Ang Bahagi ng Kabutihang Loob ng Diyos
Paglalarawanˇ: Sa artikulong ito ay tinawag ng may-akda ang ating atensyon sa ilang mga paraan upang mapagtanto natin ang pagiging Mapagbigay ng Diyos.
- Ni islamtoday.net [edited by IslamReligion.com]
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 15 May 2019
- Nag-print: 1
- Tumingin: 2,904 (araw-araw na pamantayan: 2)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Sinabi ng Diyos:
"O tao, ano ang nakapanlinlang sa iyo mula sa iyong Mapagpalang Panginoon, Na Siyang lumikha sa iyo, humubog sa iyo at nagbigay ng sukat sa iyo." (Quran 82:6-8)
Ang tanong sa talatang ito ay patalumpati. Ang kahulugan nito: "Hindi mo ba dapat pasalamatan ang Diyos at purihin ang Kanyang mga kapurihan sa mga biyayang ito?"
"Kaya, nang kanyang [ni Solomon] makita itong inilagay sa kanyang harapan, siya ay nagsabi: “Ito ay mula sa pagpapala ng aking Panginoon - upang ako ay subukan kung ako ay mapagpasalamat o hindi mapagpasalamat. At sinuman ang mapagpasalamat - ang kanyang pagpapasalamat ay para lamang sa [kapakanan ng] kanyang sarili; at sinuman ang walang pasasalamat - katotohanan ang aking Panginoon ay Sapat na, Mapagpala." (Quran 27:40)
Ang pangalan ng Diyos na al-Karīm, ang Karim ay may maraming kahulugan, narito ang ilan sa mga sumusunod:
1. Siya na Nagbibigay at Lubos na Mapagbigay
Sa parehong paraan, na kung ang isang tao ay inilarawan bilang mapagbigay kung nagbibigay siya sa iba nang kusa na may masayang puso. Si Propeta Muhammad, (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), ay isang halimbawa ng taong mapagbigay, katulad ng lahat ng mga propeta.
Si Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay tinanong: "Sino ang pinaka mapagbigay sa lahat ng tao?"
Sumagot siya: "Isang taong mapagbigay na anak ng isang mapagbigay na tao, na siya namang anak ng isang mapagbigay na tao, na muli ay anak ng isang mapagbigay na tao: si Joseph na anak ni Jacob, ang anak ni Isaac, ang anak ni Abraham."[1]
Ang Diyos ay mapagbigay, nagbibigay nang walang sukat sa Kanyang mga lingkod. Binigyan Niya tayo ng buhay, kahit na bago ay di tayo umiiral. Binigyan Niya tayo ng mga abilidad sa pakikinig at paningin, ating mga puso at mga paa, ang ating lakas at kakayahan. katotohanan: "At kung inyong bibilangin ang mga pagpapala ng Allah, hindi ninyo magagawang isa-isahin ang mga ito. Katotohanan, ang Allah ay Mapagpatawad, Maawain." (Quran 16:18)
Ibinibigay Niya ang lahat sa atin nang hindi natin hinihiling ito o nagpapasalamat. Sa katunayan, karaniwang hindi natin napagtatanto na nabigyan tayo ng anuman. Ang kabutihang-loob ng Diyos ay sumasaklaw sa mga naniniwala sa Kanya pati na rin sa mga tumatanggi sa Kanyang pag-iral. Niyayakap nito ang banal at ang makasalanan, ang may kaalaman at mangmang.
2. Siya na Nagbibigay at Nagpupuri
Ang Diyos lamang ang perpekto. Siya ay ganap sa Kanyang kasarinlan, samantalang ang lahat ng nilikha ay nakasalalay sa Kanya. Ang bawat atom ng katawan ng tao ay nangangailangan ng Diyos para sa pagkakaroon nito. Sa kabila ng lahat ng iyon, hindi lamang binibigyan ng Diyos ang Kanyang mga lingkod, ngunit pinupuri Niya sila at kinakausap nang mabuti ang mga ito.
Halimbawa, sinabi ng Diyos tungkol kay Job (sumakanya ang kapayapaan): "Katotohanan, siya ay Aming natagpuang matiisin, isang kalugud-lugod na alipin. Katotohanan, siya ay isa na paulit-ulit na nagbabalik-loob [sa Diyos]." (Quran 38:44)
Matapos subukan ang Propetang si Job (sumakanya ang kapayapaan) sa pamamagitan ng pagkuha ng ilan sa kung ano ang dating ibinigay sa kanya, Pinupuri Niya si Propeta Job sa kanyang pagtitiyaga at pagiging matatag, kung anuman ang ibinibigay at pinipigilan ng Diyos ay sa Diyos lamang kahit sa simula. Gayunpaman, nang natapos na ang paghihirap ni Propeta Job, ibinalik sa kanya ng Diyos ang dating ikinasisiya at Kanyang mga pagpapala, at pinuri Niya siya.
Nang ang isang naunang matuwid ay binasa ang talatang ito, napasigla siyang sinabing: "Pinagpala ang Diyos na nagbibigay ng papuri sa mga binibigyan Niya."
