Ang Buod na Kwento ni Maria
Paglalarawanˇ: Isang maikling kwento ng ating ina na si Maria at ang kanyang mahimalang pagsilang kay Hesus .
- Ni Marwa El-Naggar (Reading Islam)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 01 Jan 2020
- Nag-print: 1
- Tumingin: 6,510 (araw-araw na pamantayan: 4)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Sa Islam, si Hesus ay itinuturing na isa sa limang pinakadakilang mga propeta na ipinadala ng Diyos sa sangkatauhan. Ang kaalaman ng mga Muslim tungkol kay Hesus ay batay sa dalawang pangunahing mapagkukunan ng kaalaman sa Islam: ang Quran at Hadeeth (mga salita ng propeta). Sa Quran, si Hesus ay tinukoy bilang Isa ibn Maryam, o Hesus , ang anak ni Maria. Ang kwento nina Maria at Hesus ay pinakamainam na inilarawan sa Quran sa mga kabanata 3 at 19.
Maria: Maagap sa Pagiging Bata
Ang kuwento ay nagsisimula kay Maria, na pinagpala bilang isang bata na may proteksyon ng Diyos. Si Maria ay ipinanganak sa relihiyosong pamilya ng Aal Imraan. Maraming tao ang nagtalo-talo para sa karangalan na alagaan ang bata, ngunit ang responsibilidad ay ibinigay kay Zakarias, isang matanda at walang anak na lalaki, na agad na napansin na ang batang babae ay natatangi. Isang araw, napansin ni Zakarias na may maraming mga pagkain ang batang babae na hindi niya maipaliwanag. Tinanong niya siya kung paano napunta sa tabi niya ang mga pagkain at sumagot siya,
“Mula kay Allah. 'Katotohanang si Allah ay nagkakaloob ng ikabubuhay sa sinumang Kanyang maibigan ng walang pagbibilang (pasubali).” (Quran 3:37)
Ang simpleng sagot na ito ay may malaking epekto sa matandang lalaki. Dahil sa matagal nang nagnanais para sa isang anak na lalaki, ang debotong si Zakarias ay nanalangin sa Diyos para sa isang supling. Tulad ng iniuugnay na talata sa ibaba mula sa Quran, ang kanyang mga dalangin ay sinagot agad, kahit na ang kanyang asawa ay baog at matanda na at mahirap ng mabuntis:
“At sa sandaling ito, si Zakarias ay nanikluhod sa kanyang Panginoon na nagsasabi: 'O aking Panginoon! Ako ay gawaran (Ninyo) mula sa Inyo ng isang mabuting supling. Katotohanang Kayo ang Ganap na Nakakarinig ng panawagan.' At (di naglaon) ang mga anghel ay tumawag sa kanya, habang siya ay nakatindig sa pagdarasal sa loob ng silid (na nagsasabi): 'Si Allah ay naghahatid sa iyo ng masayang balita tungkol kay Yahya (Juan) na magpapatotoo sa salita na mula kay Allah, marangal, na mananatiling malayo sa pakikipag-ulayaw sa mga babae, isang Propeta, at isa sa mga matutuwid.’” (Quran 3:38-39)
Ang pagiging natatangi ni Maria, na napansin ni Zacarias, ay ipinaliwanag sa kanya ng mga anghel:
“At (gunitain) nang ang mga anghel ay magbadya: 'O Maria! Katotohanang si Allah ay humirang sa iyo, nagpadalisay sa iyo, at ikaw ay hinirang nang higit sa lahat ng mga babae ng mundo.' 'O Maria! Isuko mo ang iyong sarili ng may pagtalima sa iyong Panginoon at magpatirapa ka, at ikaw ay yumukod na kasama ng mga nagpapatirapa.’” (Quran 3:42-43)
Narito ang kwento ng pag-papalaki at kabataan ni Maria, na nauugnay sa Quran, pagtatapos.
Ang Himala ni Hesus
Sa kabanata 19, na pinamagatang "Maria," naririnig natin palagi ang natatanging kwentong ng babae na ito, na pinakamainam na ang Quran ang magsabi mismo.
