Ipinakikilala ang "Allah"

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Isang pagpapakilala sa Diyos na Makapangyarihan sa lahat, Allah, at ng ilan sa Kanyang mga kamangha-manghang mga katangian.

  • Ni IslamReligion.com
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 12 Aug 2018
  • Nag-print: 1
  • Tumingin: 2,915 (araw-araw na pamantayan: 2)
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Introducing-Allah.jpgAng Diyos, sa Arabe ay "Allah" ay Iisa. Siya ay natatangi, walang katulad sa Kanya (Hindi Siya isang tao na maaaring isipin ng ibang tao), Siya ang Lumikha at Panginoon ng lahat (bawat tao, hayop, halaman, organismo, bituin, kalawakan; sa katunayan ang buong sansinukob), at lahat ng iba pa kaysa sa Kanya ay ang Kanyang nilikha. Lahat ng nasa sansinukob ay pagmamay-ari Niya.

Ang Diyos ang Una at Ang Huli. Ang mga kosmologist at siyentipiko na nagtataka pa rin kung paano nagsimula ang sansinukob ay pwedeng sabihan na sinabi ni Propeta Muhammad, nawa ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya, "Una sa lahat, walang ibang umiiral kundi ang Diyos (pagkatapos nilikha Niya ang Kanyang trono). Ang kanyang trono ay nasa ibabaw ng tubig, at …. nilikha Niya ang langit at lupa."[1]

Ang teoryang Big Bang sa kung paano nagmula ang sansinukob ay umaangkop sa paglalarawan ng paglikha ng sansinukob sa Quran.[2]Ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat ay ang Una at wala ng mas nauna sa Kanya at ang Huli at walang susunod pa sa Kanya. Nilikha ng Diyos ang espasyo, bagay, oras, liwanag at kadiliman; ang lahat ay nasa ilalim ng Kanyang plano.

Ang Diyos ay higit sa lahat. Ang Makapangyarihang Diyos ay pisikal na nasa itaas ng sansinukob sa itaas ng Kanyang Trono sa paraang naaangkop sa Kanyang Kamahalan. Siya ay higit sa lahat. Ang lahat ay nasa ilalim Niya. Walang sinumang makakaisip o makakaintindi kung ano ang hitsura ng Diyos; ito ay lampas sa ating kakayahang gawin ito. Walang taong nakakita sa Diyos at sa Paraiso lamang mabibigyan ang mga mananampalataya ng pinakadakilang kaligayahan kung kailan ibubunyag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat ang Kanyang Mukha at ang mga mananampalataya ay makakakita sa Kanya.

Ang Diyos ay hindi natutulog, nagpapahinga o kumakain. Hindi tulad ng mga tao ang Makapangyarihan sa lahat ay malaya mula sa anumang kahinaan o di-kasakdalan, tulad ng pangangailangang matulog, magpahinga o kumain. Sa halip, binibigyan Niya ng pagpapala ang pagtulog at pinapakain ang sangkatauhan sa pag-asang magpasalamat sila at kilalanin ang kanilang pangangailangan sa Kanya.

Alam ng Diyos, nakikita at naririnig ang lahat.Isaalang-alang kung gaano kalayo ang nakikita ng mga mata ng tao sa isang takdang oras; at ngayon isaalang-alang (Purihin ang Diyos) na nakikita ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat ang 7 bilyong tao; at nakikita Niya, naririnig at nalalaman ang bawat malalaki at maliliit na kaganapan na nangyayari sa sansinukob. Bukod dito, ang Diyos, at ang Diyos lamang ang nakakaalam, sa hinaharap. Mayroon bang tulad ng Diyos? Mayroon bang sinumang karapat-dapat sambahin maliban sa Kanya?

Ang Diyos ay ang Lubos na malakas, Ang Makapangyarihan sa lahat at may kakayahan ng lahat. Nang itanong ni Propeta Moises sa Diyos na nais niyang makita ang Makapangyarihan sa lahat, sinabi ng Diyos kay Moises na tumingin sa isang bundok at kung ang bundok ay nanatili sa lugar ay makikita niya Siya; at nang ilantad ng Makapangyarihan sa lahat ang Kanyang Sarili sa bundok na ito ay nawala ito at si Moises ay natumba at nawalan ng malay.

Ang mga likas na pangyayari tulad ng mga bagyo, bulkan, lindol, supernovas sa kalawakan ay lahat ng mga palatandaan kung gaano kalakas, makapangyarihan at nakamamangha ang Diyos. Ang isang nakakaintriga na katotohanan ay ang kilalang sansinukob (sa tao) ay humigit-kumulang na 93 bilyong light years ang lapad, i.e. ay isang distansya ng 550 bilyong trilyong milya. Na nangangahulugang ang isang sasakyang pangkalawakan, naglalakbay sa 20,000 mph, ay aabutin ng humigit-kumulang na 3139 trilyon na taon upang maglakbay sa diametro ng "kilalang" sansinukob.

