Ang Mga Palatandaan ng Diyos (bahagi 1 ng 2)

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Ang Quran ay ang pinakadakilang himala ng Diyos at ipinadala kay Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) na siyang huling Propeta para sa lahat ng sangkatauhan. Bahagi 1: Ang ilan sa mga uri ng mga palatandaan ng Diyos sa Quran.

  • Ni IslamReligion.com
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 14 Jul 2019
  • Nag-print: 3
  • Tumingin: 5,254
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

The-Signs-of-God-part-1.jpgGusto ng Diyos ng patnubay para sa sangkatauhan, at upang ipakita ang tamang landas nagpadala Siya ng mga libro at rebelasyon. Halimbawa, ipinadala Niya ang "Suhof" kay Abraham, ang Torah kay Moises, ang Mga Awit kay David at ang Ebanghelyo kay Jesus, ang anak ni Maria; at ang panghuli, ipinadala Niya ang Quran kay Propeta Muhammad, nawa ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanilang lahat. Si Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), ay ang huling propeta ng Diyos na ipinadala sa sangkatauhan hanggang sa katapusan ng mundo. Si propeta Muhammad (sumakanya nawa ang awa at pagpapala) ay nagsabi, "Ang bawat propeta ay ipinadala lamang sa kanilang nasyon, ngunit ako ay ipinadala sa sangkatauhan."[1]

Ang Quran ay salita ng Diyos at walang ibang aklat sa mundong ito na napakahalagang basahin. "Ito [ang Quran] ay liwanag mula sa inyong Panginoon, at patnubay at habag para sa mga taong naniniwala." (Quran 7:203). Binanggit sa Quran na ang sangkatauhan ay pakikitaan ng "mga palatandaan" patungo sa Kanya. Sa katunayan, ang isinalin na salitang "mga palatandaan" ay napakalaki ng kahalagahan sa Quran na binanggit nang higit sa 150 beses, at sa bawat sandali ito ay tumutukoy sa mga palatandaan ng Diyos. Nilagyan ng Diyos ang tao ng katalinuhan upang makita natin, masuri, mapagtibay, at pagkatapos ay gawin ang Kanyang mga palatandaan. Bilang karagdagan sa ating angking talino, ang bawat tao ay ipinanganak na may dalisay at likas na pagkilala na ang Diyos ay ang ating Panginoon at Siya ay Nag-iisa.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga uri ng mga palatandaan na binanggit sa Quran:

1) Ang konsiyensya ng tao

Sinabi ng Diyos na magpapakita Siya sa atin ng malinaw na mga palatandaan sa ating mga sarili at Siya ay papasok sa pagitan natin at ng ating mga puso.

"Aming ipakikita sa kanila ang Aming mga ayaat [mga tanda] sa buong [abot-tanaw ng mga alapaap o] santinakpan, at sa kanilang mga sarili, hanggang maging malinaw sa kanila na ito ang katotohanan (Islam). Hindi pa ba sapat na ang iyong Panginoon ang Siyang Saksi hinggil sa lahat ng bagay?…" (Quran 41:53)

"O, kayong mga naniwala, tumugon kayo sa Diyos [sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanya] at [sa Kanyang] Sugo kapag siya ay nanawagan sa inyo sa anumang maghahatid sa inyo ng buhay, at dapat ninyong malaman na ang Diyos ay [Makapangyarihan] namamagitan sa tao at sa kanyang puso, at katotohanan, sa Kanya ang inyong pagtitipon]." (Quran 8:24)

Paano kaya ang Diyos papagitna sa tao at sa kanyang puso? Halimbawa, kung ang isa ay nasa bingit ng paggawa ng isang nakakapinsalang gawain o isang malaking kasalanan ay bigla nalang magkakaroon ng labis na mabigat na pakiramdam ng pagka-konsensya sa puso ng taong iyon. Ang gayong pakiramdam ay isang babala na ang paggawa ng kasalanan na iyon ay ikagagalit ng Diyos.

2) Ilang mga pangyayari

Ang isang itim na pusa na dumaan sa isang bahay o ibon na lumapag sa isang hardin ay hindi nangangahulugan ng anupaman, at ang mga pusa at ibon ay simpleng mga nilalang na nagpapatuloy ng kanilang buhay ayon sa nais nila; hindi sila nagdadala ng mabuti o masamang kapalaran. Ang pamahiin ay walang iba kundi isang mapanlinlang na pakiramdam; sa katotohanan hindi ito umiiral. Gayunpaman, ang ilang mga kaganapan/pangyayari ay may kahulugan, tulad ng nabanggit sa Quran matapos mapatay ni Cain, ang anak ni Adan, ang kanyang kapatid na si Abel. "Pagkaraan, ang Allah ay nagpadala ng isang uwak na kinakahig nito [libingan] ang lupa [para sa patay na uwak] upang maipakita sa kanya kung paano niya maitatago ang patay na katawan ng kanyang kapatid. Siya [ang nakapatay] ay nagsabing: 'Kasawian sa akin! Diko manlang nagawa ang gaya ng ginawa nitong uwak at itago ang patay na katawan ng aking kapatid?' Pagkaraan, siya ay nagsisi." (Quran 5:31)Naintindihan ni Cain na hindi ito isang pagkakataon lamang na habang ang katawan ng kanyang pinatay na kapatid ay nakalagay sa harap niya ay isang uwak ang lumitaw at nagsimulang maghukay ng lupa sa ilalim ng mga paa nito.