Gayundin, binabasa natin sa Quran kung saan pinupuri ng Diyos ang Kanyang mga propeta at iba pang matuwid na tao, tinutukoy ang mga ito bilang mga mananampalataya, Ang may takot sa Diyos, matiisin, maingat, nagsisisi, at dalisay. Ito ay isang pagpapakita ng totoong kabutihang-loob na hindi lamang sa mga nangangailangan, kundi papurihan sila at magsalita nang mabuti tungkol sa kanila.
Sinabi ng Diyos kay Propeta Solomon (sumakanya ang kapayapaan) matapos na bigyan siya ng kaharian na hindi katulad ng iba pa: “Ito ang Aming handog, ipamigay mo man o di-ipamigay, walang pagtutuos [ang itatanong para sa iyo hinggil dito]." (Quran 38:39)
3. Siya na Nagbibigay Bago paman Hilingan
Ito ay totoong kabutihang-loob na Nagbibigay kahit hindi ka humihingi. Sa katunayan, itinuturing natin ang isang taong mapagbigay na malayang nagbibigay sa mga humihiling. Ang paggawa nito bago paman (hilingin) ay higit na mapagbigay.
Karamihan sa mga biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa Kanyang mga lingkod ay ibinibigay nang hindi hiniling, o hindi natin namamalayan kung gaano tayo nabigyan. Sa katunayan, ang Diyos ang Pinaka-Mapagbigay at Pinakabukas-palad.
4. Ang Isang Tumutupad sa Lahat ng Mga Pangako ngunit Ipanauubaya kung ano ang para sa iba
Ipinangako ng Diyos sa mga naniniwala ang mabuti sa mundong ito at malaking gantimpala sa Kabilang buhay. Hindi kailanman sinisira ng Diyos ang Kanyang pangako. Kasabay nito, binalaan ng Diyos ang mga nagkakasala ng malaking kaparusahan. para sa mga karapat-dapat sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kasalanan at bisyo. Gayunpaman, ginawa Niya itong isang bagay sa Kanyang paghuhusga. Paparusahan Niya ang mga makasalanang itinuturing Niyang parusahan at patatawarin ang mga itinuturing Niyang patatawarin.
Ang isang mapagbigay na tao ay isang tao na palaging tumutupad ng isang pangako para sa isang bagay na mabuti, ngunit hindi natataglay ng mga pagbabanta. Ang kagandahang-loob ng Diyos ay higit na mas dakila kaysa sa anumang kagandahang loob tao na maiisip natin, at Siya ay Mapagpatawad at Maawain.
5. Siyang Hindi Tumatalikod sa Nagsusumamo
Si Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay nagsabi: "Ang iyong Panginoong Diyos ang nagtataglay ng pagkamahinhin at Siya ay Mapagbigay. Kapag ang Kanyang lingkod ay humingi sa Kanya na ang mga kamay ay nakaunat, nahihiya Siyang iwanan ng wala ang aliping iyon."[2]
Gagantimpalaan ng Diyos ang Kanyang mga lingkod para sa kanilang tunay na gawa ng paghingi sa Kanya. Ito ay dahil ang ating paghingi sa Diyos ay isang uri ng pagsamba. Sa katunayan, sinabi ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala): "Ang pagsusumamo ay pagsamba."[3]
Kung gayon, palaging sinasagot ng Diyos ang mga humihiling sa Kanya nang may katapatan.
6. Siya na Naggagantimpala sa isa lamang Mabuting Intensyon, ngunit Hindi Nagpaparusa sa Masamang Hangarin Maliban Kung Sinundan Niya ito ng Isang Masamang Gawa
Si Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay nagsabi:
Itinakda ng Diyos ang lahat ng mga mabubuting gawa at lahat ng mga masasamang gawa at pagkatapos ay nilinaw Niya (sa Kanyang mga lingkod) kung alin sa mga ito. Kaya't ang sinumang nagnanais na gumawa ng isang mabuting gawa ngunit hindi ito isinasagawa, itatala ito ng Diyos bilang isang buong mabuting gawa na naitala sa kanyang kredito.
Kung balak niyang gawin ito at ginawa, itatala ito ng Diyos sa kanyang kredito bilang anumang mula sa sampu hanggang pitong daang beses ang katumbas ng gawa iyon.
Kung balak Niyang gumawa ng isang masamang gawa ngunit hindi nya ito isinagawa, itatala ito ng Diyos bilang isang buong mabuting gawa na naitala sa kanyang kredito.
Kung balak niyang gawin ito at ginawa niya, itatala lamang ng Diyos ang isang masamang gawa laban sa kanyang Ulat."[4]
Panghuli, Ito ay mula sa kabutihang-loob ng Diyos na pinarangalan niya ang mga tao sa mundong ito at sa Kabilang Buhay, at ginawang dahilan ang ating kabanalan para sa karangalan. Sinabi ng Diyos: "Katotohanan, ang pinakamarangal sa inyo sa [paningin ng] Diyos ay ang may [taglay na] takot [sa Kanya]. Katotohanan, ang Diyos ay Maalam, Lubos na Nakababatid." (Quran 49:13)
Ang Diyos ang nagpapala sa atin dahil sa ating kamalayan sa Diyos at pagiging banal. Ito rin ay mula sa Kanyang napakalawak na Kabutihang-kalooban.
Magdagdag ng komento