Si Philobus, Koptikong Pari at Misyonaryo na Ehipsiyano (bahagi 1 ng 2)

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Ang isang pari na sa isang pagkakataon aktibong nagkakalat ng maling akala tungkol sa Islam ay niyakap ang Islam (bahagi 1).

  • Ni Ibrahim Khalil Philobus
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 01 Jul 2007
  • Nag-print: 3
  • Tumingin: 5,916
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Si Al-Haj Ibrahim Khalil Ahmad, dating si Ibrahim Khalil Philobus, ay isang paring galing sa Ehiptong Koptiko na nag-aral ng teolohiya at nakakuha ng mataas na antas mula sa Unibersidad ng Princeton. Pinag-aralan niya ang Islam upang makahanap ng mga puwang dito upang kanya itong atakihin, ngunit, sa halip ay niyakap niya ang Islam kasama ang kanyang apat na anak, na ang isa sa kanila ay napakahusay na propesor sa Unibersidad ng Sorbonne, Paris France. Sa isang kawili-wiling paraan, inihayag niya ang kanyang sarili na sinasabi:

“Ipinanganak ako sa Alexandria noong ika-13 ng Enero 1919 at ako ay ipinadala sa mga paaralan ng American Mission hanggang sa nakakuha ako doon ng sertipiko para sa sekundaryang edukasyon. Noong 1942 nakuha ko ang diploma mula sa Unibersidad ng Asiut at naging dalubhasa ako sa mga pag-aaral sa relihiyon bilang isang Guro ng Teolohiya. Ito ay hindi madali na gawain na maging isa sa mga guro, dahil walang maaaring sumali dito maliban kung meron siyang isang espesyal na rekomendasyon mula sa simbahan, at gayon din, pagkatapos niyang maipasa ang maraming mga mahihirap na pagsusulit. Nakakuha ako ng rekomendasyon mula sa Simbahan ng Al-Attareen sa Alexandria at isa pa mula sa Kapulungan ng Simbahan ng Mababang Kapulungan ng Ehipto pagkatapos kong maipasa ang napakadaming pagsusulit nang malaman ang aking mga kwalipikasyon upang maging isang tao ng relihiyon. Pagkatapos ay nakakuha ako ng pangatlong rekomendasyon mula sa Kapulungan ng Simbahan ng Snodo na kasama ang mga pari mula sa Sudan at Ehipto.

Ipinasok ako ng Snodus sa pagiging Guro ng Teolohiya noong 1944 bilang isang border na estudyante. Doon ako nag-aral sa kamay ng mga guro ng Amerikano at Ehipsyano hanggang sa aking pagtatapos noong 1948.

Ipagpapalagay ko, pagpatuloy niya, na ako ay maitatalaga sa Herusalem, kung hindi dahil sa giyera na naganap sa Palestine nang taon ding iyon, kaya ipinadala ako sa Asna sa itaas na bahagi ng Ehipto. Sa parehong taon ay nagparehistro ako sa isang thesis sa Unibersidad ng America sa Cairo. Ito ay tungkol sa mga gawaing misyonero ng mga Muslim. Nagsimulang makilala ko ang Islam sa pakultad ng Teolohiya kung saan pinag-aralan ko ang Islam at lahat ng mga pamamaraan kung saan maaari nating mailigaw ang pananampalataya ng mga Muslim at ilabas ang mga maling akala sa kanilang pag-unawa sa kanilang sariling relihiyon.

Noong 1952 nakuha ko ang aking M.A. mula sa Unibersidad ng Princeton sa U.S.A. at naitalaga bilang isa sa mga Guro ng Teolohiya sa Asiut. Dati akong nagtuturo ng Islam sa pakultad gayundin ang maling akala ng mga guro na ipinakalat ng mga kaaway nito at ng mga misyonerong laban dito. Sa panahong iyon, napagpasyahan kong dagdagan ang aking kaalaman sa Islam upang hindi lamang aklat ng mga misyonaryo ang aking binabasa. Napakalaki ng aking tiwala sarili na ipinangako kong basahin ang iba pang mga pananaw. Sa puntong iyon ay nagsimula akong basahin ang mga libro na akda ng mga Muslim. Napagpasyahan ko din na basahin ang Quran at intindihin ang mga ibig sabihin nito. Ito ay ipinahiwatig ng aking pag-ibig sa kaalaman at udyok ng aking pagnanais na madagdagan pa ng maraming mga ebidensya laban sa Islam. Ang resulta gayunpaman, ay ang kabaliktaran nito. Ako ay nagsimulang mag duda at nagsimulang makaramdam ng malakas na pangamba, at natuklasan ko ang kasinungalingan ng lahat ng aking napag-aralan at ipinangaral sa mga tao.Ngunit hindi ko maharap ang aking sarili at sinubukan sa halip na malampasan ang panloob na krisis at ipinagpatuloy ang aking trabaho.

