sa Diyos. Ang pagkain ng bunga ng puno ay isang pagkakamali na ginawa nina Adan at Eba. Parehas silang may responsibilidad. Hindi ito ang orihinal na kasalanan na pinag-uusapan sa mga tradisyong Kristiyano. Ang mga inapo ni Adan ay hindi paparusahan para sa mga kasalanan ng kanilang orihinal na magulang (Adan at Eba). Ito ay isang pagkakamali, at ang Diyos, sa Kanyang walang hanggan na Karunungan at Awa, ay pinatawad silang dalawa.
Magdagdag ng komento