Gayundin, Noong hindi pinansin ng Paraon ang panawagan ni Propeta Moises patungkol sa Diyos at tumanggi na palayain ang mga Israelita, ipinadala ng Diyos kay Paraon at sa kanyang mga tao ang mga palatandaan (sa kabuuan ay may siyam na mga palatandaan). Kasama sa mga palatandaang ito ang mga balang na halos ganap na kinain ang lahat ng mga pananim sa lugar, kuto, mga palaka na walang kasing dami sa bilang, at patuloy na pagdurugo ng mga ilong; at sa halip na isipin na ito'y galing sa Diyos bilang mga palatandaan upang maniwala sa Diyos at pakawalan ang mga Israelita, si Paraon ay umiral ang pagiging mapamahiin at sinabi na ang mga ito ay ginawa ni Moises, ang "salamangkero". "Kaya Aming ipinadala sa kanila: ang baha, ang mga balang, at mga kuto, at mga palaka, at dugo bilang mga malilinaw na palatandaan, subali’t sila ay nanatiling mapagmalaki [matigas ang kalooban], at sila yaong mga taong mapaggawa ng kabuktutan." (Quran 7: 133)

3) Nasirang mga tao at sibilisasyon

Sa panahon ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay Alam na Alam na mayroong mga nakaraang sibilisasyon na winasak ang Diyos (matapos silang hindi maniwala sa ipinadalang mga Propeta sa kanila) sa pamamagitan ng "Inang kalikasan." Ang nasabing mga sibilisasyon ay ang mga mamamayan ng Aad, Thamud at Lot. "At katiyakan, Aming winasak ang alinmang bayang nakapaligid sa inyo, at Aming pinag-ibayo ang mga ayaat [tanda o aral] upang sakali sila ay magsibalik [sa tamang landas]."(Quran 46:27).

Ang mga labi ng nawasak sa nasabing mga sibilisasyon ay nakikita pa rin at napanatili para sa mga manlalakbay sa panahon ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala). Matapos ang pagwasak kay Paraon sa panahon ni Propeta Moises, niloob ng Diyos na ang buong sibilisasyon (na tumanggi sa mensaheng ipinadala sa kanila ng Propeta) ay hindi masira sa buhay na ito; sa halip ay hahatulan sila sa susunod na buhay. Gayunpaman, hindi na kailangang tumingin pa sa malayo upang makita ang mga palatandaan ng kaparusahan tulad ng nawasak na lungsod ng Pompeii, isang lungsod na kilala sa hayag na mga kasalanan at sodomiya. "Kaya, bawa’t isa [sa kanila] ay Aming hinablot sanhi ng kanilang mga kasalanan. At kasama sa lipon nila ay yaong Aming mga pinadalhan ng isang unos na may dalang mga bato; ilan sa kanila ay inabutan [o dinatnan] ng malakas na pagsabog, ang ilan ay pinangyari Naming lamunin ng lupa, at ilan ay Aming nilunod. At hindi ang Diyos ang nagpalungi sa kanila, bagkus, sila ang gumawa ng kamalian sa kanilang mga sarili." (Quran 29:40)

Dapat nating lubusang mabatid na ang mga lindol, bulkan, bagyo, mga tag-tuyot at iba pang mga gawa ng kalikasan ay hindi nagkakataon lamang, gayunpaman, ang parusa ng Diyos sa mga taong hindi naniniwala at mayroong labis na kasalanan (at hindi nagsisisi) ay malinaw ding mga palatandaan para sa mga tao na maniwala sa Kanya at tumugon sa Kanyang panawagan. "At ang mga kalamidad ay di titigil sa pagsalanta sa mga di nananampalataya o tatama malapit sa kanilang mga tahanan dahil sa kanilang mga pagkakamali, hanggang ang pangako ng Allah ay matupad. Katotohanang Ang Allah ay di nakakalimot ng Kanyang pangako." (Quran 13:31) Sa kabaliktaran, kung naniniwala ang lahat ng tao sa Diyos at sa lahat ng Kanyang mga Propeta marahil ay walang mga likas na sakuna, bagkus mas maraming pagpapala ang darating sa anyo ng sapat na pag-ulan, mga prutas, mga gulay at mga pananim. "At kung ang mga mamamayan ng mga bayan ay naniwala lamang at nagkaroon ng takot sa Diyos, katiyakan, Aming [Diyos], bubuksan para sa kanila ang mga pagpapala mula sa langit at lupa." (Quran 7:96)