Noong 1954, idinagdag ni Ginoong Khalil, ako ay ipinadala sa Aswan bilang isang secretary general ng German Swiss Mission. Iyon lamang ang aking maliwanag na posisyon, dahil ang aking tunay na misyon ay mangaral laban sa Islam sa Hilagang Ehipto lalo na sa mga Muslim. May isang pagpupulong ng mga misyonero ang ginanap sa oras na iyon sa Cataract Hotel sa Aswan, at binigyan ako ng pagkakaton upang magsalita.Sa araw na iyon ay nagsalita ako nang labis, na muling binabanggit ang lahat ng paulit-ulit na mga maling akala laban sa Islam; at sa pagtatapos ng aking pagsasalita, ang panloob na krisis ay muling dumating sa akin at nagsimulang rebisahin ang aking pananaw.

Sa pagpapatuloy ng kanyang kwento tungkol sa nasabing krisis, sinabi ni G. Khalil, “Sinimulan kong tanungin ang aking sarili: Bakit ko sasabihin at gagawin ang lahat ng mga bagay na ito na alam kong ako ay nagsisinungaling, dahil hindi ito ang katotohanan? Umalis ako bago matapos ang pagpupulong at umuwi mag-isa sa aking bahay. Ako ay lubosang natinag. Habang naglalakad ako sa hardin ng Firyal, narinig ko ang isang talata ng Quran sa radyo. Sinabi nito:

“Sabihin [O Muhammad]: Ipinahayag sa akin na ang isang pangkat mula sa mga Jinn ay nakinig, pagkaraan sila ay nagsabing; "Katotohanan, kami ay nakarinig ng isang kahanga-hangang pagbigkas [ng Quran]. Ito ay nagpapatnubay [tungo] sa matuwid, kaya kami ay naniwala rito at kailanman kami ay hindi magtatambal sa Aming Panginoon nang isa man [o ng anupaman].” (Quran 72:1-2)

“At katotohanan, nang aming narinig ang Patnubay, kami ay naniwala rito, at sinuman ang maniniwala sa kanyang Panginoon ay hindi nangangamba sa kawalan o ng anumang kawalang katarungan.” (Quran 72:13)

Nakaramdam ako ng ginhawa sa gabing iyon, at pag-uwi ko sa bahay ay ginugol ko ang buong gabi ng aking sarili sa aking silid aklatan na nagbabasa ng Quran. Ang aking asawa ay nagtanong sa akin tungkol sa dahilan ng aking magdamag na pag-babasa at humiling ako sa kanya na huwag akong paki alaman. Huminto ako ng matagal para sa pag-iisip at pagninilay-nilay sa talata:

“Kung ibinaba itong Quran sa [ibabaw ng] isang bundok, marahil ito ay iyong nakitang nagpapakumbaba-- [at] nagkasabug-sabog nang dahil sa kanyang takot sa Allah...” (Quran 59:21)

At ang taludtod:

“Katiyakan, iyong matatagpuan ang pinakamasidhing pagkapoot ng sangkatauhan sa mga naniniwala sa [lipon] niyaong mga Hudyo at niyaong mga mushrik [nagtatambal] at iyong matatagpuan bilang pinakamalapit sa pagmamahal sa mga naniniwala, yaong mga nagsasabing; "Kami ay mga Kristiyano." Iyan ay sa dahilang kabilang sa kanila ay mga [mabubuting] pari at mga [mabubuting] monghe at sila ay hindi mapagmalaki. At kapag kanilang naririnig ang anumang ipinahayag [o ibinaba] sa Sugo [si Muhammad] iyong makikita ang kanilang mga mata na labis ang pagtulo ng luha nang dahil sa natunghayan nilang katotohanan. Sila ay nagsasabing: "Aming Panginoon, kami ay naniniwala, kaya kami ay [iyong] italang kasama ng mga saksi. At bakit nga ba hindi kami maniniwala sa Allah at sa anumang katotohanang dumating sa amin? At aming hinahangad na [nawa'y] kami ay papapasukin [sa Paraiso] ng aming Panginoon kasama ng mga taong matuwid.” (Quran 5:82-84)