“At alalahanin mo (O Muhammad) ang nasa Aklat (ang Quran) tungkol kay Maria, nang siya ay humiwalay (muna) at mapag-isa (na malayo) sa kanyang pamilya sa isang lugar sa gawing silangan. Siya ay naglagay ng lambong (upang pangalagaan ang kanyang sarili) sa kanila; at Aming isinugo sa kanya ang Aming Ruh (ang Anghel na si Gabriel), at siya ay tumambad sa harap niya sa anyo ng isang ganap na tao. Siya (Maria) ay nagsabi: "Katotohanang ako ay humihingi ng kaligtasan mula sa Pinakamahabagin (Allah) [laban] sa iyo, kung ikaw ay may pangangamba kay Allah." (Ang Anghel) ay nagpahayag: "Ako ay isa lamang Sugo mula sa iyong Panginoon, (upang ibalita) sa iyo ang (tungkol sa) handog na isang matuwid na anak na lalaki." Siya (Maria) ay nagsabi: "Paano ako magkakaroon ng anak na lalaki gayong wala pang lalaki ang nakasaling sa akin, gayundin, ako ay isang malinis (na babae)?" Siya (Gabriel) ay nagpahayag: "Kaya't (ito ay mangyayari); ang iyong Panginoon ay nagwika: Ito ay magaan sa Akin. At (nais Namin) na italaga siya bilang Tanda sa sangkatauhan at isang Habag mula sa Amin (Allah), at ito ay isang bagay (na napagpasyahan na) sa pag-uutos (ni Allah)." At siya ay nagdalangtao sa kanya, at siya ay pumaroon na kasama niya (ang kanyang dinadala sa kanyang sinapupunan) sa isang malayong lugar (alalaong baga, sa Bethlehem, na mga apat hanggang anim na milya mula sa Herusalem). (Quran 19:16–22)
Mula sa paglalarawan ng Quran ng mga kaganapan, mahihinuha nating ginugol ni Maria ang kanyang pagbubuntis na mag-isa. Ang nangyari sa kanya sa panahong ito ay hindi nabanggit sa Quran. Isinalaysay ng Quran ang kapanahunang malapit ng manganak si Maria.
“At ang sakit ng panganganak ay nagsadlak sa kanya sa tabi ng puno ng palmera (datiles). Siya ay nangusap: 'Sana’y namatay na lamang ako bago ito nangyari sa akin, at nakalimutan at naglaho sa (kaninumang) paningin!' At siya (anghel) ay nangusap sa kanyang paanan na nagsasabi: 'Huwag kang manimdim! Ang iyong Panginoon ay nagkaloob ng isang dalisdis ng tubig sa iyong ibaba (paanan).’” (Quran 19:23-24)
Ang Diyos, na alam ang magiging reaksyon ng mga tao o lipunan, mas lalo siyang ginabayan kung paano niya haharapin ang sitwasyon.
“ At iyong ugain ang puno ng palmera (datiles) sa iyong harapan, at dito ay malalaglag ang mga sariwa at hinog na bunga para sa iyo." (Quran 19:25)
Nang dinala niya ang sanggol na si Hesus sa kanyang mga tao, tinanong nila siya; at bilang isang sanggol sa kanyang mga bisig, binigyan sila ni Hesus ng sagot. Inilarawan ng Quran ang eksenang ito nang detalyado:
“Kaya’t kumain ka at uminom at maging masaya, at kung ikaw ay makakatagpo ng sinumang tao, iyong sabihin: 'Katotohanang ako ay nagtalaga ng pag-aayuno sa Pinakamapagbigay (Allah), kaya’t ako ay hindi makikipag-usap sa sinumang tao sa araw na ito.' At kanyang dinala siya (ang sanggol) sa kanyang pamayanan na kanyang karga. Sila ay nagsabi: 'O Maria! Katotohanang ikaw ay nagdala ng isang bagay na Fariyya (isang hindi naririnig na pambihirang bagay). O kapatid na babae ni Aaron! Ang iyong ama ay isang tao na hindi gumagawa ng pangangalunya, gayundin ang iyong ina ay hindi isang maruming babae.' At siya (Maria) ay nagturo sa kanya. Sila ay nagsabi: 'Paano kami makikipag-usap sa kanya na isang sanggol pa sa kanyang duyan?' Siya (Hesus) ay nagpahayag: 'Katotohanang ako ay isang alipin ni Allah, ako ay Kanyang binigyan ng Kasulatan at ako ay hinirang Niya na isang propeta; At ginawa Niya na nabibiyayaan ako saan man ako naroroon, at nagtagubilin sa akin sa pagdarasal, at zakah (katungkulang kawanggawa), habang ako ay nabubuhay, at maging masunurin sa aking ina, at (Kanyang) ginawaran ako na huwag maging palalo at mawalan ng pagtingin ng pasasalamat; Kaya’t Salam (Kapayapaan) ang sumaakin sa araw na ako ay ipinanganak, sa araw na ako ay mamamatay, at sa araw na ako ay muling ibabangon sa pagkabuhay.’” (Quran 19:26-33)
At kaya ipinagtanggol ng sanggol na si Hesus ang kanyang ina mula sa anumang mga akusasyon tungkol sa pangangalunya, at sa isang maikling salita, ipinaliwanag kung sino siya at kung bakit siya ipinadala ng Diyos.
Dito natatapos ang kwento ni Maria at mahimalang pagsilang ng isa sa mga pinakadakilang propeta ng Diyos, si Hesus.
“Ito si Hesus, ang anak ni Maria, (ito ay) isang pahayag ng katotohanan, na kung saan sila ay nagtatalo-talo.” (Quran 19:34)
Magdagdag ng komento