Ang mga Pagkakatulad at Pagkakaiba sa pagitan ng Islam at Kristiyanismo (bahagi 2 ng 2): Magkatulad ngunit Magkaibang-magkaiba.
Paglalarawanˇ: Ang Islam at Kristiyanismo ay may labis na magka-ibang mga bagay na sinasabi tungkol sa orihinal na kasalanan, kaligtasan at mga huling araw ni Hesus.
- Ni Aisha Stacey (© 2017 IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 22 May 2017
- Nag-print: 6
- Tumingin: 17,626 (araw-araw na pamantayan: 11)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang mga Muslim at Kristiyano ay may maraming pagkakatulad; mula sa kanilang mga pananaw sa kabaitan at habag hanggang sa kanilang mga salaysay ng mga huling araw ni Hesus na may malaking gagampanan sa panahong yaon. Malayo sa pagkakakulong sa labanan ng mga sibilisasyon, kahit ang isang maliit na sukat ng kaalaman ay nagsisiwalat ng mga kamangha-manghang pagkakatulad. Gayunpaman, ang mga bagay ng doktrina at paniniwala ay maaaring minsan nakagugulat na magkaiba. Sa kabila nito, may karaniwang dahilan at ilang panimulang mga punto para sa pag-uusap at talakayan.
Orihinal na Kasalanan
Ang kasaysayan nina Adan at Eba ay umiiral sa kapwa Kristiyanidad at Islam. Sa panlabas ang mga kasaysayan ay tila magkapareho. Si Adan ay ang unang tao, si Eba ay nilikha mula sa kanyang tadyang, at sila ay namuhay nang payapa sa Paraiso. Si Satanas ay kasama nila sa Paraiso; kanya silang iniligaw o tinukso sa pagkain ng bunga mula sa ipinagbabawal na puno. Ngunit bukod sa payak na mga paglalarawan, ang mga kasaysayan ay nagkakaiba ng labis. Ang Quran at ang mapananaligang tradisyon ng Propeta Muhammad, nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya, ay nagsabi sa atin na si Satanas ay hindi lumapit kina Adan at Eba sa anyo ng isang ahas, ni hindi niya sila dinaya upang kumain sa ipinagbabawal na bunga. Si Satanas ay iniligaw at nilinlang sila, at sila ay nakagawa ng isang malaking pagkakamali sa pagpapasya. Hindi ito kasalanan ni Eba lamang kundi sina Adan at Eba ay magkabahagi sa pagpasan ng pagkakamali nang magkapantay.
Walang pangyayari sa Quranikong kasaysayan na sinabi sa ating si Eba ang mas mahina sa dalawa o siya ang may pananagutan sa pagkatukso ni Adan. Kanilang ginawa ang pagpapasya ng magkasama, at sa paglaon ay kanilang napagtanto ang kanilang malubhang pagkakamali, nakaramdam ng pagsisisi at nagmakaawa sa kapatawaran ng Diyos. Ang Diyos ay pinatawad silang dalawa. Dahil dito, makikita natin na ang Islam ay walang konsepto sa tinatawag na orihinal na kasalanan. Ang mga inapo ni Adan ay hindi parurusahan dahil sa mga ginawa ng kanilang ninuno. Ang Diyos ay nagsabi sa Quran na walang sinumang mananagot sa mga pagpapasya ng ibang tao. "... walang magdadala ng pasanin ang magdadala sa pasanin ng iba..." (Quran 35:18) Ang Islam ay walang konsepto na ang isang tao ay maipapanganak na makasalanan. Sa halip, ang mga tao ay ipinapanganak sa isang kalagayan ng kadalisayan at likas na nakakiling na sumamba sa Diyos. Ang kanilang mga talaan ay malinis; walang anuman para sa kanila ang patatawarin o dapat pagsisisihan.
Sa kabilang banda, ang Kristiyanong doktrina ng orihinal na kasalanan ay nagtuturo na ang sangkatauhan ay ipapanganak na nababahiran na ng mga kasalanan nina Adan at Eba. Si Hesus, ay kanilang sinasabi, na ipinanganak at namatay nga upang mabayaran ang mga kasalanan ng tao. Kung ikaw ay naniniwala na ang kamatayan ni Hesus ang tumubos ng iyong mga kasalanan, kung gayon ang pintuan sa kaligtasan ay bukas para sa iyo. Ang Islam ay tinatanggihan ito nang lubusan. Ang Islam ay nagtuturo na ang Propeta Hesus ay ipinadala sa mga Israelita upang pagtibayin ang mensahe ng lahat ng mga Propetang nauna sa kanya; na ang Diyos ay Nag-iisa, na walang mga katambal, kasama, o supling, samakatuwid, walang karapat-dapat sa pagsamba maliban sa Kanya.