Talababa:

[1] Saheeh Al-Bukhari

Mahina Pinakamagaling

Ang Mga Palatandaan ng Diyos (bahagi 2 ng 2)

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Ang Quran ay ang pinakadakilang himala ng Diyos at ipinadala kay Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) na siyang huling Propeta para sa lahat ng sangkatauhan. Bahagi 2: Kalikasan - isa pang mahusay na tanda ng Diyos na maraming beses na binanggit sa Quran.

  • Ni IslamReligion.com
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 17 Sep 2018
  • Nag-print: 3
  • Tumingin: 3,907
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

4) Kalikasan

Signs-of-God02.jpgAng anumang naririto sa mundo sa anyo ng mga kagubatan, ilog, bundok, talon, karagatan, at magkakaibang uri ng mga halaman at hayop ay talagang isang kahanga-hangang bagay. Hindi ang lumba-lumba na nagbibigay sa sarili ng pinakabago at mahusay na sistema ng sonar sa mundo, at hindi rin ang agila na nagbibigay sa sarili ng paningin ng apat o limang beses na mas malakas kaysa sa mga tao - silang dalawa ay ang mga gawa ng Lumikha na ginawa Niyang perpekto ang lahat. Ang pagmamasid sa Kanyang nilikha ay isang paraan upang malaman kung gaano kapansin-pansin at may kakayahan ang Lumikha.

Nagpapakita ang Diyos ng mga palatandaan sa mga hayop na nilikha Niya ito upang maglingkod sa atin. Ang mga kabayo, mola, at mga asno ay para sa sangkatauhan upang gawing sasakyan para sa malalayong lugar na matatagalan kung ito ay lalakarin gamit ang mga paa. Ang mga baka, tupa, at mga kambing ay gumagawa ng gatas, at ginagamit natin ang kanilang mga katad at balahibo at para sa damit, at kinakatay natin sila para sa karne; habang ang mga manok ay nagbibigay ng milyon-milyong mga itlog araw-araw - lahat ng ito ay mga palatandaan upang makilala natin ang mga pagpapala ng Diyos sa atin at magpasalamat sa Kanya. "At katotohanan, sa mga pinapastulang hayop [mula sa kawan ng bakahan], ay isang aral. At kayo ay Aming binigyan ng inumin na nagmumula sa kanilang mga tiyan - sa pagitan ng [kanilang] labasan [ng dumi] at dugo - malinis na gatas; [na] mainam na inumin para sa mga nagsisi-inom. At mula sa mga bunga ng mga punong datiles at mga ubasan, inyong [nakakatas at] nakukuha [mula rito] ang matapang na inumin at mabubuting panustos. Katotohanan, naririto ang isang ayaah [aral] para sa taong nakauunawa." (Quran 16:66-67)

Tumingin sa langit sa itaas sa atin; ang kapaligiran ng mundo ay ginawa na may natatanging proteksiyong patong. Ang araw ay nagbibigay sa atin ng ilaw na ginagawang posible ang buhay, ang tagilid na axis nito ay nagbibigay sa atin ng apat na panahon upang masiyahan tayo sa iba't ibang mga klima. Ang mga bituin, kometa, at lahat ng bagay na nakikita natin sa kalawakan ay dapat nating tingnan, humanga sa kanilang kagandahan, kilalanin na nilikha ng Diyos ang uniberso, at kinikilala na tiyak na nilikha ito para sa isang layunin. Sa katunayan, lahat ng bagay sa ating uniberso ay ginawa para sa atin. "Katotohanan, sa pagkakalikha ng mga kalangitan at ng kalupaan, at sa pagsasalitan ng gabi at ng araw, at sa mga sasakyang-dagat na naglalayag sa [laot ng] karagatan na may dalang mga pakinabang para sa mga tao, at sa anumang ibinaba ng Allah mula sa kalangitan - ang tubig [o ulan] na nagbigay-buhay sa dati’y tigang na lupa at sa lahat [ng uri] ng mga nilikhang gumagala na Kanyang ikinalat doon at sa pagbabago [ng ihip] ng mga hangin at ng mga ulap na sunud-sunuran [sa Kanyang kautusan] sa pagitan ng kalangitan at ng kalupaan, naririto ang mga ayaat [palatandaan] para sa mga mamamayang nakauunawa." (Quran 2:164)