Pagkatapos ay sinabi ni G. Khalil ang pangatlong talata mula sa Banal na Quran na nagsasabi:

“Yaong mga sumunod sa sugo, ang Propeta na hindi nag-aral [o di-makabasa at di makasulat], [siya ay] kanilang matatagpuang nakasulat [o binanggit] sa anumang nasa kanila sa Torah at sa Ebanghelyo - na nag-uutos sa kanila ng kabutihan at nagbabawal sa kanila ng kasamaan, at kanyang ipinahintulot sa kanila ang mabubuting bagay at nagbabawal sa kanila ng kasamaan, at pinagagaan para sa kanila ang mga pasanin at mga sakal [o tanikala] na nakagapos sa kanila. Kaya, yaong mga naniwala sa kanya [kay Muhammad], gumalang sa kanya, nakipagtulungan sa kanya [upang itaguyod at ipalaganap ang mensahe ng Islam] at sumunod sa liwanag [o mga aral ng Quran] na ipinahayag sa kanya, sila yaong mga magsisipagtagumpay. Sabihin mo [sa kanila O Muhammad]: "O sangkatauhan, katotohanan, ako ay Sugo ng Allah para sa inyong lahat - Siya na nagmamay-ari [at tanging tagapamahala] ng mga kalangitan at ng kalupaan. Walang diyos [na dapat sambahin] maliban sa Kanya. At Siya ang nagbibigay ng buhay at nagdudulot ng kamatayan.” Kaya, maniwala sa Allah at sa Kanyang sugo [Muhammad], ang Propetang hindi marunong magsulat at magbasa na naniniwala sa Allah at sa Kanyang mga salita [Kapahayagan] at sumunod sa kanya upang sakali kayo ay mapatnubayan."(Quran 7:157-158)

Mahina Pinakamagaling

Si Philobus, Koptikong Pari at Misyonaryo na Ehipsiyano (bahagi 2 ng 2)

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Ang isang pari na sa isang pagkakataon ay aktibong nagkakalat ng mga maling akala patungkol sa Islam ay niyakap ang Islam (bahagi 2).

  • Ni Ibrahim Khalil Philobus
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 01 Jul 2007
  • Nag-print: 3
  • Tumingin: 5,120
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Nang gabing iyon, madramang tinapos ni G. Khalil:

“Ginawa ko ang aking pinal na desisyon. Kinaumagahan ay nakipag-usap ako sa aking asawa kung saan mayroon akong tatlong anak na lalaki at isang anak na babae. Ngunit sa lalong madaling panahon ay naramdaman niya na ako ay may interes na yakapin ang Islam kaya siya ay umiyak at humingi ng tulong mula sa pinuno ng misyon.Ang kanyang pangalan ay Monsieur Shavits mula sa Switzerland. Siya ay isang napakatuso.Nang tinanong niya ako tungkol sa aking tunay na saloobin, prangkahan kong sinabi sa kanya ang talagang nais ko at pagkatapos ay sinabi niya: Ibilang mo ang iyong sarili na wala na sa trabaho ng aming madiskubre kung anuman ang nangyari sayo. Pagkatapos ay sinabi ko: Ito ang aking pagbibitiw sa aking trabaho.Sinubukan niya akong kumbinsihin na ipagpaliban ito, ngunit iginiit ko. Kaya gumawa siya ng tsismis sa mga tao na nagalit ako. Sa gayon ay nagdusa ako sa isang matinding pagsubok at pang-aapi hanggang sa tuloyan kong nilisan ang Aswan at bumalik sa Cairo."

Nang tanungin siya tungkol sa mga pangyayari sa kanyang pagbabalik ay sumagot siya: “Sa Cairo, ipinakilala ako sa isang kagalang-galang na propesor na tumulong sa akin na malampasan ang aking matinding pagsubok, at ito ang ginawa niya nang walang nalalaman tungkol sa aking kwento. Itinuring niya ako bilang isang Muslim, sapagkat ipinakilala ko ang aking sarili sa kanya ng ganon gayunman hanggang doon ay hindi ko pa niyakap ang Islam nang opisyal.Iyon ay si Dr. Muhammad Abdul Moneim Al Jamal, ang pangalawang kalihin sa ingat-yaman.Siya ay lubos na interesado sa mga pag-aaral ng Islam at nais niyang gumawa ng isang pagsasalin ng Banal na Quran na mailalathala sa Amerika. Hiniling niya sa akin na tulungan siya dahil ako ay mahusay sa Ingles mula nang makuha ko ang aking M.A. mula sa isang American University.Alam din niya na naghahanda ako ng isang paghahambing na pag-aaral sa Quran, sa Torah at sa Bibliya.Nagtulungan kami sa pag-aaral na ito at sa pagsasalin ng Quran.