Kaligtasan
Sapagkat ang Islam ay naniniwala na ang bawat tao ay ipinanganak na malaya sa kasalanan, upang manatili sa ganitong kalagayan ang isang tao ay kailangan lamang sundin ang mga utos ng Diyos, at subukang mamuhay ng isang matuwid na pamumuhay. Kapag ang isang tao ay mahulog sa kasalanan ngunit pagkatapos ay nakaramdam ng pagsisisi, sila ay dapat humiling ng kapatawaran sa Diyos. Ang kapatawaran ay dapat na hilingin nang tuwiran mula sa Diyos; walang mga tagapamagitan. Ang Quran at ang Propeta Muhammad (pbuh) ay nagsabi sa atin na ang kapatawaran ng Diyos ay madaling nakakamit. Sa mga mapananaligang tradisyon ay matatagpuan nating ang Propeta Muhammad (pbuh) ay nagsabi, "Ang Diyos ay inilalahad ang Kanyang kamay sa gabi upang tanggapin ang pagsisisi ng isang nagkasala sa araw, at Kanyang inilalahad ang Kanyang kamay sa araw upang tanggapin ang pagsisisi ng isang nagkasala sa gabi, (at yaon ay magpapatuloy) hanggang ang araw ay sumikat mula sa kanluran."[1]
Ipagbadya, 'O Aking mga alipin na nagmalabis laban sa kanilang mga sarili (sa paggawa ng masamang gawa at kasalanan)! Huwag kayong mawalan ng pag-asa mula sa Awa ng Diyos, tunay na ang Diyos ay pinatatawad ang lahat ng mga kasalanan. Katiyakan, Siya ang Laging Nagpapatawad, ang Pinakamaawain.' (Quran 39:53)
Ang taimtim na pagsisisi ay tinitiyak ang kapatawaran, at ang kaligtasan ay makakamit sa pamamagitan ng pagpapasakop sa kalooban ng Diyos. Ang tao ay makakatagpo lamang ng totoong kasapatan at seguridad kapag siya ay magkakaroon ng pag-asa sa awa at kapatawaran ng Diyos habang natatakot sa mga kahihinatnan na magmumula sa hindi Niya pagkalugod sa kanya. Sa Islam ang pananatiling may kaugnayan sa Diyos ang susi sa kaligtasan, at ang Quran ay nagsasabi sa atin na ang taimtim na paniniwala na sinamahan ng mabubuting mga gawa at pag-uugali ang magdadala sa buhay na walang hanggan sa Paraiso.
Gayunpaman sa Kristiyanismo, ang kaligtasan ay isa pang bagay sa kabuuan. Ito ay ang kamatayan ni Hesu-Kristo na nagdulot sa kaligtasan. Partikular sa teolohikong Romano Katoliko, ang pagkamatay ng walang-salang si Hesus, ang ganap na sakripisyo ng dugo, ang nagbunga sa kaligtasan. Ang kanyang kamatayan ang nag-alis ng mga kasalanan ng lahat ng tao na tumatanggap kay Hesus bilang anak ng Diyos at maniwala sa kanyang muling pagkabuhay. Ang ilan sa Kristiyanong mga denominasyon ay nagdagdag na ang mabubuting gawa at ang pagbubuo ng mabuting moral na mga katangian ay tumutulong sa kaligtasan ng isang tao. Ang iba ay mangangailangan pa sa isang tao na binyagan..
Ang Pagpapako sa Krus at Pagbabalik ni Hesus
Habang ang Islam at Kristiyanismo ay sumasang-ayon na ang pagpapako sa krus ay talagang nangyari nga, hindi naman sila nagkakapareho ng opinyon kung si Hesus nga ang siya mismong ipinako sa krus at namatay. Ang ideyang si Hesus ay namatay sa krus ay sentro ng Kristiyanong paniniwala, ngunit tinatanggihan ito ng Islam. Ang Islamikong paniniwala tungkol sa pagpapako sa krus at kamatayan ni Hesus ay malinaw. Ang Islam ay itinuturo sa atin na si Hesus ay hindi namatay upang magbayad para sa mga kasalanan ng tao. May balakin na ipako siya sa krus, ngunit hindi ito nagtagumpay. Ang Diyos sa Kanyang walang hanggang awa ay niligtas si Hesus mula sa kahihiyang ito sa pamamagitan ng paglalagay ng kanyang kahawig sa ibang tao at ipinasaitaas siyang buhay, katawan at kaluluwa, sa kalangitan. Ang Quran ay tahimik tungkol sa ganap na mga detalye nang kung sino talaga ang taong ito, ngunit ating nalalaman at pinaniniwalaan nang may katiyakan na ito ay hindi ang Propeta Hesus.
Ang Kristiyanismo at Islam ay sumasang-ayon din na si Hesus ay babalik sa mundo. Sa Islam ay ipinaliwanag na sa mga araw bago ang Araw ng Paghuhukom, si Hesus ay babalik sa mundong ito at tuturuan ang iba na maniwala sa Kaisahan ng Diyos. Siya ay magiging isang makatarungang tagapamahala, wawasakin ang mga krus, papaslangin ang antikristo, pagkatapos ang lahat ng mga Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) ay papasok sa Islam.
Sa Kristiyanismo ang pagbabalik ni Hesus ay madalas na tinutukoy bilang Pangalawang Pagdating. Maraming mga pagkakaiba-iba sa pagitan ng Kristiyanong mga denominasyon, gayunpaman, ang karamihan ay nagtuturo na si Hesus ay babalik upang humatol sa pagitan ng mga buhay at patay, (pamamahalaan ang pangwakas na paghatol) at itatatag ang Kaharian ng Diyos. Marami ang naniniwala na siya ay maghahari sa mundo sa loob ng libong mga taon, ang ilan ay nagsasabi na ang paghahari ni Hesus ay magsisimula matapos niyang talunin ang antikristo.
Magdagdag ng komento