Ang pagkakaiba-iba ng mga tao, pagkakaiba ng mga kasarian, at ang lahat ng mabuti sa buhay ay lahat ng ito ay mga palatandaan ng kakayahan ng Diyos na gumawa ng anuman at ng Kanyang kabaitan. "At kabilang sa Kanyang mga ayaat [palatandaan], na Kanyang nilikha para sa inyo ang mga asawang nagmula [rin] sa inyong mga sarili, upang inyong matagpuan sa kanila ang kapanatagan [ng loob] at Kanyang inilagay sa inyong pagitan ang pagmamahal at habag. Katotohanan, naririto ang mga ayaat [palatandaan] para sa mga taong nag-iisip. At kabilang sa Kanyang mga ayaat [palatandaan] ay ang pagkakalikha ng mga kalangitan at kalupaan, at ang pagkakaiba ng inyong mga dila [wika] at ng inyong mga kulay. Naririto ang mga ayaat [palatandaan] para sa mga nagtataglay ng kaalaman." (Quran 30:21-22)

Hindi lamang ang na ang ulan ay pagpapala at tubig na mapagkukunan ng lahat ng buhay, ngunit ang madalas na pagbanggit ng pag-ulan sa Quran ay para sa isang mas dakilang layunin. "At Siya ang nagpadala ng mga hangin bilang tanda ng magandang balita bago [dumating] ang Kanyang habag [ang ulan], hanggang ang mga ito ay magpasan ng mabigat na ulap, Aming itinaboy ito patungo sa tigang na lupa at Aming ibinaba ang tubig [ulan] doon. At Aming pinatubo sa pamamagitan nito [ng ulan] ang bawa’t uri ng prutas. Ganyan Namin palalabasin [bubuhaying muli] ang mga patay upang sakali kayo ay mapaalalahanan." (Quran 7:57) "At kabilang sa Kanyang mga ayaat [tanda ay ito]; na iyong nakikita ang lupa na [dati ay] tigang, nguni’t kapag Aming ibinaba ang tubig [o ulan] dito, ito ay gumagalaw at [ang mga pananim nito] ay tumutubo. Katotohanan, Siya na nagbigay ng buhay nito [ng lupa], ay Siya ring magbibigay ng buhay sa [dati ay] patay. Katotohanan Siya ay may kakayahan sa lahat ng bagay." (Quran 41:39)Matapos ang pag-ulan ay dapat tandaan ng isa sa atin na ang Diyos (sa pamamagitan ng kilalang mga proseso ng biological at kemikal) ay mula sa isang patay na binhi patungo sa isang nabubuhay na halaman. Dapat itong kilalanin ng isang tao na katulad sa kung paano binuhay ng Diyos ang isang patay na binhi. Sa Araw ng Paghuhukom ang lahat ng sangkatauhan ay bubuhayin Niyang Muli para sa paghatol.Ang pagkaalam nito ay dapat humantong sa isa atin upang maghanda para sa araw na hindi pa naganap sa pamamagitan ng paggawa ng kung ano ang nakalulugod sa Diyos at maiwasan ang mga ikinagagalit Niya.

Sa gayon ang Diyos ay nagpapakita ng mga palatandaan sa mga tao na kung ang sinusunod ay humahantong sa tunay na patnubay sa Kanya; isang patnubay na mas maliwanag kaysa sa araw. Ang patnubay na ito ay Islam. "Isinuko na ba ninyo ang inyong mga sarili (sa Islam)?” At kung sila’y nagsisuko, tunay nga na sila’y napatnubayan nang matuwid. Nguni’t, kung sila ay magsisitalikod, magkagayon ang nakaatang sa iyo ay ang [tungkuling] ipalaganap lamang nang malinaw [ang mensahe]; at ang Allah ay Ganap na nakakikita sa [Kanyang] mga alipin." (Quran 3:20) "Sa Araw na ito, Aking ginawang ganap ang inyong relihiyon para sa inyo, ginawang lubos ang Aking pagpapala sa inyo at ikinalugod [na pinili] para sa inyo ang Islam bilang inyong relihiyon." (Quran 5:3) At para sa mga taong tumanggi sa mga palatandaan ng Diyos, ang mga tanda ay magiging ebidensya na gagamitin laban sa kanila sa Araw ng Paghuhukom. Ang sinumang tumugon sa mga palatandaan ng Diyos at sumusunod sa Kanyang landas ay gagantimpalaan ng tunay na walang hanggang kaligayahan, ang Paraiso, at ang sinumang tumanggi sa mga palatandaan ng Diyos ay parurusahan ng pinakamatinding walang hanggang pagdurusa, sa Impiyerno.

Mahina Pinakamagaling

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Minimize chat