Basahin ngayon kung ano ang sinabi ng Diyos, "At sila ay hindi nagbigay ng pagpapahalaga [o pagdakila] sa Diyos nang kaukulang pagpapahalaga [o pagdakilang nararapat ilaan para] sa Kanya samantalang ang buong kalupaan ay Kanyang dadakutin sa Araw ng Pagkabuhay na Muli, at ang mga kalangitan ay lulukutin ng Kanyang Kanang Kamay. Luwalhati sa Kanya, at [sadyang] Mataas sa anumang itinatambal [sa Kanya]." (Quran 39:67)Sa Araw ng Paghuhukom ang buong kilalang sansinukob ay hahawakan ng kanang Kamay ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat. Mayroon bang tulad ng Diyos? Mayroon bang sinumang karapat-dapat sambahin maliban sa Kanya?

Ang Diyos ang Pinaka-Maawain. Ang Pinaka-maawain ay Isa sa Mga Pangalan ng Diyos. Ang ilan sa Kanyang iba pang mga Pangalan ay Ang Lubos na Mahabagin, Ang Tagapaglikha, Ang Nag-iisa, Ang Liwanag, Ang Kahanga-hanga, Ang Mapagbigay, Ang Maluwalhati, Ang Pinaka Banal, Ang Tagapanustos, Ang Pinaka Mahusay, Ang Pinagmulan ng Kapayapaan, Ang Tagapagbigay ng Buhay, Ang kumukuha ng Buhay, Ang Mapagmahal, Ang Mapagpatawad, Ang Laging Tumatanggap ng pagsisisi, Ang Matalino, Ang Hukom, at Ang Naghihiganti. Ito ay labis na may pakinabang kapag humihiling sa Diyos ng anumang bagay na tawagin Siya sa pamamagitan ng Kanyang Magagandang Pangalan. Kapag humihingi ng kayamanan ang isang tao ay maaaring magsabi ng "Oh Diyos, Ang Mapagbigay" at kapag humihingi ng kapatawaran ang isang tao ay maaaring magsabi ng "Oh Diyos, Ang Mapagpatawad, Ang Laging Tumatanggap ng pagsisisi".

Mula sa Awa ng Panginoon ay, "At Kanyang pinipigil ang kalangitan mula sa pagbagsak sa lupa maliban sa Kanyang kapahintulutan. Katotohanan, ang Allah ang Mabait, ang Maawain sa sangkatauhan." (Quran 22:65) Si Propeta Muhammad, nawa ang awa at pagpapala ng Diyos ay mapasakanya, nang makita ang isang ina na nag-aalaga na desperadong hinahanap ang kanyang nawalang sanggol, at nang matagpuan niya ang kanyang anak si Propeta ay nagsabi, "Sa palagay mo ba ay maaaring itapon ng babaeng ito ang kanyang anak na lalaki sa apoy?" Sumagot kami, "Hindi, kung mayroon siyang kapangyarihan na huwag itapon ito (sa apoy)." Sinabi ng Propeta pagkatapos, "Ang Diyos ay mas maawain sa Kanyang mga alipin kaysa sa babaeng ito sa kanyang anak."[3]

Ang Diyos ay Ang Walang Hanggan na Nabubuhay, Ang Ganap na Umiiral Mag-isa. Mayroon pang dalawa sa Magandang Pangalan ng Diyos. Ang lahat ng umiiral ay nangangailangan ng Diyos upang mabuhay at hindi kailangan ng Diyos ng sinuman. Ang bawat tao ay mamamatay, habang ang Panginoon ng Kamahalan at karangalan (ilan rin sa Kanyang Magagandang Mga Pangalan) ay mananatiling buhay; walang kamatayan.

" Kanyang tinatakpan ang gabi ng araw - matuling sinusundan ito, at [Kanyang nilikha] ang araw, at ang buwan, at ang mga bituin, itinalaga sa pamamagitan ng Kanyang kautusan. Walang alinlangan, nasa Kanya ang [kapangyarihan ng] paglikha at pag-uutos. Mapagpala ang Allah, ang Panginoon ng lahat ng mga nilikha." (Quran 7:54) Ang lahat ng nangyayari sa mundong ito ay hindi dahil sa sariling kagustuhan o sa pamamagitan ng pagkakataon, ngunit ito ay dahil sa Makapangyarihang kumokontrol sa lahat. Araw at gabi, tag-araw at taglamig, pag-ulan at tagtuyot, bawat pag-andar ng selula sa katawan (na kung saan nasa trilyon), ang pagtubo ng mga binhi na maging halaman, pagpaparami ng selula na bumubuo ng isang embryo pagkatapos ay nagiging isang bata, at ang mga taong namamatay; lahat ng nangyayari sa utos ng Diyos. Mayroon bang tulad ng Diyos? Mayroon bang sinumang karapat-dapat sambahin maliban sa Kanya?



Mga talababa:

[1] Al-Bukhari 414.

[2] Sherif, June 2008. Ang Quran sa Lumalawak na Sansinukob at Teorya ng Big Bang. Nakuha mula sa https://www.islamreligion.com/tl/articles/1560/ang-quran-sa-lumalawak-na-uniberso-at-ang-big-bang-na-teorya/

[3] Al-Bukhari 73 # 28.

Mahina Pinakamagaling

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Minimize chat