Nang malaman ni Dr. Jamal na nagbitiw ako sa aking trabaho sa Aswan at wala na akong trabaho, tinulungan niya ako sa isang trabaho sa Standard Stationery Company sa Cairo. Kaya't ako ay maayos na nakapagtatag pagkatapos ng isang maikling sandali.Hindi ko sinabi sa aking asawa ang tungkol sa aking hangarin na yakapin ang Islam, kaya naisip niya na nakalimutan ko ang buong pangyayari, at ito ay wala lang kundi isang transitoryal na krisis na hindi na umiiral. Ngunit alam ko ng lubosan na ang aking opisyal na pagbabalik-loob sa Islam ay nangangailangan ng kumplikadong mahabang hakbang, at sa katunayan ito ay isang labanan na ginusto kong ipagpaliban ng ilang oras hanggang sa ako ay maayos at makumpleto ang aking paghahambing sa pag-aaral."

Pagkatapos ay nagpatuloy si G. Khalil:

Noong 1955 natapos ko ang aking pag-aaral at ang aking materyal at ang aking pamumuhay ay naging maayos.Nagbitiw ako sa kumpanya at nagtatag ng isang tanggapan ng pagsasanay para sa pag-aangkat ng mga kagamitan sa pagsulat at paaralan.Ito ay isang matagumpay na negosyo na kung saan nakakuha ako ng mas maraming pera kaysa sa kailangan ko.Sa gayon ay nagpasya akong ipahayag ang aking opisyal na pagbabalik loob sa Islam. Noong ika-25 ng Disyembre 1959, Nagpadala ako ng isang telegrama kay Dr. Thompson, pinuno ng American Mission sa Egypt na nagpapaalam sa kanya na niyakap ko ang Islam.Nang sabihin ko ang aking totoong kwento kay Dr. Jamal ay lubos siyang namangha. Nang ipinahayag ko ang aking pagbabagong loob sa Islam, nagsimula ang mga bagong pagsubok. Ang pito sa aking mga dating kasamahan sa misyon ay sinubukan ang kanilang makakaya upang mahikayat ako na kanselahin ang aking deklarasyon, ngunit tumanggi ako. Binantaan nila ako na ihihiwalay ako sa aking asawa at sinabi ko: Malaya siyang gawin ang ayon sa nais niya. Nagbanta sila na papatayin ako. Ngunit nang makita nilang matigas ang ulo ko ay iniwan nila akong mag-isa at ipinadala sa akin ang isang matandang kaibigan na isa ring kasamahan sa aking misyon. Umiyak siya ng sobra sa harap ko. Kaya't binanggit ko sa harap niya ang mga sumusunod na taludtod mula sa Quran:

“At kapag kanilang naririnig ang anumang ipinahayag [o ibinaba] sa Sugo [si Muhammad] iyong makikita ang kanilang mga mata na labis ang pagtulo ng luha ng dahil sa natunghayan nilang katotohanan. Sila ay nagsasabing: 'Aming Panginoon, kami ay naniwala, kaya kami ay [Iyong] italang mga saksi." At bakit nga ba hindi kami maniniwala sa Allah at sa anumang katotohanang dumating sa amin? At aming hinahangad na [nawa'y] kami ay papapasukin [sa Paraiso] ng aming Panginoon kasama ng mga taong matuwid.’” (Quran 5:83-84)

Sinabi ko sa kanya:

Dapat kang umiyak sa kahihiyan sa Diyos sa pakikinig sa Quran at maniwala sa katotohanan na alam mo ngunit tinanggihan mo. Tumayo siya at iniwan ako nang makita niyang wala itong silbi. Ang aking opisyal na pagbabalik loob sa Islam ay noong Enero 1960.

Pagkatapos ay tinanong si G. Khalil tungkol sa saloobin ng kanyang asawa at mga anak at sumagot siya:

“Iniwan ako ng aking asawa sa oras na iyon at kinuha niya ang lahat ng mga kagamitan sa aming bahay. Ngunit lahat ng aking mga anak ay sumama sa akin at niyakap ang Islam. Ang pinaka masigasig sa kanila ay ang aking panganay na anak na si Isaac na nagbago ng kanyang pangalan bilang Osman, gayundin ang aking pangalawang anak na si Joseph at ang aking anak na si Samuel, na ang pangalan ay Jamal, at anak na babae na Majida na ngayon ay tinawag na Najwa. Si Osman ngayon ay isang doktor ng pilosopiya na nagtatrabaho bilang isang propesor sa Sorbonne University sa Paris na nagtuturo sa mga pag-aaral sa oriental at sikolohiya. Nagsusulat din siya sa magazine na 'Le Monde'. Patungkol sa aking asawa, iniwan niya ang bahay sa loob ng anim na taon at pumayag na bumalik noong 1966, sa kondisyon na papanatiliin niya ang kanyang relihiyon.Tinanggap ko ito, dahil sa Islam walang pamimilit sa relihiyon.Sinabi ko sa kanya: Hindi ko nais na ikaw ay maging isang Muslim para sa aking kapakanan ngunit pagkatapos lamang na makumbinsi ka.Nararamdaman niya ngayon na naniniwala siya sa Islam ngunit hindi niya maipahayag ito dahil sa takot sa kanyang pamilya, ngunit itinuring namin siya bilang isang babaeng Muslim, at siya ay nag-aayuno sa Ramadan dahil lahat ng aking mga anak ay nagdarasal at nag-aayuno.Ang aking anak na babae na si Najwa ay isang mag-aaral sa Faculty of Commerce, si Joseph ay isang doktor sa parmasyutiko at si Jamal ay isang inhinyero.

Sa panahong ito, mula pa noong 1961 hanggang sa kasalukuyan, nagawa kong maglathala ng maraming mga libro tungkol sa Islam at ang mga pamamaraan ng mga misyonero at orientalista ay laban dito. Naghahanda na ako ngayon ng isang paghahambing na pag-aaral tungkol sa mga kababaihan sa tatlong Banal na relihiyon na may layunin na bigyang pansin ang katayuan ng mga kababaihan sa Islam.Noong 1973, isinagawa ko ang Hajj (paglalakbay sa Mecca) at ginagawa ko ang mga aktibidad na nangangaral ng Islam. Ako ang may hawak sa mga seminar sa mga unibersidad at mga samahan ng pagkakawanggawa .Nakatanggap ako ng isang paanyaya mula sa Sudan noong 1974 kung saan nagdaos ako ng maraming mga seminar. Ang aking oras ay ganap na ginagamit sa paglilingkod sa Islam."

Sa wakas ay tinanong si G. Khalil tungkol sa mga nakamamanghang tampok ng Islam na higit na nakaakit ng kanyang pansin. At sumagot siya:

“Ang aking pananampalataya sa Islam ay naganap sa pamamagitan ng pagbabasa ng Banal na Quran at ang talambuhay ni Propeta Muhammad, nawa ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya. Hindi na ako naniniwala sa mga maling akala laban sa Islam, at lalo akong naakit sa konsepto ng kaisahan ng Diyos, na siyang pinakamahalagang katangian ng Islam. Isa lamang ang Diyos. Wala Siyang katulad. Ang paniniwalang ito ang nagdulot sa akin na maging alipin ng Diyos lamang at wala ng iba. Ang kaisahan ng Diyos ay nagpapalaya sa tao mula sa pagiging alipin mula sa sinumang tao at iyon ang tunay na kalayaan.

Gustong-gusto ko rin ang panuntunan ng kapatawaran sa Islam at ang direktang ugnayan sa pagitan ng Diyos at ng Kanyang mga lingkod.

“Sabihin: "O Aking mga alipin na nagmalabis [sa paggawa ng mga kasalanan] laban sa kanilang mga sarili, huwag kayong mawalan ng pag-asa mula sa habag ng Allah. Katotohanan, pinatatawad ng Allah ang lahat ng mga kasalanan. Katiyakan Siya ang lagi nang Mapagpatawad at Maawain. At magbalik-loob kayo [sa pagsisisi] sa inyong Panginoon at tumalima sa Kanya [sa Islam] bago dumating ang parusa sa Inyo; [sapagkat] pagkaraan [niyan] kayo ay hindi matutulungan.” (Quran 39:53-54)

Mahina Pinakamagaling

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Minimize chat